NMT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Si Elias ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Siya ang bangkero at magsasakang


tumulong kay Crisostomo Ibarra na imulat ang kanyang kaisipan sa mga suliraning kinahaharap ng Pilipinas. Siya ay nagmula sa
isang pamilyang nakaranas ng matinding pighati sa ilalim ng mga Kastila. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit matindi ang
kaniyang poot sa mga mananakop.
[1]

Si Crisostomo Ibarra o Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin ay ang pagunahing tauhan sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ay
isang binatang nakapag-aral sa Europa at nang bumalik ng Pilipinas ay nangarap na makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego.
Sa nobelang Noli Me Tangere, si Ibarra ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego. Siya ay bumalik sa Pilipinas nang
kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra, na tiniwalag mula sa simbahang Katoliko dahil sa pagiging
diumano'y pilibustero. Sa kaniyang pagbalik sa San Diego, muli niyang nakadaupang-palad ang kasintahang si Maria Clara.
Si Kapitan Tiago ay isang tanyag na animator sa Binondo. Siya ay may hitsurang Tsinong mestiso--hindi masyadong matangkad, maliwanag
ang kulay ng balat, bilugin ang katawan, singkit ang mata, at may maitim na buhok. Ipinagpapalagay na siya ang pinakamayamang kapitan
at isa sa mga pangulong haciendero sa buong Binondo dahil sa kanyang malawak na hacienda sa lalawigan ng Laguna at Pampanga.

[1]

Si Padre Damaso Verdolagas o mas kilala sa tawag na Padre Damaso ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me
Tangere ni Jose Rizal. Siya ang biyolohikal na ama niMaria Clara, ang kasintahan ng pangunahing tauhan ng nobela na si Crisostomo
Ibarra. Nabuntis niya ang ina ni Maria Clara na si Doa Pia Alba nang lingid sa kaalaman ng lahat. Sa nobela, siya ay inilalarawan bilang
kaaway ni Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Inakusahan niya si Don Rafael bilang isang erehe dahil iba ang pananaw ng
huli sa relihiyon at sa Diyos. Dahil dito, natiwalag ang matandang Ibarra mula sa simbahang Katolika,nakulong, at nang namatay kulungan,
ipinag-utos ni Padre Damaso na ilipat ang bangkay ni Don Rafael na nakalibing sa himlayan ng mga Katoliko patungo sa libingan ng mga
Tsino. Gayunpaman, itinapon ng kanyang mga inutusan ang bangkay sa ilog.
Si Padre Bernardo Salvi ay isang kathang-isip na Pransiskanong prayle at isa sa mga pangunahing tauhan sa mga nobela ni Jose
Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. may lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya
ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Si Padre Salvi ay inilarawan bilang may mahinang pangangatawan,
sakitin, at tila palaging may iniisip.

[1]

Si Maria Clara o Maria Clara de los Santos y Alba ay ang kaisa-isang anak nina Don Santiago de los Santos at Doa Pia Alba. Ang
pangalang Maria Clara ay bilang pagbibigay unlak sa Birhen de Salambaw at kay Santa Clara. Pinaniniwalaang nabuo si Maria Clara dahil
sa pagsayaw ni Doa Pia sa fiesta ng Obando ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang kanyang totoong ama ay si Padre Damaso. Mukhang
europeo si Maria Clara ngunit ipinagpalagay ng lahat na dahil lamang ito sa paglilihi ng kanyang ina. Simula noong siya'y may edad na 14,
nanirahan siya sa loob ng pitong taon sabeaterio upang tumanggap ng mga turong banal. Siya ang kasintahan ng bidang si Crisostomo
Ibarra. Sapagkat tutol ang kanyang amang Padre Damaso kay Ibarra, siya ay ipinagkasunduang magpakasal sa isang Kastilang si Linares.
Lubhang nalungkot si Maria Clara sa desisyong ito kung kaya't pinili niyang pumasok sa kumbento at magmongha. Sa huling kabanata ng
nobela, inilarawan ang isang mongha na nakita ng dalawang guardia sibil sa taas ng bubong habang kumikidlat sa langit at malakas ang
ulan.
Si Pilosopong Tasyo ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay kilala sa kanyang mga
matalinghaga at matalas na opinyon na tumutugon sa tunay na nararanasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila. Siya ay nakapag-aral ng
pilosopiya sa kolehiyo ng San Jose ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang ina, iniwan niya ang kanyang pag-aaral. Si Tasio lamang ang
natitirang kayamanan ng kanyang ina kung kaya't ayaw niya itong maging makalimot sa Panginoon. Nais ng kanyang ina na siya'y magpari
ngunit labag naman ito sa kanyang kagustuhan.
Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Inilalarawan si Sisa sa nobela bilang isang magandang
dalagang Pilipinang nasadlak sa kahirapan at kawalan ng hustisya. Sa kanyang murang edad ay nakapagasawa siya ng isang tamad at
walang pusong lalaki. Lulong sa sugal ang kanyang napangasawa hanggang sa naubos ang kanyang mga hiyas. Upang kumita ng pera,
siya ay nananahi na madalas abutin ng hating-gabi. Isang araw nang hindi niya makita ang kanyang dalawang anak, siya ay nasiraan ng
bait. Namatay si Sisa sa piling ng kanyang anak na si Basilio sa gubat na pagmamay-ari ng mga Ibarra. Sinunog ni Basilio ang kanyang
bangkay kasabay ng pagsunog sa bangkay ni Elias hanggang sa ito ay maging abo.
Si Basilio ay isang kathang-isip na tauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal--ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo. Siya ang
nakatatandang kapatid ni Crispin at anak ni Sisa sa Noli Me Tangere, at naging mag-aaral ng medisina sa El Filibusterismo
Si Crispin ang nakababatang kapatid ni Basilio at anak ni Sisa sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay pitong taong gulang sa
panahon ng nobela. Tulad ni Basilio, isa rin siyang sakristan sa simbahan ng San Diego. Tungkulin niyang alalayan ang kanyang kuya sa
pagpapatugtog ng kampana.

