Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mahahalagang Elemento ng Epiko

Ang epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsan ay sinasaliwan ito
ng instrumentong pangmusika. Binubuo ang epiko ng 1,000 hanggang 55,000 na linya
kaya maaring abutin ng ilang oras o araw ang pagtatanghal nito.

Ang epiko na tulang pasalaysay ay may mga elemento kagaya ng sumusunod


1. Sukat at Indayog
Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa bawat tiyak na hati ng
taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat taludtod ay maaaring maging
wawaluhing pantig(8),
lalabindalawahing pantig (12), lalabing-animing
pantig (16), lalabingwaluhing pantig (18). Isinasaayos ang epiko sa paraang maindayog
o maaliw-iw.
2. Tugma
Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompantig ng mga taludtod.
Tinatawag itong tugma.
3. Taludturan
Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay tinatawag na taludturan.
Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo sa isang taludturan o saknong.
4. Matatalinghagang Salita
Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma. Ang mga ito ay may
kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang
mga idyoma.
5. Banghay
Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay-ugnay ng
pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari itong payak o komplikado. Makikita rin na
maraming mga pangyayari sa epiko ang
hindi kapani-paniwala o hindi
makatotohanan.
6. Tagpuan
Mahalaga ang tagpuan sapagkat itoy nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa
banghay, at sa tauhan.

7. Tauhan
Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan.

1. Epikong Sinauna
Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang
panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayani na naglalahad ng isang
sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang pambansang layunin o mithiin.
Itoy karaniwan nang may katangiang pangunahing tauhang nag-aangkin ng mga
katangiang kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang
bansa. Ang tulang ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga salinlahi at unti-unting
nabuo sa mga anyo nito ngayon. Ang Beowulf ng Inglatera, Siegfried ng
Alemanya, Ibalon ng Pilipinas ay mga halimbawa ng epikong sinauna.
2. Epikong Masining
Tinatawag din itong epikong makabago o epikong pampanitikan. Nahahawig
sa epikong pambayani, nasusulat sa isang marangal na kabuuan at nahihinggil
sa lunggati at tahakin ng isang lipi, lahi o bansa. Ngunit naiiba sa pangyayaring
ang makata sa isang pampanitikang panahon ay sumulat ng tulang may
pagkakahawig sa epikong pambayani. Ang epikong Iliad at Odyssey ni Homer,
ang Paradise Lost ni Milton, angFlorante at Laura ni F. Balagtas; Mutya ng
Silangan ni Patricio Mariano,Malolos ni Benigno Ramos ay halimbawa ng epikong
masining.
3. Epikong Pakutya
Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad at
naglalayong na kutyain ang gawing walang kabuluhan at pag-aaksaya lamang ng
panahon ng tao. Halimbawa: Ang Pangginggera ni Lope K. Santos.

You might also like