Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 143

Modyul 1, Baitang 10

MGA AKDANG PAMPANITIKAN


NG MEDITERRANEAN

Modyul 1, Baitang 10

TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL I

Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean

Panimula
Panimulang Pagtataya
Aralin 1.1: Mitolohiya mula sa Rome - Italy
Cupid at Psyche
Nagkaroon ng Anak Sina Wigan at Bugan
Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan, at Pangyayari
Aralin 1.2: Sanaysay mula sa Greece
Ang Alegorya ng Yungib
Ang Ningning at ang Liwanag
Ekspresyon sa Pagpapahayag sa Konsepto ng Pananaw
Aralin 1.3: Parabula mula sa Syria
Ang Tusong Katiwala
Mensahe ng Butil ng Kape
Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Aralin 1.4: Maikling Kuwento mula sa France
Ang Kuwintas
Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon
Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan
Aralin 1.5: Nobela mula sa France
Kuba ng Notre Dame (Buod)
Dekada 70 (Buod)
Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Aralin 1.6:Tula mula sa Egypt
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Pagpapahayag ng mga Emosyon at Saloobin
Aralin 1.7: Epiko mula sa Egypt
Epiko ni Gilgamesh
Kasaysayan ng Epiko
Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

I. PANIMULA
2

Modyul 1, Baitang 10

Ang Dagat ng Mediterranean ay matatagpuan sa pagitan ng Europe, hilaga ng


Africa, at timog-kanlurang Asia. Sinasaklaw ng Mediterranean ang 21 na ibat
ibang bansa mula sa tatlong kontinente. Ang mga bansang ito ay Algeria, Egypt,
Libya, Morocco, Tunisia na nasa kontinente ng Africa, sa kontinente naman ng
Asia Cyprus, Israel, Lebanon, Syria, at sa kontinente ng Europe Albania,
Bornia at Herzegovina, Croatia, France, Greece, Italy, Malta, Monaco,
Montenegro, Slovenia, Spain at Turkey.
Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na
nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad ang
pagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon tungo sa likhang
sining at panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging
batayan ng ibat ibang uri ng panitikan sa buong mundo.
Sa pagtatapos ng Modyul 1, inaasahang mauunawaan at
mapahahalagahan mo ang mga akdang pampanitikang nakaimpluwensiya sa
buong daigdig tulad ng mitolohiya ng Rome, sanaysay ng Greece, parabulang
mula sa Syria, nobela at maikling kuwento ng France , epiko ng Sumeria at tula
ng Egypt. Malilinang mo rin ang iyong kasanayan sa gramatika at retorika.
Masusi mong mapag-aaralan ang mga pandiwang ginagamit sa pagpapahayag
ng aksiyon, karanasan, at pangyayari, ekspresyon sa pagpapahayag sa
konsepto ng pananaw, mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay, panghalip
bilang panuring sa mga tauhan, mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari, pagpapahayag ng mga emosiyon, mga pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag. Pagkatapos mong mapag-aralan ang lahat ng mga ito
malalaman mo kung paano nakatututulong ang paggamit ng mga angkop na
gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon ( panitikan at ibat ibang uri ng teksto).
Mapatutunayan mo kung masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay,
paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Maihahambing mo ang mga banyagang panitikan sa ating sariling
panitikan. Tiyak na ang lahat ng iyong pag-aaralan sa modyul na ito ay
magpapaunlad sa iyong pagkatuto at pagkatao, at magpapalawak sa iyong
pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas at ng daigdig.
Bilang pangwakas na gawain, magsasagawa ka ng suring-basa upang
maipahayag mo ang sariling pananaw, pagpapakahulugan, at kritik sa akdang
pampanitikang tuluyang nais mong unawain. Ibabahagi mo ito sa isang
simposyum na isasagawa ng buong klase. Magiging gabay mo ang mga
sumusunod na pamantayan: I. Suring-basa: a. mabisang panimula,
b. pagsusuring pangnilalaman, c. pagsusuring pangkaisipan, d. Buod II.
Pagbabahagi sa simposyum: a. kahandaan, b. paghahatid ng impormasyon, c.
lalim ng pagsusuri.

Modyul 1, Baitang 10

Sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel.


Susukatin lamang sa pagsusulit kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa mga
paksang iyong pag-aaralan sa unang markahan. Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel.

II. PANIMULANG PAGTATAYA


Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Kuwento tungkol sa diyos at diyosa
A. dagli
B. epiko
C. alamat
D. mitolohiya
2. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at
supernatural na mga pangyayari.
A. mito
B. epiko
C. alamat
D. mitolohiya
3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
A. pastoral
C. soneto
B. elehiya
D. dalit
4. Ito ay mga kuwentong madalas na hango sa banal na Kasulatan at kuwentong
umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
A. dagli
B.nobela
C. pabula
D. parabula
5. Ano ang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion
tungkol sa tiyak na paksa?
A. dula
B. tula
C. sanaysay
D. maikling kuwento
6. Ang _____ ay isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyan-halaga o diin ay
kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan.
A. Kuwentong makabanghay
C. kuwento ng tauhan
B. Kuwento ng katutubong kulay
D.kuwento ng kababalaghan
7. Ang _____ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
A. Mitolohiya
C. alamat
B. Epiko
D. korido
8.Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang
dakilang likha ng panitikan ay ang ________.
A. Ibalon
C. Gilgamesh
B. Illiad at Odyssey
D. Beowulf
9. Hayun! Dahil sa kalokohan moy babagsak ka. Ang pangungusap ay
nagpapakita ng halimbawa ng relasyong ______________.
A. layunin at resulta
B. paraan at layunin
C. paraan at resulta
D. sanhi at bunga
10.Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar._______ ,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin
upang mabuo ang pangungusap?
A. tiyak
B. tuloy
C. dahil sa
D. kung gayon
4

Modyul 1, Baitang 10

Suriin ang gamit ng pandiwa sa susunod na pangungusap:


11. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na
paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche.
A. aksiyon
B. karanasan
C. pangyayari
D. proseso
12. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche
A. aksiyon
B. karanasan
C. pangyayari
D. proseso
13. Hindi matatalo ng sinuman ang taong iyan. Anong konstruksiyong
gramatikal ang gamit sa pangungusap upang maipahayag ang
emosyon?
A. pariralang nominal
C. negatibong ekspresiyon
B. tanong retorikal
D. ekspresiyong degri ng kasukdulan
14. Ang Pangulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo.
Maliban sa paaralan at palaruan, ________ rin ang nagpatayo ng ating
simbahan. Kaya naman, ang parangal na Pilantropo ng Taon ay karapatdapat lamang para sa kaniya. Anong mga paghalip panao ang maaaring
ipuno sa patlang?
A. ito
C. ikaw
B. kami
D. siya
15. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak
kayat nagawa niya itong itakwil. Palibhasay ama, __________
napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskuro ang angkop ipuno sa
puwang?
A. sa wakas
C. sa dakong huliy
B. pagkaraay
D.pagdating ng panahoy
16. Lubhang nalibang si Marko sa pakikipagsayaw kayat magi-ikaapat na ng
madaling araw nang silang mag-asaway umuwi. Tanging isang lumang dokar
na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay isang ________.
A. maliit na bangka
C. pampasaherong dyip
B. lumang kotse
D. kalesa
17. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Alin ang tamang idagdag na ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago
o pag-iiba ng paksa?
A. sa kabilang dako
C. sa ganang akin
B. sa aking palagay
D. sa paniniwala
18. Ang tauhang si Frollo sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame ay isang
paring nag-alaga sa kubang si Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang
kontrabida sa akda?
A. stereotypical
C. tauhang bilog
B. hindi stereotypical
D. tauhang lapad
19. Nakakadena ang mga binti at leeg kayat di sila makagalaw.Paano binigyang5

Modyul 1, Baitang 10

kahulugan ang salitang kadena sa loob ng pangungusap?


A. nagtataglay ng talinghaga
B. taglay ang literal na kahulugan
C. maraming taglay na kahulugan
D. lahat ng nabanggit
20. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________
A. amo
B. bathala
C. Diyos
D. siga
21. Ang pangit na yan ay aking alipin . Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
A. Mausisa ang amo ang sa kanyang alipin
B. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
C. Mapanglait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
Para sa mga bilang 22 at 23.
1) Nang sumunod na araw , si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa
tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. 2)
Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na umuukit sa kaniyang
katawan . 3)Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusA. 4) Ang lahat
ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay
hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na looB. 5)Kasabay ng sakit
na nadarama ng kaniyang katawan ay ang matinding kirot na nalalasap
sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.

22. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunodsunod?


A. Pangungusap 1
C. pangungusap 3
B. pangungusap 2
D. pangungusap 4
23. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap ?
A. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala
B. Lantad at matindi ang parusang ipinapataw sa mga nagkasala
C. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala
D. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala
24. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
25. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
6

Modyul 1, Baitang 10

C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.


D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay
nasa lupa.
26. Bakit masasabing higit na pinahahalagahan ng mga taga-Egypt ang buhay
kaysa sa kamatayan?
A. Naniniwala silang ang kamatayan ay karugtong lang ng buhay.
B. Nagpapatayo sila ng mga piramide para sa mga namatay na paraon.
C. Makikita sa mga sinauna nilang tula ang pagpapahalaga nila sa
kagandahan ng buhay.
D. Naniniwala silang ang kamatayan ay simula pa lamang ng walang
hanggang kaligayahan.
27. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay
sa mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya
kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay
sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano
makaliligtas sa halimaw na asawa.
Para sa bilang 28-29

Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong


kahiya-hiyA. Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa
pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.
28.Ano ang damdaming nangingibabaw sa pahayag na ito?
A. nagsisisi
C. nalulungkot
B. Nahihiya
D. Natatakot
29.May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan kayat ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang
tahanan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ______.
A. Kakinisan
C. kagandahan
B. Kayamanan
D. pinag-aralan
Para sa bilang 30
Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahn sa
buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi
nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang
karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga
dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.

Modyul 1, Baitang 10

30.Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga
pangarap sa buhay?
A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring
makapagbigay sa akin ng masaganang buhay.
B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano
ang kayang ibigay sa akin ng aking asawa.
C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na
gumaan ang aming buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na
kaya niyang ibigay upang lalo siyang magsumikap.
Para sa bilang 31-32
Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya
kay Gilgamesh, Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na
ako kahit na ano.
30.Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga
pangarap sa buhay?
A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring
makapagbigay sa akin ng masaganang buhay.
B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano
ang kayang ibigay sa akin ng aking asawa.
C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na
gumaan ang aming buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na
kaya niyang ibigay upang lalo siyang magsumikap.
31. Anong panghalip ang angkop na ipuno sa puwang ng pangungusap na
kasunod?
________ isa sa magagandat mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng
tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
A. Siyay
C. Akoy
B. Ikay
D. Kamiy
32. Malimit na sa pagmamasid ___ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang
pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Marissa ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso. Anong
panghalip ang angkop ipuno sa patlang ng pangungusap?
A. niya
C. nito
B. niya
D. sila
33. Aling pangyayari o bahagi sa nobela ang hindi angkop na ilapat ang
teoryang humanismo?
A. Ang kanyang buhay ay umikot lang sa pagiging asawa at ina.
B. Pagnanais ng pagbabago para sa kalayaan ng bansa.
C. Pagsisikap sa hanapbuhay upang makamtan ang kaginhawahan.
D. Pakikialam ng mga mamamayan sa katiwalang naganap sa pamahalaan
8

Modyul 1, Baitang 10

May Isang Pangarap


ni Teodoro Gener
May isang pangarap akong ninanais,
Sana sa buhay koy mangyaring sumapit;
Gagawin ang lahat nang itoy makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagkait.
Panahoy nagdaan at sa aking palad,
Pangarap na ito na aking hinangad;
Wariy nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit ... umalpas.
34. Ano ang positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?
A. Hindi pagsuko sa mga pagsubok
B. Pagiging determinado sa pag-abot ng pangarap.
C. Paggawa nang ano man makamit lamang ang hangarin sa buhay.
D. Lahat nang nabanggit
35.Ano ang mensaheng ipinahihiwatig sa tula?
A. Mapagbiro ang tadhana
B. Kung hindi ukol ay hindi bubukol
C. Ang sumusuko sa buhay ay laging talo
D. Kung may nais marating magsumikap
36-50. Sumulat ng isang suring basa batay sa isang mitolohiyang nabasa mo.
Gamitin ang kasunod na pormat.
I. Panimula
II. Pagsusuring Pangnilalaman
A. Paksa/ Tema
B. Simbolismong ginamit sa kda
C. Uri ng akda
D. Kulturang masasalamin sa akda
III. Pagsusuring Pangkaisipan
A. Pahiwatig at mga kahulugan nito
B. Katotohanan at implikasyon sa buhay
C. Kasiningan sa pagpapahayag ng kaisipan

III. YUGTO NG PAGKATUTO


A.TUKLASIN
9

Modyul 1, Baitang 10

Naririto ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,
mapahalagahan, at masuri ang panitikang Mediterranean. Gayundin upang
masuri mo kung masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay,
paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Malalaman mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng
mga angkop na gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
tekstong nagbibigay ng impormasyon ( panitikan at ibat ibang uri ng teksto).
Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong
pag-aaralan. Magiging batayan ito ng iyong guro kung paano ka tutulungan o
paano pa pagyayamanin ang iyong kaalaman. Subukin mong isagawa ang
kasunod na gawain.

GAWAIN 1. Pagtapat-tapatin
Bilang pagpapahalaga sa ilang akda mula sa ibat ibang bansa, naririto ang isang
gawain na susubok sa iyong kaalaman. Gaano na ang alam mo sa kilalang akda ng
ibang bansa. Piliin sa Kolum B kung anong uri ng panitikan ang mga pamagat ng
akdang nasa Kolum A. Isulat sa sagutang papel
Kolum A
____ 1. Cupid at Psyche
____ 2. Gilgamesh
____ 3. Ang Kuwintas
____ 4. Alegorya ng Yungib
____ 5. Ang Kuba ng Notre Dame
____ 6. Ang Tusong Katiwala
____ 7. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Kolum B
A. epiko
B. mitolohiya
C. tula
D. nobela
E. maikling kuwento
F. parabula
G. pabula
H. sanaysay

Gawain 2. Salamin ng Impluwensiya


Kaugalian
Suriin mo ang lawak ng impluwensiya ng
panitikang mula sa Mediterranean sa
kaugalian, pamumuhay, kultura at paniniwala ng mga Pilipino.

