Makapiling Ka (Kwento NG Aryan at Dravidian)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Nang angkinin ng mga Aryan ang lupain nang mga Dravidian, napilitang magsilikas ang

mga ito sa mga kagubatan at mga kabundukan o di kaya'y manilbihang alipin na lamang sa
Isang halimbawa na lamang ng Dravidiang nagpa-alipin ay si Abhay, ika niya wala na rin
mga Aryan.
naman siyang pamilyang makakasama sa paninirahan sa kabundukan kung kaya't mas mabuti
nang manatili na lamang siya rito sa kanyang bayang sinilangan kung saan hindi niya
makakalimutan ang mga iniwang alaala ng kanyang mga magulang.

Ngunit bukod pa roon, ayaw ni Abhay na malayo sa bayang iyon sapagkat naroroon ang
kanyang iniibig na nag-iisang anak ng kanyang among mga Aryan.

Si Bhamini, isang napakagandang babae ay tinitingala ng bawat lalaki sa kanyang


bayan. Siya ay may malinis na puso at kakaiba sa tipikal na mga Aryan. Hindi niya trinatrato
ng mababang uri ang mga Dravidian. Ang paniniwala niya, tao din ang sinumang Dravidian
gaya ng mga Aryan, pare-pareho lamang silang mga Indian at sa katotohanan nga e silang
mga Aryan ang mananakop lamang sa tunay na teritoryo ng mga Dravidian.

Nagtagpo ang landas ni Abhay at Bhamini dalawang taon na ang nakakalipas, noong
mga panahong bago pa lamang ang mga Aryan sa teritoryo ng mga Dravidian at wala pa
silang kapangyarihang paalisin ang mga ito sa kanilang teritoryo. Naglalaro sa labas ng
kanilang bahay si Abhay ng makita niya si Bhamini na nag-iisa.

Nagkatinginan si Abhay at si Bhamini ng sandali at nahulog na agad ang loob sa kanya ng


lalaki. Wala pa siyang nakitang ganito kagandang babae sa kanyang buhay. Hindi na niya
pinakalawan ang pagkakataon at agad niyang nilapitan ang babae na tila naliligaw at may
hinahanap.
Naliligaw nga si Bhamini sapagkat tinanong nito si Abhay kung saan ang daan pabalik sa
kanyang tahanan na malapit sa templo ng Hindu. Upang tiyaking ligtas ang babae pabalik sa
kanyang tahanan, sinamahan siya ni Abhay.

Sa kanilang paglalakad, nagkakwentuhan ang dalawa tungkol sa mga bagay-bagay at


doon nakita ni Abhay ang busilak na puso ni Bhamini.
Simula ng araw na yoon naging mag-kaibigan na sila, madalas nilang magkasamang
libutin ang kanilang bayan at saliksikin ang mundong kanilang ginagalawan.

Makalipas ang dalawang taon ng kanilang pagkakaibigan, hindi na nakayanan pang


itago ni Abhay ang kanyang nararamdaman para kay Bhamini. Ipinagtapat niya ang kanyang
pagmamahal kay Bhamini na mahigit dalawang taon niya nang ikinukubli. Takot siya na
aminin ito sa babae sapagkat baka biglang magbago ang tingin nito sa kanya at siyay
layuan. Ngunit ng mga panahong yoon, bilang na mga salita ang bukod tanging inimik ni
Bhamini, Mahal din kita, Abhay. Mas mahal kita higit pa sa inaakala mo.
At ng araw na iyon wala ng mas sasaya pa kung hindi silang dalwa.
Gabi na ng umuwing may dalang ngiti sa mukha si Abhay. Takang-taka nga ang pamilya
nito sa kakaibang ngiting ipinapakita niya. Naghanda na sa pagtulog ang mga magulang niya
at dalwang kapatid samantalang siya ay gising na gising pa rin dahil sa kilig na nadarama.

