Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Carlos, Allyson Denise

1JPH

Filipino 2

Pag-aaral sa Medikasyon sa mga Karaniwang Karamdaman ng mga Piling Estudyante ng


Facultad ng Parmasya sa Unibersidad ng Santo Tomas
Ayon kay Casper at Brennan (1993), ang patient preference ay tumutukoy sa pansariling ebalwasyon
ng mga dimension ng mga kinalabasang pangkalusugan at ito ay kabilang sa iba pang mga preferens na
maaaring makaimpluwensya sa pagdedesisyon ng tao ukol sa kanyang kalusugan. Ang mga desisyong ito
ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng mga aksyon o mga pahayag ng isang tao. Ang patient
preference din ay nagreresulta mula sa mga desisyon, mga karanasan, mga repleksyon at maaari ring mula
sa pag-uugali ng tao. Ito rin ay mula sa resulta ng mga deliberasyon ukol sa ibat ibang elemento tulad ng
mga inaasahang mga paraan ng paggagamot o mga kinalabasan sa ating kalusugan.Nakaugat ang patient
preference sa aplikasyon ng Decision Theory sa pag-iintindi sa mga pansariling desisyon.Unang naipropose nina Von Neumann at Morgenstern na ang mga asal at kaugalian ay nakaapekto sa desisyon ng
isang tao, at itoy mas maiintindihan sa pamamagitan ng matematik na pormyula.
Tumataas na ang bilang nga mga taong gumagawa ng praktis ng pansariling medikasyon sa buong
mundo (Verma at Pandey, 2010). Ang pansariling medikasyon ay nangangahulugan bilang ang paggamit
ng pasyente ng isang medikasyon nang may inisyatib o base sa payo ng isang pharmacist o karaniwang
tao sa halip na magpakonsulta sa isang doctor (WHO, 2000). Ang napakadaling pagkuha o availability ng
mga parmasyutikong gamot, kaledad ng health care, at ekonomikal, politikal at kultural na mga salik,
nagkontributo ang mga ito sa pagkaunlad ng pansariling medikasyon sa mundo. Ngunit ang praktis na ito
ay maaaring iugnay sa ibat ibang problema tulad ng maling pagdetermina ng sakit, at kulang na
paglunas, na maaaring magresulta sa paglala ng sakit o sa pagkakaroon ng komplikasyon.
Mahalaga ang mga pag-aaral na ito sa aming riserts dahil itoy makatutulong sa pag-analisa sa mga
kadahilanan ng mga estudyante sa pagpili ng paraan sa paglunas ng kanilang karamdaman maging
parmasyutikong gamot man, herbal at iba pa sa pamamagitan ng patient preference at Decision Theory.
Makatutulong rin sa pag-aaral ang artikulo sa pansariling medikasyon sapagkat ito ay nagbibigay ideya sa
mga posibleng salik at paraan sa pagsasagawa ng pansariling medikasyon lalo na at mga estudyante ng
parmasya ang aming mga participant.
Ayon sa WHO, ang pharmacist ay isang tagapayo sa publiko ukol sa araw-araw na pag-alaga sa ating
kalusugan,at siya rin ay susi sa pagsusuplay at pagbibigay ng gamot sa konsyumer. Bilang mga
pharmacist sa hinaharap, nais naming bigyan ng kahalagahan ang kalusugan ng bawat tao lalo na at kami
ay nasa larangan ng medisina. Matutukoy namin ang mga paraan ng medikasyon sa mga karaniwang
karamdaman at ang porsyento ng mga piling estudyanteng sumasagawa ng bawat pamamaraan,nang
sagayon ay ito ay maaaring maging basehan ng mga posibleng mga pag-aaral sa hinaharap ukol sa
medikasyon.

You might also like