Final Publication 2015 A A A

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Contents

TABLE OF
3

Ang bagong mukha


ng pang - aalipin

Pasasalamat sa Ika-19 na Taong


Anibersaryo ng KAAGAPAY
Racma Nguda

4
5

Mga Opisyales ng Barangay sa


Maguindanao Nabigyan ng Programa
sa Pagpaangat ng Kamalayan Hinggil
sa Karapatan ng mga OFWs
Ma. Catherine M. Gasa

Pagbabahagi ng Matagumpay na Kwento ng


Pangkabuhayan, Inilunsad sa mga Piling Organisasyon

Racma Nguda

Tatlong Organisasyon, Natulongang Mabuo ng


Kaagapay sa Taong 2015
Al-PsyMir1315

MIHANDs Nag-abot ng Tulong sa mga Pamilyang


Apektado ng Gyera sa Maguindanao
Racma Nguda

Ang Aking Karanasan sa Psychosocial na


Gawain (Isang Repleksyon)
Jasmine G. Bayao

Mga Migrant Rights Advocates at Migranteng Manggagawa,Dumalo sa Pagsasanay


para sa Karapatang Pantao!
Milyn Cruz

Ang Aking Repleksyon sa Nadaluhang


Pagsasanay sa Karapatang Pantao at
Migranteng Manggagawa
Kapia Pakan

Labor Consultation sa Cotabato City


Matagumpay na Naidaos!
Jasmine G. Bayao

10

Pagbibigay ng Pre-EmploymentOrientation Seminar,


Ipinagpatuloy sa mga Komunidad at Paaralan
Fatima Lintang-Ali

11

Sinimulang Micro - lending sa mga Kasapian ng


Kagkalimwa OFW Federation, Mas Pinalakas at
Pinaunlad Pa
Racma Nguda

11

Ang Pagdalo ng Kinatawan ng Kaagapay sa


Pangalawang Asia Pro Bono Forum sa
Bangkok, Thailand
Jasmine G. Bayao

12

Mga Kababaihang Lider Nag-aral at Nagsanay sa Usaping


VAWC at Illegal Recruitment
Goldy Omelio

12

Sa Kabilang Banda
mhineshinn

13

Konsultasyon Hinggil sa Ulat ng Pamahalaan sa


Komitiba ng CEDAW

14

Mga Migrante at Usaping Migrasyon, Tinalakay sa mga


Konsultasyon Bilang Paghahanda sa Post-2015
Development Agenda
Goldy Omelio

Jasmine G. Bayao

14
15

Mga Komperensya ng mga Beneficiaries at


Partners Naorganisa
Jasmine G. Bayao

15

Ibat-ibang Lider ng Organisasyon, Nagsanay sa


Usaping Paralegal
Romilyn Cruz

16

Ang Makasaysayang Paglunsad ng


92-Km Climate Walk sa Lanao del Norte
Milyn G. Cruz

17

Paglalakbay para sa Sangkatauhan at Hustisya sa ating


Klima, Dinaluhan ng mga Taumbayan at mga Anak ng
mga OFWs!
Stephany Silongan

18

Pagtaguyod ng Mas Ligtas na Paraan sa Paghahanap at


Pangangalap ng Trabaho ng mga OFWs,
Pinag-usapan!
Goldy Omelio

18
19
19
20

TANIM-BALA
Dagdag Pahirap sa mga OFWs!
Goldy Omelio

21

Ang Naitulong ng MicroLending sa Pamumuhay ni Sarsia Eskak

MARY JANE VELOSO


Kongkretong Naglalarawan sa Kapabayaan ng Pamahalaan
sa Pangangalaga at Paglaban sa Karapatan ng mga OFWs
Goldy Omelio

Ang Naitulong ng Micro-Lending sa Pamumuhay ni


Mercy Dima
OFWs First Wish
December 2015

22

Hapdi
October 2015
Balik tanaw sa Pag aabroad Tula
Racma Nguda
Paglisan
Mhineshinn

22
23

Legal Assistance and Counseling


Updates sa Buong Taon ng 2015

EDITORIAL

Ang bagong mukha


ng pang - aalipin

Ang pang-aalipin ng isa o
grupo ng tao laban sa kapwa tao ay
makikita sa buong kasaysayan ng
mundo mula ng nailuwal ang tao rito.
Ang nagbabago lang rito ay ang
kongkretong
mukha
ng
pagaalipin ng tao sa kapwa tao.
Malinaw na mula ng mabuo ang
mundo ay dumaan ito sa walang
humpay na pagbabago kung saan
ang tao ay may aktibong papel.

Makikita ang pagbabago
at pag-unlad nito kasabay ang
pagbabago ng mukha ng pangaalipin ng tao sa kapwa tao sa mga
lumang tipan at mga sagradong
kasulatan ng mga mananampalataya.

Makikita rin na habang
nagbabago at umuunlad ang mundo
lalong lumalala ang pang-aapi at pangaalipin na dulot ng tao sa kanyang
kapwa at sa kalikasan. Naging
malinaw rin na sa pangkabuohan ang
kadahilanan ng pang-aapi at pangaalipin na ito ay tila bagang walang
katapusang pagkaganid at walang
kabusugang pagkasakim para sa
pangsariling kapakanan at interes.

Masyado ng napakalayo ang
naabot ng pagbabago at pag-unlad ng
mundo at ng tao. Masyado na ring
malayo ang pagkakaiba ng naging
mukha ng pang-aalipin at pang-aapi
ng tao sa kapwa niyang tao. Kung
tutuusin ay hindi na siya nagkasya
sa pang-aapi sa kapwa nito ngunit
nang aabuso na rin sa kalikasan.

Noong unang mga panahon

malinaw pa ang kaugnayan ng


nang-aapi
at
nang-aalipin
sa
kanyang biktima, ngayon halos
wala na ang ganitong kaugnayan.
Ang kalagayan ng OFWs ay
maituring na dumaranas sa bagong
mukha ng pang-aalipin at pangaapi sa kasalukuyang mundo at
kalagayan ng bansang Pilipinas.


Ang pangingibang bansa ng
halos kalahati na buong lakas paggawa
(kasali na ang di dokumentado) ng
bansa ay malinaw na nagpapakita
ng makabagong mukha ng pangaalipin at pang-aapi ng mga
mahihirap at manggagawa ng bansa.

Ang kawalan ng oportunidad
para makapagtrabaho na may makatao
at disenting sahod ang pangkabuohang
dahilan sa dumaraming OFWs.
Ang di makitang pang-aapi, pangaabuso at pang-aalipin ng mga
malalaking negosyante ang tunay
na
dahilan
ng
napakababang
sahod
ng
mga
manggagawa.

Ang saligang kakulangan ng
pagtulong ng pamahalaan sa kapakanan
at interes ng manggagawa ang nagtulak
sa kanila upang humanap ng ibang
gawain sa ibang bansa. Ang pangaapi at pang-atabuso ng mga rekruters
na tinatago sa pagkukunwaring
pagtulong ng mga nangangailangan ng
trabaho ng manggagawa ang dagdag
na nagpapahirap sa mga biktima.

Ang pang-aabuso at pangaalipin ng ibat-ibang amo o employer
ng mga OFWs ay patuloy na nagkukubli
ng tutuong tulong at kontribusyon ng
mga OFWs sa mga pinupuntahang
bansa
para
makapagtrabaho.

Ang hindi inuugnay na kahalagahan


ng malaking kontribusyon ng mga
OFWs sa bansa at ang halos walang
tulong serbisyo ng mga ahensya
ng gobyerno sa mga suliraning
hinaharap ng mga OFWs ay mas
higit na nagbibiktima ng mga OFWs.
Ang napakahirap na magpahayag at
ibat-ibang pamamaraan ng OFWs
para kahit papano ay maibsan ang
pangungulila at pagkalayo sa kanilang
pamilya upang makapagbigay ng
mabuting kinabukasan ay kongkretong
nararanasan ng OFWs na dagdag na
pabigat at pahirap bilang manggagawa
na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang kasalukuyang pang-aapi
na nararanasan ng OFWs ay ang bagong
mukha ng pang-aalipin. Mistulang
pinapabili sila ng sariling pamahalaan
at mga rekruters para makapagpadala at
makauwi ng kinakailangang pera para
makagalaw ang ekonomiya ng bansa.

Mas lalong malilinaw ang
ganitong pang-aalipin ng mga OFWs
sa kasalukuyang kalagayan sa gitnang
silangan na dumaranas ng kahirapan
dahil sa patuloy na pagbaba/pagbagsak
ng presyo ng produktong lana at ng
gasolina. Inaasahang magkakaroon
ng
malawakang
pagtatanggal
ng mga OFWs sa rehiyong ito.

Tinatayang aabot sa halos 2
milyon ang mga OFWs na nagtatrabaho
sa gitnang silangan. Saan at ano ang
kanilang magiging trabaho kung
sakaling babalik sila sa bansa? Walang
nakakaalam. Ang malinaw lang rito ay
ang hindi o halos walang kaugnayan ng
tinataguriang bagong bayani ng bansa
at ng bagong mukha ng pang-aalipin.

At malinaw na nanaisin ng mga
bagong bayaning ito na magpaiwan
at magbakasaling makahanap ng
ibang trabaho para mabuhay ang
kanilang pamilya kaysa uuwi sa bansa
at mamatay sa gutom kasama ang
kanilang pamilya. At ang mas malinaw
rito ay ang patuloy na pang-aalipin ng
malaking bahagi ng lakas paggawa
ng bansa sa gutom at kahirapan.

Pasasalamat sa Ika-19 na Taong


Anibersaryo ng KAAGAPAY
ni: Racma Nguda

Mga Opisyales ng
Barangay sa Maguindanao
Nabigyan ng Programa sa
Pagpaangat ng Kamalayan
Hinggil sa Karapatan ng
mga OFWs
ni: Ging M. Gasa


Sa ika-labing anim (16) ng Oktubre taong 2015 ay idinaos ang
ikalabing siyam (19) na selebrasyon ng pagkabuo ng Kaagapay. Nakaugalian
at nakasanayan na ng mga masigasig na staff at mga butihing Board Members
ng Kaagapay na sa ganitong araw ay nagkaroon ng maliit tna salu-salo
at pagtitipon-tipon para sa isang masaya, maliit ngunit makabuluhang
pasasalamat.

Ang pasasalamat at paggunita ay nakatuon sa mga masasaya at
mapaghamong mga pagsubok sa mga kumunidad na nakaya ang paglunsad
ng mga gawain na nangangailangan ng serbisyo ng Kaagapay lalong-lalo na sa
mga nangagailangan na mga OFWs upang maprotektahan ang kanilang mga
karapatan.

Ang mga serbisyo ay paglaban mula sa kalupitan at mga pang-aabuso
ng kanilang amo. Agarang mabigyan ng counseling at tulong sa pamamagitan
ng pagpaabot nito sa mga partners mapang lokal man o international.

Sa pagkakataong ito ay nananalangin at umaasa ang buong
institusyon na sa kabila ng mga maraming pagsubok ay maalpasan ito at
patuloy pang makapagserbisyo at makapag bigay ng mga kaalaman sa mga
nangangailangan, lalong-lalo na sa mga lugar na minsan lang mabigyan ng
mga karunungan at kaalaman.

Ang Kaagapay ay handang maghandog ng serbisyo hanggang
makayanan nito sa mga kumunidad lalong-lalo na sa mga organisasyon at
sa mga OFWs na nangangailangan ng tulong. At ang ganitong misyon ay
binibigyang halaga taon-taon lalong-lalo na sa anibersaryo nito.


Noong May 12, 2015 ay
naisagawa
ang Programa sa
Pagpapaangat ng Kaalaman ng
mga Pinuno sa Barangay: Daan
sa Pagprotekta sa mga OFWs at
Kanilang Pamilya (Awareness
Raising Program among Barangay
Officials: Key to Protect OFWs and
their Families) sa bayan ng Datu Odin
Sinsuat (DOS) ng Maguindanao.

