Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TEORYA- mga paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa resulta ng kanilang ginawang pagaaral.

Teorya Ng Land Bridges O Tulay Na Lupa


Ay isang isthmus o mas malawak na lupang nag-uugnay sa magkahiwalay na lugar. Noong
1885, ipinahayag ni Eduard Suess, isang heologong Austriyano, na dating may mga tulay na
lupang nag-uugnay sa Timog-amerika, Timog Aprika, India, Australya, at Antarktiko.
Pinangalanan niya itong GONDWANALAND.
Mga paraan kaya nakakabuo ng Tulay Na Lupa:
-

Kapag bumaba ang tubig-dagat na siyang dahilan para lumutang ang mga mabababaw at
datiy nakalubog na bahagi ng continental shelf.
Kapag may nabuong bagong lupa dulot ng paggalaw ng lithosphere
Kapag tumaas ang sahig ng dagat dahil sa mababaw na tubig dagat.

Sunda Shelf At Teoryang Sundaland


Ay isang continental na shelf o isang patungong timog na nakausling platform ng Mainland
Timog Silangang Asya. Noong panahong Glacial, bumaba ang tubig-dagat at lumitaw ang
malalaking bahgi ng Sunda Shelf sa anyong matubig na kapatagan (marshy plain).
Naniniwala naman ang mga ibang siyentistang ang Mainland ay dating bumubuo sa iisang
malawak na kalupaang umabot sa Palawan sa Pilipinas. Tinawag itong SUNDALAND ni Dr.
Stephen Oppenheimer at iba pang siyentista. Ang pagbaha ng Sundaland ang naging sanhi ng
paghihiwalay ng mga species at mga pulo.

Teoryang Continental Drift


Noong 1912, inihain ng Alemang geophysicist at meteorologist na si Alfred Lothar
Wegener ang teoryang ito. Sinasabi nito na may mga bahagi ng crust ng daigdig na unti-unting
gumagalaw sa ibabaw ng core na likido. Sa kanyang aklat noong 1915 na On The Origin of
Continents and Oceans, inihain din niya ang hypothesis na mayroong supercontinent 200
milyong taon na ang nakalilipas at tinawag niya itong PANGAEA.
Pangaea- kahulugan ay lahat ng lupa o all the land sa wikang Greek.
Ayon pa rin sa kanya, napansin niya na ang ibat ibang mga lupa sa daigdig ay parang
isang jigsaw puzzle na kung paglalapitin ay mabubuo.

Teoryang Plate Tectonics


Ay nabuo batay sa mas matandang mga konsepto ng continental drift at ng Seafloor
Spreading Theory. Noong dekada 60 nabuo ang teorya ng plate tectonics (plate structure).
Ipinapaliwanag ng teoryang ito ang paggalaw ng mga plate ng mundo. Ipinapaliwanag din na
ang paggalaw ng mga plate na ito ay ang sanhi ng lindol, pagkabuo ng mga kabundukan, bulkan,
oceanic trenches, at iba pang mga pangyayaring heolohikal.

Major Plates
African Plate
Antarctic Plate
Indian Plate
Australian Plate
Eurasian Plate
North American
Plate
South American

Minor Plates
Arabian Plate
Caribbean Plate
Juan de Fuca Plate
Cocos Plate
Nazca Plate
Philippine Sea
Plate
Scotia Plate

Plate
Pacific Plate

Teoryang Bulkanismo
Ang tinatawag na Pacific Ring of Fire ay may mga bulkang dulot ng magkakasamang
tectonic plate samantalang ang Mid-Atlantic Ridge ay isang ridge sa karagatan na may mga
bulkan din dahil naman sa mga divergent tectonic plate. Ang Philippine Ridge naman ay nauna
nang natukoy bilang isang extinct spreading ridge ng panahong Mesozoic hanggang maagang
panahong tertiary.
Pacific Ring of Fire- may 452 na bulkan at tahanan ng higit sa 75% ng mga pinaka-aktibo at
dormant na bulkan sa daigdig.
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire. Ito ay may 37 na bulkan at 18 sa mga
ito ay aktibo.
Pinagmulan ng Tao
Pinaniniwalaang ang Australopithecus afarensis (southern ape) ay isa sa mga naunang
Hominid at siyang tuwirang ninuno ng makabagong tao.Ito ay mas kilalang Australopithecines.
May natuklasang 300 indibidwal ng Australopithecus afarensis sa Tanzania, Kenya, at Ethiopia.
Tinatayang nanirahan sila sa Hilagang-Silangang Aprika mula 4.1 hanggang 2.7 milyong taon na
ang nakalilipas.
Australopithecus Afarensis
Ay kaiba sa mga tinatawag na Apes sapgkat nakapaglalakad sila nang nakatayo. Mas
maliit ang mga babae kaysa sa mga Lalaki at doble ang laki ng katawan kaysa sa mga babae.
Siya rin ay isang scavenger at nomad, hindi nananatili sa iisang lugar at patuloy na naghahanap
ng pagkain sa kalupaan ng Aprika. Ang kanyang kabihasnan o kultura ay payak lamang.
Mga Katangian Ng Australopithecus Afarensis

Maliit ang utak at katulad ng sa chimpanzee


Hindi gaanong nakaumbok ang mukha
Mababa ang noo
Hindi gaanong nakaumbok ang browridge
Pango ang ilong
Prominente ang baba
May mga kahalintulad ng sa modernong tao ngunit mas malalaki
May mga buto sa balakang at sa binti na kahalintulad ng sa modernong tao
Ang mga daliri sa paat kamay ay nakabaluktot at mas mahaba kaysa sa modernong tao
Ang mga kamay ay mas maigsi kaysa sa mga ape ngunit mas mahaba kaysa sa
modernong tao.

Si LUCY
Ang pinakatanyag na Australopithecus afarensis fossil ay natagpuan sa Hadar, Ethiopia,
Aprika noong 1974. Ang 3.2 milyong taong gulang na partial skeleton ay pinangalanang Lucy. Ito
ang tinatayang pinakamatanda at pinakakumpletong kalansay ng ninuno ng mga tao. Siya ay

isang babae, payat, at may taas na 3 talampakan at 8 pulgada.may timbang na 60-65 pounds
noong siyay namatay. Walang nakitang ebidensya ng paggawa ng kasangkapan at pagkain nito
ng karne.
Teorya Ng Ebolusyon Ng Tao

You might also like