Panitikang
Mediterranean

Pamumuhay

Kultura

10

Paniniwala

Modyul 1, Baitang 10

B. LINANGIN
Naririto ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,
mapahalagahan, at masuri ang panitikang Mediterranean. Gayundin upang
maunawaan mo kung masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay,
paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Malalaman mo rin kung paano nakatututulong ang paggamit ng mga
angkop na gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon ( panitikan at ibat ibang uri ng teksto).
Aralin1.1

A. Panitikan:

Cupid at Psyche (Mito - Rome,Italy)


Isinalaysay ni Apuleius
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

B. Gramatika:
C. Uri ng Teksto:

Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksiyon,


Karanasan, at Pangyayari
Nagsasalaysay

Panimula
Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na Kung ikaw ay nasa Rome,
gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome. Sumasalamin lamang ito sa
kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga
kaisipan, kabihasnan, sining at, panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na
kanilang sinakop. Isang patunay nito ay ang kanilang mitolohiya ng taga-Rome.
Bagamat ang mga ito ay halaw lamang mula sa mga Greek, binigyan ito ng bagong
11

Modyul 1, Baitang 10

mukha at lalong pinagyaman ng mga taga-Rome. Sa kasalukuyan, ang mga


mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng mga kaisipan sa ibat ibang larangan tulad ng
medisina, pilosopiya, astrolohiya, sining at panitkan sa buong daigdig.
Ang Aralin 1.1 ay tungkol sa klasikong mitolohiya mula sa Rome,Italy.
Itatampok ang Cupid at Psyche na isa sa mga pinakatanyag na mito mula sa
Rome. Makikilala mo ang ibat ibang diyos at diyosa na pinaghugutan ng inspirasyon
ng ibat ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Sa pagtatapos ng araling
ito,ikaw ay inaasahang makapagsasalaysay ng mito at maibahagi sa klase batay sa
sumusunod na pamantayan: a) wastong pagbigkas, b) hikayat sa madla, at c) tinig.
Aalamin mo rin kung paano mabisang magagamit ang pandiwa bilang
aksiyon, karanasan at pangyayari sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri nito.
Gayundin, kung paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad
ng panitikang Pilipino.
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
Sa kasunod na mga gawain, tuklasin natin kung may alam ka na tungkol sa
pandiwa at mitolohiya. Aalamin natin kung nauunawaan mo kung paano
nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino
at paano nakatutulong ang pandiwa sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at
pangyayari?
GAWAIN 1.Pagtapat-tapatin
Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng mga
diyos na nakatala sa Kolum A. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa patlang sa
tapat ng kolum A. Gawin sa sagutang papel.
Kolum A
_____ 1. Venus
_____ 2. Cupid
_____ 3. Mercury
_____ 4. Pluto
_____ 5. Jupiter

Kolum B
A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang
sagisag niya
B. Diyos ng propesiya, araw at musika
C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa
ilalim ng lupa
D. Hari ng mga diyos at kalawakan
E. Diyos ng pagmamahal, sinasabing anak ni
Venus
F. Mensahero ng mga diyos kilala rin sa tawag na
Hermes ng mga Greek

GAWAIN 2. Alam-Nais-Natutuhan
12

Modyul 1, Baitang 10

Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling
na sagot sa mga sumusunod:
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya at angkop na gamit ng
pandiwa bilang aksiyon,karanasan at pangyayari?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya at angkop
na gamit ng pandiwa bilang aksiyon,karanasan at pangyayari?
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa mitolohiya at
angkop na gamit ng pandiwa bilang aksiyon,karanasan at pangyayari?
(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa mitolohiya).

A. Alam
a. Mitolohiya
_____________
b. Pandiwa
_____________

B. Nais Malaman
a. Mitolohiya
_____________
b. Pandiwa
_____________

C. Natutuhan
a. Mitolohiya
_____________
b. Pandiwa
_____________

Marahil ay nasiyahan ka sa iyong mga natuklasang bagong kaalaman. Magiging


kapana-panabik pa ang mga susunod mong gawain.
Babasahin at uunawain mo ngayon ang Kaligirang Pangkasaysayan ng
Mitolohiyang mula sa Rome upang matuklasan mo kung paano
nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang
Pilipino?
Alam mo ba na...
ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa
isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula
sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw
pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na
Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at
takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga
sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga
katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot
na puwersa ng kalikasan sa daigdig tulad ng pagpapalit ng panahon,
kidlat, baha, kamatayan, apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng
langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga
13

Modyul 1, Baitang 10

diyos,diyosa at mga bayani subalit tinuturing itong sagrado at


pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa
teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentongbayang naglalahad ng mga tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga
kakaibang nilalang at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring
matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong bayan at epiko ng
mga pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng
panitkan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas at
Mindanao.
Ang may kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daidig ay ang mga
Ifugao; bahagi ito ng kanilang epiko. Inilarawan sa kanilang epikong Alim
kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon sa epiko nagkaroon ng malaking
pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina
Bugan (babae) at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong
henerasyon ng mga tao sa mundo.
Gamit ng Mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pagasa ng sangkatauhan
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang nauukol sa
politika, ritwal, at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga diyos at
diyosa mula sa Sinaunang Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon
ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang
tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga Sinaunang Taga-Rome na
nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mitolohiya kahit
ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa bansang Greece na
kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito,
kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan
nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan
ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at
diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga
mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang Aenid, ang
14

Modyul 1, Baitang 10

pambansang epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng


Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga tagaRome at kasaysayan nila bilang isang imperyo. Ito ang naging katapat ng
Iliad at Odyssey ng Greece na tinaguriang Dalawang Pinakadakilang
Epiko sa Mundo na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang makatang
taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa
kaniyang Metamorphoses. Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng
Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga
mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha
siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang
pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng
inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig
mula noon hanggang ngayon.
mula sa Literature World Masterpieces, (Prentice Hall,1991) at
Panitikan sa Pilipino 2 ( Pandalubhasaan), (GONZALES,1982)
Upang lubos na maunawaan ang kuwentong Cupid at Psyche mabuting
makilala mo ang labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng
Rome at Greece na kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods. Maaari
itong panoorin sa youtube. Gamitin lamang ang sumusunod na links:
http://www.youtube.com/watch?
v=iMzNPEHNxcc&list=PL42F4E0F50A1D70AA&index=1 http://www.youtube.com
/watch?v=WP_NeirFIkM&list=PL42F4E0F50A1D70AA&index=2
Ang mga Diyos at Diyosa ng Olympus
Greek

Roman

1. Zeus

Jupiter

2. Hera

Juno

3. Posiedon

Neptune

4. Hades

Pluto

5. Ares

Mars

6. Apollo

Apollo

Katangian at Kapangyarihang Taglay


- hari ng mga diyos, diyos
ng kalawakan at panahon
- tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako.
- asawa niya si Juno, sandata niya ang
kulog at kidlat
- reyna ng mga diyos
- tagapangalaga ng pagsasama ng
mag-asawa,
- asawa ni Jupiter
- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kanyang simbolo
- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impyerno
- diyos ng digmaan
- buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
- diyos ng propesiya, liwanag, araw,
musika, panulaan
15

Modyul 1, Baitang 10

7. Athena

Minerva

8. Artemis

Diana

9.Hephaestus

Vulcan

10. Hermes

Mercury

11. Aphrodite
12. Hestia

Venus
Vesta

- diyos din siya ng salot at paggaling


- dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
- diyosa ng karunungan, digmaan,
at katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
- diyosa ng, pangangaso, ligaw na hayop,
at ng buwan
- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
- mensahero ng mga diyos,paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang
- diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
- kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya
- kapatid na babae ni Jupiter
- diyosa ng apoy mula sa pugon

Ang mga nabanggit ang mahahalagang tauhan sa Olympus na laging


nababanggit sa panulat lalo na noong Panahong Klasiko. Ang impluwensiya ng
panahong itoy nasasalamin sa ating panitikan lalo na noong kapanahunan nina
Balagtas at Rizal.
GAWAIN 3. Magmina ng Kaalaman (Pangkatang Gawain)
Magsaliksik at alamin ang katangian ng mga diyos at diyosa sa mitolohiyang
pinagbatayan ng pangalan ng planeta, mga araw ng linggo, produkto o
kompanya at terminolohiya sa medisina. Alamin ang katangian o kaugnayan ng
diyos at diyosa sa mga ipinangalan sa kanila. Kopyahin ang halimbawang
talahanayan o lumikha ng sariling grapikong presentasyon.
Pangkat 1: Planeta
Pangkat 2: Araw

Pangkat 3: Produkto o Kompanya


Pangkat 4: Medisina

Halimbawa:
Planeta

Katangian

Jupiter

pinakamalaking
planeta

Produkto
Dove

sabong
pampaganda

Pinagbatayang Katangian
diyos at diyosa
Jupiter
pinakamalakas at
hari ng mga diyos at
diyosa
Venus

16

diyosa ng
kagandahan,
kalapati ang ibong
maiuugnay sa kaniya

Modyul 1, Baitang 10

B. Linangin
Naririto ang mitolohiya ng mga taga-Rome. Ito ay isinalaysay ni Apuleius, isang
Latinong manunulat. Ang kuwento ay bahagi lamang ng isang nobelang
Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass ( donkey). Basahin at
unawain mo ito upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya
mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.
Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae.
Ang pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan
at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng
kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin ng
kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang
templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat
ng papurit karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal.
Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si
Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring
maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid
at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya
ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso.
Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis
namang nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang
diyosa ng kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.
Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche
sa isang nakakatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay
walang umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga
lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo ang
hitsura sa taglay niyang kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at
namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang palasyo. Naging malungkot si
Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang nais magmahal sa kaniya.
Nabahala ang mga magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni
Psyche upang humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang
payuhan siya ni Apollo kung paano makahahanap ng
mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa
kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay
Apollo. Sinabi niya
ang kaniyang sitwasyon at
nagmakaawang tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo sa hari
na makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot na
nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si
Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok, at iwan nang magModyul 1.1 illustration #1

17

Modyul 1, Baitang 10

isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang mapapangasawa na isang halimaw,isang


ahas na may pakpak.
Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo
subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan
si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche,
ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa
tuktok ng bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring
mangyari kay Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang
na hinarap ng dalaga ang kaniyang kapalaran. Dapat noon pa ay iniyakan na
ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng panibugho ng
langit,sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche
ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang
katapusan.
Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong
bundok. Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay
sa kaniya. Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot hanggang sa
dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at
inilapag sa isang damuhang parang na kasinlambot ng kama at pinahalimuyak
ng mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng
kaniyang kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si
Psyche sa tabi ng ilog, natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon na
parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang kaniyang
pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang
sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan ang pinto
subalit may tinig na nangusap sa kaniya. Pumasok ka, para sa iyo ang
mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo.
Kami ang iyong mga alipin. wika ng mga tinig.
Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain.
Buong araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na
hindi niya nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya
sa mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, batid niyang sa pagsapit
ng gabi ay darating ang kaniyang mapapangasawa. Lumipas ang maghapon
nang hindi niya namamalayan. Pagsapit ng gabi nangyari nga ang inaasahan
niya. Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig hindi niya ito
nakikita. Bumulong ang lalaki sa kaniyang tainga. Nang marinig niya ang tinig ng
lalaki, nawala ang lahat ng takot na kaniyang nararamdaman. Sa kaniyang
paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang mangingibig at asawang
matagal na niyang hinihintay.
Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may
panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. Darating ang
iyong mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan, wika ng
asawa. Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo, habilin ng
lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.
18

Modyul 1, Baitang 10

Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid.


Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang
ibsan ang kanilang kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa
maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa siya ng kaniyang
asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang
mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. Sige gawin mo ang
iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan, wika ng
lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo kaninuman
na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito, magdurusa si
Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. Nanaisin kong mamatay nang isandaang
beses kaysa sa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang ang
kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid, buong
pagmamakaawang hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni
Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid. Walang
mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa
mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Sila ay
nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito. Nag-usisa
sila kung sino ang napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako
inilihim ni Psyche ang tunay na pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang
pagdalaw ng kaniyang mga kapatid, dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas
upang ibigay sa kaniyang mga kapatid. Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid
kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang naramdaman ng mga ate ni Psyche sa
kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi maihahambing sa kayamanang
kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na inggit ang kanilang
puso na humantong sa pagpaplano nila ng ikapapahamak ng kanilang bunsong
kapatid.
Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa
siyang huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga
kapatid. Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang
iyong pangako, masidhing paalala ng kaniyang asawa. Bawal na kitang makita,
pati ba naman ang mga mahal kong kapatid? pagmamaktol na sumbat ni
Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga
kapatid.
Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang
malagim na balak sa kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa
hanggang malito na si Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan
siyang sabihin ang katotohanang bawal niyang makita ang mukha ng kaniyang
asawa at hindi niya alam ang anyo nito. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na
nila noon pa na ang asawa ni Psyche ay isang halimaw batay sa sinabi ng
orakulo ni Apollo. Nagsisisi sila kung bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila
si Psyche na dapat na niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat.
19

Modyul1.1 illustration #2

Modyul 1, Baitang 10

Mabait lamang daw ang kaniyang asawa ngayon subalit darating ang araw na
siya ay kakainin nito.Takot ang nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na
pagmamahal. Ngayon lamang niya napagtagni-tagni ang katanungan sa
kaniyang isip. Kaya pala pinagbabawalan siyang
makita ang hitsura ng kaniyang asawa sapagkat
halimaw ito. At kung hindi man ito halimaw, bakit
ito hindi nagpapakita sa liwanag? Magkahalong
takot at pagkalito ang naramdaman ni Psyche.
Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid.
Isinagawa na ng nakatatandang mga kapatid ang
masama nilang balak. Pinayuhan nila si Psyche
na magtago ng punyal at lampara sa kaniyang
silid. Kapag natutulog na ang kaniyang asawa
sindihan niya ang lampara at buong tapang niyang itarak ang punyal sa dibdib ng
asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at nasa di kalayuan lamang
ang dalawa. Kapag napatay na ni Psyche ang asawa sasamahan siya ng
kaniyang mga kapatid sa pagtakas. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal na
mahal niya ang kaniyang asawa subalit paano kung halimaw nga ito? Nabuo ang
isang desisyon sa kaniya. Kailangan niyang makita ang hitsura ng kaniyang
asawa.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si
Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga
ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang
asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso
nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa.
Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo.
Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong
tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng
pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na niyang
itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay, at nahulog
ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil
sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kaniyang
asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat nito.
Nagising ang lalaki at natuklasan ang kaniyang pagtataksil. Lumisan ang lalaki
nang hindi nagsasalita.
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita
ang lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung
sino siyang talaga. Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala, wika
niya bago tuluyang lumipad papalayo. Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig! ang
naisip ni Psyche. Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi
tumupad sa aking pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa akin nang
tuluyan ? wika niya sa kaniyang sarili. Inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang
lakas at nagwikang Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang
20