Mayroong forty one (41)
pinuno ng mga barangays mula sa
labin-walong (18) barangays ang
dumalo dahil ang ibang mga kapitan
at secretary ay nasa Cotabato City
para sa kanilang gawain hinggil sa
Internal Revenue Allotment (IRA).
Base sa mga palitan ng kuru-kuro ng
mga dumalo, ay mayroon ring mga
inisyatiba ang ibang barangay kung
saan gumawa sila nang Facebook
account para doon mas maging
madali ang daloy ng komunikasyon
ng kanilang mga kababayan na
nagtatrabaho sa labas ng bansa.
Binahagi rin ng ilang pinuno na
kadalasan ang mga kababaihan na
nag-aasikaso ng kanilang pasaporte
ay gumagamit ng hindi tunay na

address sa kanilang mga dokumento


kundi address ng kanilang kakilala
sa Cotabato City o di kayay Maynila
kaya wala silang naka rekord na
mga kaso sa kanilang barangay.
Naging mabunga ang programa dahil
naipaabot sa mga pinuno ng barangay
kung ano ang kanilang maaaring
magawa kung sakaling may nagkaproblema na OFW sa kanilang
barangay. Makalipas ang ilang mga
linggo, isa sa mga barangay kagawad
na dumalo sa nasabing programa
ay nakapagdulog sa Kaagapay ng
kaso ng isang OFW na kasalukuyang
nagkaproblema
sa ibang bansa.

Naibahagi niya rin
na
talamak na ang illegal recruitment
sa kanilang barangay at unti-unti
niyang pinapaunawa sa kanyang
mga kapitbahay at kapamilya ang
mga gawaing illegal recruitment
para sa ganon hindi sila mabiktima.

Noong May 14, 2015 naman
ay naisagawa ang kaparehong
programa sa bayan ng South Upi,
Maguindanao.
Medyo matagal
bago nakapag-umpisa dahil malayo
sa bayan ang mga barangay.


Sa labing isang (11)
barangay ng nasabing bayan ay
apat (4) na barangay lamang ang
nakapagpadala ng kanilang kawani
subalit naidagdag sa mga dumalo
ang mga opisyal at kawani ng
munisipyo tulad ng bise mayor at mga
konsehal ng bayan kayat umabot
sa dalawampu (20) ang nakadalo.

Naging mabunga ang daloy
ng mga talakayan at maraming
lumabas na mga katanungan at
mga paglilinaw tungkol sa na
ibahagi na mga topiko tungkol sa
mukha ng pang-aalipin at pangaapi nang pangingibang bansa at
ang kahalagahan ng papel ng mga
opisyal at kawani ng barangay para
sa pag-protekta sa karapatan ng
mga OFWs at ng kanilang pamilya.

Pagbabahagi ng
Matagumpay na Kwento
ng Pangkabuhayan,
Inilunsad sa mga Piling
Organisasyon
ni: Racma Nguda


Bilang pagbigay
inspirasyon at dagdag na kaalaman
sa mga piling organisasyon ng
Kagkalimwa, ay idinaos ang
Tagumpay sa Pangkabuhayan:
A Sharing of Successful Stories
of Social Enterprise noong
Septembre 9 at 10, 2015. Ito
ay unang ginanap sa Ummah
Development Foundation, Inc.
sa 34 na myembro ng OFW
Organization of RS Buan at OFW
Organization of Bulalo, Inc. at
sinundan sa Barangay Kitakubong,
Alamada, North Cotabato sa 31
na kasapian ng Alamada OFW
Organization, Families, Friends
and Relatives.

Ang mga nasabing
organisasyon ay napili bilang
mga pilot beneficiaries ng microlending initiative for organization
ng Micro-Enterprise Development
(MED) program. Ang nasabing
inisyatiba ay sisimulan sa Enero
2016.

Naimbitahan bilang
panauhin si Vermida Bebe
Delicano mula sa Nagkahiusang

Mangingisda sa Karumatan
(NAMANGKA) ng Sultan Naga
Dimaporo, Lanao del Norte na
nagbahagi ng kanilang karanasan
sa pagpalago at pamamahala
sa paggawa at pagtinda ng
sardines. Nailatag niya ang mga
pamamtaraan kung paano naging
kabahagi ang bawat kasapi sa
pagproseso at pagdala sa merkado
sa nagawang sardinas maging
ang mga nakaambang na mga
responsibilidad ng mga opisyales at
kasapian ng organisasyon.

Ang kanyang pagbahagi
ay naging oportunidad sa mga
lumahok na madagdagan ang
kanilang kaalaman sa kolektibong
pamamahala sa isang livelihood
project bilang isang organisasyon.

Kabilang sa naibahagi ay
ang mga pagsubok sa kanilang
grupo. Ang mga dinaanan na
pagsubok ay nagsilbing aral sa
kanila upang matuto at magpatuloy
sa kanilang gawain.

Sa buong araw na programa
ay binigyan ng pagkakataon ang
bawat organisasyon na i-presenta
ang naisip nilang pamamaraan sa
micro-lending sa mga kasapian ng
organisasyon. Sa pangkabuoan,
nagkaisa ang bawat organisasyon
sa sistema ng koleksyon, maliit
na interes at mga pamamaraan
kung paano maibalik sa Kaagapay
ang walang interes na pondong
gagamitin sa pautang sa loob ng
dalawang taon.

Ang bahagi ng karanasan
ay isang magandang stimulain sa
mga organisasyon na nakaranas
ng maraming pagsubok at maging
basihan din ito upang mapaunlad
ang kanilang sarili, pamilya at
organisasyon sa darating na mga
araw.

Tatlong Organisasyon, Natulongang Mabuo ng Kaagapay sa


Taong 2015
ni: Al-PsyMir1315

Sa taong 2015, ang
Kaagapay ay patuloy na
nagsagawa ng PEOS na kung
saan ang ibang mga komunidad
na napuntahan ay nagpaabot ng
intensyon na makabuo ng kanilang
organisasyon. Kaya sa taong ito,
ang Kaagapay sa pamamagitan
ng programang Education,
Training and Organizing (ETO)
ay nakatulong na mabuo ang
dalawang (2) organisasyon ng mga
OFWs at kanilang pamilya. Ang
una ay ang Kauyag-uyag Calsada
OFWs Families and Relatives
Organization ng Barangay
Calsada, Sultan Kudarat,
Maguindanao na karamihan sa 45
myembro nito ay Maguindanaon
at OFW returnees at families. Ang
pangalawa ay ang Lower Glad
Chrismus OFW Families, Friends
and Relatives Organization ng
Barangay Lower Glad, Midsayap,
North Cotabato. Ang 75 myembro
nito ay binubuo ng mga Muslims
at Christian believers. Ang
dalawang organisasyon na ito
ay nag-desisyong mabuo upang
makaambag sa pagtaguyod
at pagsulong ng kapayapaan
at lalong-lalo na ng karapatan
at kapakanan ng mga OFWs.
Layunin rin nila na makasalamuha
ang iba pang grupo at makakuha
ng mga pagsasanay at iba pang
serbisyo ng Kaagapay.

Ang isa pang organisasyon
na natulongang mabuo ay ang
mga anak ng OFWs na mula sa
Cotabato City at ilang erya ng
Maguindanao. Ito ay naisagawa
matapos ang sunod-sunod na
mga activities ng Kaagapay
para sa mga anak ng OFWs
simula pa noong 2013 ng sila ay
naging kabahagi ng Paaralang
Pangkaunlaran para sa mga
Anak ng OFWs na nasundan ng
Educational and Recreational
Activities for Children of OFWs sa
taong 2014. Dahil sa magandang

resultang naabot ng mga nasabing


activities ay isinagawa din ng ETO
program sa tulong ng Kagkalimwa
OFW Federation ang isang survey
na naglalayong kumuha ng
profile ng mga anak ng OFWs na
myembro ng Kagkalimwa OFW
Federation. Dahil sa malaking
bilang ng mga kabataang anak
ng mga OFWs at sa intensyong
ipinaabot ng iilan na magpaorganisa, ay natulongan ng
Kaagapay na sila ay mabuo bilang
isang organisasyon noon Hunyo
16, 2015.

kabahagi sa relief operation ng


Mindanao Humanitarian Action
Network against Disasters
(MIHANDs) sa mga erya ng
Maguindanao na apektado ng
labanan sa pagitan ng Armed
Forces of the Philippines (AFP),
Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF), Moro Islamic
Liberation Front (MILF) at private
armed
groups (PAGs).


Ang relief operations ay
naisagawa noong Abril 13, June
16 at 17 sa mga piling barangay/
evacuation centers ng mga bayan
ng Datu Unsay, Datu Saudi
Ampatuan at Guindulungan ng
probinsya ng Maguindanao.
Mayroong 750 na indibidwal
ang nabigyan ng psychosocial
services, alternative health service
at food packs. Ang psychosocial
services ay pinangunahan ng
Kaagapay.

Marami rin ang mga
magulang ng mga OFWs na
apektado sa mga nasabing lugar
na nakaranas ng paghihirap sa
evacuation center. Minsan ay
palipat-lipat sa ibat-ibang lugar
at nasisira ang mga pananim na
pinagkukunan ng kabuhayan.

MIHANDs Nag-abot ng
Tulong sa mga Pamilyang
Apektado ng Gyera sa
Maguindanao


Makikita na kahit sa maliit
na tulong ng MIHANDs, ang mga
nakatanggap nito ay masaya
lalong-lalo na dahil ang bigas na
naibigay ay ligtas kainin dahil ito
ay organic rice o bigas na hindi
ginamitan ng synthetic fertilizers.
Ganitong uri ng bigas dapat ang
maibigay sa mga nangangailangan
na siguradong ligtas na kainin
ng buong pamilya kahit sa mga
internally displaced persons (IDPs)
na katulad nila.

ni: Racma Nguda


Ibat-ibang sektor at grupo
sa Cotabato City at probinsiya ng
Maguindanao ang nagsama-sama
at tulong-tulong upang maging
Photo Credit : MIHANDS MagCot

Ang Aking Karanasan sa Psychosocial na Gawain (Isang Repleksyon)


Jasmine G. Bayao


Ang madugong sagupaan sa Mamasapano, na tinaguriang Mamasapano massacre, ay nag-iwan ng
masakit na marka sa puso ng bawat mamamayan ng bansa. Ang karaniwang tinatanong ng bawat isa ay
kumusta na kaya ang mga apektadong komunidad matapos ang kakila-kilabot na insidenteng iyon. Sa tingin ko,
wala silang ibang magagawa kundi ang bumalik sa nakasanayan nilang buhay.

Ako ay nabigyan ng pagkakataon na mabisita ng personal ang mga apektadong komunidad kasama
ang iba pang bahagi ng grupo ng mga volunteers ng Mindanao Humanitarian Action Network against Disasters
(MiHANDs) upang mangalap ng impormasyon at datos bilang paghahanda para sa gawing agarang tugon sa
nangyaring insidente. Sa aming pagbaba mula sa aming sasakyan para tunguhin ang mga evacuation centers
ng Datu Saudi, Datu Salibo at Mamasapano, Maguindanao ay malugod kaming sinalubong ng mga bata na
karamihay halos walang suot na damit at walang iniintindi kundi ang pagtakbo at paglalaro sa evacuation
centers. Matapos na makuha ang mga impormasyon at datos na kinakailangan ay nagkaroon ako ng
oportunidad na silay makausap. Ang una kong tanong sa kanila ay, Bakit hindi kayo pumasok sa inyong mga
paaralan? Ang tugon nila ay dahil sa may gyera, may mga sundalo at delikado ito para sa kanila. Ang sunod
kong tanong ay, Ano ang gusto ninyo maging paglaki ninyo? Ang kadalasan sa kanilang tugon ay magiging
pulis o sundalo at isa lang ang nagsabing gusto niyang maging guro. Nang matapos kaming nag-usap ay
kumuha kami ng larawan na puno ng kanilang tawa at halakhakan. Nang matapos na ang pangangalap ng
datos, nakapili na ang grupo ng mga evacuation centers na pupuntahan para mabigyan ng relief operations at
psychosocial support (PSS).

Sa aming pagbigay ng psychosocial support, nabigla ang aming grupo sa dobleng pagdami ng bilang
ng mga bata subalit ginawaan ng paraan ng aming grupo para lahat sila ay makasali. Karamihan sa kanila ay
aktibong sumali sa buong proseso ng sesyon. Nang matapos ang ginawang workshop, karamihan sa kanila ay
nagbigay ng malikhaing paliwanag samantalang ang iba naman ay halos walang masabi dahil sila ay nahihiya.
Kami ay nagpapasalamat sa mga magulang na tumulong sa amin upang maayos na mapatakbo ang buong
sesyon sa kabila ng hindi inaasahang pagdami ng bilang ng mga bata.


