Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga uri ng " vegetation cover"sa asya

"Vegetation Cover"
Ang asya ay isang malawak na kontinente sa daig dig , aking isisiwalat ang
mga uri ng lupain dito sa gabay na pagtuturo ng aming guro
Dati sa aking pagkakaalam ang uri ng lupa sa mundo ay iisa lamang ,
ngunit habang ako ay lumalaki nalaman ko na mayroon din palang uri ng
lupa na matataba.Akala ko basta lupa lupa na pero meron pa palang
tinatawag na vegetation cover.Ano nga ba ang ibig sabihin ng vegetation
cover?
Ang behetasyon o vegetetion sa ingles ay isang napakapanlahatang
kataga para sa mga halaman , tumutukoy ito sa panakip sa lupa na
ibinibigay ng mga halaman.Isa itong katagang pangkalahatan, na hindi
tumutukoy sa tiyak na uri o anyo ng buhay,kayarian,kasaklawan ng
puwang,o anumang iba pang tiyak na mga katangiang pambotanika at
pangheograpiya.Mas malawak ang kahulugan nito kaysa sa flora na
tumutukoy lamang sa kumposisyon o mga bumubuo sa espesye.Marahil,ang
pinakamalapit na kasingkahulugan ay ang "pamayanan ng mga halaman" ,
subalit ang behetasyon ay maaaring tumukoy,sa kadalasan,sa isang mas
malawak na nasasakupan ng mga sukat na puwang na hindi natutukoy ng
katagang iyon ,kabilang na ang sukat na kasinlaki ng globo.
Naririto ang ibat ibang kase ng vegetation cover sa asya
Steppe
Ang steppe ay isang malawak na lupain na nagtataglay ng damuhang
mayroon lamang na ugat na mababaw (o shallow-rooted short grasses).
Maliit lamang ang mga damong matatagpuan sa ganitong lupain.Ito ay dahil
nasa pagitan ng 10-30 pulgada ng ulan ang tinatanggap ng step. Ang steppe
ay isang vegetation na malawak at madamong kapatagan, wala ditong mga
puno.Sa heograpiyang pisikal naman ang steppe ay isang ekorehiyon na
matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at
subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe
ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan
ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa
mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang
steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito.
Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan,
ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay
tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

Prairie
Ang prairie ay isang malawak na pastulan na may matabang lupa
matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng steppe ng Russia at maging sa
Manchuria.Ang lupaing ito ay may mga damuhang mataas na malalim na
ugat(o deeply-rooted tall grasses).Ang parang o prairie sa ingles ay isang
anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan matatagpuan ang
damuhan; likas at hindi pa ito natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o
sinasaka nang mga bukirin. Bagaman may mga damo, walang mga punongkahoy sa kalawakan nito. Nakakapamuhay sa prairie ang mga ahas at iba
pang mga hayop.
Boreal Forest o Taiga

Ang Boreal Forest o Taiga ay isa pang halimbawa ng lupaing


matatagpuan sa Hilagang Asya. ang salitang taiga ay wikang russian na
nangangahulugang Rocky mountain terrain. Ang mga kagubatang ito ay
coniferous at kadalsang nasapagitan ng ng katimugan ng mga tundra at
hilaga ng mga grass lna. Ang taiga sa Asya ay matatagpuan sa Siberia. Ang
mga puno rito ay mahalaga sa mga mangtotroso.matatagpuan ang klimang
ito sa gawing timog ng tundra.Mahaba ang taglamig dito, samantalang
maikli lamang ang tag araw ito ay pinakamalaking biome sa mundo, na
matatagpuan sa bandang timog ng tundra.Ito ay sagana sa mga halaman.
Tundra
Ang tundra ay isang malawak na lupain.Pinipigilan ang paglago ng
mga puno dito.Isa itong rehiyon hindi na tinutubuan ng punong
kahoy.Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga
rehiyong artiko.Nagmula ang katawagang tundra sa salitang tundar na
nangangahulugang tuyo na kapatagan.Kadalasan ang klima sa lugar na ito
ay malamig kaya hindi tinutubuan ng mga puno kundi halos puro damo lng
ang nakapaligid.
Rainforest o Maulang Gubat
Ang rainforest o maulang gubat,ito ay mayrooong mataas na antas
ng pag ulan kaya mayabong ang mga puno dito.alam natin na kaya may
rainforest ay dahil may malaking papel na ginagampanan ito sa mundo.Sa
rainforest ay may milyon milyong uri ng mga halaman at mga kulisap na
hindi pa natutuklasan.Ang kagubatan ang pinakamalaking parmasya sa
mundo dahil sa dami ng likas na gamot na matutuklasan dito, a makakakuha
ka ng ibat ibang halamang gamot o herbal na maaring makagamot ng ibat

ibang uri ng mga karamdaman.Ang mga puno dito ay taga linis ng hangin sa
ating mundo.Ang halamang tumutubo sa kagubatan ay natatakdaan sa
maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa dahil dito
ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan.Kung ang tabing ng dahon ay
nasira o nabawasan,ang lupa ay kaagad na tinutubuan ng makakapal na
mga baging.may dalawang uri ng maulang gubat o rainforest ito ay
tinatawag na tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat.

You might also like