You are on page 1of 3

Aralin 5: Paglinang ng likas na yamang bayan

Gaano nga ba kalaki ang impluwensya ng likas na yaman sa ating pamayanan noon?
Gaano nga ba nito hinubog ang uri pamumuhay noon? Papaano nga ba ito naging malaking
bahagi sa buhay ng mga tao?
Malaki ang naging bahagi ng lupa sa pamumuhay ng mga nakatira sa kabundukan.
Pagtatanim ang naging buhay ng kanilang pamayanan kung kaya naman ay lupa ang naging
sentro ng kanilang pamumuhay. Mayroon na rin silang malaking ugnayan sa mga relihiyon at
paniniwala kaya inuumpisahan nila ng dasal at ritwal ang pagtatanim at pag-aani ng palay para
sa produktibong ani. Mayroon din silang maayos na sistema ng papapatubig o irigasyon kung
saan ang tumona na may pinakamalawak na pag-aari ng lupa ang siyang unang nakikinabang sa
irigasyon. Naglaan din sila nang magtitiyak kung ang lahat ng may tanim ay mabebenipisyuhan
ng irigasyon na tinatawag nilang lampisa.
Sa Cordillera ay mayroon silang baknang at kadangyan na siyang namumuno dahil
sa dami ng kanyang lupang pag-aari at bilang ng populasyon na pinagmumulan ng lakas
paggawa. Ili ang tawag nila sa kanilang pamayanan kung saan ito ay mayroong kolektibong
pamamaraan sa paglulutas ng mga hidwaan. Mayroon silang grupong maingel na nagseseguro ng
kaligtasan ng kanilang teritoryo sa pag-atake ng ibang grupo. Mayroon din silang sinasamba na
makapangyarihang tagapaglikha na tinatawag nilang Kabunian, Apong Malyari ng Pinatubo
Agta, Manama ng Manobo at Laon at Bathalang Maykapal. Nasasabi din na ang kanilang
relihiyon ay nakasalalay sa paggalang sa mga yumaong matatanda o anito.
Mayroon silang tatlong uri ng mamamayan. Una ay ang maginoo kung saan
nanggaling ang datu. Ang datu ay isang pinuno o lider na siyang tagapamagitan sa mga gusot at
ang tagapangalaga sa kanyang nasasakupan. Bilang kapalit nito, inaalayan siya ng mmga ani,
lakas paggawa at suporta ng mamamayan. Pangalawa ay ang mga alipin na siyang malayang
nakakapamili ng datu na kanyang pagsisilbihan. Ang mga maharlika na pinagtitiwalaang tauhan
ng datu ay hindi binabayadan ngunit binabahagian ng pribilehiyong tinatamasa ng datu mula sa
pakikidigma nito. Ang pinakahuli ay ang alipin. Ito ang pinakamababang antas kung saan sila
ang mga ipinapambayad sa pagkakautang o pagkabihag.

Mayroong mga pamayanan na hindi pirmihan ang tirahan katulad na lamang ng Ati at
Agta. Sila ay bumabase sa takbo ng panahon dahil sa dito nakasalalay kung anong yamang likas
ang maaari nilang anihinn. Ang kasapatan ng pangangailangan na maibibigay ng lugar ay ang
nagtatakda ng pananatili. Kung ubos na at wala ng makukuhang pagkain, sila ay maghahanap na
nang bagong matitirhan.
Ayon sa BAHAG ni Jaycee Ziv na simpleng simple lamang daw kung tutuusin ang
pamumuhay sa kabundukan. Walang mga magagarang sasakyan, kagamitan, malaking bahay na
bato, bagkus mga gamit na galing sa mga ibat ibang puno at halaman. Ang bahay ay gawa
lamang sa buli, sa dahon ng niyog, kugon, pero matatawag na nilang isang munting tahanan.
Tahanang nagsisilbi nilang kanlungan sa panahon ng tag-ulan, tahanang nagbubuklod sa kanila
bilang isang pamilya. Salat man sila sa yaman, sa mga prutas naman at pagkaing galing sa
kalikasan ay mayaman sila, naroon ang kayamanang likas na sa kanilay nagsisilbing lakas para
ipagpatuloy ang mabuhay sa kabila ng kahirapan. Pinagtatawanan man at inaalipusta ng iba dahil
sa kanilang kasuotan at kultura, patuloy ang takbo ng buhay nila sa piling ng mga mahal sa
buhay. Nakikisangkot na rin sila sa mga aspeto ng halalan, pakikibahagi sa ginagawa ng lipunan,
pakikisangkot sa mga mabubuting hangarin para sa kalikasan at sila ay nagpupumilit na
magkaroon rin ng mabuting edukasyon upang kahit papaanoy matugunan ang mga hindi
malamang bagay dahilan sa kamangmangan, ilan na nga rin ang sa kanila ngayoy may mataas
nang pinag-aralan, may guro, nars at mayroon na ring naging abogado. Dahil para sa kanila,
edukasyon ang tanging kayamanan na hindi na mananakaw sa kanila kailan pa man.
Tunay nga naman na nakakahanga ang mga mamamayanan na nakatira sa
kabundukan sapagkat sila ang mga taong tunay na nakakaalam ng kahulugan ng kayamanan.
Tunay nga na sobra ang kanilang paggalang sa kapaligiran na kung tutuusin ay hindi na
nabibigyan ng atensyon ngayon. Kapaligirang inaabuso ngayon na kung susumahin ay dapat
nating pahalagahan dahil dito tayo nakakakuha ng ating ikabubuhay. Totoo nga na hindi
kagandahan ang mga pananamit nila noon, tunay nga na wala silang mga naggagandahang
telepono, sasakyan, o ano pa mang kagamitang anak ng makabagong teknolohiya ngunit ang
kanilang kapaligiran, ang kanilang uri ng pamumuhay ang nagturo sa kanila kung paano maging
tao. Isang tao na marunong rumespeto sa kaniyang kapaligiran. Isang tao na marunong
magpahalaga sa mga bagay na bigay ng Panginoon.

Talasanggunian

ADHIKA ng Pilipinas at National Historical Institute. (2001). Kasaysayang Bayan: Sampung


Aralin sa Kasaysayang Pilipino. Manila: National Historical Institute

Ziv, Jaycee . Bahag. Retrieved From:


https://www.facebook.com/JayceeZivsBahaghari/posts/419220198133577

You might also like