Sa panahon ng mga kalamidad, natural man o gawa ng tao, ay unang apektado ang mga kabataan
dahil hindi nila alam kung paano maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga dahas at panganib. Ang
mga batang ito ay nararapat lang na mabigyan ng agaran at maayos na tugon at malasakit sa panahon ng mga
kalamidad. Nakita ko, nakipaglaro at nakitawa pa ako sa kanila na walang kahit na anong pag-alinlangan. Ang
hindi sustenidong kapayapaan at seguridad ay isa sa malaking dahilan kung bakit patuloy na nabibiktima ang
mga inosenteng sibilyan. Lipat dito lipat doon, marami ang nagugutom lalung-lalo na ang mga bata. Samotsaring sakit ang dumadapo sa kanila at nahihinto sila sa pagpasok sa paaralan. Alam nating ang pamamalagi sa
evacuation center ay labag sa kanilang kalooban, pero wala silang magawa. Dito ay mahirap ang pamumuhay at
kadalasan ay umaasa na lang sila sa tulong mula sa ibat-ibang organisasyon ng gobyerno o di-gobyerno. Dahil
dito, sila ay bulnerable sa anumang uri ng pagsasamantala lalung-lalo na ang mga kababaihang minor de edad.
Isa na dito ay ang pagrerecruit ng mga agents sa kanila na may pangakong madali silang makakapagtrabaho
abroad. Madalas ay pinapalitan ang kanilang pangalan o taon ng kapanganakan at minsan ay pinapagamit
sila ng ibang katauhan para makaalis ng mabilis. Kahit na ang pagbabago ng pangalan o katauhan ay labag
sa ating batas, ito ay patuloy pa ring ginagawa. Marami pa rin ang nabibiktima sa kabila ng ibat-ibang uri ng
pangangampanya laban sa illegal recruitment. Kung patuloy ang panlilinlang ng mga agents habang walang
sapat na kaalaman ang mga kababaihan sa kanilang karapatan ay hindi lubusang magiging ganap na ligtas ang
mga kababaihan mula sa illegal recruitment. Ang pagsugpo sa illegal recruitment ay isang napakalaking hamon
sa bawat isa sa atin. Hanggat walang maglalakas ng loob na magsumbong o di makikialam marami pa rin at
kahit na sino ang maaaring mabiktima dito, magulang man, anak, kapatid, kapamilya o ikaw mismo.

Photo Credit : MIHANDS MagCot

Mga Migrant Rights Advocates at Migranteng Manggagawa,


Dumalo sa Pagsasanay para sa Karapatang Pantao!

Ang Kaagapay at Kagkalimwa OFW Federation ay naimbitahan na dumalo sa pagsasanay na
pinamagatang, Capacity Building on
Human Rights and Migrant Workers in the Philippines: A Training
Program for Advocates. Ito ay idinaos
noong Oktubre 21-24, 2015 sa Altaroca Mountain Resorts Hotel, Antipolo
City. Dinaluhan ito ng mga kinatawan
ng ibat-ibang organisasyon mula
sa non-government organizations
(NGOs), community-based organizations at mga ahensya ng pamahalaan
na tumutugon sa karapatang pantao
lalong-lalo na sa karapatan ng mga
OFWs tulad ng NAPC- Formal Labor
and Migrants Sector, Alliance for Progressive Labor/Sentro, Commission
on Human Rights, Unlad Kabayan
Migrants Services Foundation, Blas
F. Ople Policy Center and Training
Institute, United Domestic Workers
(UNITED), Labor Education and
Research, Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK),
Migrant Forum in Asia (MFA), Sentro
ng mga Nagkakaisa at Progresibong
Manggagawa (SENTRO)/UNIMAD,
Spirit of Home, Scalabrini Inc.,
Regional Human Rights Commission-ARMM, Kanlungan La Union
(Banuar Ti La Union), SAMAPI, Seafarer at IDWF. Ang pagsasanay na ito
ay naorganisa ng Center for Migrant
Advocacy (CMA).

Nagkaroon ng Migration Governance Panel discussion na kung saan
ang mga nagsalita ay galing sa ibatibang ahensiya ng pamahalaan na
tumutulong sa ating mga manggagawa. Ibinahagi nila ang mga programa
at serbisyo ng kanilang tanggapan
at paano nila tinutugonan ang mga
migranteng manggagawa na nagkaroon ng problema o nabiktima ng
karahasan. Marami mang narinig na
mga programa o serbisyo para sa mga
OFW subalit hindi pa rin ito sapat na
matulungan. Marami man ang mga
pinag-usapang topiko sa loob ng apat
(4) na araw ay mas mahalaga para sa
akin ang pinag-usapan sa mga sumusunod na topiko: Migrants Rights
are Human Rights; International
Human and Labor Rights Standards;

ni: Milyn Cruz


at Overview of UN/ILO Processes and
Relevance to Migrant Advocacy.

Sa isang banda, malaking
tulong ang pagsasanay na ito lalo nat
pinagtuonan nito ang usaping karapatang pantao at ang karapatan ng bawat
manggagawa lalo na yong nasa ibang
bansa. Ang labor migration, o ang
pangingibang bansa na may kaugnayan
sa trabaho, ay isang pandaigdigang
usapin. Hindi natin maikaila na karaniwang dahilan ng pangingibang bansa
ay ang kawalan at kakulangan ng
trabaho at mababang sahod sa bansa.
Pero hindi lang ito ang dahilan kaya
sila umalis, dahil may iilan din na ang
dahilan ay ang usaping kaligtasan at
seguridad mula sa trahedyang dulot ng
gyera o natural na mga kalamidad. Sa
kabila ng mga hamon at isyu ng labor
migration at ang usapin ng karapatan
ng mga migranteng manggagawa ay
nakakatulong din ito sa kaunlaran
lalo na sa larangan ng ekonomiya ng
bansang pinagmulan at ng bansang
pinagtatrabahuan dahil nasagot ang
mga pangangailangan nila sa paggawa.

Bilang mga mamamayan ay
mahalaga na mauunawaan ang mga
karapatan at ang kahalagahan ng mga
batas na dapat makamtan. Maraming batas na nagpoprotekta sa mga
manggagawang Pilipino pero kulang
ito sa pagpapatupad ng ating pamahalaan kung kaya ay marami pa rin
ang nabibiktima at hindi nakamit ang
hustisya. Marami pa rin ang walang
alam at hindi naunawaan ang mga
batas para ipaglaban ang kanilang mga
karapatan. Sana man lang marami
na din ang mga kababayan natin na
makaunawa at makaalam sa kanilang
karapatan at nakaunawa sa mga batas
hinggil sa kanilang kapakanan. Hindi
man mapigilan ang bawat Pilipino sa
pag alis ng bansa, maraming matulungan na mapaunawa ang kanilang
karapatan at ang mga batas na nagbigay proteksyon sa kanila. At sana sa
ating pamahalaan hindi lang hanggang
sa pagsulat ng mga batas ang gawin
kundi itoy seguraduhing mapatupad
ng tama para makatulong sa bawat
Pilipino. Ayon nga sa legal na basehan

sa ating karapatan, All human beings


are born free and equal in dignity and
rights. At lahat ng nasa ating awtoridad ay may obligasyon na mag respeto, protektahan at isakatuparan ito. At
kung tutuusin, ang migrants rights
are human rights!.

Ang Aking Repleksyon sa


Nadaluhang Pagsasanay
sa Karapatang Pantao at
Migranteng Manggagawa
ni: Kapia Pakan

Gusto kong ibahagi na may
kakulangan ako sa kaalaman sa mga
batas subalit dahil sa pagsasanay na
ito ay napalawak ang kaalaman ko sa
batas lalo na ang karapatan ng bawat
isa at ng migranteng manggagawa.
Ang Batas Republika 8042 (Migrant
Workers and Overseas Filipinos Act of
1995) na ipinagtibay ng Batas Republika 10022 ang nagustohan ko doon
sa paliwanag ni Atty. Twyla Rubin ng
Commission on Human Rights (CHR)
lalo na ang tungkol sa obligasyon ng
pamahalaan na, to protect, to respect and to fulfil. Hinggil naman sa
programa ng pamahalaan ay maliwanag din ang programa nila sa mga
returnees kung sila ay documented.
Sa CMA na nag-invite, thank you sa
lahat ng nalaman ko sa pagsasanay
na ito. Sa Kaagapay, thank you din sa
pagbigay ninyo ng panahon at pagkakataon para makadalo ako sa mga
training.

Ang lahat ng natutunan ko ay
naibahagi ko sa mga kamag anak ko
at sa iba pang pamilya ng mga OFWs
na naninilbihan sa ibang bansa na
kulang o walang kaalaman hinggil sa
saligang batas at karapatan ng mga
OFWs.

Photo Credit : Center for Migrant Advocacy

3. Ang renta sa bangka o sikad


ay malaking bahagi sa kaltas sa
kita ng mga bangkero at sikad
driver.
4. Ang bayad para sa gasolina
ay malaking kaltas sa kita ng
habal-habal at multicab drivers.

Labor Consultation
sa Cotabato City
Matagumpay na Naidaos!
ni: Jasmine G. Bayao

Taun-taon ay
ipinagdiriwang ang
Pandaigdigang Araw ng mga
Manggagawa. Itoy ipinagdaos
tuwing sasapit ang Mayo 1.
Maraming mga kilos protesta
na sinasagawa ng ibat-ibang
organisasyon at grupo ang
nakikita sa telebisyon na
naghahangad na tumaas ang
sahod ng mga manggagawa
o di kayay mapatupad ng
tama ang itinakdang pasahod
ng Department of Labor and
Employment (DOLE). Sa araw
na ito, naniniwala sila na mas
lalong makikita o bibigyangpansin ng pamahalaan ang
kanilang hinaing. Lalong
lalo na ang programang
kontraktwalisasyon.

Patuloy na tumataas ang
presyo ng mga pangunahing
bilihin pero hindi ang sahod
ng mga manggagawa kaya
ramdam nila ang dagdag na
kahirapan.

Bilang pakikiisa sa
Araw ng mga Manggagawa
ay naglunsad ang Kilusan ng
Mamamayang Lumalaban

para sa Pagbabago ng Bayan


(Kilos Bayan) ng Labor
Consultation sa Ummah
Development Foundation
(UDFI) Incorporated, Rosary
Heights V, Cotabato City na
dinaluhan ng apat-na-put
pitong (47) manggagawa tulad
ng sikad driver, multi-cab driver,
habal-habal driver, bangkero,
labourer, saleslady, vendor,
construction worker, farmer,
OFW returnee, graduates at
estudyante. Sa konsultasyong
ito ay mas nakita ang tunay
na kalagayan ng malilit na
manggagawa sa lungsod ng
Cotabato.
Ang mga sumusunod ay ang
mga pangunahing punto
na lumabas sa nasabing
konsultasyon:

5. Malaki ang epekto ng


tagtuyot sa mga magsasaka.
6. Apektado ang pinansyal na
mga pangangailangan ng mga
estudyante lalo na ang mga
graduating students dahil sa
sitwasyong ito.
7. Ang mga nakadalo ay hindi
pa nakatanggap ng tulong mula
sa local na pamahalaan.
8. Programang
kontraktwalisasyon.

Sa taong ito ang
pambansang tema ay Trabaho
at Kabuhayan Alay Natin sa
Bayan. Ang tanong, sa labis
na pagpupursigi ng taumbayan
para maiangat ang Bayan ano
naman ang maialay ng Bayan
sa taumbayan?

1. Hindi umabot sa minimum


wage rate na itinakda ng DOLE
ang mga pasahod sa saleslady.
Sila ay sumasahod lang ng
P140-180 kada araw at wala
pang kompletong benepisyo.
2. Hindi makatarungang
pasahod sa mga kargador. Sila
ay sinasahuran ng
P 1.50 P2.50 sa bawat sako
na may bigat na 50-80 kilos
kada sako. Mababa rin ang
pasahod sa mga construction
workers na aabot lang sa P180
kada araw.