Ang alperes ay siyang namumuno sa mga guardia sibil sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ayon sa paglalarawan sa nobela, siya'y
makapangyarihan ngunit magulo ang kaniyang relasyon sa asawang si Doa Consolacion. Dahil dito, siya'y naging lasenggero at mapangabuso sa kaniyang asawa at mga kawal.

[1]

Si Doa Victorina de Espadaa ay isang kathang-isip na katauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal--ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Siya ang kabiyak ni Don Tiburcio de Espadaa at tiyahin ni Paulita Gomez. Ginagampanan niya ang papel bilang
isang Pilipinang mapagpanggap bilang Kastila kaya't nagsisikap siyang lagyan ng kolorete ang mukha at magsalita ng Espanyol kahit malimali ito.

[1]

Si Doa Consolacion ang maybahay ng alperes. Tulad ni Doa Victorina, isa siyang matanda at mapamintas na Pilipina na gumagamit ng
makapal na koloretes sa mukha upang matabunan ang kanyang tunay na lahi. Kalimitan, sa tuwing dumadaan ang mga binibini sa harapan
ng kanilang bahay, sila ay yumuyuko na lamang upang maiwasan ang masamang tingin ng donya.

[1]

Si Don Tiburcio de Espadaa ay ang asawa ni Doa Victorina sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.
Dumating siya sa Pilipinas na may tungkuling ikalimang opisyal sa Aduana. Sa kasamaang palad, napilay ang kanyang isang paa noong ika15 araw niya sa tungkulin. Ito rin ang naging dahilan ng kanyang pagkaalis sa tungkulin. Dahil wala naman siyang balak bumalik ng
Espanya, nagtrabaho si Tiburcio upang mabuhay ng marangal. Sanhi ng lubhang pangangailangan ay sinunod niya rin ang payo ng kanyang
mga kaibigan na magtungo sa lalawigan at magpanggap bilang isang doktor.

[1]

Si Alfonso Linares de Espadaa, kilala bilang Linares, ay ang pamangkin ni Don Tiburcio de Espadaa, inaanak ng bayaw ni Padre
Damaso, at ang karibal ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Si Linares ay isang purong Kastila.
Nakapagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad Central sa Madrid, kabisera ng Espanya. Ipinalalagay na siya ang pinakamatino sa angkan
kung kaya't pinapunta siya ni Doa Victorina sa Pilipinas sa pag-aakalang kinakailangan niya ng tagapangasiwa ng yaman. Sa kanyang
pagdating sa Maynila, tumuloy siya sa bahay ni Kapitan Tiago, ang ligal na ama ni Maria Clara. Lubha siyang pinuri ni Doa Victorina kung
kaya't namangha si Kapitan Tiago sa kanya.

[1]

Si Don Filipo Lino ay isang tenyente mayor, kaibigan ni Pilosopong Tasyo, at asawa ni Doa Teodora Via sa nobelang Noli Me
Tangere ni Jose Rizal. Siya ay pinuno na isang pampulitikang organisasyon.

[1]

Si Seor Nol Juan ang nangasiwa sa pagpapatayo ng gusaling paaralan sa pangunguna ni Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me
Tangere ni Jose Rizal.

[1]

Si Lucas ay isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra s
nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pambabastos at pagtaboy sa kanyang malinis
na hangarin ay sumapi siya sa mga tulisan. Siya ang nag-aya sa magkapatid na Bruno atTarsilo na makiisa sa pag-atake sa kwartel na pinlano ni
Ibarra. Naniniwala siyang sa paraang ito ay maipaghihiganti niya ang kanyang pamilya na pinatay ng mga guardia sibil.[1]
Si Bruno ay isang Indio, kapatid ni Tarsilo, at anak ng isang lalaking namatay dahil sa palo ng mga guardia sibil sa nobelang Noli Me
Tangere ni Jose Rizal. Sila ni Tarsilo ay inimbitahan niLucas na sumapi sa mga tulisan at sumama sa pag-atake sa kwartel ng mga guardia
sibil mapaghigantian ang pagkamatay ng kanilang ama.