Modyul 1, Baitang 10

hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipakikita


ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. At sinimulan ni Psyche ang kaniyang
paglalakbay.
Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang
kaniyang sugat. Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa
galit si Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si
Cupid nang hindi man lang tinulungang gamutin ang sugat nito. Determinado si
Venus na ipakita kay Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag hindi
nasiyahan sa isang mortal.
Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga
diyos. Siya ay palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos
subalit wala sa kanila ang nais maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni
Psyche na wala siyang pag-asa sa lupa o sa langit man. Kaya minabuti niyang
magtungo sa kaharian ni Venus at ialay ang kaniyang sarili na maging isang
alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa siyang lalambot din ang puso ni Venus at
huhupa rin ang kaniyang galit. Nagbabakasakali rin siyang naroon sa kaniyang
ina si Cupid. Sinimulan na niya ang kaniyang paglalakbay.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang
malakas ang diyosa. Pakutya niyang tinanong si Psyche, nagpunta ka ba rito
upang maghanap ng mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay
wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa
natamong sugat mula sa kumukulong langis na dulot mo. Isa kang kasumpasumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka
daraan sa butas ng karayom. Sinabi ng diyosa na tutulungan niya si Psyche sa
pagsasanay. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan na
puno ng ibat ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo niya. Inutusan niya si
Pysche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya ang magkakauring
buto. Agad lumisan ang diyosa.
Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Napakaimposible ng ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si
Psyche nang pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal
ay hindi naaawa sa kaniya, hindi ang maliliit na nilalang. Nagtawag ang mga
langgam ng kanilang mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod ng mga
buto. Agad natapos ang gawain. Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa
kaniyang nakita. Sinabi niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche.
Binigyan niya si Psyche ng matigas na tinapay. Sinabi rin ng diyosa na sa sahig
siya matutulog. Inisip ng diyosa na kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche
mauubos rin ang nakaiinis nitong ganda. Samantala, tiniyak ni Venus na hindi
makalalabas si Cupid sa kaniyang silid habang pinahihilom nito ang kaniyang
sugat. Nasisiyahan si Venus sa magandang takbo ng mga pangyayari.
Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay
Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng
21

Modyul 1, Baitang 10

ilog. Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche ang
ilog, natutukso siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang
kaniyang paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi ng ilog.
Huwag kang magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa
sa iyo. Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng
gintong balahibo ng tupa. Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa
malalabay na halamanan ay magtutungo dito sa ilog upang magpahinga.
Magtungo ka sa halamanan at doon ka kumuha ng mga gintong balahibong
nasabit sa mga sanga. Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang nasa tabi ng
ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo ng
tupa.
May tumulong sa iyo! sumbat ni Venus kay Psyche. Hindi mo ginagawa
nang mag-isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng
pagkakataong patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso
at magaling. Itinuro ni Venus sa malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan niya
si Psyche ng prasko at pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa ilog
ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin at mabato. Tanging may pakpak
lamang ang maaaring makaigib ng tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na
ang pinakamapanganib. Tulad ng inaasahan may tumulong kay Psyche. Isang
agila ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche at lumipad malapit sa talon.
Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang prasko.
Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang
magmukhang tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa
kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya
ng kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine, ang reyna sa ilalim ng
lupa. Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat
napagod siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak na may sakit. Katulad ng mga
nauna agad tumalima si Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan
papunta sa kaharian ni Hades. Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa
kaniya ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa. Una,
kailangan niyang pumasok sa isang butas na lagusan patungo sa ilalim ng lupa
sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang sumakay sa isang bangkang ang
bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng pera si Charon upang siya
ay makatawid. Makikita na niya ang lansangan patungo sa palasyo. Sa pintuan
ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlong ulo. Kapag binigyan ng
cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa palasyo.
Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni
Proserpine ang kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis
pa kaysa sa kaniyang pagbaba. Gayunman,nasubok muli ang karupukan ni
Psyche. Sa paghahangad niya ng karagdagang kagandahan upang umibig muli
si Cupid sa kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob ng kahon.
22

Modyul 1, Baitang 10

Nang buksan niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng matinding
panghihina at agad nakatulog.
Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita ang
kaniyang asawa subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin ang
pagmamahal. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya
ang bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche
malapit sa palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad sinilid
ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche
upang magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging
mausisa nito na humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang
magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos
ang pagpapahirap ng kaniyang ina.
Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo
samantalang si Cupid naman ay lumipad patungo sa
kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao.
Hiniling niya na tiyaking hindi na sila gagambalain ng
kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.

Modyul 1.1
illustration#3

Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si


Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal
at wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si
Psyche sa kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang
ambrosia , ang pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na
rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At
kung maninirahan na ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling
makagagambala si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.
Ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng
mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag
kailanman.
GAWAIN 4. Krusigrama
Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA. Gamitin
ang letra na nasa krusigrama bilang karagdagang palatandaan upang matukoy
ang salita. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang nahulaang mga salita.
Isulat sa sagutang papel.

23

Modyul 1, Baitang 10

1.M
B
Pahalang
1. nanaig ang pagkainggit2.T
2. tumupad3. B
sa tungkulin,
U Y
sumunod sa utos
3. nahimok,
nahikayat,
4.A
R
S
4. pagkain ng diyos-diyosan
5. tayo
lakad na ang mgaI daliri ng
3.M
paa lamang ang sumasayad
6.
N nag-alab na damdamin
O
6.
1

.P

Pababa
2.
1. likhang kuwento
tungkol sa mga
diyos at diyosaM
2. walang kamatayan,
walang
O
Ikatapusan
A
3. masidhi, maalab, masikhay na
pagnanasa
5.
T
Y
P tumindi
4. lumakas,
4.S

B
I
GAWAIN 5. Pagsusuri sa Tauhan
1. Suriin ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan
ng bawat isa. Gawin sa iyong sagutang papel.

CUPID

KAHINAAN

KALAKASAN

____________________

____________________
_______

__________

PSYCHE
KAHINAAN

KALAKASAN

____________________

24

____________________
__________
____________________
_______

Modyul 1, Baitang 10

2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na


suliranin sa kaniyang buhay?
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche?
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging
manugang si Psyche?
6. Bilang isang diyosa ano ang hindi magandang katangian ni Venus?
Ipaliwanag.
GAWAIN 6. Pagkukuro-kuro
1. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus
para sa pag-ibig? Bakit?
2. Magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid na:
Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
pagtitiwala.

3. Anong katangian ng mga tauhan sa mitolohiya ang nais mong tularan/ ayaw
mong tularan? Bakit?
Tauhan

Nais Tularan

Hindi Nais Tularan

4. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang


pagpunta o lugar niya sa langit? Ipaliwanag.
5. Batay sa talakayang Gamit ng mga mitolohiya sa bahaging Tuklasin
anong gamit ng mitolohiyang Cupid at Psyche? Ipaliwanag.
GAWAIN 7. Pag-uugnay
Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche paano
mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gamitin ang
grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.
pamayanan
sarili
pamilya

Mensahe
mula sa
Cupid at
Psyche

GAWAIN 8. Kulturang Masasalamin


25

lipunan

Modyul 1, Baitang 10

Tukuyin ang masasalaming kultura ng mga taga-Rome sa akdang binasa at


suriin ang pagkakahawig nito sa kultura nating mga Pilipino. Gawing batayan ang
halimbawang naibigay.

Kultura ng
mga TagaRome
Halimbawa:
Pagbibigay
ng mga
mortal ng
alay sa mga
diyos at
diyosa upang
sila ay
pagpalain

Kulturang
Pilipino
Halimbawa:
Pagbibigay
ng alay/
atang ng
mga Pilipino
para sa mga
kaluluwa at
di nakikitang
nilalang

Gawain 9. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika


Ngayon naman, babasahin mo ang isang mito mula sa Ifugao.Pagkatapos
mong mabasa ito, pag-aaralan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya
mula sa Rome sa pagpapaunlad ng Panitikang Pilipino at kung paano
nakatutulong ang pandiwa sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at
pangyayari sa pagsasalaysay ng mito o ng mga kauri nito?
Nagkaroon ng Anak Sina Wigan at Bugan
Muling isinalaysay sa Ingles ni:Maria Luisa B. Aguilar-Cario
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
Hay, ano ang saysay ng buhay? naibulalas ni Bugan sa kanyang asawang
si Wigan. Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi
pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!.
Sumang-ayon naman si Wigan, Oo, tama ka! Pero halika muna,
magmomma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan
na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. Dito ka lang, Wigan,
pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng
mga hayop.
Sinimulan ni Bugan ang kanyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,
dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan.
Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita
siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito Saan ka pupunta Bugan? Sumagot si
Bugan, Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat
26

Modyul 1, Baitang 10

hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan. Tumawa ang igat. Huwag kang
malungkot, Bugan wika ng nito. Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita
ka sa mga diyos.
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kanyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga
diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya.
Tao, bakit ka naririto? pag-uusisa ng buwaya.Ako si Bugan ng Kiyangan, at
naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa. sagot
ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, Hindi kita maaaring kainin
sapagkat napakaganda mo. Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang
paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya
ang pangangatog ng kanyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika
Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang
mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak. Sumagot ang pating, Isang
malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna sa aking
tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.
Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad
patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga
diyos na sina Ngilin,Bumabakker,at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod
kaya humiga siya sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga
diyos. Lingid sa kanyang kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.
May naamoy akong taosabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay
upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang
magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. Anong ginagawa mo dito,
Bugan? tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami
nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon wika ni Bugan.
Kahibangan wika ni Bumabbaker habang tumatawa. Halika, hanapin natin
si Ngilin at kung nasaan pa ang iba. wika ni Bumabbaker.
Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong
baboy, manok at kalabaw. Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka
namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak,
masaganang ani at pamumuhay.
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng
panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.
Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga
diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang magasawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.
GAWAIN 9. Hamon sa Pag-unawa
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa epikong Alim?
2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?
3. Ano ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa epikong ito?

27

Modyul 1, Baitang 10

4. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa mitolohiyang


Cupid at Psyche at Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan. Sagutin sa
tulong ng diagram.
Pagkakaiba
Cupid at Psyche
Tauhan
Pangyayari
Mensahe

Pagkakatulad
Tauhan
Pangyayari
Mensahe

Pagkakaiba
Nagkaroon ng Anak
Sina Wigan at Bugan
Tauhan
Pangyayari
Mensahe

5. Sa iyong palagay at batay sa iyong nabasa, may impluwensiya na kaya ng


mga mitolohiya ng mga taga-Rome, ang mga mitolohiya ng Pilipinas noong
unang panahon? Paano?

Alam mo ba na...
ibat iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa pagpapahayag ng konsepto
ng aksiyon, karanasan, at pangyayari.
Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksiyon, Karanasan, at Pangyayari
1. Kilos, aksiyon o gawa
* May aksiyon, kilos o galaw ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap
ng aksiyon, tao man o bagay.
* Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, magma-, mang-, maki-, mag-an.
Halimbawa:
a) Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b) Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Pagsusuri:
Pandiwa
Aktor

Naglakbay
Tumalima
si Bugan
si Psyche

2. Karanasan o Damdamin
*Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o
saloobin. Dahil dito, may tagaranas ng damdamin o saloobing iyon na
inihuhudyat ng pandiwa.
28

Modyul 1, Baitang 10

Halimbawa:
a) Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b) Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
Pagsusuri:
Karanasan
Tagadama o aktor

Tumawa
Nalungkot
si Bumabbaker
ang lahat

3. Pangyayari/ Proseso
kapag nagsasabi ng isang proseso o pangyayari ang pandiwa, may
ipinahihiwatig na naaapektuhan ng naturang proseso o pangyayari na
karaniwang sadya o di-sadya, likas o di-likas. Tatawaging tagatanggap
ng proseso ( o pangyayari) ang bagay na naaapektuhan.
Halimbawa:
a)
Kumukulo ang dugo ni Venus sa napangasawa ng kaniyang anak.
b)
Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
Pagsusuri:
Pangyayari
Kumukulo

Nalunod
Tagatanggap

ang dugo
ang mga tao
Gayunman, may mga pandiwang naghahayag ng proseso o pangyayari na
hindi tinitiyak ang tagatanggap ng binabanggit na proseso o pangyayari.
Halimbawa nito ang mga pandiwang nagpahahayag ng mga penomenal o
pangkalikasang kaganapan.
Halimbawa:
Lumilindol!
Humangin nang malakas.

Ngayon ay malinaw mo nang nauunawaan ang ibat ibang gamit ng pandiwa


bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari. Isagawa mo ang mga sumusunod na
mga pagsasanay upang mahasa ang iyong kasanayan kung paano mo
mabisang magagamit ang pandiwa bilang aksiyon, karanasan at pangyayari sa
pagsasalay ng mito o ng mga kauri nito?
Pagsasanay 1: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel.
Isulat sa patlang kung ang pandiwang nasalungguhitan ay ginamit bilang
aksiyon, pangyayari o proseso, karanasan.
29

Modyul 1, Baitang 10

______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang


pagmamahal kay Cupid.
______ 2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
______ 3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo
na lamang.
______ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
______ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus
kay Psyche.
Pagsasanay 2: Bumuo ng tiglilimang pangungusap na may pandiwang ginamit
bilang aksiyon, pangyayari at karanasan.
Halimbawa:
AKSIYON
Halimbawa:
Lumikha ang mga
taga-Rome ng bagong
mitolohiya batay sa
mitolohiya ng mga
Greek.

PANGYAYARI
Nalusaw ng modernisaston
ang karamihan sa mga
katutubong kultura ng mga
Pilipino.

KARANASAN
Natuwa si Cupid sa
tagumpay ni Psyche.

Pagsasanay 3.
Magsagawa ng isang panayam sa isang lolo o lola sa inyong pamilya o
komunidad. Magpakuwento sa kanila ng mga mito ( o iba pang kauri nito) alam
nila. Isulat at isalaysay muli ang mito ayon sa iyong pagkakaunawa. Sikaping
isaalang-alang ang ibat ibang gamit ng pandiwa upang mailahad nang malinaw
at tumpak ang mga pangyayari sa mito.
Pagnilayan at Unawain
Balikan ang Gawain 2. Alam-Nais-Natutuhan. Napunan mo na ang hanay ng Alam
at Nais Malaman, ngayon naman ay punan mo ang hanay ng Natutuhan. Sagutin
ang gabay na tanong.
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa mitolohiya at
angkop na gamit ng pandiwa bilang aksiyon,karanasan at pangyayari?
(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa mitolohiya).

Alam

Nais Malaman

30

Natutuhan

Modyul 1, Baitang 10

a.Mitolohiya:
b. Pandiwa
___________________

Alam kong naunawaan mong mabuti ang mga tinalakay natin sa araling ito.
Handang-handa ka nang sagutin ang katanungang ibinigay sa iyo sa panimula
ng aralin.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Paano mabisang magagamit ang pandiwa bilang aksiyon, karanasan at
pangyayari sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri nito?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______

2. Paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng


panitikang Pilipino?