Pagbibigay ng Pre-Employment Orientation


Seminar, Ipinagpatuloy sa mga Komunidad
at Paaralan
ni: Fatima Lintang-Ali


Bilang isang mahalagang programa ng
Education, Training and Organizing (ETO) ng
Kaagapay, patuloy ang pagbibigay ng pre-employment
orientation seminar (PEOS) sa mga komunidad at
paaralan. Ito ay naisagawa sa mga piling barangay
ng Sultan Kudarat, Maguindanao, Cotabato City at
Midsayap, North Cotabato. Mayroong anim (6) na
barangay ang nabigyan sa Sultan Kudarat at labinglima (15) naman sa Cotabato City. Naidagdag pa dito
ang barangay Rangeban at Lower Glad ng Midsayap,
North Cotabato na humingi sa Kaagapay na mabigyan
sila ng nasabing oryentasyon. Ang pagpuksa sa illegal
recruitment at human trafficking ang pangunahing
topiko na ibinahagi at pinag-usapan. Ito ay upang
maipaabot sa mga dumalo ang ganitong usapin at
maging ang karapatan ng mga OFWs at kanilang
pamilya. Ang mga dumalo ay aktibong lumahok sa
usapin at nagpahayag ng kanilang karanasan sa pagproseso ng kanilang mga dokumento na kailangan
para makakuha ng pasaporte. Binahagi rin nila
maging ang kanilang karanasan ng sila ay bumibyahe
patungo sa bansang kanilang pinagtrabahuan.
Sila ay nagpaabot ng pasasalamat sa nangyaring
oryentasyon. Karamihan sa mga dumalo, sa
komunidad at paaralan, ay may mga kamag-anak o
kapamilya na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang sumusunod na kahon ay nagpapakita
kung ilan lahat ang nakadalo, kasali na ang kanilang
kasarian, sa mga naisagawang PEOS sa komunidad
at paaralan sa taong 2015.
Pangalan ng
Barangay/Paaralan

Bilang ng
mga
tdumalo

Babae Lalaki

Cotabato City
Tamontaka 4
Tamontaka 3

32
45

26
28

6
17

Tamontaka 2
Tamontaka 2

48
51
64

45
21
39

3
30
25

151

93

58

126

71

55

23
71
26

17
69
24

6
2
2

Bagua 1
Datu Ayunan National
High School
Canizares National
High School
Kalanganan 2
Poblacion 4
Rosary Heights III

10

Rosary Heights IX
Poblacion 8
Pobla
cion 9

30
88
83

21
80
55

9
8
28

Mother Poblacion
Sultan Kudarat,
Maguindanao
Katuli
Calsada
Darapanan
Ladia
Panatan
Nara
Midsayap,
North Cotabato
Lower Glad
Rangeban
Kabuohan

28

26

42
62
40
34
68
51

36
55
29
23
38
28

6
7
11
11
30
23

69
33
1,312

54
27
948

15
6
364

Sa kabuohang taon ng 2015 ay mayroong 1,312 na


mga indibidwal ang nakadalo sa mga naisagawang
PEOS sa komunidad at paaralan. 277 dito ay mga
high school students. Karamihan sa kanila ay mga
babae na kadalasan ay may balak na mag-abroad,
nakabalik na mula sa abroad o di kayay may kapamilya sa abroad. Ang mga PEOS na nailunsad sa mga
komunidad ay sa pakikiisa ng mga opisyales ng barangay na karamihan ay dumadalo din sa panahon ng
pagbigay ng PEOS.

Ang Kaagapay ay nagpapasalamat sa lahat ng
mga opisyales ng barangay at mga guro ng paaralan
sa kanilang pakikiisa sa adbokasiyang sugpuin ang
illegal recruitment at itaguyod ang karapatan ng mga
OFWs at kanilang pamilya.

Sinimulang Micro lending sa mga Kasapian


ng Kagkalimwa OFW
Federation, Mas Pinalakas
at Pinaunlad Pa!
ni: Racma Nguda


Nagkaroon ng Micro
Lending for Individual Members
ang programa ng Micro Enterprise
Development (MED) ng
Kaagapay dahil sa naipaabot na
pangangailangan na dagdag kapital
ng mga myembro ng Kagkalimwa
OFW Federation. Ito ay sinimulan
sa pamamagitan ng sunod-sunod na
pagkunsulta at pagpupulong sa lahat
ng mga opisyales ng pederasyon at
pagkaroon ng oryentasyon hinggil
sa mga kritirya at pamamaraan
sa pagpili at pagpapautang para
pandagdag puhunan.


Ang inisyatibang ito ay
umaasa na matulungan ang mga
myembro ng bawat organisasyon
ng pederasyon na makahiram ng
kaunting pundo para pangdagdag o
gawing puhunan sa kanilang maliit
na negosyo.


Noong October 20, 2014
ay sinimulan ang pagpapahiram
sa unang limang (5) myembro ng
pederasyon. Sa ngayon, mayroon ng
labing-walong (18) myembro ang
naka-benepisyo sa nasabing pautang.
Sila ay mula sa mga sumusunod na
organisasyon:
(1) UBB2 (Umpungan nu mga Babai
sa Bagua 2),
(2) Mapayag OFW Organization,

(3) OFW Organization of Bulalo,


Inc.,
(4)RS-Buan OFW Organization,
(5) Torion OFW Organization,
(6) OFW Organization of
Kabuntalan,
(7) Pagkakaisa OFW Organization,
(8) Rahmania OFW Organization,
(9) Salamat OFW Organization
at (10) Samahan ng mga OFW sa
Tamontaka.

Sa maliit na interes ay
natulungan at nadagdagan ang mga
sinimulan na pangkabuhayan ng mga
kasapi at maging ng pederasyon para
sa kanilang operasyon. Hanggang
sa ngayon ay patuloy pa rin ang
pagpapahiram sa iba pang kasapi na
nangangailangan. Sa pangkabuohan,
naging mahusay at regular na
nakakabayad ang mga nakatanggap
ng tulong mula sa micro-lending.
Sapat na nagdudulot ito ng kasiyahan
sa lahat na nagging kabahagi sa
programang ito. Nakatulong ito
sa konting pag-angat ng kanilang
pamumuhay.

Ang Pagdalo ng Kinatawan


ng Kaagapay sa Pangalawang
Asia Pro Bono Forum sa
Bangkok, Thailand
ni: jasmine g. bayao


Maraming mga pamamaraan
para maprotektahan at maitaguyod ang karapatang pantao kasali
na ng mga migranteng manggagawa. Isa dito ay ang pagpapalakas
ng mga libreng serbisyong legal
para sa kanila. Dahil dito, ang Public Interest Law (PILNet) ay nagsagawa ng Pangalawang Asia Pro
Bono Forum sa Bangkok, Thailand
noong Hulyo 23-24, 2015 na kung
saan ang mga non-government organizations, abogado, law schools
at bar associations ay nag-usap at
nagbabahaginan ng mga kuro-kuro

at opinion kung paano maitaguyod


ang patas na hustisya para sa lahat.
Ang dalawang araw na pagtitipon
na ito ay nagbigay sa akin ng dagdag na kaalaman hinggil sa kahalagahan ng Pro Bono sa pagbigay
ng walang kinikilingang hustisya. Ang mga abogado na dumalo
sa pagtitipon na ito ay nagpakita
ng pagkahumaling at pangako na
matulongan at maturuan ang mga
mamamayan sa kanilang bansa na
walang kakayanan sa buhay. Ito ay
sa kabila ng kanilang limitasyon
na itinakda ng batas at maging sa
limitasyon sa panahon na makapagbigay ng libreng legal na serbisyo.

Ang ibinahagi ng tagapagsalita sa bawat workshop ay puno
ng kaalaman at nakakatulong sa
bawat dumalo dahil ito ay aktwal
na ginagawa nila sa kanilang organisasyon o law firm. Samantalang
ang mga dumalo naman ay aktibong nakinig at nagbahagi ng kanilang karanasan sa mga talakayan.


Ito din ay naging oportunidad
na magsama-sama ang mga abogado at non-government organizations
bilang magkasama sa pagprotekta at
pagtaguyod sa karapatan ng bawat
tao sa ibat-ibang antas subalit makabulohang pamamaraan.


Ako rin ay may nakilala na
mga organisasyon na may kaparehong malasakit tulad ng Kaagapay
na kung saan ay nakapagbahagi ako
ng mga stratehiya at pamamaraan
sa pagtulong sa mga migranteng
manggagawa. Napagtanto ko na ang
kahit na sinong tao o organisasyon
ay maaaring mag-ambag ng parte
na maturuan ang mga mamamayan
sa kanilang karapatan upang ito
ay kanilang magamit at matamasa
na walang takot at pag-aalinlangan sa pagsulong at pagpapaunlad
ng kanilang interes at karapatan.

11

Sa Kabilang Banda
ni: mhineshinn

Mga Kababaihang Lider Nag-aral at Nagsanay


sa Usaping VAWC at Illegal Recruitment

ni: Goldy Omelio



Labing-anim (16) na kababaihang lider mula sa siyam
(9) na organisasyon sa Cotabato City at Maguindanao ang nagaral at nagsanay sa usaping Violence against Women and their
Children (VAWC) at karapatan ng mga migranteng manggagawa
lalong-lalo na ang usaping illegal recruitment at human trafficking.
Sa bawat Sabado ng dalawang buwan simula Setyembre 12
hanggang Oktubre 31, ay napag-aralan ng mga kababaihang ito
ang mga pangunahing problema at isyu na nararanasan ng mga
kababaihan maging ang kanilang karapatan sa kabila ng mga
hamon sa kultura at paniniwala. Napag-aralan din nila ang mga
pangunahing alituntunin at pamamaraan sa pagsampa ng VAWC,
illegal recruitment at human trafficking, maging ang mga proseso
at mga tungkulin ng mga awtoridad gaya ng barangay, pulisya at
Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Naging buo ang pag-aaral ng mga kababaihang ito dahil
sila ay sinanay din kung paano gumawa ng simpleng affidavit
at mangalap ng mga pangunahing impormasyon para sa
dokumentasyon at kung paano i-monitor ang mga naisampang
kaso.

Bilang resulta sa pag-aaral na ito ay binuo nila ang Bantay
Karahasan (Bantay Kababaihan/Kabataan Laban sa Karahasan)
na mayroong mga tungkulin na (1) makabigay ng tulong sa mga
babaeng may problema kaugnay sa pagiging OFW o di kayay sa
VAWC sa pamamagitan ng referral/facilitation at (2) manguna sa
mga adbokasiyang tumataguyod sa karapatan ng mga kababaihan.

Ang mga kababaihang lider na ito ay galing sa mga
sumusunod na barangay ng Cotabato City tulad ng Bagua 2,
Poblacion 1, Rosary Heights VI, Poblacion 3 at Mother Barangay
Poblacion at iilang komunidad ng probinsya ng Maguindanao tulad
ng Barangay Awang at SPDA ng Datu Odin Sinsuat, Barangay
Kabuntalan at Bulalo ng Sultan Kudarat, Barangay Renede ng Upi
at Barangay Lamud at Pilar ng South Upi.

12

Ang nakikita mo ay:


Maganda na bahay
Magarbo na gamit
Masarap na pagkain

Sa kabila nun ay:
Halos bente-kwatro oras na
pagtatrabaho
Pagkain tanging pridyider lang
nakakaalam
Umaga na naman ulit pero di pa
natututulog
Kamay ay sing tigas ng bato
Mata ay lumuluha
Isip ay nalilito
Puso ay nangungulila

Pawis ay tumutulo
Trompo kung kumilos

Oras ay kalaban
Animoy hinahabol

Sana ay maramdaman

Kahit na di nakikita

Dahil puso ang gamit

Di ang matang mapanghusga

Konsultasyon Hinggil sa Ulat


ng Pamahalaan sa Komitiba
ng CEDAW
ni: Jasmine G. Bayao


Ang pamahalaang
Pilipinas, non-government
organizations at iba pang
stakeholders ay nagsikap para
mapuksa ang kahit na anong
mukha ng diskriminasyon sa
kababaihan at kanilang mga
anak sa pamamagitan ng ibatibang programa at serbisyo.
Dahil sa pagsisikap na ito ay
isinagawa ang ConsultationWorkshop on the State
Report to the Convention on
the Elimination of All Forms
of Discrimination against
Women (CEDAW) Committee
noong Setyembre 22, 2015
sa 3rd Floor Multipurpose
Hall, Commission on Human
Rights, Commonwealth,
Quezon City. Ang CEDAW
ay isang kasunduan ng mga
nagkakaisang bansa (United
Nation) hinggil sa pag-aalis
o eliminasyon ng lahat ng uri
ng diskriminasyon sa mga
kababaihan. Ang ginawang
konsultasyon ay naglalayon na
malaman at matalakay ang ulat
ng pamahalaang Pilipinas sa
komitiba ng CEDAW at kung
may sapat ba na programa at
serbisyo ang naibigay sa mga
kababaihan bilang benepisyaryo
ng kasunduang ito.