Umabot na ng alas-dose ng gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog nang bigla na lamang
siyang may naamoy na nasusunog. Ang bahay nila nasusunog! Dagliang ginising ni Abhay ang
kanyang pamilya mula sa pagkakatulog. Sa madaling oras lilikas na sana sila ng biglang
nahulugan ang pamilya niya ng mga nag-aapoy na kahoy. Samantalang siya ay papalabas na
sa pintuan. Nang sumulyap siya pabalik, wala na ang kanyang pamilya na kaninay nasa likod
niya Hinila
lamang.
siya papalayo ng kanyang kapwa Dravidian mula sa kanyang bahay habang siyay
nag-aamok pa sa bilis ng mga pangyayari. Hindi niya maintindihan ang kanyang nasa paligid
nagtatakbuhan ang mga tao sa ibat-ibang direksyon, nasusunog ang kanilang bayan maliban
na lamang sa bulong ng Dravidiang tumulong sa kanya na nagsasabing sumama siya sa kanila
papuntang kagubatan at doon magsisimula ng panibagong buhay.

Ngunit hindi sumama si Abhay bagkus ay nanatili siya sa tapat ng kanyang nasusunog na
bahay hanggang sumapit ang umaga.

Nang magising siya ay may nakita siyang dyosa sa kanyang harapan. Akala niyay
Napansin
ni Bhamini
ang tumulong
luhamahal
ni Abhay.
Ngayon ka?
pa lamang niya nakita
nanaginip
lang siya
ng magsalita
ito, Abhay,
ko, kamusta
itong nagkaganito sa buong pagsasama nila. Dahil sa awa niya sa lalaki, napag-isipan
Si Bhamini
pala,
ang kanyang
kasintahang
mala-dyosang
ganda.
niyang
patuluyin
na lamang
niya ito
sa kanyangmay
bahay
pansamantala.

Agad na
namang
ang lalaki
sapagkatsila
wala
rinmagulang
naman siyang
ibangsi
Papauwi
sila sasumang-ayon
bahay ni Bhamini
ng salubungin
ng na
mga
ng babae,
mapupuntahan.
At mas
na babae,
kung ganun
sapagkat
lalo
siyang
malalapit
sa
Manju
at Rahul. Si Rahul,
angmabuti
tatay ng
ay hinigit
papalayo
ang
kanyang
anak mula
kasintahan. Si Bhamini
na lamang
din naman
ang natitira
niyang niyang
kayamanan.
kay kanyang
Abhay. Nagpaliwanang
naman agad
ang babae
na kailangan
ng kaibigan
si Abhay
ng pansamantalang matutuluyan. Pumayag naman ang mga magulang ni Bhamini ngunit sa
isang kundisyon, kailangan nitong magpa-alipin sa kanila gaya ng ibang Dravidian na
nanilbihang alipin na lamang din matapos ang gulong naganap noong gabi.

Ayaw man ni Abhay na maging alipin ng kahit sino, tinanggap niya pa rin ang alok sa
kanya sa kadahilanang ayaw niyang malayo sa kanyang kasintahan at sa mga ala-alang
naiwan sa kanya dito ng namayapa niyang pamilya.

Lumipas ang ilang araw at nasanay rin sa mahirap na trabaho si Abhay, wala man
siyang gaanong kinikita ngunit lubos lubos na para sa kanya ang makita niya si Bhamini
mula umaga hanggang gabi sa araw-araw.
Hindi naglaon ay nadiskubre ng mga magulang ni Bhamini ang tunay na relasyon nila ni
Abhay. Upang hindi na mag-atubili pang makipagkita muli ang kanilang anak sa Dravidian
nitong kasintahan, minabuti na lamang nilang ikulong ito sa kanyang kwarto.

Nang makarating ang balita kay Abhay ukol sa pagkukulong ng mga magulang ni Bhamini
sa kanya. Hindi nag-dalawang isip pa si Abhay na pakawalan ang kanyang kasintahan. Ngunit
ng malapit na siya sa kwarto ng iniirog ay nagbabantay pala doon si Rahul at pinagbantaan ng
ama ng babae ang buhay ni Abhay kung hindi niya lalayuan si Bhamini. Noong sandali ring iyon
ay pinalayas ni Rahul si Abhay sa kanilang bahay at sinabihang huwag na kailanman
magpapakita pa sa bayang iyon.