Panitikang Pilipino

Impluwensiya
sa Mito

Impluwensi
ya sa Epiko

Impluwensi
ya Alamat

Mitolohiya mula sa Rome

Ilipat
Isa kang guro sa asignaturang Filipino. Isa sa mga layunin mo bilang guro
sa panitikan ay ang panatilihin at buhayin ang mga sinaunang panitikan ng
Pilipinas. Nagsagawa ka ng pananaliksik tungkol sa mga mito sa inyong
rehiyon. Muli mo itong isinalaysay at isinulat. Dahil wala kang sapat na
pondo upang ipalathala ang mga kuwentong nasaliksik mo, magsasagawa
ka ng isang proyektong pangkomunidad na pagtuturo sa mga bata sa
napili mong pamayanan o baranggay. Ikukuwento mo sa mga bata ang
31

Modyul 1, Baitang 10

mga nasaliksik mong mito upang kapulutan nila ng aral sa buhay at


paghuhugutan ng pag-asa. Tiyakin na ang pagsasalaysay na gagawin ay
nakabatay sa sumusunod na pamantayan:
A. Wastong Pagbigkas ................................................... 10 puntos
- pamamaraan at estilo
B. Hikayat sa madla ..................................................... 10 puntos
- kilos,kaangkupan ng damdamin
C. Tinig
....................................................................
10 puntos
- lakas at linaw

Aralin 1.2
A. Panitikan:

B. Gramatika/Retorika:
C. Uri ng Teksto:

Ang Alegorya ng Yungib


Sanaysay mula sa Greece
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Ekspresiyon sa Pagpapahayag
sa Konsepto ng Pananaw
Naglalahad

Panimula
Ang sanaysay ay isang anyo ng paglalahad na kung minsan ay may layuning
makakuha ng ano mang pagbabago, bagaman maaaring makalibang din. Ang
pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagkakasarili nito ng may-akda.
Dapat ipahayag ng kumatha ang sarili niyang pangmalas, ang kaniyang
pagkukuro at damdamin.
Sa Aralin 1.2, inaasahan na maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at
pagpapahalaga sa sanaysay na pinamagatang Alegorya ng Yungib na isinalin
ni Willita A. Enrijo sa Filipino mula sa sanaysay na isinulat ng Griyegong Pilosopo
32

Modyul 1, Baitang 10

na si Plato, ang Allegory of the Cave. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga
ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na makatutulong para
sa malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing sanaysay.
Bilang pangwakas na gawain sa aralin, inaasahang makagagawa ka ng
isang photo essay na magtatampok sa napapanahong isyu ng alinmang bansa
sa Mediterranean. Ang photo essay ay tatayain sa sumusunod na pamantayan :
a. natatalakay ang isang kalagayang panlipunan b. naipakikilala ang kultura ng
bansa c. nailalahad ang pananaw o kaisipan d. nakasusunod sa balangkas ng
isang sanaysay.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na masasagot mo nang may pagunawa ang mga pokus na tanong na : Paano makatutulong ang sanaysay na
magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang
makabuo ng sariling pananaw? At paano mabisang magagamit ang mga
ekspresiyong nagpapahayag sa pagbibigay ng pananaw ?

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang pokus na
tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa
kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw? At
paano mabisang magagamit ang mga ekspresiyong pagpapahayag sa
pagbibigay ng pananaw?
GAWAIN 1: Tala-Kaalaman
Basahin ang ilang bahagi ng isang sanaysay. Ilahad ang pananaw/kaisipang
nalaman at tukuyin kung saan maaaring matagpuan ito sa isang sanaysay.
Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.
Anong
pananaw/kaisipan ang
nakapaloob?
At ngayon, sinasabi ko
na hayaan mong ipakita
ko ang isang anyo kung
gaano dapat mabatid o
hindi
mabatid
ang
tungkol
sa
ating
kalikasan. Pagmasdan!
33

Saang bahagi ito


matatagpuan ?

Modyul 1, Baitang 10

May
mga
taong
naninirahan sa yungib
na may bukas na
bunganga patungo sa
liwanag na umaabot sa
kabuuan nito. Silay
naroroon
mula
pagkabata,
at
ang
kanilang mga binti at
leeg ay nakakadena
kung kayat hindi sila
makagalaw,
itoy
hadlang sa pagkilos pati
ng kanilang mga ulo .

Mas mabuting maging


mahirap na alipin ng
dukhang panginoon. At
matututuhang tiisin ang
mga bagay kaysa isaisip
ang kanilang ginagawa
at mamuhay katulad ng
kanilang gawi?
Ito ang kabuuan ng
alegorya, ang sabi ko;
maaari mong dagdagan
mahal kong Glaucon sa
mga dating katuwiran.
Ang
bilangguan
ay
mundo ng paningin, ang
ilaw ng apoy ay ang
araw. Hindi mo ako
mamamali
kung
pagpapakahulugan mo
na ang paglalakbay
papataas ay maging
pag-ahon ng kaluluwa
patungo sa intelektuwal
na mundo batay sa
mahina kong paniniwala.
34

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 2 : Pagtibayin ang Palagay


Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng iyong
nabuong konsepto o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng pagpapahayag.
Illus: no
Batay sa
_______________________________________________________
_______________________________________________________________
______

Sa aking pananaw,
_____________________________________________
_____________________________________________________________.

Sa kabilang
dako________________________________________________
______________________________________________________________.
Alam mo
ba na...

sa natapos na gawain, mabubuo ang konsepto ng SANAYSAY na ito na


Inaasahan ko na nagkaroon ka ng kaalaman tungkol sa nakapaloob na
isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan? Karaniwang ang paksa ng
pananaw at kamalayang panlipunan taglay sa binasang bahagi ng sanaysay at mga
akdang itoginagamit
ay tungkol
sa kaisipan
at mga
bagay-bagay
ekspresiyong
sa pagbuo
ng sariling
pananaw.
Maaari na
mo maaaring
nang
kapupulutan
ng mga impormasyon upang makatulong na makabuo ng
ipagpatuloy
ang pag-aaral!
sariling pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o
balangkas:
1. PANIMULA Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o
pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang
patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS - Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya 35
tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katuwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Modyul 1, Baitang 10

SANGKAP NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman - Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay
ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa
pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Inaasahang may kaisahan ang tono, pagkabuo at
pagpapakahulugan. Dapat na sa bawat bahagi ay
naaaninag ang nabubuong tema.
Halimbawa:
Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi.
Ang lahat ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at
gugulis sa wastong paraan.
Anyo at Estruktura -Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa sa
sanaysay.
Halimbawa:
Panimula
Sadyang mahirap ang buhay ngayon. Kung hindi ka marunong
gumawa ng paraan para mabuhay, mamamatay kang nakadilat ang iyong
mga mata.
Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran
mo. Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga
gusali. Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos
sa mga nagdaraan.
Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa
lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila kung
paano tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring maging
puhunan nila ng pagkakaroon ng munting
negosyo.
36
Wakas
Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.

Modyul 1, Baitang 10

Kaisipan -

Nauukol ito sa ibat ibang karunungan o disiplina,


pilosopiya at paniniwala ng may akda ngunit walang
layon na ipaangking ito sa mambabasa.

Halimbawa:
Wakas Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat
paunlarin.
Wika at Estilo -

Ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit


nito ay nakaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa,
higit na mabuting gumamit ng simple, natural at
matapat na mga pahayag.

Halimbawa:
Sadyang mahirap ang buhay ngayon.
Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na
impormal o di maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay
ang paggamit ng piling mga salita.
Larawan ng Buhay Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang
salaysay, masining na paglalahad gumagamit ng
sariling himig ang may akda.
Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga
gusali. Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay,
naglilimos sa mga nagdaraan.
Damdamin -

Naipapahayag ng isang magaling na may akda ang


kanyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may kalawakan at
kaganapan.

Himig -

Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.


Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
37

Modyul 1, Baitang 10

Linangin
Sa babasahing sanaysay na isinulat ni Plato, higit mo siyang makikilala na
taglay niya ang mataas na karunungan. Masasalamin mo rin ang
pilosopiyang pinagbatayan niya mula sa paksang kaniyang tinalakay sa
sanaysay. Gayundin, bigyan mo ng pansin kung paano nakatutulong ang
sanaysay sa pagbuo ng sariling pananaw at paano ito magagamit upang
magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa.
Ang Alegorya ng Yungib
ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat
mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong
naninirahan sa yungib na may bukas na bunganga patungo sa liwanag na
umaabot sa kabuuan nito. Silay naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga
binti at leeg ay nakakadena kung kayat hindi sila makagalaw, itoy hadlang sa
pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan , sa taas at likod nila ay may
apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo ay may daang papataas.
Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito
sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga
dingding na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na
likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik.
Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga
bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili
nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na
dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi
niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isat isa, hindi ba nila
ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.

38

Modyul 1, Baitang 10

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw


mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang
dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong. Ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang
anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang
likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di
maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay
mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa
liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya.
Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging
nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang
kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit
na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano
ang magiging tugon niya?
O kayay, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga
bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi
kaya siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas
tunay kaysa sa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang
nararamdamang sakit upang siyay magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang
aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa sa mga bagay na
nakikita sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.
At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik
at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng
araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag,
ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita
ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At
makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao
at iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay . Pagkatapos, tititig siya
sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang
39

Modyul 1, Baitang 10

makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa sa liwanag
ng araw na hatid ng umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi
lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa
kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino
siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng
panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na
naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang
dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan , at
ang karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya
maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na
lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung
sino sa kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at
makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang
makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay
sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kayay
kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni
Homer.
Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. At
matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at
mamuhay katulad ng kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang
mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya .
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa
pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya
mula sa yungib . Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito
maging matatag (may dapat isaalang alang sa panahon na kakailanganin
40

Modyul 1, Baitang 10

upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin ) hindi ba siya katawa-tawa?


Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang
mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad . At kung
sinuman ang sumubok na palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag;
hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal
kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng
paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung
ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng
kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.
Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay
man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng
kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi;
at kapag itoy natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at
ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang
may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay.
Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon
para sa mga bagay na ito .
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong
maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw
na ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang
kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali lamang kung saan silay naghahangad na
manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya
ay mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa
banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa
ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay
kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa
korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at
magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng
mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula
sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na
41

Modyul 1, Baitang 10

may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang


humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid
nang maliwanag na buhay? O kayay maglalapit mula kadiliman patungo sa
araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan
niya, at siya ay maaawa sa iba, o, kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang
kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga
dahilan bukod dito kaysa sa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula
sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.
Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o
kaisipan ni Plato sa halaga ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang
tinataglay ng tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan. Ngayon, alam
kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang
masagot ang tanong na :
Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa kultura at
kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw?
nagliliyab

pagmasdan

wastong pag-iisip

GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan


pagmasid

mahirap

intelektuwal

mahirati

mahumaling

Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o

nag-aapoy ang kahulugan.


dukhaGamitin sa sariling
repleksiyon
kaluluwa
magkaugnay
pangungusap.
Gawin sa iyong

kuwaderno.

repleksiyon
GAWAIN 4 : Pag-unawa sa akda
anino
Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ibigay ang paksa ng sanaysay.
2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila
tinawag na mga bilanggo ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.

3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang


katotohanan ng mga bagay-bagay ? Magbigay ng mga patunay.Bigyangkahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib
42

Modyul 1, Baitang 10

at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais ipakahulugan ng


pangyayaring ito?
4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin sa
liwanag na nasa labas ng yungib.
5.
6. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon.
a.
Nakakadena ang mga binti at leeg kayat di sila makagalaw.
b.
Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.
c.

Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.

d.

Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan


lamang nang may pagpupunyagi.

e.

Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong


buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.

7. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng katotohanan at


edukasyon sa buhay ng sangkatauhan ? Ipaliwanag.
8. Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa kaniyang
sanaysay tungkol sa katotohanan at edukasyon ? Pangatuwiranan
ang iyong sagot.
9. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng
sanaysay? Patunayan.
Ang Alegorya ng Yungib
10. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng
bansang Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may akda?
TANONG
SAGOT
GAWAIN 5: Pagsusuri sa Sanaysay
Suriin ang balangkas ng sanaysay sa pamamagitan ng pagsagot ng mga
tanong
sa grapikong
Paano
sinimulanpresentasyon.
ni Plato ang
kaniyang sanaysay?
Ano-ano ang naging
pananaw ni Plato sa
pagtalakay ng paksa ng
sanaysay?
Paano nagbigay ng
kongklusyon si Plato sa
kaniyang sanaysay?

43

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 6 : Magsanay sa SANAYSAY


Tumukoy ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa sa Mediterranean
na nabatid mula sa napanood/napakinggang balita, dokumentaryong
pantelebisyon o video sa youtube na maaaring iugnay sa mga ideyang
nakapaloob sa akdang Alegorya ng Yungib.
Pagpipilian:
Mga Bansa sa Mediterrean
Greece
Turkey
Albania
Morocco
FranceIsyung Pandaigdig:

Isyu
Bumabagsak na Ekonomiya ng Bansa
Ang Terorismo sa Bansa
Pagkasira sa Kagubatan
Lumalalang Polusyon
Legalidad sa Kasal ng Dalawang
Magkatulad na Kasarian
___________________________________________________________
Ideya mula sa
_sanaysay

Pag-uugnay
_____________________________________________
________________________
Ideya
mula sa
_________
_______________________
sanaysay
_______________________
________________________
________________________
___________________
Pag-uugnay
_________
_________
________________________
___________________
________________________
GAWAIN 7 : Larawan ng Pagkatuto
___________________
Gumupit
o gumuhit ng larawan kaugnay sa isa____________________
sa mga isyung tinalakay sa

____na Ang Alegorya ng Yungib. Bumuo ng maikling talata na


sanaysay
nagpapaliwanag tungkol dito.
44

Modyul 1, Baitang 10

Ngayon pa lang ay binabati na kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Ang


susunod mo namang babasahin ay isang tekstong naglalahad mula sa isinulat ni
Emilio Jacinto. Unawain ang nilalaman nito at bigyan ng pansin ang mahalagang
papel ng sanaysay sa pagpapaunlad ng kamalayang panlipunan ng mga
mamamayan noong panahong naisulat ito.
Ang Ningning at Ang Liwanag
( Mula sa Liwanag at Dilim)
Ni Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay
kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagaybagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay maraya.
Ating hanapin ang liwanag; tayoy huwag mabighani sa ningning.
Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang caruaheng
maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayoy magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapuay marahil naman ay isang
magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayoy
napapangiti, at isasaloob;
Saan kaya ninakaw? Datapuay maliwanag nating nakikita sa pawis ng
kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siyay nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.
Ay! Sa ating nagging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning
at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay
ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning,
lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng
kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa
kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng
kapangyarihan.
Tayoy mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig
mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayung maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay
ang maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang
magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang
ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang
hindi mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit
ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at
maliwanag na mapatatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng
45

Modyul 1, Baitang 10

katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
GAWAIN 8: Pagpapalawak ng Kaalaman
Sagutin ang mga tanong
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?
2.Alam
Isa-isahin
ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay.
mo baang
na pagkakaiba

3.may
Tukuyin
mga pangyayaring
ng may akda
tungkol saat
mgaang
ekspresiyong
ginagamitbinanggit
sa pagpapahayag
ng pananaw
kalagayang
panlipunan
noong
panahong
naisulat
ito.
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
4.1.
Batay
nilalaman ng
sanaysay, anongang
layunin Kabilang
ni Jacintodito
sa pagsulat
Mga sa
ekspresiyong
nagpapahayag
pananaw.
ang:
nito?
ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/
5. Suriin
ang sanaysay
batay sa
na bahagi
isang
sanaysay.
pananaw/akala
ko/ni/ng,
at sumusunod
iba pa. Inihuhudyat
ng ng
mga
ekspresiyong
a.
Tema
at
Nilalaman
ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
b. Anyo at estruktura
c. Wika at: estilo
Halimbawa
a. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa
Mahusay ! Batay sa mga naunang gawain, napaunlad mo ang iyongpag Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng
unawa sa isang paksa sa tulong ng paglalahad ng iyong pananaw. Higit na
Commision On Higher Education na pinagtitibay ang
magiging malinaw ang iyong pananaw sa isang paksa o isyu kung makikilala at
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
magagamit mo ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng pananaw.
ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
Batay sa Konstitusyon
1987at: Retorika
Artikulo XIV, Seksyon 6 na
GAWAIN 9: Pagsasanib
ng Gramatika
nagsasabing Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
mag
Alinsunod
sa tadhana
ng batas
sang-ayon sa nararapat na
Suriin ang
pangungusap
na hango
saatsanaysay
ng Kongreso,
dapat
ng mgakundi ang
Sa kanila,maaaring
ang sabiipasya
ko, ang
katotohanan
ay magsagawa
walang kahulugan
hakbangin
ang
Pamahalaan
upang
ibunsod
at
puspusang
anino ng mga imahe.
itaguyod
ang paggamit
ng Filipino sa
bilang
ng opisyal mula
na sa
At mayroon
bang bagay
na nakapagtataka
mgamidyum
taong nakadaan
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangbanal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o
edukasyon.
gumawa ng labag sa kagandahang-asal. Samantala, habang ang kaniyang

Ayon
tauhang si Simoun
sa Elmahirati
Fili, Habang
may sarilingsiya
wika ay
mga mata ay sakumukurap
bago siya
sa kadiliman,
anglumaban
isang bayan,
taglay
anglugar,
kalayaan.
mapipilitang
sa korte
o saniya
ibang
tungkol sa anino ng imahe ng
katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.
b. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng
Sa unang pangungusap, naipahayag ng may akda ang kanyang pananaw batay
Sa
paniniwala
ko ang
isang mataas atginamit
matibayang
sa kanyang
iniisip
o sinabi.
At pagkakaroon
sa ikalawangng pangungusap
na
edukasyon
ay
isang
saligan
upang
mabago
ang
takbo
ng isangsa
ekspresiyong samantala na nagkaroon ng pagbabago sa unang bahagi
lipunan
pagkakaroon
ng isang masaganang ekonomiya.
ikalawang bahagi
na tungo
ginamitsaang
ekspresiyon.
Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating mga
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan.
Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral
ay hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga kamay bagkus
dapat nakaagapay din ang
46 mga magulang sa pagbibigay patnubay
at suporta.