Si Dr. Jean Franco ng
Political Science Department
ng Unibersidad ng Pilipinas
(UP) ay nagbahagi ng CEDAW
at ng mga pertinent General
Recommendation (GR)
katulad ng GR 26 hinggil sa
kababaihang migranteng
manggagawa at GR 33 hinggil

Photo Credit : Center for Migrant Advocacy

sa pagkakaroon ng hustisya
(access to justice). Idiniin
niya na kabilang ang mga
kababaihang migranteng
manggagawa sa kasunduang
ito. Ang mga dumalo ay
masinsinang nakinig habang
siya ay nagpapaliwanag.

Hinggil naman sa
pagtugon sa mga kadahilanan
ng trafficking at pangingibang
bansa sa pamamagitan ng
pagbigay suporta sa kabuhayan,
pagpapalawak ng trabaho
at pagbibigay ng serbisyong
sosyal sa mga mahihirap,
iniulat ng pamahalaan na ito
ang nakapagbigay ng dagdag
na trabaho sa bansa nang
sa ganun ay ang paninilbihan
sa ibang bansa ay dahil na
sa kagustohan at hindi dahil
sa pangangailangan; at kung
sakaling ang mga mamamayan
nito ay gustong maging OFWs,
ang kanilang kapakanan
at proteksyon sa kanilang
karapatan ay maging prioridad
ng pamahalaan. Subalit ito ay
kabaligtaran sa mga nangyayari
dahil ang pag-aabroad ay
naging pangangailangan at
hindi dahil sa kagustohan ng
karamihan sa mga Pilipino
dahil sa araw-araw, parami
ng parami ang mga Pilipino
na napilitang umalis ng bansa

para maghanap ng maayos na


pamumuhay sa ibang bansa.
Ang Department of Foreign
Affairs (DFA) ay maihahalintulad
sa isang palengke na arawaraw ay dinadagsa ng mga
tao. Karamihan sa mga
pumipila para makakuha ng
pasaporte ay mga kababaihan.
Nakamumuhi na makita ang
mga minor de edad na mga
kababaihan na naghahangad na
manilbihan bilang kasambahay
sa ibang bansa na kasama
ang kanilang recruiter sa pila.
Ang obserbasyon na ito ay
napag-usapan sa isa sa mga
workshops ng konsultasyon at
nararapat lamang na mabigyan
ng tamang tugon.

Wala namang problema
ang pag-aabroad kung
maseguro lang na ang mga
karapatan at kapakanan ng mga
migranteng manggagawa ay
protektado at itinataguyod ng
mga pamahalaan ng bansang
kanilang pinagmulan at ng
pinagtatrabahuan.

...Ang pag-aabroad ay
naging pangangailangan
at hindi dahil sa
kagustohan ng karamihan
sa mga Pilipino...

13

Mga Migrante at Usaping


Migrasyon, Tinalakay sa
mga Konsultasyon Bilang
Paghahanda sa Post-2015
Development Agenda
ni : Goldy Omelio

Photo Credit : Center for Migrant Advocacy


Noong 2000, ang United
Nations (UN) ay nagkaisa
sa paggawa ng walong (8)
pandaigdigang layunin sa pagunlad (development goals) na
kung tawagin ay Millennium
Development Goals (MDGs)
na sinang-ayunan ng mga
myembrong bansa, kabilang
ang Pilipinas. Ang MDGs ay
tatapusin sa taong 2015. Kahit
na sinasabing naabot ang tatlo
(3) sa walong (8) layunin ay
mararamdaman pa rin ang hindi
pantay at atrasado na pag-unlad
ng bawat bansa at maging sa
loob ng isang bansa.

Kung kayat inirekomenda na pag-ibayuhin
ang mga prosesong bubuo
sa Post-2015 Development
Agenda at isaalang-alang ang
pangmatagalang kaunlaran
(sustainable development)
bilang sentro sa lahat ng
mga prosesong bubuo dito at
itoy tatawaging Sustainable
Development Goals (SDGs).
Ang mga proseso sa pagbuo
nito ay mas nag-aanyaya

14

ng partisipasyon ng civil
society organizations (CSOs)
at malakas na ugnayan
kasama ang mga government
institutions. Dahil dito ay
isinagawa ang malawakan
at ibat-ibang lebel ng
konsultasyon para mabuo ang
programang ito.


Ang isa sa mga
konsultasyong naisagawa na
nadaluhan ng Kaagapay ay
ang National Consultation
on Post 2015 Development
Agenda: Focus on Migrants
and Migration noong Hulyo
31, 2015 sa CHR Multi-purpose
Hall, Diliman Quezon City
na ini-organisa ng Center
for Migrant Advocacy (CMA)
sa pakikipagtulongan ng
Commission on Human Rights
(CHR) at Migrant Forum in
Asia (MFA). Ito ay sinundan
naman ng Southeast Asia
Consultation on Post 2015
Development Agenda noong
Agosto1-2, 2015 sa may
Jen Hotel, Pasay City na iniorganisa naman ng MFA.

Naniniwala ang mga
grupong bumubuo at nagorganisa dito na mahalagang
mapabilang ang usaping
migrasyon at karapatan ng
mga migrante sa pagbuo ng
Sustainable Development Goals
dahil sila ay kabilang sa mga
bulnerableng sektor ng lipunan.
Ang usaping migrasyon ay
malaking hamon sa sosyal at
pang-ekonomiyang balangkas
ng pag-unlad ng bawat bansa.


Tinukoy sa mga
konsultasyong ito ang mga
posibleng indicators sa bawat
targets na magtataguyod sa
karapatan ng mga migrante,
migranteng manggagawa at

ng kanilang mga pamilya sa


lahat ng antas ng migrasyon at
maging ang pagtugon sa mga
sitwasyong tumutulak sa mga
taong lumikas o mangibang
bansa tulad ng usaping
seguridad sa pagkain, desente
at makataong trabaho at
pasahod sa local, pag-preserba
at pangangalaga ng kalikasan
at mga yaman nito at iba pa.

Mga Komperensya ng
mga Beneficiaries at
Partners Naorganisa
ni: Jasmine G. Bayao

Sunod-sunod na mga
komperensya kasama ang mga
beneficiaries at local partners
ng Kaagapay ang nailunsad
noong Hulyo 26 at Agosto 14,
2015 sa UDFI Center, Rosary
Heights V, Cotabato City.
Ang mga pagtitipong ito ay
isinagawa upang magkaroon
ng balik tanaw sa nagawa ng
Kaagapay sa loob ng nakalipas
na apat na taon. Layunin rin
nito ang makita ang kabuluhan
ng pagbigay serbisyo ng
institusyon. Ang mga napiling
beneficiaries na nagmula sa
Kagkalimwa OFW Federation
ay ang mga organisasyon ng
OFW Organization of Bulalo
Incorporated, OFW Organization
of RS Buan, Umpungan nu mga
OFW sa SPDA, Mangungan
OFW Organization, Torion
OFW Organization, Alamada
OFWs Organization Families,
Friends, and Relatives at ng
Lower Glad ChrisMus OFW
Families, Relatives and Friends
Organization. Samantala,ang
mga local partners naman na
nakadalo ay ang Mindanao
Tri-people Women Resource

Center (MTWRC), Mindanao Peoples Peace Movement (MPPM), Tri-People Organization Against
Disaster Foundation Incorporated (Tripod), Demokratikong Kilusan ng mga Magbubukid sa Pilipinas
(DKMP), Timuay Justice and Governance (TJG), Mindanao Humanitarian Action Network against
Disasters (MiHANDs), Muntay Fisher Folks Association (MFFA) and Cotabato City Women Council
(CCWC). Ibinahagi ni Goldy Omelio ang apat na taong nagawa ng Kaagapay maging ang resulta sa
evaluation na ginawa ng mga kawani ng Kaagapay at mga kagawad ng Board of Directors nito noong
mga unang buwan ng 2015. Ang mga beneficiaries ay nagpaabot ng pasasalamat sa mga serbisyong
kanilang natanggap at naranasan mula sa Kaagapay. Pinaabot rin nila ang kanilang dalangin at pagasa na pagtuonan ng Kaagapay ang patuloy na pagbibigay ng mga oportunidad na makapagpaunlad
sa usaping pagtugon sa pamumuhay ng mga kasapian nito. Samantala, ang mga kasamahan mula
sa local partner organizations ay nagpaabot ng ibat-ibang tipo ng hamon lalong-lalo na sa larangang
ng pagpapalawak ng mga komunidad na naabot at napatatag ng adbokasiya sa lokal sapagkat ang
Kaagapay lamang ang natatanging non-government organization sa Central Mindanao ang tumutugon
sa usapin ng suliranin ng pangingibang bansa. Ang mga hamong ito ay mas lalong nagbigay inspirasyon
sa Kaagapay upang mas magsisikap ito sa pamamahagi ng mga serbisyo sa komunidad lalong-lalo
na sa mga OFWs at myembro ng kanilang pamilya. Ang mga isinagawang komperensya ay nagbigay
din ng dagdag na mga oportunidad para gagawa ng mga hakbang kasama ang mga beneficiaries at
partners para sa kapakanan at pagpapaunlad ng pagbabahagi ng programa at serbisyo ng Kaagapay.

Ibat-ibang Lider ng
Organisasyon, Nagsanay sa
Usaping Paralegal
ni: Romilyn Cruz

Hunyo 2-4 taong 2015,
naglunsad
ng isang Paralegal
Training ang Legal Rights and
Natural Resources Center - Kasama sa Kalikasan/Ffriends of the
Earth Philippines (LRC-KsK/FoE
Phils) at naging kabahagi sa pagsasanay na ito ang Kilusan ng mga
Maralita sa Kanayunan (Kilos Ka)
Maguindanao-Cotabato Cluster.
Nakita ang pangangailang ito pagkatapos ng naisagawang Fact-Finding Mission sa lupaing ninuno ng
Teduray at Lambangian sa Maguindanao na may kaugnayan sa illegal mining exploration activities.
Mayroong dalawamput lima ( 25)
ang lumahok sa pagsasanay na ito.

Sila ay nag mula sa ibat ibang organisasyon gaya ng Teduray-Lambangian Youth and Students Association (TLYSA), Timuay Justice
and Governance (TJG), Mamalu
Descendants Organization (MDO),
Task Force Tigil Mina (TFTM),
Inged Fintailan , Mindanao Tripeople Women Resource Center (MTWRC), Inc. at ng Kaagapay OFW
Resource and Service Center, Inc.

Sa naturang pagsasanay
natalakay at napag-aralan ang
Konstitusyon ng Pilipinas lalong-lalo na ang tungkol sa karapatan ng
bawat Pilipino na nakasaad sa Bill
of Rights. Nagkaroon ng talakayan
hinggil sa mga legal na pamamaraan at pamantayan na ipinapatupad ng gobyerno ng Pilipinas sa
anumang paglabag sa karapatang
pantao na nakasaad sa penal code.
Napag-usapan din dito ang Indige-

nous Peoples Rights Act 8371 o mas


kilala bilang IPRA Law na siyang legal na basihan ng mga katutubo
sa kanilang karapatan na kumikilala
sa kanilang customary laws at ang
kanilang sariling justice system at
Indigenous Politikal na istruktura.
Nadagdagan rin ang kaalaman ng
mga lumahok sa pagsasanay hinggil sa proseso ng Free Prior and
Informed Consent (FPIC) na dapat
ay susundin kung sakaling magkakaroon ng mga proyektong pangkaunlaran (development projects)
sa loob ng kanilang lupaing ninuno.
Dito din nailahad ang proseso ng
mga kaso sa kasalukuyang criminal justice system ng Pilipinas. Mahirap man unawain ang mga batas
pero itoy mahalaga na pag-aralan
upang malaman ang mga sariling
karapatan ng mga Indigenous Peoples (IP) at papaano ipaglaban ito.

15

Ang Makasaysayang Paglunsad ng


92-Km Climate Walk sa Lanao del Norte
ni: Milyn G. Cruz

pagkakataon na may tulad nitong pangmamartsa


mula Lanao del Norte patungong Iligan. Ang
nauna ay noong taong 1985 na nanawagan ng
pagpapatalsik sa diktadoryang Marcos.

Ang pagkakataong ito na sinagawa nang
ibat-ibang oganisasyon ay isang hamon upang
protektahan ang Inang kalikasan at maipabot sa
kinauukulan ang mga hinaing ng mamamayan
hinggil sa pagpapatayo ng mga ganitong uri ng
planta at ang masamang epekto nito.