[1]

Si Tarsilo ay isang Indio, kapatid ni Bruno, at anak ng isang lalaking namatay dahil sa palo ng mga guardia sibil sa nobelang Noli Me
Tangere ni Jose Rizal. Siya ay inanyayahan ni Lucasupang sumama sa mga tulisan sa pag-atake sa kwartel ng mga guardia sibil. Matapos
ang hindi matagumpay na pag-aaklas, isa si Tarsilo sa mga nadakip at ipiniit ng mga guardia sibil. Siya ay pinahirapan upang magsalita
tungkol sa utak ng pag-atake ngunit pinili niyang tumahimik hanggang sa siya ay namatay.

[1]

Si Tiya Isabel ay ang hipag ni Kapitan Tiago sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ang nag-alaga kay Maria Clara simula pa
noong siya'y sanggol pa lamang.

[1]

Si Doa Pia Alba ang ina ni Maria Clara sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ay ang kabiyak ni Don Santiago de los Santos sa loob
ng anim na taon ngunit hindi sila nagka-anak. Pinayuhan siya ni Padre Damaso na sumayaw sa Obando sa fiesta ni San Pascual Baylon. Hindi
nagtagal ay nagdalang tao si Doa Pia ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ito ay dahil ginahasa siya ni Padre Damaso. [1]
Ang Gobernador Heneral ay isa sa mga tauhan ng nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sumunod sa hari, siya ang pangalawang
pinakamakapangyarihan sa gobyerno ng Espanya sa Pilipinas.
Sa nobela, binisita ng Gobernador Heneral ang bansa. Isa siya sa nagbigay ng suporta kay Crisostomo Ibarra nang nakaalitan Padre
Damaso dahil sa pagkutya ng prayle sa kanyang yumaong ama.

[1]

Si Don Rafael Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ang pinakamayaman sa buong
lalawigan sapagkat siya'y nagmamay-ari ng malawak na lupain kung kaya't hinahangaan at pinagkakautangang-loob ng halos lahat ng mga
taga-San Diego. [1]
Siya ay kagalit ng mga prayle sapagkat naiiba ang kanyang pananaw sa relihiyon at sa Diyos. Dahil dito, pinaratangan siya bilang isang
filibustero at erehe dahil umano sa paglabag sa utos ng simbahan tulad ng hindi pangungumpisal. Ang kanyang pagkapiit at pagkamatay
ay pinangunahan ni Padre Damaso at ginatungan ni Padre Salvi. Namatay siya sa bilangguan at hindi binigyan ng Kristiyanong libing.
Si Kapitan Pablo ay ang pinuno ng mga tulisan sa Tanawan, Batangas sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ang pinakiusapan
ni Elias na itigil na ang mga panggugulo sa gobyerno at sa halip ay tulungan si Ibarra na maisakatuparan ang mga repormang binabalak.

[1]

Si Kapitan Basilio ay tauhan sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay isang mayamang kapitan sa
bayan ng San Diego. Siya rin ang asawa ni Kapitana Tika at ang ama ni Sinang. Siya ang karibal ng namayapang si Don Rafael Ibarra at
inilarawan bilang mayabang at arogante.

[1]

Si Tenyente Guevarra ay isang sundalong Kastila sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ang nagtapat kay Crisostomo Ibarra ng
lahat ng kinahinatnan ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Siya rin ang nagpakita kung saan inilibing ang kanyang ama at nagsalaysay
ng lahat ng pighating naranasan ng huli sa kamay ng mga guardia sibil.

[1]

Si Padre Hernando de la Sibyla o mas kilala sa tawag na "Padre Sibyla" - Si Padre Sibyla ay isa sa mga tauhan sa Noli Me Tngere na
Paring Dominiko at lihim na sumubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Isang pagkakamali ang pagsabi na Agustino si Padre Sibyla sapagkat
noong panahon ng Espanol, ang mga Dominiko ang naatasang mamahala sa mga Parian o lugar ng mga intsik. Isa na sa mga lugar na ito
ang Binundok na ngayo'y mas kilala bilang Binondo. Kahit ngayon ay mga Dominiko pa rin ang nakatalaga sa Binondo. Si Padre Sibyla ay
kura ng Binundok kaya ibig sabihin, siya ay isang Dominiko ngunit ang nakasaad sa ibang bagong lathalang mga edisyon ng Noli, isang
Agustino si Padre Sibyla at ito'y isang pagkakamali. Sa pagpapatuloy din ng kanyang karakter sa El Fili ay rector na rin siya ng Pamantasan
ng Santo Tomas at ito'y pinatatakbo ng mga prayleng Dominiko. Isa rin itong patunay na hindi siya Agustino kundi ay
Dominiko.Noli_Me_Tangere

Si Albino ay isa sa mga kaibigan ni Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay isang seminarista ngunit may lihim na
pagtingin kay Victoria, ang pinsan ni Maria Clara.

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral
pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin
natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa
sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at
pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa
Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya
isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa
Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

You might also like