Modyul 1, Baitang 10

c. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip


Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang
isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan
ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko
Sa ganang akin , kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang
lokal ang pagbabantay sa mga kabataang nasa lansangan tuwing
hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.

Palagay ko, kailangan nang malawig na programa ng DSWD para sa


mga batang nasa lansangan na karaniwang sangkot sa maraming
krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng


paksa at/o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman,
mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino
ang
pinagmumulan
ng
pananaw, nagpapahiwatig
lamang
ng
pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda/ Sa kabilang dako

Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang


mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayoy
masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa
kanilang lungsod.
Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika
hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng
bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

b. Samantala

Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano


nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.
47

Modyul 1, Baitang 10

c. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip


Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan
ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan
ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko
Sa ganang akin , kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang
lokal ang pagbabantay sa mga kabataang nasa lansangan tuwing
hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
Palagay ko, kailangan nang malawig na programa ng DSWD para
sa mga batang nasa lansangan na karaniwang sangkot sa
maraming krimen sa kalsada.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa at/o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman,
mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung
sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda/ Sa kabilang dako
Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang
mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayoy
masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa
kanilang lungsod.
Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika
hindi tuloy malaman nang sambayanan kung ano ang kahihinatnan
ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno
dito.
b. Samantala
Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano
nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
48
Matalinong pagpapasya ang kailangan
kung sino ang karapatdapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

Modyul 1, Baitang 10

Pagsasanay 1: Kopyahin ang talata sa sagutang papel at salungguhitan ang


ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw o ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pagiiba ng paksa at/o pananaaw.
A) (1) Ang bansang Pilipinas ay isang bansang arkipelago, kaya hindi
katakatakang ang mga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga kayamanangdagat na maipagkakaloob ng ibat ibang uri ng damong-dagat. (2) Sa isang
49

Modyul 1, Baitang 10

pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya


sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas , ipinakita niya
ang pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para makatulong sa
sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3) Ayon sa kaniya, maraming
damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagamat iilan pa lamang sa
mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal.
B) (1) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansang
Morocco ay ang isyung pangkalikasan.(2) Ang polusyon sa bansa ay isang
salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa
alkantarilya o padaluyan. Higit pa dito, ang pagtagas ng langis ay hindi
natugunan nang maayos. (3) Ayon sa isang kritiko, ang isyung
pangkalikasan ay hindi binibigyan nang seryosong tuon ng pamahalaan. Sa
tingin niya, makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o patubig sa
kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng
pagpigil sa pagdaloy ng kontaminadong tubig.
C.

(1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa


pagpasok ng salaping dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng
isang bansa ang dolyar upang ang napagbilhan ay siya namang ibibili ng
kalakal na hindi lokal na naipoprodyus. (2) Ang pagbili ng kalakal isang bansa
mula sa ibang bansa gaya ng langis at mga kaugnay na produkto ay tinatawag
na pag-aangkat o import.
( 3) Sa isang banda , masasabing mahalaga ang
ganitong hakbangin para sa isang maunlad na bansa.

D. (1) Ayon sa isang magulang na Pranses, patuloy siyang magpoprotesta laban


sa panukalang batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taong
nagmamahalan na may parehong kasarian. Sa ganang kaniya, mahalagang
ipaglaban at ipabatid sa mamamayan ang kahalagahan ng pamilya.
(2)Kaugnay nito , isa sa pinakamalaking protesta laban sa same-sex
marriage ay naganap nang magsama-sama ang mga mamamayan mula sa
ibat ibang probinsiya ng Pransiya. (3) Ang panukalang batas na ito ay
nagbunsod ng samot saring karahasan sa bansang Pransiya . Naghatid din ito
ng ingay sa iba pang bansa .
Pagsasanay 2: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang
mabuo ang Konsepto ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
Sa ganang akin
Batay sa
Sa tingin ng
Sa palagay ng
ko

Ayon sa

Pinaniniwalaan

_____1."Counsels on Diet and Food" kung saan binanggit nila na ang mga
tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating
katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
50

Modyul 1, Baitang 10

_____2. Maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod


niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao
ang kaniyang karera sa pagboboksing.
_____3. Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto
ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang
politiko.
_____4. Department of Social Welfare and Development , mapanganib din sa
mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet games lalo nat
nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
_____5. mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang
miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa
sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang
pangangalaga ng mundo.
Pagsasanay 3 : Magtala ng mga impormasyon at gamitin ang sumusunod na
salita sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa napapanahong isyung
pandaigdig na nakasulat sa kahon.
ayon sa
batay sa
sang-ayon sa

sa palagay ko
sa ganang akin
sa tingin ko

KAHIRAPAN

sa kabilang banda
sa kabilang dako
samantala

KARAPATANG PAN
TAO
Pananaw:

Pananaw:
______________________________
______________________________
______________________________

_____________________________
_____________________________
_____________________________

EDUKASYON

CHILD LABOR

Pananaw:
______________________________
______________________________
______________________________

Pananaw:
___________________________
___________________________
____________________________

Pagnilayan at Unawain
Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan
51

Modyul 1, Baitang 10

ng pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan.


Magbigay ng dalawang kasagutan sa bawat tanong.
Tanong
Paano
nakatutulong ang
sanaysay na
magkaroon ng
kamalayan sa
kultura at
kaugalian ng
isang bansa ?
Paano mabisang
magagamit ang
mga ekspresiyon
sa
pagpapahayag
ng sariling
pananaw?

Sagot 1
Nakatutulong ang sanaysay sa
pamamagitan ng
____________________________
____________________________
___________________________.

Sagot 2
Maaaring sa
panimula ay
________, sa
gitna o katawan
ay ____ at sa
wakas ay
_____________.

Sa pagbuo ng sariling pananaw,


mabisang magagamit ang
ekspresiyon sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng
____________________________
____________________________
____________________________
___________________________.

Mabisang ang
pagpapahayag
ng sariling
pananaw sa
pamamagitan ng
_____________
_____________
_____________
_____________.
Photo Essay (Sanaysay ng Larawan) Isang koleksyon ng mga imahe na
inilagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang pagunlad ng mga kaganapan, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak
na pagpapahayag.
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Photo Essay
1. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.

2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo essay.


3. Hanapin ang "tunay na kuwento". Matapos ang pananaliksik, maaari munang
matukoy
ang anggulo na gusto mong dalhin ang iyong kuwento kahit na ang
Ilipat
bawat ideya ng kuwento ay pareho. Ang pangunahing mga kadahilanan ng bawat
larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging
kuwento.
GAWAIN
10: Isagawa mo!
Napakahalaga na naunawaan mo ang kabuuan ng aralin sapagkat ang mga
natutuhang
konseptoay
angbinuo
makatutulong
sa iyo upang
maisagawang
angmambabasa.
4. Ang kuwento
upang gisingin
ang damdamin
inaasahang
produktoang paggawa
ng photo
essay.
Pinakamahusay
na paraan
upang ikonekta
ang
iyong sanaysay larawan sa madla
ay ang mga damdamin nakapaloob sa kuwento at gamitin ito sa mga larawan.
5. Pagpasyahan ang mga kukunang larawan. Magsimula sa paglikha ng isang
listahan ng mga kuha para sa kuwento. Ang bawat shot ay tulad ng isang
52 talata. Maaari kang magsimula sa 10
pangungusap sa isang kuwento sa isang
mga shots. Ang bawat shot ay dapat bigyang-diin ang iba't ibang mga
konsepto o emosyon na maaaring pinagtagpi kasama ng iba pang mga larawan.

Modyul 1, Baitang 10

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng photo


Magkakaroon
ng paligsahan
inyong dibisyon
para
sa pagbuo
ng
essay.
Nakatitiyak ako
na magigingang
matagumpay
ang iyong
gagawing
produkto.
photo essay tungkol sa ibat ibang isyu na kinakaharap ng alinman sa
mga bansa sa Mediterranean. Nagkataon naman na isa ka sa mga magaaral na nakarating sa isa sa mga bansa nito dahil sa programa ng
Kagawaran ng Edukasyon na exchange student. Bumuo ka ng photo
essay tungkol sa isang isyu sa bansang pinuntuhan mo. Batay sa
pamunuan na nangangasiwa sa paligsahan, ang photo essay ay tatayain
batay sa sumusunod na pamantayan :
Pamantayan
A.
Tumalakay sa isang kalagayang
panlipunan
B. Pagkilala sa kultura ng bansa
53
C. Paglalahad ng pananaw o kaisipan
D.Pagsunod sa balangkas ng isang sanaysay

Modyul 1, Baitang 10

INTERPRETASYON
15 - 20 Napakahusay
10 14 Mahusay
6-9 Katamtamang husay
1 5 Kailangan pa ng pagsasanay
Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan sa mga
araling ito.Inaasahan na ang lahat ng mahahalagang konsepto na iyong natutuhan
sa araling ito ay makatutulong sa pag-unawa mo sa mga kasunod pang aralin.

Aralin 1.3
A. Panitikan:

Ang Tusong Katiwala


Parabula mula sa Syria

B. Gramatika/Retorika:

Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay


(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas )

C. Uri ng Teksto:

Nagsasalaysay

Panimula
54

Modyul 1, Baitang 10

Matapos mong pag-aralan ang isa sa mga sanaysay mula sa Greece, ikaw ay
gagabayan naman ng mga mensaheng matututuhan sa akdang pampanitikan na
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay ang parabula. Sinasabing ito ay
natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika
ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay buhat sa salitang Griyego na parabole na
nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Gumagamit
ito ng tayutay na pagtutulad at metapora upang bigyang- diin ang kahulugan.
Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng
Lebanon, Israel, Jordan, Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalan Syria ay dating
magkasingkahulugan sa Levant (kilala sa Arabic bilang al-sham) habang
sumasaklaw sa mag modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang
kaharian at empires. (wikipedia.org).
Ang Aralin 1.3 ay naglalaman ng parabulang pinamagatang Ang Tusong
Katiwala mula sa Bagong Tipan. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga piling
pang-ugnay sa pagsasalaysay pagsisimula, pagdadaloy ng pangyayari at
pagwawakas na makatutulong upang maunawaan mo ang mensaheng nakapaloob
dito .
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng tuntunin
kung paano magiging isang huwarang kabataan sa daigdig na batay sa sumusunod
na pamantayan: a) nasusunod ang pamantayan sa paggawa ng tuntunin b)
nakaugnay sa layon ang tuntuning nabuo, c) nagtataglay ng holistikong dulog na
saklaw ang lahat ng kabataan, at d) nagtataglay ng payak na salita ngunit madaling
maunawaan at sundin ang mga tuntunin.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo ang mga pokus na
tanong na: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang
akdang pampanitikan? at Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa
pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

Tuklasin
Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang
iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin sa
bahaging ito at masagot ang pokus na tanong na: Bakit mahalagang
maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan?
Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong
55

Modyul 1, Baitang 10

Kaalaman.
GAWAIN 1: Larawan ng Buhay
Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng mensahe o mahahalagang
kaisipang dapat mabatid sa anumang uri ng babasahin. Suriin mo ang
kasunod na mga larawan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong
sa iyong sagutang papel.

Larawan #1

Larawan #2

Larawan #3

Aralin 1.3

Aralin 1.3

Aralin 1.3

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?