Photo Credit : Coal Resistance (CORE) Movement


Ang patuloy na nakakasamang pagbabago
ng klima ay nakakaapekto sa araw-araw na
pamumuhay ng mamamayan. Ito ay hindi
simpleng suliranin na pwedeng balewalain bagkos
nangangailangan ito ng kagyat na aksyon.
Noong Hulyo 19-25, 2015 ay nagkaroon ng
Climate Walk: A 92 km Coal Resistance March
mula sa Lala, Lanao del Norte hanggang Iligan
City. Dinaluhan ito ng mahigit sa 300 ka tao na
nagmula sa ibat -ibang organisasyon at lugar.
Ito ay na organisa ng Coal Resistance (CORE)
Movement. Naging kabahagi ang Kaagapay at
iba pang mga delegado mula sa Cotabato City
at probinsiya ng Maguindanao. Nakiisa din sa
paglalakbay na ito ang Philippine Movement
for Climate Justice (PMCJ), Mindanao Peoples
Peace Movement (MPPM), Kilusang Maralita
sa Kanayunan (Kilos Ka), Liga ng Makabagong
Kabataan (LMK), Lanao Fisheries Advocacy
Network (LFAN), Demokratikong Kilusang
Magbubukid ng Pilipinas (DKMP) Lanao, Ranao
Women and Children Resource Center (RWCRC)
at marami pang ibang kilusang pangkalikasan
at karapatang pantao. Nagkaroon ng ganitong
pagkilos upang tutulan ang pagpapatayo ng mga
coal-fired power plants sa iilang bayan ng Lanao
del Norte at iba pang bahagi ng bansa dahil ito
ang pinakamaruming paraan ng mapagkukunan
ng supply ng kuryente. Higit sa lahat ito ay
makakasira sa kalusugan ng mga tao at ng
kalikasan. Napag-alamang ito ang ikalawang

16


Isang malaking hamon sa mga kabataan
ang patuloy na pagkasira ng kaliksan na tiyak na
may malaking epekto sa mga susunod pang mga
henerasyon. Ang pagkilos na ito ay nanawagan na
bigyan nang makatarungang hustisya at halaga
ang karapatan ng taong bayan at ng kalikasan sa
mga nakakasirang proyekto para daw sa kanilang
kaunlaran ngunit hindi naman sila kinunsulta.

Masakit isipin na marami man tayong
mga karapatan na nakapaloob sa batas at
patakaran pero hindi ito naipatupad ng maayos
kaya masakit pakinggan ang bawat sigaw ng
mga tao na nakaranas ng mga pang-aabuso sa
kanilang buhay. Sa kabila ng mga hamon na
naranasan sa nasabing paglalakbay ay napalitan
naman ito ng saya dahil maraming tao sa mga
dinadaanang bayan ang nakisimpatya sa mga isyu
at panawagan nito.

Ang ganitong uri ng pagkilos ay dapat
ipagpatuloy para mas marinig at mamulat ang
ating pamahalaan at makita at maunawaan nila
ang pagkasira ng ating kalikasan. Mahalaga
rin na sa pagkilos na gaya nito ay maipaalam
sa sambayanan na ang ganitong proyekto
ay nagdudulot lamang ng kasaganahan sa
iilang malalaking negosyante na pinaboran ng
makaelitistang gobyerno. Ang masama pa ay
ginagawa ito sa ngalan ng taongbayan at ang
kanilang kaunlaran.

Photo Credit : Coal Resistance (CORE) Movement

Paglalakbay para sa
Sangkatauhan at Hustisya sa
ating Klima, Dinaluhan ng mga
Taumbayan at mga Anak ng
mga OFWs!
ni : Stephany Silongan

Ang kalikasan ay isa sa
mga pinakamahalagang nilikha ng
Diyos para sa mga tao. Kung wala
ito, wala din tayo. Dito natin kinukuha ang ating ikinabubuhay kung
saan ang mga tao at mga hayop ay
nakikinabang nito. Sa mga panahong ang tao ang nangangailangan ng tulong mula sa kalikasan,
ito ay laging nandyan, ngunit
ngayong ang kalikasan naman
ang nangangailangan ng ating
proteksyon laban sa mga taong
may masamang adhikain halos
wala tayong ginagawa. Hanggang
saan ba ang kaya nating gawin?
Hindi ba natin napapansin ang
pagbabago o kakaibang pagbabago ng klima? Hindi ba natin ramdam ang init na tila nanunuyo ang
ating balat kapag tag-init? Hindi ba
natin nakikita ang pinsala ng baha
sa tuwing darating ang malakas na
ulan?
Ang karamihan sa mga
dahilan nitoy dahil din sa mga
makasariling gawa ng mga tao. Dumadalas na ang pagkakaroon ng
El Nio sa ating bansa. Dumarami
na rin ang mga sasakyang bumubuga ng usok na maskiy tayong
mga tao ay apektado sa polusyon,
at may iilan din na nagsusunog ng
mga plastic sa tahanan na may
kontribusyon din sa tinatawag
nating carbon dioxide emission at
global warming. Ito ang dahilan
ng unti-unti nang nabubutas ang
ozone layer na siyang nagpoprotekta sa atin mula sa direktang
tama ng araw. Hanggang saan ang
kaya nating tiisin para labanan ito?
Paano na ang mga susunod na
henerasyon? O tayo na ba mismo ang gagawa ng paraan para
mabawasan ang problema ng ating
mundo?


Dahil sa malaking hamon
ito sa kabataan, may mga ibatibang oraganisasyon ng kabataan
na nagmula sa Cotabato City at
Upi ng probinsiya ng Maguindanao
ang nagsagawa ng Ecowalk: A
Walk for Humanity and Climate
Justice noong Nobyembre 28,
2015 mula Nuro, Upi papuntang
Tamontaka, Cotabato City Maraming kabataan ang lumahok sa
nasabing aktibidad at kasali na ako
at ang aking hanay na mga anak
ng mga OFWs. Isang malaking
oportunidad para sa aming mga
anak ng mga OFWs ang napabilang sa mga kabataan na sumusulong ng karapatan ng kalikasan.
Isa sa mga ipinapanawagan namin
nung kami ay naglalakad ay ang
No to Mining!. Isa ito sa mga
malalaking isyu na ating hinaharap
sapagkat may mga taong nagmimina sa iilang bahagi ng Upi,
Maguinadanao na kabilang sa
ancestral domain claim ng tribung
Teduray at Lambangian. Kapag ito
ay nagpatuloy, mahihirapan ang
mga nakatira sa Upi at maging
tayong mga nasa Cotabato City ay
apektado rin dahil isa ang Dimapatoy Watershed na pinagkukunan
ng ating malinis na tubig sa maapektuhan ng mina.
Unang beses palang ng
araw na iyon ng akoy makatuntong
sa Upi, Maguindanao naramdaman
ko ang natural at malamig na hanging aking nilalanghap. Marahil itoy
dahil sa mga punong nakapaligid
sa akin. Sa mga oras na ang grupo
ay naglalakad, nakita ko yung mga
mukha ng aking mga kasamahan
na tila ba bukal sa kanilang kalooban ang kanilang ginagawa. Yung
kahit anong pagod, init at sakit ng

paa ang kanilang nararamdaman,


sila ay patuloy pa rin sa paglalakad, maipahayag lang sa bawat
tao at bawat tahanan ang layunin
ng aming nais iparating. Maskiy
sa aking sarili, masaya ako sa
aking ginagawa, sapagkat bilang
kabahagi ng sektor ng mga kabataan naipapakita pa rin namin ang
aming pagkilos para sa kalikasan.
Hindi lamang sa kalikasan kundi
pati na rin sa ibat- ibang isyu sa
ating bansa. Nais naming dumami
pa ang mga kabataan na sumusuporta sa mga ganitong aktibidad.
Nang sa gayon ay mapatunayan
namin ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na
ANG KABATAAN AY ANG PAGASA NG BAYAN.

Mas naging agresibo na
kaming lumaban para sa ating kalikasan. Kahit ano mang hirap,layo,
init,lakas ng ulan, at lamig ang
aming naranasan sa araw na iyon,
kami ay natutuwa sapagkat kami
ay may naiambag para sa panawagan na climate justice. Alam kong
nagtagumpay kami sa aming gingawa. Hindi man perpekto ngunit
naipahayag namin sa nakakarami ang nais naming iparating at
higit sa lahat, nakaambag kami sa
pagprotekta at pagpapaunlad ng
kalikasan upang ang sakripisyo ng
aming mga magulang na OFWs
maging makabuluhan. Kung
sakaling sila ay bumalik na sa
ating bansa at sa aming probinsiya, mayroon silang mauuwian na
malusog at maunlad na kalikasan.
Ito ay para sa malusog na kinabukasan ng lahat. Para sa susunod
na lakbay lakad para sa kalikasan
at kinabukasan!

17

Pagtaguyod ng Mas Ligtas na Paraan sa


Paghahanap at Pangangalap ng Trabaho ng
mga OFWs, Pinag-usapan!
ni: Goldy Omelio



Kasabay ng Cotabato City Women Council
(CCWC), ang Kaagapay ay naglunsad ng Forum
on Building a Safer Recruitment Process
for Filipino Migrant Workers noong ika-28 ng
Hulyo 2015 sa Casablanca, Cotabato City. Itoy
dinaluhan ng humigit kumulang walumpo (80) na
mga kababaihan, kabataang kababaihan, OFW
returnees, OFW families at mga kumakatawan
ng barangay local government units (BLGUs).
Naisagawa ang talakayang ito bilang tugon sa
malawakang pangangalap ng mga aplikanteng
manggagawa para magtrabaho sa ibang bansa
kahit na sa hindi tamang proseso. Maging
ang pagdami ng illegal recruiters/agents ay
nakakabahala lalo nat hindi masyadong alam
ng mga bagong aplikanteng OFWs ang tamang
pamamaraan. Natalakay rin ang hindi hayag na
paraan ng monitoring ng mga recruitment agencies
sa kalagayan sa trabaho ng OFWs na dumaan sa
kanilang proseso.

maiinit na talakayan sa pagitan ng mga dumalong


partisipante at kumakatawan sa recruitment
agencies.

Bilang pagwakas, nagkaroon ng matibay
na rekomendasyon para sa mga recruitment
agencies: (1) dapat hindi na tanggapin ang mga
agents na hindi kilala ng recruitment agency,
(2) magkaroon ng signage ang mga recruitment
agencies sa labas ng kanilang opisina/tanggapan
kung sinu-sino ang kanilang rehistrado/opisyal
na mga staff/personnel at (3) pag-profile sa mga
agents na nagdadala ng aplikante sa recruitment
agency.

TANIM-BALA
Dagdag Pahirap sa mga OFWs!
ni: Goldy Omelio


Maliban sa kaso ni Mary Jane Veloso* ay
nabulabog na naman ang buong bansa sa tanimbala scam na kinasasangkutan ng mga empleyado
ng Office for Transportation Security (OTS) at ng
Aviation Security Group (ASG) sa Ninoy Aquino
International Airport (NAIA). Tampok sa scam na
ito ang pagsingil ng malaking halaga upang hindi
matuloy ang pagsampa ng kaso sa nagmamay-ari
ng nakitang bala sa bagahe nito. Ang pangingikil
na ito ay lumabas ng magreklamo ang American

Sa buong araw na pag-uusap at talakayan, missionary na si Lane White noong Setyembre
nalaman ng mga dumalo ang mga pamantayang
2015 ng siya ay naidetena ng 6 na araw matapos
patnubay ng Philippine Overseas Employment
niyang tanggihan ang hinihinging P30,000 ng
Administration (POEA) sa proseso ng recruitment
mga empleyado ng nasabing grupo kapalit ng
para sa pagtrabaho sa ibang bansa, ang
pagpalaya sa kanya matapos na may natagpuan
mekanismo ng POEA sa pagseguro na sumusunod na bala ng .22 calibre sa kanyang bagahe.
sa mga pamantayan nito ang mga recruitment
agencies, ibat-ibang karanasan ng mga OFWs at

Dahil ito ay nangyayari sa airport, hindi
mga karanasan ng mga recruitment agencies sa
ligtas dito ang mga OFWs. Sa katunayan, dahil
pangangalap at pagtanggap ng mga aplikante.
dito ay na-highlight ang buhay ni Gloria Ortinez, 56
taong gulang na OFW na naninilbihan ng mahigit

Naging matagumpay ang nasabing
20 taon na bilang kasambahay sa Hong Kong.
talakayan sa kabila ng maliit na bilang ng mga
Hindi nakasakay sa nakatakdang flight si Aling
kumakatawan sa mga recruitment agencies (2
Gloria dahil siyay pinigilan pagkatapos makuhaan
lang ang pumunta sa 5 naimbitihan) at sa mga
ng bala sa kanyang bitbit na bag noong Oktubre

18

2015. Dahil sa pangyayaring ito ay muntik ng


mawalan ng hanapbuhay si Aling Gloria ng hindi
na siya tatanggapin ng kanyang amo/employer
na pinagsisilbihan niya ng mahigit 13 taon. Mabuti
na lamang at nakumbinsi niya ang kanyang amo/
employer na siya ay nabiktima lang ng panlilinlang
sa airport ng kanyang sariling bansa at muli siyang
tinanggap.

