Professional Documents
Culture Documents
Arpan - REACTION PAPER Kay Elpidio Quirino PDF
Arpan - REACTION PAPER Kay Elpidio Quirino PDF
DEPARTMENT OF EDUCATION
REACTION PAPER
Habang pinapanood ko ang Xiao Time, na ang paksa ay si Elpidio Quirino, lubos
akong nakaramdam ng paghanga sa kanya dahil unang-una, siya ay naging guro sa
edad na 16 at nagtatrabaho siya habang nag-aaral. Nagkaroon rin siya ng maraming
posisyon tulad ng mambabatas, senador, at deligado ng Constitutional Convention.
Humawak din siya ng posisyon sa gabinete. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
inaresto siya sa loob ng 15 na araw sa Fort Santiago. Tinamaan din ng bomba ang
duplex na tinitirhan niya at ng kanyang pamilya sa Maynila na ikinaatake sa puso ng
nanay ng asawa nya at pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay.
Ngunit sa halip na magrebelde sa mga Hapones ay pinakawalan niya ang mga
ito dahil gusto niyang makipagbati sa mga ito at maghilom ang mga sugat na nakatatak
na sa mga puso ng mga Pilipino magpakailanman.
Siya rin ay tinaguriang Ama ng Foreign Affairs and Services dahil sa pagsisikap
na kanyang ginawa nang siya ay namuno ng anim na taon sa Pilipinas.