2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan?
3. Paano makatutulong ang mensaheng nakapaloob sa larawan sa ugali ng
isang tao? Patunayan.
4. Maliban sa sinuring mga larawan, magbigay ng iba pang sitwasyong
nagpapamalas /kakikitaan ng kagandahang-asal.
GAWAIN 2 : Bawat Pangyayari, Mahalaga
Basahin ang akda at itala sa talahanayan ang bahaging para sa iyo ay
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
Puasa: Pag-aayunong Islam
Halaw sa Isinalin sa Ingles ni Elvira Estrano
Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga Muslim sa Pilipino
at Saum sa Arabic. Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Quran na nagsasaad
ng ganito: Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuuts sa inyo at inutos din
sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.
Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na
ang ano mang masasamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw
hanggang sa paglubog nito. Hinihinging mag-ayuno ang mga Muslim sa loob ng
29 hanggang 30 araw ng Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong
Islam. Napili ang buwang ito dahil dito nangyari ang unang paghahayag ng
Quran kay Propeta Mohammad, sa kweba ng Hira.
Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon,
sama-sama o grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang
paghahanda sa puasa. Ang araw na itoy tinatawag na peggang ng mga taga56

Modyul 1, Baitang 10

Magindanaw. Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan,


ang mga pagkain sa ibat ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa
mga naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing Ramadan sa loob ng
29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.
Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang
bawat Muslim na may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal
na tinatawag na saul. Pagkakain ng saul o kayay bago sumikat ng araw, lahat ng
uri ng pagkain, maiinom o ano mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal.
Pagkakain, maaaring bumalik sa pagtulog o magbasa ng Quran.
Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain sa panahong ito ng puasa. Ang
ilay umuuwi nang maaga sa bahay o nagtitipon sa mosque kasama ang mga
kaibigan, nagbabasa ng Quran o nag-uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit na
ipinagbabawal ang pagtsitsimis.
Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang pagkakaton, ang
pagtigil ng pag-aayuno ay ginagawa sa bahay ng datu o sinuman sa komunidad
na boluntaryong maghahanda ng pagkain. Tinatawag na pembuka ang
paghahandang ito.
Katotohanan

Kabutihan

Kagandahang Asal

GAWAIN 3 : Isalaysay ang Nangyari


Gamit ang story frame, isalaysay ang mahahalagang pangyayaring nagaganap
sa panahon ng pag-aayuno o puasa. Sikaping makagamit ng angkop na piling
pang-ugnay sa pagsasalaysay : unang, sunod, saka, sumunod na araw, sa
dakong huli.
STORY FRAME
KUWADRO 1 ( Pagsisimula)
KUWADRO 2 (Pagpapadaloy ng Pangyayari)
KUWADRO 3
( Pagwawakas)

Inaasahan ko na nagkaroon ka ng pagpapahalaga at pag-unawa sa binasang


parabula at kung paano nakatutulong ang pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensahe ng parabula. Maaari mo nang ipagpatuloy ang
pag-aaral!
57

Modyul 1, Baitang 10

Alam mo ba na
ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang
pamantayang moral at kalimitang hango sa Bibliya? Realistiko ang
banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay umaangkin
ng katangian ng tonong mapagmungkahi at isang sangkap ang
misteryo.
Linangin
Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais
kong bigyan mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang
masagot mo ang pokus na tanong na : bakit mahalagang maunawaan at
mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan.
Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16 :1-15)
1) Nagsalita uli si Jesus sa kaniyang mga alagad, "May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ariarian. 2) Kayat ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, Ano ba itong naririnig
ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili,
Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na
ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman
sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong
niya ang una, Magkano ang utang mo sa aking amo? 6) Sumagot ito,
Isandaang tapayang langis po. Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang.
Dali! Maupo kat palitan mo, gawin mong limampu, sabi ng katiwala. 7) At
tinanong naman niya ang isa, Ikaw, gaano ang utang mo? Sumagot ito,
Isandaang kabang trigo po. Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang, sabi
niya. Isulat mo, walumpu. 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa
katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay
ng mundong ito."
9) At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita, "Kayat sinasabi ko sa inyo, gamitin
ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga
kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
58

Modyul 1, Baitang 10

mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay


ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa
inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) "Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang
panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo
maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan." 14) Nang marinig ito
ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kayat
sinabi niya sa kanila, "Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao,
ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang
itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
GAWAIN 4 : Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang puna ang estilo ng may akda batay sa salita at ekspresyong ginamit
sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng
parabula. Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.
1. May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.
2. Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatangalin na kita sa iyong tungkulin.
3. Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi
ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.
4. Kayat sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
5. At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
lungkot
pagtataka

galit
pagkaawa

panghihinayang
pag-aalinlangan

GAWAIN 5 : Pag-unawa sa Akda


Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga
taong may obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo , kukunin mo ba ang ganitong uri ng
katiwala para sa iyong negosyo?
59

Modyul 1, Baitang 10

4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga kaganapan sa


kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi
ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?.
7. Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng
binasang parabula?
8. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?
9. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula sa pagpapalutang ng
mensahe nito? Patunayan.
10. Ano ang katangian ng parabulang binasa sa ibang akdang pampanitikan?
Parabula

Katangian

Patunay

GAWAIN 6 : Mga BahagiSuriin


Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari na naganap.
Nagsisilbing patnubay at lumilinang sa mabuting asal ang aral na mapupulot
dito. Ang mensahe ng parabola ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Gamit
ang grapikong presentasiyon, suriin ang mga pangyayari sa parabula batay sa
nilalaman, kakanyahan at elemento.

Parabula

Nilalaman

Elemento

Kakanyahan

GAWAIN 7: Ugnayang Pangyayari


Kopyahin ang tsart sa kuwaderno at isulat ang mga pangyayari na maaaring
iugnay sa sariling karanasan o tunay na buhay.
Pangyayari sa Parabula

Pangyayari sa sariling karanasan

60

Modyul 1, Baitang 10

Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita sa mga gawain iyong natapos.
Ang susunod mo namang babasahin ay isang tekstong nagsasalaysay. Unawain
ang nilalaman nito at bigyan ng pansin ang mensahe upang mapahalagahan ito
bilang isang akdang pampanitikan.
Mensahe ng Butil ng Kape
The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang
nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng
kaniyang anak ang hirap at pagod na
nararanasan sa pagsasaka at
pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi
makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya . Sa
pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa
kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.
Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang
nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa
unang palayok , inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog.
Sa panghuli , butil ng kape ang inilahok.
Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape
na aking inilahok? tanong ng ama.
Maluluto? kibit-balikat na tugon ng anak.
Makalipas ang dalawampung minuto , inalis ng ama
ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok.

Larawan # 4
Aralin 1.3

Damhin mo ang mga ito, hikayat ng ama.


Ano ang iyong napuna? bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama
na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na
buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
Higupin mo ang kape, utos ng ama.
Bakit po? nagugulumihanang tanong ng anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso
ng carrot, itlog, at butil ng kape .Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong
tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.

Larawan # 5
Aralin 1.3

61

Modyul 1, Baitang 10

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos


mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa
kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong
nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng
kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan,
ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa
Larawan # 6
buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka
tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng
Aralin 1.3
kape? usal ng ama.
Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una
subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay
magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng
puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na
minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan
ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon
ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O
maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig?
Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang
kumukulong tubig, paliwanag ng ama.
Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng
pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa
paligid mo, dagdag na paliwanag ng ama.
Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay? Ikaw ba
ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap
kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang
lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?
Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?, tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon ako ay magiging butil ng kape
katulad mo mahal na ama.
GAWAIN 8: Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga tanong
1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay
inilahok sa kumukulong tubig.
2. Ayon sa teksto,Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit ibaiba ang naging reaksiyon,paano mo ito maiuugnay sa buhay ng tao?
3. Mabisa ba ang naging representasiyon ng ama upang magkaroon ang anak
ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.
4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
5. Bigyang-pagpapakahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.
62

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 9 : Sino Ako?


Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging
kalagayan ng mga tauhan sa binasang kuwento. Magtala ng natutuhang
mensahe sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunod na grapikong
presentasiyon sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Ako
Ako bilang....
bilang....

Note to the artist: tao na


ang katawan ay carrot

Note to the artist: tao


na ang katawan ay
itlog

Note to the artist : tao na


ang katawan ay butil ng
kape

PANGYAYARI
PANGYAYARI

PANGYAYARI

Magaling ! Batay sa mga naunangMENSAHE


gawain, napaunlad mo ang iyong pag-unawa
kung bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang parabola bilang akdang
pampanitikan. Higit na magiging madali ang pagsasalaysay ng mga pangyayari
kaugnay ng mensaheng natutuhan sa binasang akda kung mabisa mong magagamit
ang mga pang-ugnay.
GAWAIN 10 : Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Suriin ang maikling pagsasalaysay:

Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nagiisa-isa ng mga impormasyon o pangyayari

Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa


awang taga-Maguindanao. Sa dakong huli si Indarapatra ang nagwagi sa

laban sa mga halimaw. Sa madaling sabi, nailigtas nina Indarapat at

Sulayman ang mga taga-Maguindanao.

Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring


kinalabasan ng pangyayari.

63

Modyul 1, Baitang 10

May pagsusulit bukas si Boboy kaya hindi siya mapakali


O, bakit anong problema? ang pansin ng kaniyang nanay.
Para kang sinisilihan sa puwit, a! Nahihilo tuloy ako sa iyo. Bakit nga
ba?
E, Ma, may test ho kasi ako sa Math bukas, nagkakamot ng ulong sagot
ni Boboy.
O,e ano nga problema? Kung nag-aaral kang mabuti tiyak na magiging
madali sa iyo ang test mo.
E , yon nga ho ang problema, Ma. Hindi ho kasi ako nag-aral ng ilang
araw na.
Dahil ho kay Jenny, ang sarap kasi niyang kausap sa telepono.
Hayun! Dahil sa kalokohan moy babagsak ka. Ba, maliban na lang
kung mag-aaral kang mabuti , tiyak na maipapasa mo ang

Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso


ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa
mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong
salita. Sa komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pangugnay ang mga ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat
bahagi, madali ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga
angkop na pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga
nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong ang
mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng
nakapaloob sa akdang pampanitikan.
Alam mo ba na ...
ginagamit sa pagpapadaloy ng pangyayari ang pang-ugnay o mga panandang
pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
Pagpapadaloy ng mga pangyayari
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga katagang pagkatapos, saka, unang,
sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan.Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang
dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalanng
sa paglalahad ng bunga at
64
resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy
at bunga.

Modyul 1, Baitang 10

Pagsasanay 1: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula


at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay .
1) May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang
katiwala ang kaniyang ari-arian ( kayat , saka ) ipinatawag niya ang katiwala
at tinanong. 2) (Unang, Pagkatapos ) tinawag ng katiwala ang may utang na
isandaang tapayang langis. 3) (Saka, Pati ) pinaupo at pinapalitan ng
limampu ang kasulatan. 4) (Gayon din , dahil sa ) ang ginawa sa isa pa.
Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5) (Dahil sa ,
upang ) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
Pagsasanay 2: Pumili ng paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o
pangyayari. Salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit sa pagsulat.
Mga Paksang Pagpipilian:
1.

Edukasyon

2.

Pag-ibig

3.

Pamilya

At iba pa

4.

Pagsasanay 3: Sumulat nang maayos na paliwanag kaugnay ng collage.


Gumamit ng mga pang-ugnay sa puntong pinag-uusapan o paksa.
Child Labor tumaas
ang bilang

Programang K to 12
Inilunsad

Epekto ng
Pagbabago ng Klima

Bullying Act sa
Paaralan Pinatupad

Teenage Marriage

Paggamit ng Social
Media sa
komunikasyon

Pagnilayin at Unawain
Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon.
65

Modyul 1, Baitang 10

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang akdang parabula?


Nakatutulong ba ang pag-unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang
pinagmulan nito?
Parabula

kahalagah
an

Pag-unawa

2.

Paano nakatutulong ang mga pangatnig sa pagsasalaysay upang mabisang


maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

________________________________________________________________________
____________________________________________________

Ilipat
Alam kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan
mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang araling ito upang
tumibay ang iyong pag-unawa sa konsepto at mga elemento ng parabula gayundin
ang pagpapahalaga dito bilang isang akdang pampanitikan.
Ngayon, alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang
maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Magagamit mo sa
bahaging
ito ang
mga ay
kaalamang
natutuhan
sa pagpupulong
mga araling ng
pampanitikan
at
Ang inyong
paaralan
magsasagawa
ng isang
lahat ng
panggramatika.
pangulo klase sa pagpili ng modelo ng kabataan para sa nalalapit na Youth
Conference. Bilang kalahok sa nasabing pulong, ikaw ay inaasahang
bubuo ng mga tuntunin ( moral rules) ng isang huwarang kabataang
pandaigdig. Ang nabuong tuntunin ay tatayain sa sumusunod na
pamantayan:

Kraytirya
A.
B.

Nakaugnay sa paksa ang binuong tuntunin


Nagtataglay ng hulistik na dulog na saklaw ang
lahat ng
66
Kabataan

C. Nakagamit ng mga simple salita ngunit madaling

Modyul 1, Baitang 10

INTERPRETASYON
4- Napakahusay ng pagkakasulat ng tuntunin
3- Mahusay ng pagkakasulat ng tuntunin
2 - Katamtamang husay ng pagkakasulat ng tuntunin
1 -Kailangan pa ng pagsasanay sa pagsulat ng tuntunin

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan sa mga


araling ito. Sa bahaging ito, inaasahan na ang natutuhang mga konsepto ay
makatutulong sa pagtalakay sa kasunod na mga aralin.
Aralin 1.4
A. Panitikan:

Ang Kuwintas (Maikling Kuwento France)


ni Guy de Maupassant
B. Gramatika/ Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
C. Uri ng Teksto:
Nagsasalaysay

Panimula
Ang France o French Republic ay isang malayang bansa sa Kanluran ng Europe.
Ang France ay pangatlo sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at
European Union. Ang kapitolyo ng France ay ang Paris, ang pinakamalaking
lungsod ng bansa at sentro ng kultura at komersyo. Katulad ng iba pang bansa sa
Mediterranean, mayaman sa panitikan ang France. Ang panitikang ito ang
nagsisilbing kanlungan ng kanilang mga sinaunang kaugalian, tradisyon, at kultura
sa kabuuan.
Sa aralin 1.4, pag-aaralan mo ang isang maikling kuwento na pinamagatang
Ang Kuwintas. Uunawain mo upang masalamin sa katauhan ng mga tauhan ang
67

Modyul 1, Baitang 10

pag-uugali ng mga taong pinanggalingan nito. Huhubugin din ang iyong kasanayan
sa paggamit ng panghalip upang ikaw ay makapagsalaysay ng nabuong sariling
wakas ng kuwento sa pamamagitan ng story board batay sa sumusunod na
pamantayan: a. nilalaman, b. pagkamalikhain, at c. daloy ng kaisipan.
Tutuklasin mo kung masasalamin sa katauhan ng mga tauhan sa kuwento
ang pag-uugali ng mga taong pinanggalingan ng akda. Gayundin, kung paano
magagamit ang panghalip sa mabisang pagsasalaysay.
Tayo na at sama-sama nating tawirin ang dagat ng Mediterranean at tuklasin
natin ang kultura ng mga taga-France sa pamamagitan ng kanilang maikling
kuwento.
Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong
kaalaman sa kultura ng ibat ibang bansa upang sa gayoy matulungan kitang
matuklasan kung masasalamin sa katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng
mga taong pinanggalingan ng akda at paano magagamit ang panghalip bilang
panuring sa mga tauhan sa mabisang pagsasalaysay.

Icon

GAWAIN 1. Hanapin Mo
Tukuyin mo kung aling bansa ang nagmamay-ari ng sumusunod na larawan ng
kasuotan. Piliin ang iyong sagot mula sa mga bansang nakasulat sa ibaba ng
mga larawan. Ilarawan ang kultura ng mga taong nasa larawan batay sa kanilang
kasuotan.

1. _________

2. _________

5. __________
a. Thailand
b. France

3. _________

6. ____________
c. India
d. Vietnam

e. Greece
f. Russia
68

4.__________

7. __________
g. Spain

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 2. Ilarawan Mo
Para saiyo, ano-ano ang katangian ng isang huwarang babae o lalaki? Magbigay
ng tatlong katangian. Iguhit ang grapikong guhit sa sagutang papel at dito isulat
ang sagot.