Bernardo, SPO2 Romy Navarro at P/CINSP


Adriano Junio ng Philippine National Police
Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP)
ay sinampahan ng kasong paglabag sa Article
V, Section 38 (Liability for Planting Evidence) ng
RA No. 10591 (Comprehensive Firearms and
Ammunition Regulation Act), robbery/extortion, at
paglabag sa RA No. 7438 at RA No. 3019.


Si Aling Gloria ay isa lamang sa mga OFWs
na biktima ng corrupt na sistema at inalipusta ang
karapatan ng hindi makatarungang pamahalaan.
Sa pagkakataong siya ay hindi na tinanggap
ng kanyang amo tiyak na si Aling Gloria ay
mapabilang na naman sa mga OFWs na nawalan
ng trabaho na hindi naman nila kasalanan. Sa
pagkakataon ding ito, hindi kailanman mapalitan at
matulungan ng pamahalaan ang kanyang trabaho
maging ang kanyang kinikita buwan-buwan sa
Hong Kong.


Ayon naman sa Public Attorneys Office
(PAO), nalaman nilang mayroong 32 kaso ng
tanim-bala na naihabla ang mga airport security
personnel laban sa ibat-ibang indibidwal na
pinawalang saysay naman ng mga korte.
*Si Mary Jane Veloso ay isang OFW na nahatulan ng kamatayan sa


Nang lumabas sa medya ang kaso ni
Aling Gloria ay nagpaabot naman ng intensyon
ang Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA) sa pagtulong sa mga OFWs na nabiktima
ng scam sa pamamagitan ng pagbigay ng
temporary shelter o tulong legal at gumawa ng
hakbang upang ma-communicate ng biktimang
OFW ang kanyang mga kaanak. Subalit ang
ganitong uri ng tulong ay kakarampot lang (kung
mayroon man) at masyadong huli na sa laki at
bigat ng dulot at epekto ng scam sa trabaho ng
OFWs. Handa bang managot ang pamahalaan
kung mawalan ng trabaho ang OFW nang dahil
sa tanim-bala? Maituturing na walang silbi ang
ahensyang nakatutok at responsable sa pagtugon
sa kaso ng tanim-bala kung patuloy na hindi
tinatanggap ang katotohanang may umiiral na
korapsyon sa loob at nagpapahirap sa mga
inosenteng pasahero lalo na sa mga OFWs.

kasong pagpupuslit ng illegal na druga sa bansang Indonesia.

MARY JANE VELOSO

Kongkretong Naglalarawan sa Kapabayaan


ng Pamahalaan sa Pangangalaga at Paglaban
sa Karapatan ng mga OFWs
Ni: Goldy Omelio

Sa muling pagkakataon ay nagbigay na
naman ng pansin sa kapabayaan ng pamahalaan
ng Pilipinas sa kalagayan ng mga OFWs lalonglalo na ng naibalita ang nakaambang pagbitay
kay Mary Jane Veloso. Base sa karanasan ng
Kaagapay, may mga would-be OFWs kagaya
ni Mary Jane na naghahangad at umaasang
makakalabas ng bansa at makapagtrabaho
para mabigyan ng mahusay na kinabukasan
ang pamilya subalit sa duloy naging biktima ng
trafficking. Samantalang ang ibang OFWs naman
ay ginagamit upang makapuslit ng ipinagbabawal
na druga sa ibang bansa at isa na nga dito si Mary
Jane Veloso.


Si Mary Jane ay 30 taong gulang mula sa

Samantala, sina Maria Elma Cena at Marvin Cabanatuan, Nueva Ecija. Siya ay may dalawang
anak na mag-isa niyang tinataguyod. Bago pa man
Garcia ng Office for Transportation Security ay
niya tinungo ang bansang Indonesia ay nanilbihan
kasalukuyang sinampahan ng kasong robbery/
siya ng 10 buwan sa Dubai, United Arab Emirates
extortion bilang paglabag sa Republic Act (RA)
subalit naglayas siya dahil umano sa pang-aabuso
No. 7438 (An Act Defining Certain Rights of
ng kanyang amo. Dahil sa pag-asang makakita ulit
Person Arrested, Detained or Under Custodial
Investigation and Duties of the Arresting, Detaining ng hanapbuhay sa ibang bansa, tinanggap niya
ang trabahong alok ng kanyang kinakapatid na si
and Investigating Officers) at RA No. 3019 (AntiMaria Christina Tintin Sergio. Sa kabila ng napagGraft and Corrupt Practices Act). Samantalang
usapan na sa Malaysia siya magtatrabaho ay
sina SPO2 Rolando A. Clarin, SPO4 Ramon

19

ipinabyahe siya nito patungong Indonesia.


Maliban kay Mary Jane, mayroon pang
mahigit 90 na mga OFWs sa ibat-ibang bansa ang

Noon Abril 25, 2010, araw ng kanyang
nahatulan ng kamatayan dahil sa ibat-ibang kaso
pagdating sa Indonesia, siya ay nahulihan ng
gaya ng pagpatay at mga drug-related charges.
2.6 kilogram ng heroin na nakatago sa looban
Samantalang hindi naman bababa sa 3,800 ang
ng kanyang dala-dalang bagahe na umanoy
mga OFWs na nakakulong sa mga bilangguan
ipinagamit lang sa kanya ni Tintin. Oktubre sa taon sa ibat-ibang bansa ng mundo. Ang bilang na ito
ding iyon ay hinatulan siya ng kamatayan dahil sa
ay sumasalamin sa kakayanan ng pamahalaan
pagpupuslit ng ilegal na droga. Nang nailuklok sa
na bigyang tugon ang mga kaso ng OFWs, sa
pamamahala si Joko Widodo bilang Presidente
kakayanang puksain o tugonan ng masinsinan
ng Indonesia, ay lantaran niyang ibinahagi ang
ang problema sa droga at trafficking at direktang
paglaban sa ipinagbabawal na gamot at kailanmay naglalarawan rin ito sa kakayanan na resolbahin
hindi magbibigay ng kapatawaran sa kahit na
ang problema sa kahirapan lalong-lalo na ang
sinong nagkasala dito kabilang na si Mary Jane.
usapin sa trabaho at desenteng sahod upang
Dahil dito, noong Abril 29, 2015, ang nakatakdang hindi na mapilitan pa ang malaking bahagi ng
pagbitay sa kanya.
manggagawa na manilbihan sa ibang bansa o
maakit na lumahok sa bentahan ng droga.

Subalit ilang minuto bago ang nakatakdang
pagbitay sa kanya ay nagdesisyon ang

Kaakibat ng patuloy na pagtaguyod
pamahalaan ng Indonesia na ipagliban muna
ng pangingibang bansa bilang isa sa mga
ang pagbitay sa kanya. Ito ay maaring dahil sa
pangunahing solusyon upang makatrabaho
ibat-ibang dahilan: (1) sumuko sa awtoridad
ang mga Pilipino ay ang pagiging handa ng
ng Pilipinas si Tintin isang araw bago ang
pamahalaan na maitaguyod at mapangalagaan
nakatakdang pagbitay kay Mary Jane at maaaring ang karapatan ng mga ito kahit na sila ay
may impormasyon siya sa kalakalan ng ilegal
nasa ibang bansa. Kasali na dito dapat ay
na droga sa Asya; (2) maraming grupo ang nagang pagpapatatag at pagpapalawak ng mga
petisyon, nagpakita at nagpaabot ng panawagan
embahada, pagdagdag ng pondo ng legal
at demanda para sa pagligtas kay MaryJane; (3)
assistance para may sapat at libreng legal
naisagawang negosasyon ng pamahalaan ng
representation ang mga nagkaproblemang
Pilipinas sa pamahalaan ng Indonesia.
OFWs, mabilisang pagtugon sa lahat ng uri ng
kasong kinasangkutan ng mga OFWs, pagtatag

Sa kabila ng naipalabas na detalyadong
at pagpapalakas ng mga mekanismong tutugon
timeline ng Department of Foreign Affairs (DFA)
sa mga isyu at problemang may kinalaman sa
hinggil sa mga pangyayaring pagtugon sat kaso ni pangingibang bansa tulad ng illegal recruitment at
Mary Jane ay pinabulaanan naman ito ng pamilya
human trafficking.
Veloso na nagsasabing hindi totoo ang ipinalabas
na impormasyon ng DFA at hindi naging maayos

Kung hindi man sapat ang kahandaan
ang kanilang karanasan ng sila ay humingi ng
ng pamahalaan ukol dito, ay nararapat lamang
tulong dito. Ayon sa pamilya ni Mary Jane, Agosto
nitong ikonsidera na sa pagbalangkas ng
at hindi Mayo 2010 ng sila ay nagdesisyong
tatahaking kaunlaran ay unti-unti o gawing ganap
humingi ng tulong sa pamahalaan. Hindi sila
na ang pangingibang-bansa ay dahil na sa
nakatanggap ng kahit na anong balita hanggang
kagustohan ng mga mamamayan at hindi dahil sa
Oktubre 11, 2010 ng hinatulan na ng kamatayan
pangangailangan nila sa buhay.
si Mary Jane kahit na ilang ulit silang pabalikbalik sa DFA. Nagkaroon sila ng pagkakataong
Kaakibat ng pagtaguyod ng pangingibang
bumisita kay Mary Jane hindi dahil sa tulong ng
bansa ay ang pagiging handa na
pamahalaan kundi dahil nag-ambag-ambag ng
pera ang mga polisya, jail officers at inmates sa
maitaguyod at mapangalagaan ang
Yogyakarta jail para pambili ng tiket sa eroplano ng karapatan ng mga OFWs...
pamilya ni Mary Jane.

20

Ang Naitulong ng MicroLending sa Pamumuhay ni Sarsia Eskak

Ako si Sarsia Bada Eskak, 42 taong


gulang, may asawa at may anim na anak, tatlo
sa kanila ay nag-asawa na at tatlo ang wala pa.
Ako ay may anak na nasa abroad. Ako ay nakatira
sa Barangay Bulalo Extension Sultan Kudarat,
Maguindanao naging aktibong myembro ng OFW
Organization of Bulalo, Inc. mula pa noong taong
2003. May maliit na kamalig (pwesto/tindahan)
para sa aking ihawan ng chicken barbeque, dito
kami kumukuha ng pang araw araw na gastusin
sa bahay at pang araw araw na gastusin din sa
mga anak na nag aaral. Ang aking asawa ay
nagtatrabaho din sa construction at maliit din ang
sahod.

Ako ang unang myembro na napili ng
president ng aming organisasyon upang makasali
sa micro-lending para sa individual member ng
MED (Micro Enterprise Development) na programa
ng Kaagapay. Ako ay nagsimulang mag-loan
noong October 20, 2014, at naabot ang 3rd round
ng micro-lending at maayos na nakabayad sa loan
hanggang December 2014.

Ako ay nagpapasalamat sa Kaagapay dahil
isa ako sa nakahiram ng dagdag puhunan sa aking
pang-araw-araw na barbequehan, nakatulong ng
malaki sa aking tindahan, nadagdagan ang aking
kapital at naipaayos ko pa ang kusina ng bahay
namin na nagiba dahil sa sunod-sunod na baha.
Nakaya ko rin na maabot hanggang sa 3rd round
at naibalik ang pondo na pinahiram sa akin.

Ang masasabi ko ay sana marami pa
ang matulungan ng Kaagapay na makahiram ng
dagdag puhunan. Maraming salamat po! Suhran
and Wassallam!