Umalis si Abhay ng halos wala ng pag-asang makita pa ulit ang kanyang iniirog ngunit
anuman ang mangyari ay ipaglalaban niya ang pag-ibig niya kay Bhamini. Nakaisip siya ng
paraan
upang
makasama
niya si Bhamini
sa oras
na mga
yoon ay hindipatay
niya na
Isang
umaga
may nagpadala
ng sulatatkay
Bhamini
na nagsasabing
na hahayaang
si Abhay ng
magkalayo
sila ng
magpakailanman.
makakain
itopa
ngulit
prutas
naminamahal,
merong lason
habang naglalakbay. Ngunit hindi pa man nakakarating
sa kanya ang balitang ito ay alam na ng kanyang mga magulang. Kung kayat hinayaan nila si
Bhamini na makalabas sa kanyang kwarto upang makita si Abhay sa huling pagkakataon bago
sunugin ang katawan nito bilang ritwal sa mga namamatay.

Nang makita ni Bhamini si Abhay na wala ng malay na nakahiga sa kahoy nitong libingan ay
agad na nanlumo ang babae at hindi niya nakayanan ang bigat na dulot ng pagkakamatay ng
kaisa-isang pinakamamahal. Tumakbo siya papalayo kay Abhay na may tumutulong mga luha.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta gusto niya lang mapag-isa.

Nang mapansin ni Abhay na tumatakbo palayo sa kanya si Bhamini ay agad itong tumayo
sa peke niyang libingan. Hindi pala tunay na patay si Abhay, ito ay kasama lang pala sa
kanyang plano upang maitakas si Bhamini. Sinundan niya si Bhamini ngunit nakalayo na ito
agad ng hindi napapansin na buhay pa talaga si Abhay.

Sa pagtakbo ni Bhamini, may nakasalubong siyang sepoy (sundalong Indian). Nakita


niya ang nakalawit nitong kumikinang na espada. Naalarma na lamang ang sepoy ng
biglang hugutin ni Bhamini ang espada sa kanyang gilid. Hindi na kayang ibunga pa ni
Bhamini ang sakit ng akala niyang pagkawala ni Abhay. Itinusok niya direkta sa kanyang
puso ang matulis na espada at sa isang saglit ay nawalan na siya ng buhay.

Dilat na dilat ang mata ni Abhay ng masaksihan ang pagtumba ng katawan ni Bhamini sa
lupa, duguan siya at may saksak ng esapada na sining ng sarili niyang kamay. Ang akala niyang
tagumpay ng kanyang plano na magkasama silang muli ni Bhamini ay nagdulot lamang sa
pagkakamatay ng babaeng irog.

Kumakapal na ang nagkumpol na mga tao sa paligid ni Bhamini, hinawi ni Abhay gamit
ang kanyang kamay ang mga taong nakikiosyoso sa pagkamatay ng kanyang iniibig. Umupo
siya sa tabi ng babae at tinanggal ang espadang nakatusok sa katawan nito. Niyakap niya ng
mahigpit si Bhamini at ibinulong dito na hindi na sila muli pang magkakahiwalay.

Humiga si Abhay sa tabi ni Bhamini at hinawakan ang kamay ng sinisinta, habang ang isang
kamay naman ay hawak ang espada ng sepoy na naging instrumento ng pagkakamatay ni
Bhamini.Mahal na mahal kita, Bhamini, ang huling mga salitang binitiwan ni Abhay. Walang
pagdadalawang-isip ay itinusok rin ni Abhay direkta sa kanyang puso ang espada.
At sa mga sandaling iyon wala ng mas liligaya pa kundi ang kanilang mga kaluluwa.
Wala ng makapaghihiwalay pa sa kanila wala na.

You might also like