GAWAIN 3: Pangngalan Mo, Palitan Mo


Suriin ang kasunod na talata. Mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong,
piliin ang angkop na salitang ipapalit sa pangngalang nasa unahan o nasa
hulihan nito.
Ang natural na kagandahan ni Donnalyn ay lalong tumingkad nang ____
1. (siyay, itoy, nitoy) magdalaga. Idagdag pa ang taglay na talino ___ 2. (niya,
kaniya, siya). Kaya naman alagang-alaga ni Aling Girlie ang anak. Inaako 3.
(nito, niya, siya) ang lahat ng gawaing bahay para hindi masira ang
magagandang hubog ng mga daliri ng kaniyang prinsesa. Hindi 4. (ito, siya, niya)
tumutulong sa mga gawain sa bukid para hindi umitim ang makinis at maputing
balat 5. (nito, niya, dito). Sa kabila ng 6. (kaniyang, kanilang, aming) kahirapan
ay iginagapang nilang mag-asawa ang pag-aaral ni Donnalyn sa isang Catholic
School sa bayan. Subalit ni minsan ay hindi nagawang silipin ng ina ang anak sa
loob ng paaralan nito. Kabilin-bilinan ni Donnalyn na huwag 7. (siyang, niyang,
kaniyang) pupunta roon, higit sa lahat huwag 8. ( itong, siyang, niyang)
magpapakilalang nanay 9. (niya,nito, siya). Itoy labis 10. (niyang, kaniyang,
siyang) ipinagdaramdam.
(Mula sa Iisang Mata ni Joselyn Calibara-Sayson)

Sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral, babasahin mo ang isang maikling


kuwento na isang kuwento ng tauhan. Alam mo ba kung ano ang kuwento ng
tauhan?

Alam mo ba na...

ang kuwento ng tauhan ay isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyanghalaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap at kaisipan ng
isang tauhan. Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o
pinapaksa. Kumakatawan siya sa kabuuan ng kuwento sa pamamagitan ng
ano mang nangingibabaw na ideya o ng mga kabuluhan sa kuwento.
Nangingibabaw rito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na
pagkatao ng tauhan sa katha.
Maraming paraan ang ginagamit ng may-akda sa paglalarawan ng
buong pagkatao ng tauhan. Nasasalig ito sa kaniyang panloob na anyo ang
isipan, mithiin, damdamin, at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo
pagkilos at pananalita. Nakatutulong din sa pagpapalitan ng katauhan ang mga
pag-uusap ng ibang tauhan sa 69
kuwento tungkol sa kaniya. Ngunit sa
pamamagitan na rin ng tauhan nagkakaroon ng pinakamabisang paglalarawan
ng katauhan at maipakikita ito sa kaniyang reaksiyon o saloobin sa isang tiyak
na pangyayari.

Modyul 1, Baitang 10

Upang maihanda ka sa gagawin nating pag-aaral sa panitikan ng France at


upang mapatunayan mo na masasalamin sa katauhan ng mga tauhan sa
kuwento ang pag-uugali ng mga taong pinanggalingan ng akda, sulyapan mo
ang tekstong Kultura ng France : Kaugalian at Tradisyon upang mabigyan ka
ng kabuuang pananaw ng kanilang kultura.
Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon
Mula sa Live Science
Isinalin sa Filipino ni Joselyn C. Sayson
Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro
ng moda, pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod
ng mga Ilaw ay ibang- ibang at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Magugunita, na
ang kultura ng France ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture,
gayundin ang Franks, isang tribong German. Ang France ay una nang tinawag
na Rhineland subalit noong panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag na
Gaul.
Habang ang malawak na pagkakaiba ay naghiwalay sa mga lungsod at
punong - lungsod, sa loob ng nakalipas na 200 taon na digmaan ang
Digmaang Franco-Prussian, Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig nagkaroon ng magkaisang lakas.
Mga Wika sa France
French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba
pang wika ang mga rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay ang
unang wika ng 88% ng populasyon samantalang ito naman ang ikalawang wika
ng mga tao rito na hindi French ang mother tongue o unang wika.
Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German,
nangingibabaw ito sa mga probinsiya sa silangan, at may maliit na pangkat na
nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan. Arabic ang ikatlong
pinakamalaking wikang ginagamit.
Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at
Basque na ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.
70

Modyul 1, Baitang 10

Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the Celtic language), Occitan
dialects, at mga wika mula sa dating kolonya ng France katulad ng Kabyle at
Antillean Creole.
Relihiyon ng France
Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France tinatayang 80% ay nagsasabing
sila ay Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang
relihiyon ng mga dayuhan mula sa hilagang Africa), Protestante at Judaism.
Pagpapahalaga ng mga taga-France
Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at
pamahalaan at karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento
tungkol sa kanilang bansa. Ang pag-uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing
ng mga turista, lalo na ng mga Amerikano, na kawalang-galang.
Ang ekspresiyong chauvinism ay nagmula sa France. Bagamat ang
kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo,
marami pa rin ang naniniwalang ang France ay male-dominated culture.
Niyayakap ng mga taga-France ang istilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki
nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa egalite na nangangahulugang
pagkakapantay-pantay, at itoy bahagi ng motto ng kanilang bansa: Liberte,
Egalite, Fraternite. Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang
pagkakapantay-pantay kaysa sa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang
huling salita sa kanilang motto.
Lutuin
Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at
maraming mga pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan.
Palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang makakita
ng mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay mahalaga ring
sangkap ng bawat pagkaing French.
Bagamat marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin
ang nag-uugnay sa kanilang lutuin sa malapot na sarsa at kumplikadong
paghahanda. Ang ilan sa matataas na uri ng pagkain nila ay boeuf bourguignon
nilagang baka na kinulob sa red wine, beef broth at nilagyan ng bawang,
sibuyas at kabute at coq au vin, ulam na may manok, alak na Burgundy,
Jardons ( maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms, sibuyas at
maaari ring lagyan ng bawang.
Pananamit
71

Modyul 1, Baitang 10

Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France
ay kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit.
Karamihan sa mga taga-France ay sopistikado kung manamit, disente at
sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi sobra sa
dekorasyon (overly fussy). Ang karaniwang damit nila ay mahahabang
amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot na
sumbrero.
Sining
Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France lalo na sa Paris at iba pang
pangunahing lungsod at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at
Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali.
Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si
Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa
Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.
Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang
tahanan ng maraming kilalang gawa ng sining, kasama na ang Mona Lisa at
Venus de Milo.
Mga Piyesta at Pagdiriwang
Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga
Kristiyano tulad ng Pasko at Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May Day,
kilala rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay
sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa
Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille ay
ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay
binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France.
French Culture: Customs and Traditions LiveScience, kinuha noong Disyembre 3, 2014
Mula sa www.livescience.com/39149-french-culture.html

Icon

Linangin

Babasahin mo ngayon at pag-aaralan ang maikling kuwento ng France upang sa


gayoy maunawaan mo kung masasalamin sa katauhan ng mga tauhan ang paguugali ng mga taong pinanggalingan ng akda.
Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant
72

Modyul 1, Baitang 10

Siyay isa sa magagandat mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng


tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa
isang abang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang
paraan upang siyay makilala, panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang
mayaman at tanyag na lalaki.
Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya
kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niyay alangan
sa kaniya ang lalaking nakaisang-dibdib sapagkat sa mga babae ay walang
pagkakaiba-iba ng katayuan sa buhay. Ang gandat alindog ay sapat na upang
maging kapantay ng sinumang hamak na babae ang isang babaing nagmula sa
pinakadakilang angkan. Ang isang babaing nagbuhat sa karaniwang angkan ay
magiging kasinghalaga ng mga maharlika sa pamamagitan ng pinong asal at
pag-uugali, pagkakaroon ng pang-unawa sa tunay na kahulugan ng magara at
makisig at kakaibang kislap ng diwa.
Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa
buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa
kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga
kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Malimit na sa pagmamasid niya sa
babaing Briton na siyang gumaganap ng ilang abang pangangailangan niya sa
buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang
kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata
magkakaroon ng katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng
tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng
matatangkad na kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang
naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang
malaking silyon. Naiisip niya ang mahahabang bulwagang nagagayakan ng mga
sedang tela ng unang panahon na nagsisilbing palamuti, mga mamahaling
kasangkapan na ang mga hiwaga at kababalaghan ay walang kapantay na
halaga, mga silid-bihisang marangya at humahalimuyak sa bango, mga taong
tanyag na pinagmimithiang makilala ng balana at makikisig na ginoong
pinananabikang karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng kababaihan.
Sa hapunan, sa tuwing uupo siya kaharap ang asawa sa harap ng mesang
nalalatagan ng isang kayong pansapin na tatlong araw nang ginagamit ay iba
ang laman ng kaniyang kaisipan. Kahit na naririnig niya ang malugod na
pagsasabi ng asawa pagkabukas ng supera ng A, ang masarap na potau-feu!
Aywan nga ba kung may masarap pa riyan! Ang nasa isip niya sa mga gayong
sandali ay ang nakakainggit na masarap na hapunan, ang mga nagkikinangang
kubyertos at ang marangyang kapaligiran. Kaagad na naiisip din niya ang mga
malinamnam na pagkaing nakalagay sa magagandang pinggan. Naiisip din niya
ang mga papuring ibinubulong sa kaniya na kunwariy hindi niya napapansin
ngunit sa katotohanan ay nakakakiliti sa kaniyang damdamin samantalang
nilalasap niya ang malinamnam na mamula-mulang laman ng isda o kayay
pakpak ng pugo.
73

Modyul 1, Baitang 10

Sa pakiwari niyay iniukol siya ng tadhana na magkaroon ng mga bagay na


lubhang malapit sa kaniyang puso katulad ng magagarang damit at mga hiyas
ngunit wala siya ng mga iyon. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya,
maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan
ng ibang babae.
May isang naging kaklase siya sa kumbento na naging kaibigan niya.
Mayaman iyon. Datiy malimit niyang dalawin ang kaibigan ngunit nitong mga
huling araw ay iniwasan na niyang dumalaw roon sapagkat lalo lamang tumitindi
ang kapighatiang kaniyang nadarama sa kaniyang pag-uwi pagkatapos ng
pagdalaw.
Isang gabiy masayang dumating ang kaniyang asawa. Buong
pagmamalaking iniabot sa kaniya ang hawak na malaking sobre. Para sa iyo
ito, ang sabi sa kaniya. Kaagad niyang inabot ang sobre at nagmamadaling
pinunit ang dulo nito. Nabasa niya ang nakalimbag na mga salitang:
Malugod na inaanyayahan ng Ministro ng Instruksyon Publiko at ni Gng.
George Ramponneau sina G. at Gng. Loisel sa isang kasayahang idaraos sa
palasyo ng Ministeryo sa Lunes ng gabi, Enero 18.
Sa halip na matuwa na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ng
kaniyang asawa sa ibabaw ng mesa ang paanyaya. Bumubulong na sinabing
ano ang gagawin niya rito.
Mahal, akala koy ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko
lamang na malibang ka, kailanmay hindi ka nakapaglilibang at naisip kong itoy
isang mabuting pagkakataon para sa iyo. Nagnanais makadalo ng lahat kayat
lubha akong nahirapang makakuha ng paanyaya. Matataas na tao sa
pamahalaan ang inanyayahan at dadalo. Piling-pili lamang ang mga panauhin.
Hindi sila nagbigay ng maraming paanyaya sa mga tagasulat.
Pagalit na pinagmasdan ng babae ang asawa at payamot na sinabing, Ano
ang isasampay ko sa aking likod?
Naging pauntol-untol ang sagot ng lalaki dahil sa hindi niya kaagad naisip
iyon. Para sa akin ay maganda ang damit mong isinusuot kung pumapasok tayo
sa teatro kaya maaari na iyon.
Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang
asawa. Naitanong niya kung ano ang nangyayari rito.
Pinagsikapan ng babaing mapaglabanan ang paghihinagpis at nang
huminahon na siyay sumagot, Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya
hindi ako makadadalo sa kasayahang iyan. Ipamigay mo na lang ang paanyaya
sa isa mong kasamahan na may nakahandang damit na isusuot ang asawa.
Walang malamang gawin ang lalaki, pagkuway nangusap sa asawa, Hintay,
Matilde, tingnan muna natin. Sa palagay moy magkano ang magiging halaga ng
isang bestidong magiging kasiya-siya sa iyo at maaari mo pang gamitin sa mga
ibang pagkakataon?
Nag-isip sumandali si Matilde. Mabilisang gumawa siya ng pagtataya kung
magkano ang maaari niyang hinging halaga sa matipid na asawa nang hindi
masindak ito at tumanggi. Nag-aatubili siyang sumagot ng Hindi ko natitiyak ang
halaga, ngunit sa palagay koy maaari na ang apat na raang prangko.
74

Modyul 1, Baitang 10

Natigilan sumandali ang lalaki at bahagyang namutla sapagkat ang natitipon


niyang gayong halaga ay ipambibili niya ng isang baril na pang-ibon. Binabalak
niyang mamaril ng ibon sa Kapatagan ng Nanterre sa darating na tag-araw.
Sasama siya sa ilang kaibigang dati nang namamaril ng mga ibon doon.
Gayunpaman ay sinabi niya sa asawa, Ayos na, ibibigay ko sa iyo ang
apat na raang prangko. Bumili ka ng isang bestidong maganda.
Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Matilde, hindi
siya mapalagay at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang
bestidong kaniyang gagamitin. Napansin ito ng lalaki at isang gabiy inusisa ang
asawa. Magtapat ka sa akin, anong nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang
kakaiba ang kilos mo.
Payamot na sumagot ang babae, Mabuti pa kayay huwag na akong dumalo
sa sayawan. Wala man lamang akong maisusuot kahit isang hiyas.
Magmumukha akong kaawa-awa.
Usong-uso ang mga sariwang bulaklak sa ganitong panahon. Maaaring iyon
ang isuot mo. Sapat na ang sampung prangko upang makabili ka ng dalawa o
tatlong alehandriya.
Waring hindi sang-ayon ang babae at ang sabi, Hindi! Wala nang kahabaghabag na kalagayan kung hindi magmukhang maralita sa gitna ng mga babaing
maykaya sa buhay.
Napabulalas ang lalaki. Napakahangal mo! Bakit hindi mo hanapin ang
kaibigan mong si Madame Forestier. Humiram ka ng ilang hiyas sa kaniya. Hindi
ka niya marahil tatanggihan dahil sa matalik mo siyang kaibigan. Napasigaw sa
tuwa si Matilde, Oo nga, hindi ko naalaala ang aking kaibigan.
Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si Matilde. Ipinagtapat niya rito ang
kaniyang problema. Tinungo ni Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga
hiyas at kinuha mula rito ang isang kahon. Binuksan ang kahon at pinamili ang
kaibigan, Mamili ka, mahal.
Ang una niyang nakitay ang ilang pulseras, ang sumunod ay isang kuwintas
na perlas at pagkaraan ng isang krus na Benesiyanong ginto na may
mahahalagang bato at talagang kahanga-hanga ang pagkakayari. Sinubok
niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi. Paulit-ulit siyang
nagtatanong sa kaibigan, Wala ka na bang iba pa?
Aba, mayroon pa! Mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo. Walang
ano-anoy may napansin siyang isang kahong nababalot ng itim na satin, nasa
loob nito ang isang kuwintas na diyamante na lubhang kahanga-hanga. Sumasal
ang tibok ng kaniyang puso at nanginginig ang mga kamay na dinampot ang
kuwintas. Isinuot niya ang kuwintas sa ibabaw ng kaniyang damit na may
kataasan ang pinakaleeg. Mahabang sandaling nalunod siya sa kaligayahan sa
pagmamalas sa sariling alindog sa salamin. Pagkaraan ay nag-uulik-ulik siyang
nagtanong, Ipahihiram mo ba ito, ito lamang? Oo, mangyari pa? Mahigpit na
niyakap ni Matilde ang kaibigan, pinupog ng halik at maligayang nagpaalam dito.
Sumapit ang inaasam niyang araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking
tagumpay si Madame Loisel. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda,
75