Ang Naitulong ng Micro-Lending sa


Pamumuhay ni Mercy Dima

Ako po ay si Mercy Dima, 39 na taong
gulang, may asawa at tatlong anak na nagaaral. Kami po ay nakatira sa Barangay Anding
S. Lim, Purok Turion, Poblacion 1, Cotabato
City. Sa kasalukuyan, kami ay nakatira sa aking
biyanan, may maliit na tindahan na pinagkukunan
ng pang-araw-araw na gastusin pati na sa
pangangailangan ng aming mga anak na nag-

aaral. Ang aking asawa ay nagtatrabaho sa


aming bukid, minsan ay nanghuhuli ng isda o
namamasada ng bangka.

Ako ay aktibong kasapi sa Torion OFW
Organization at dahil dito marami din akong
natutunan sa pag-attend ng mga pagsasanay
sa pagluluto, at mapalad na nakasali sa
pagpapahiram ng Kaagapay ng maliit na
pandagdag puhunan. Masaya ako dahil mula
noong nakahiram ako nadagdagan ang aking mga
paninda at napunoan din ang aking kita. Nakabili
rin ako ng isang bangkang pampasahero na
ginamit ng aking asawa na dati ay nag aarkila lang
siya.

Nagpapasalamat ako ng malaki dahil sa
tulong ng Kaagapay kami ay nakaraos ng mabuti
at sa ngayon masaya ang aming buhay pamilya.

OFWs First Wish


December 2015

Malamig simoy ng hangin


Makulay na mga tanawin
Lage kong dinadalangin
Kabutihan nyo sanay dinggin
Pagsapit ng kapaskuhan
Walang ibang kahilingan
Kasiyahan nyo mga mahal
Malusog na pangangatawan
Wala man sa inyong tabi
Yakap kayo gabi-gabi
Tangan masayang larawan
Lakas sa pakikipagsapalaran
Mabigat man sa dibdib
Lalabanan ang sakit
At sa aking pag-uwi
Gagamutin ang pananabik
At sa inyong pagtulog
Aawitan hanggang himbing
Mahalaga ang bawat sandali
Nalalapit nang umalis uli

21

Hapdi

October 2015
Di mapigilang pumatak
Kay higpit ng mga yakap
Taon ding mawawalay
Sa malayo maglalakbay
Naninikip ang dibdidb
Puno ng pighati
Mawawalay sa pamilya
Kung pwede di na lang sana
Nakangiti man ang labi
Ang lungkot ikinubli
Sa puso ay kay hapdi
Sana sa byahe ay mahuli
Nakatitig kay bunso
Sa pag-alis mabigat sa puso
Pagmamahal nyo ang lakas
Tayo din makakaalpas
Nakangiti man ang labi
Ang lungkot ikinubli
Sa puso ay kay hapdi
Magsasama tayong muli

BALIK TANAW SA
PAG AABROAD
Tula
Racma Nguda

Noon at Hanggang sa ngayon


ay diko malimot malimot
isang makabuluhan at natatangi
sa aking buhay
Ang pagtatrabho sa ibayong
dagat ay karanasan na
nakatatak sa aking isipan at
damdamin.
Ang buhay sa ibayong dagat ay
masasabi kong
masaya at mahirap..
Kapiling ang luhat pag-aalala sa
mga mahal sa buhay na naiwan
Mga nakasanayan na mahirap
ilayo sa buhay
Subalit pilit na iwinawaksi upang

22

Paglisan

matamo ang mga pangarap sa


buhay..
Naghirap at nagtitiis subalit sa
kabila niyon ay poot at paghihinagpis lamang...
Nag alis sa lupang sinilangan na
kulang sa kaalamtan
Na dapat sana ang pinaghirapan ay mapunta at nailagay sa
maayos..
Bilang isang balikbayan OFW na
sa ngayon ay nagbabahagi ng
mga kaalaman at orientasyon sa
mga kumunidad
Naging katuwang ko sa aking
buhay ang mga karanasan noon
upang ibahagi ang matibay na
pananalig sa kay Allah
Manaliksik sa mga karunungan
ibinabahagi ng mga may kaalaman upang ang karapatan natin
bilang isang OFW ay masagot....
Malayo sa mapagnamantalang
mga tao sa musmos na kaisipan..
Mahirap manirahan sa bansang
malayo sa iyong kinamulatan
subalit ang sandalan natin ay
ang pananalig at ang kahirapan
sa buhay ngating pamilya
Maging matatag sa mga pagsubok
At malayang mamuhay muli sa
bansang kinalalagyan...
Busog sa kaalaman ay malayo sa
mga sakunang matatao...
Legal Assistance and Counseling
Updates sa Buong Taon ng 2015

Sa buong taon ng 2015, ang
programa na Legal Assistance and
Counseling (LAC) ng Kaagapay ay
nakapagtala ng litmampong (50) benepisyaro na natulongan nito. Ang mga
benepisyaryong ito ay direktang nakatanggap ng mga serbisyo ng nasabing
programa. Ang kanilang mga kaso/
reklamo ay nakuha sa pamamagitan ng
drop-in, reach-out at referral.

ni: mhineshinn
Ayaw kong lisanin ang ngiting
walang kapantay
Ayaw kong lisanin ang hawak
na mahigpit
Ayaw kong lisanin ang yakap na
mainit
Ayaw kong lisanin ang pagmamahal na wagas
Ang manatili sa piling mo ay
mahal
Dahan-dahan akong nasasakal
at nasasaktan
Dahil ang lubos kong pagmamahal ay may kapalit
Masakit na lisanin ka, pero ito
ang sagot
Ang aking paglisan pansamantala
Ay para lubos mong mapagtanto
ang aking halaga
Kung sakaling ako ay mawala
ako ba ay hahanapin?
At kung mahanap ako, iaalay ba
ay pag-ibig?
Sa aking pagbabalik muli tunay
na pag-ibig ay iaalay
Mamahalin kita ng di maghahangad ng kapalit
Aking mahal na pamilya,
Aking mahal na bayan, aking
mahal

Chart 1. Kasarian
2%

Babae
Lalake

98%

Ang unang talangguhit ay nagpapakita


na mayroong siyam-naput porsyento
(98%) o apat-naput siyam (49) ang
mga kababaihang nakatanggap
ng serbisyo ng LAC samantalang
mayrooon lamang dalawang porsyento
(2%) o isa (1) ang lalaki.

may walong porsyento (8%) o apat (4)


ang bilang at ang probinsya ng Sultan
Kudarat na may apat na porsyento(4%)
o dalawang (2) bilang. Ito ay maliwanag
na pinapakita sa Chart 3.

Chart 4. Bansa na Pinagtatrabahuan


2% 2%2%
4% 4%
13%

Chart 2. Kategorya ng mga


Benepisyaryo

56%

Jordan

OFWs
OFW Returnees
Deceased
Would-be OFW

30%

UAE
Qatar

2% 2%
30%

Kuwait
Syria

17%
12%

Saudi Arabia

OFW Relative

Ang talangguhit naman sa Chart 2


ay nagpapakita na karamihan sa
mga benepisyaryong natulongan ay
kasalukuyang mga OFWs. Sila ay
umabot sa limamput-apat na porsyento
(54%) o dalawamput-pito (27) ang
bilang samantalang ang mga OFW
returnees naman ay nakapagtala ng
tatlomput porsyento (30%) o labinglima (15) . Ang mga nasawing OFWs
(deceased OFWs) naman ay umabot sa
labing-dalawang porsyento (12% o anim
(6) ang bilang samantalang mas maliit
ang bilang nga mga would-be OFW at
OFW relative na natulungan ng LAC.

Bahrain
Oman

Sa nakalipas na mga taon ay palaging


nangunguna ang Saudi Arabia bilang
bansang pinagtatrabahuan ng mga
benepisyaryo ng LAC. Ngayong taon,
ito ay nakapagtala ng limamput-anim na
porsyento (56%) o dalawamput-pito (27)
ang bilang. Ito naman ay sinundan ng
Kuwait na may labing-pitong porsyento
(17%) o walong (8) bilang samantalang
ang United Arab Emirates naman ay may
labing-tatlong porsyento (13%) o anim (6)
na bilang. Samantala, ang Syria at Qatar
naman ay may kaparehong porsyento na
apat (4%) o dalawang (2) benepisyaryo.
Samantalang ilang benepisyaryo naman
ay nagtatrabaho sa bansang Jordan,
Bahrain at Oman. Ayon ito sa pinapakita
ng Chart 4.

Chart 5. Uri ng Trabaho

Chart 7. Relihiyon ng mga


Benepisyaryo


Mayroong anim naput-walong
porsyento (68%) o tatlomput-apat (34)
na bilang ang mga penepisyaryong may
paniniwala sa Islam (Muslim) samantalang mayroon naman tatlomput-dalawang porsyento (32%) o labing-anim
(16) na mga benepisyaryo ang mga
Catholic/Christian. (Tingnan ang Chart 7)

Chart 8. Mga Kasong Tapos Na

Chart 3. Lugar na Pinagmulan

Karamihan sa mga benepisyaryo


ngayong taong ito ay nagmula sa
probinsya ng Maguindanao na
nakapagtala ng limamput-apat na
porsyento (54%) o dalawamput-pito
(27) ang bilang. Sinundan naman ito
ng Cotabato City na may dalawamputdalawang porsyento (22%) o labingisa (11) ang bilang. Samantala, ang
North Cotabato naman ay may labingdalawang porsyento (12%) o anim (6)
ang bilang. Ang iba pang benepisyaryo
ay nagmula sa Lanao del Norte na

Karamihan sa kasong natugonan ng


LAC na makikita sa Chart 6 ay money
claims na mayrong dalawamput-anim
na porsyento (26%) o labing-tatlo
(13) benepisyaryo. Ito ay sinundan
naman ng kasong maltreatment at
death benefits claim na may parehong
porsyento na umabot sa labing-dalawa
(12%) o anim (6) na bilang. Ang nonpayment of salary, lost contact, escape,
underpayment at mental distress
naman ay pawang nakapagtala ng
walong porsyento (8%) o apat (4) na
mga benepisyaryo. Samantalang ang
iilang benepisyaryo naman ay may mga
kaso/reklamo hinggil sa overstay na
may anim na porsyento (6%) o tatlong
(3) bilang at detain na may apat na
porsyento (4%) o dalawang (2) bilang.

Ang talangguhit sa Chart 5 ay


nagpapakita na mayroong siyamnaput anim na porsyento (96%) o
apat-naput anim (46) na benepisyaryo
ang mga semi-skilled workers o
domestic workers habang ang apat na
porsyento (4%) naman o dalawang (2)
benepisyaryo ay mga skilled workers.

Chart 6. Kategorya ng mga


Kaso/Reklamo


Sa limampung kaso na naipapakita ng Chart 8 na naidulog at natulungan ng Kaagapay sa taong 2015,
ay mayroong tatlompung (30) kaso
ang natapus o naisara kung kaya ay
mayroon na lamang dalawampung (20)
mga kaso ang kinakailangang lapatan
ng dagdag na tugon sa susunod na
taon. Sa 30 naisarang kaso ay mayroong pitomput-pitong porsyento (77%)
o dalawamput-tatlong (23) kaso ang
matagumpay na natulungan samantalang ang dalawamput-tatlong porsyento (23%) naman o pitong (7) kaso ang
hindi matagumpay.

23

EDITORIAL BOARD
BOT Member
Goldy A. Omelio

Ang Kaagapay Concerns ay inilathala ng


Kaagapay Overseas Filipino Workers Resource and
Service Center, Inc.
sa tulong pinansyal mula sa
Comit catholique contre la faim et pour le
dveloppement

CONTRIBUTORS
Ma. Catherine M. Gasa
Goldy A. Omelio
Jasmine G. Bayao
Fatima Lintang - Ali
Racma A. Nguda
Romilyn G. Cruz
Kapia Pakan
Stephany Silongan
Mercy Dima
Sarsia Eskak
Tatay Remo

PICTURE SELECTION


Para sa inyong mga komentaryo, kontribusyon at
suhestiyon, maari kayong sumulat sa aming tanggapan o
tumawag sa telepono na naidetalye sa ibabang bahagi ng
lathalang ito.

Romilyn G. Cruz
Rj Gahum

LAYOUT/CARTOONIST
RJ

KAAGAPAY Overseas Filipino Workers


Resource and Service Center, Inc
# 349 Ante Compound, Rosary Heights 4,
Sinsuat Ave, Cotabato City 9600, Mindanao
Philippines
Email Address :
kaagapaycotabato98@gmail.com
Website :
kaagapaycotabato.org
Facebook
Kaagapay Ofw
Telephone # :
(063) (064) 421 - 5024
Mobile # :
09353254092/09092577416

You might also like