Modyul 1, Baitang 10

sa rangya, at sa pagiging kahali-halina kaya palagi siyang nakangiti dahil sa naguumapaw sa puso ang kaligayahan. Napako sa kaniya ang paningin ng
kalalakihan at gumawa sila ng paraan upang makilala si Matilde. Ninais siyang
makasayaw ng lahat ng kagawad ng gabinete. Nag-ukol sa kaniya ng pansin pati
ang ministro.
Buong pagkahaling siyang nakipagsayaw, lasing na lasing sa kaluwalhatian
ng tagumpay na tinamo sa pamumukod ng kaniyang kagandahan. Tila siya
lumulutang sa ulap dahil sa paghanga ng lahat sa kaniya na napakatamis at
walang katumbas sa puso ng isang babaing katulad niya.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi.
Hatinggabi pa lamang, ang asawa niya kasama ng tatlong lalaking ang mga
asaway nagpapakalunod din sa kaligayahan, ay nakatulog na sa isang maliit na
tanggapan.
Ibinalabal ng asawa sa balikat ni Matilde ang isang abang pangginaw na
ginagamit ng mga karaniwang tao, isang pangginaw na nakapupusyaw sa
karangyaan ng pananamit ni Matilde. Dinamdam niya ang pagkakaroon ng
abang pangginaw at ninais niyang makatalilis agad upang hindi siya maging
kapansin-pansin sa ibang babaing dumalo na nagsisipagsuot ng mamahalin
nilang balabal.
Pinigil siya ng lalaki, Hintayin mo ako rito sandali, sisipunin ka sa labas.
Tatawag ako ng sasakyan. Ngunit hindi niya pinansin ang asawa at
nagdudumali siyang nanaog sa hagdanan. Hindi sila nakakita ng sasakyan sa
lansangan at silay nagsimulang maghanap. Tinahak nila ang daang patungo sa
pampang ng ilog Seine. Kapwa sila kumikinig sa ginaw at pinanawan na ng pagasang makakita pa ng kanilang masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo sila sa
daungan ng isa sa matatandang dokar na dahil sa ikinahihiya ang karalitaan sa
liwanag ng araw ay sa pagkagat ng dilim lamang nakikita sa mga lansangan ng
Paris.
Pagkahatid sa kanila ng matandang dokar sa kanilang tinitirhan ay malungkot
silang umakyat sa hagdanan. Tapos na ang maliligayang sandali kay Matilde. Sa
lalaki naman ay wala siyang iniisip kundi kailangan niyang makasapit sa
Kagawaran sa ganap na ika-10:00 ng umaga.
Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang balabal upang minsan
pang malasin ang kaniyang kagandahan. Napasigaw siya nang malakas. Wala
sa kaniyang leeg ang kuwintas! Nag-usisa ang asawang noon ay nangangalahati
na sa pagbibihis. Anong nangyari sa iyo? Bakit? Parang baliw niyang
binalingan ang asawa. Wala ang kuwintas ni Madame Forestier. Ang nabiglang
lalakiy napalundag halos sa pagtayo. Ano! Paanong nangyari? Imposible!
Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, sa mga lupi ng
damit ni Matilde, sa mga lupi ng kaniyang pangginaw, sa mga bulsa at sa iba
pang lugar. Hindi nila natagpuan ang kuwintas. Natitiyak mo bang nakasuot sa
iyo nang umalis tayo sa sayawan? ang tanong ng lalaki. Oo, natitiyak ko,
nahipo ko pa nang nasa pasilyo ako ng palasyo, ang tugon ni Matilde. Kung
iyon naman ay sa daan nawala ay di narinig sana natin ang lagapak. May
palagay akong nawala sa dokar.
76

Modyul 1, Baitang 10

Marahil nga. Kinuha mo ba ang numero ng dokar?


Hindi! At ikaw, napansin mo ba?
Hindi rin.
Balisang nagkatinginan ang mag-asawa. Muling nagbihis si M. Loisel.
Pagbabalikan kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.
Nanaog na ang lalaki. Ang babae ay naghintay sa isang silya, hindi na niya inalis
ang damit na ginamit sa sayawan. Tila nawalan siya ng lakas, kahit magtungo sa
kama upang matulog. Labis ang kaniyang panlulumo, nawalan siya ng sigla at
nawalan ng kakayahang mag-isip ng anoman.
Mag-iika-7:00 na ng umaga nang bumalik ang lalaki. Nanlulupaypay siya at
ibinalita sa asawa na hindi niya nakita ang kuwintas.
Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Matilde ay maghapong
naghihintay na sapupo ng di-matingkalang pangamba.
Bumalik kinagabihan ang lalaki, pagod na pagod, namumutla at nanlalalim
ang mga mata; hindi niya natagpuan ang kuwintas. Pinayuhan ng lalaki ang
asawa na sumulat sa kaibigan nito at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at
kasalukuyan pang ipinapagawa upang magkapanahon silang makapag-isip-isip.
Ginawa naman ng babae ang payo ng asawa.
Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa
maikling panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon.
Nagpahayag ang lalaki sa asawa na kailangang isipin nila kung paano
mapapalitan ang nawalang kuwintas. Kinabukasan, ang mag-asaway nagtungo
sa tanggapan ng alaherong nakasulat ang pangalan at direksyon sa loob ng
kahon ng kuwintas. Hinanap ng alahero sa kaniyang talaan ang sinasabing
kuwintas.
Hindi ako ang nagbili ng kuwintas na ipinagtatanong ninyo, wala pong
nanggaling sa akin kundi ang sisidlan lamang, ang wika ng alahero kay Madame
Loisel. Pinuntahan ng mag-asawa ang lahat ng mga maghihiyas upang
makakita ng katulad ng nawala na ang anyo ay buong pagsisikap na inalala
samantalang kapwa sila nanlulupaypay sa pagkabigo at paghihirap ng kalooban.
Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog ng
diyamanteng sa palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas.
Nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa
halagang tatlumput anim na libo. Pinakiusapan ng mag-asawa ang may-ari ng
tindahan na huwag munang ipagbili ang kuwintas sa loob ng tatlong araw.
Pinakiusapan din nila ang may-ari ng tindahan na kung sakaling bago magtapos
ng buwan ng Pebrero ay makita nila ang nawawalang kuwintas, matapos nilang
bayaran ang bagong kuwintas ay bibilhin itong muli ng may-ari ng tindahan sa
halagang tatlumput apat na libong prangko.
May namanang labingwalong libong prangko si M. Loisel sa namatay na ama.
Hiniram niya ang kapupunan nito. Gayon din ang ginawa ng lalaki. Kung kanikanino siya nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga
gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng
manghuhuthot. Inilagay niya ang buong buhay niya sa alanganing katayuan,
nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong hindi niya natitiyak kung matutupad o
77

Modyul 1, Baitang 10

hindi ang nilagdaan at ngayoy nanggigipuspos siya dahil sa mga hirap na


maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng bukas na
puspos ng pagsasalat at paghihirap ng kalooban. Nang matipon nang lahat ang
halagang kinakailangan ay tinungo ni M. Loisel ang tindahan ng kuwintas at
ibinagsak sa mesang bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang
tatlumput anim na libong prangko.
Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Matilde nang isauli niya
ang kuwintas. Nagsalita ito sa tuyot na tinig ng Isinauli mo sana agad ang
kuwintas, baka sakaling kinailangan ko ito. Hindi na binuksan ng kaibigan ang
kahon ng kuwintas. Naisip ni Matilde na kung sakaling nahalata ng kaibigan ang
pagkakapagpalit ng kuwintas, ano kaya ang aakalain at sasabihin nito sa kaniya?
Hindi kaya iisiping siyay magnanakaw?
Ngayoy lubos na naunawaan ni Matilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na
karalitaan. Nabigla man siya sa bagong papel na kailangan niyang gampanan ay
tinanggap niya iyon at buong tatag na ginampanan. Dapat mabayaran ang
napakalaki nilang pagkakautang. Pinaalis nila ang kanilang utusan, lumipat ng
ibang tirahan, nagtiis sila sa pangungupahan sa isang maliit na silid sa
kaituktukan ng isang bahay-paupahan.
Naranasan ni Matilde ang mabibigat na gawain; ang nakayayamot na
pangangasiwa sa kusina, paghuhugas ng mga pingggan, paglilinis ng mga
kaldero at kawaling mamantika, paglalaba ng mga damit, mantel, serbilyeta at
pamunas. Ipinapanaog niya sa lansangan ang kanilang kakaning baboy sa
tuwing umaga at nagpapanhik siya ng tubig na gamit nila sa itaas. Suot niya ang
pananamit ng pangkaraniwang babae, siyay nagtutungo sa tindahan ng prutas,
de lata, at sa magkakarne. Nakasabit sa isang braso ang pangnan,
nakikipagtawaran siya, nilalait at ipinakikipaglaban ang kakarampot niyang
pamalengke. May pagkakautang silang binabayaran nang buwanan, may
pinagkakautangan silang pinakikiusapan, humihingi ng kaunti pang panahon sa
pagbabayad.
Pagsapit ng gabi, habang maaga pay inaayos na ni M. Loisel ang talaang
tuusan ng sinumang mangangalakal na nangangailangan ng gayong paglilingkod
at sa kalaliman ng gabi sa halagang limang sentimos isang pahina na ginagawa
naman niya ang mga salin ng mga katha.
Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa. Sa
wakas ay nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama na ang mga
tubo at nagkapatong-patong na tubo ng mga tubo.
Mukhang matanda na ngayon si Madame Loisel. Isa na siyang tunay na
babae ng mga maralitang tahanan matipuno ang katawan, matigas ang mga
laman at magaspang ang mga kamay na namumula. Nakasabog ang kaniyang
buhok at patabingi ang kaniyang saya. Matinis ang kaniyang tinig. Nanlalamira
ang sahig kung siyay mag-isis. Paminsan-minsan, kung nakaalis na ang asawa
patungong opisina, si Madame Loisel ay nauupo sa tabi ng bintana.
Pinagbabalikan niya sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon nang
nakalipas. Ang kaniyang kagandahang naging tampok sa sayawan at naging
dahilan upang siyay maging tampulan ng paghanga.
78

Modyul 1, Baitang 10

Ano ang maaaring nangyari kung hindi nawala ang kuwintas? Sino ang
nakaaalam? Tunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga! Sukat ang isang
maliit na bagay upang tayoy mapahamak at mapabuti!
Isang araw ng Linggo, samantalang si Matilde ay naglalakad sa Champs
Elysees, nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga
gawain sa bahay ay namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata.
Ang babaey si Madame Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring
katulad ng dati at taglay pa rin ang panghalina.
Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. Magandang araw sa iyo,
Jeanne. Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at
pinagtakhan ang palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang
babae.
Pauntol-untol na wika nito, Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay
nagkakamali kayo.
Hindi! Akoy si Matilde Loisel. Napabulalas ang kaibigan. O, kaawa-awa
kong Matilde! Kay laki ng ipinagbago mo!
Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating
pagkikita, at labis na kalungkutan ang dinanas ko at ikaw ang dahilan ng
lahat. Napamulagat si Madame Forestier, Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?
Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot ko
sa sayawan sa kagawaran?
Oo, ay ano?
Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.
Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas?
Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa
iyo. Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi
madali sa katulad naming mahirap ang gayong bagay. Ngunit nakalipas na ang
lahat ng iyon at ngayon ay galak na galak na ako.
Natigilan si Madame Forestier.
Sabi moy bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram mo
sa akin na naiwala mo?
Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhangkamukha iyon ng hiniram ko sa iyo.
Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng
kawalang-malay katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na
lamang ang kalooban ng kaibigan.
O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga
roon marahil ay limang daang prangko
.
GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan
Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang at ibigay ang kahulugan
ng mga salitang initiman batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
79

Modyul 1, Baitang 10

1. Inilagay niya ang buong buhay niya sa alanganing katayuan,


nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong hindi niya natitiyak kung matutupad o
hindi ang nilagdaan at ngayoy nanggigipuspos siya dahil sa mga hirap na
maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng bukas na
puspos ng pagsasalat at paghihirap ng kalooban.
2. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at
hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
3. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan kayat ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang
tahanan.
4. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaing Briton na siyang gumaganap ng
ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip ang
mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan.
5. O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.
6. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang
nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng matatangkad na
kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang naglalakihang bantay na
dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon.
7. Kung kani-kanino siya nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit
na ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat
ng uri ng manghuhuthot.
8. Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Matilde ay maghapong
naghihintay na sapupo ng di-matingkalang pangamba.
9. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina, kaibigibig, maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.
10. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak
ang asawa.
GAWAIN 5. Unawain Mo
Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit hindi masaya si Matilde sa piling ng kaniyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa
kasayahang idaraos ng Kagawaran?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Matilde sa kaniyang buhay? Natupad ba ang
mga ito?
4. Kung ikaw si Matilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga
pangarap mo sa buhay?
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid ba ay may mga Matilde kang
nakikita? Ilarawan.
6. Anong pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ang masasabi mong tatak ng
kanilang kultura? May pagkakatulad ba o pagkakaiba ito sa ating kultura?
Patunayan.
GAWAIN 6: Kilalanin Mo
80

Modyul 1, Baitang 10

Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng


Character Map na kasunod. Ihambing sila sa ilang kakilala na may pagkakatulad
ang ugali. Ilahad ito sa klase.
Tauhan

Katangiang
Pisikal

Gawi/Aksiyon

Reaksiyon ng
Ibang Tauhan

1
2
3
GAWAIN 7: Patunayan Mo
Patunayan na ang sumusunod na mga pangyayari sa akda ay maaaring
maganap sa tunay na buhay:
1. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Matilde dahil sa may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan
sa buhay na magdudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi
nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kayat ipinaghihinagpis niya
ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.
2. Pinagsikapan ni G. Loisel na makakuha ng paanyaya para sa kasayahan ng
Ministro ng Instruksyon Publiko upang siya at ang kaniyang asawang si
Matilde ay makadalo. Subalit sa halip na ikatuwa ito ni Matilde na katulad ng
kaniyang inaasahan, inihagis niya ang sobre sa ibabaw ng mesa at sinabing
ibigay na lamang ito sa mga kasama nito na ang mga asawa ay may
nakahandang damit na maisusuot sa kasiyahan.
3. Upang makadalo sa kasayahan, ibinigay ni G. Loisel ang naiipon niyang apat
na raang prangko na pambili sana niya ng baril upang ibili ni Matilde ng
bestido.
4. Malapit na ang araw ng sayawan. Nakahanda na ang bagong bestido ni
Matilde subalit malungkot pa rin siya. Nais niya ng isang hiyas na maisusuot
upang hindi siya magmukhang kahiya-hiya sa mayayamang babae sa
kasayahan kayat iminungkahi ni G. Loisel na humiram siya ng ilang hiyas sa
mayamang kaibigan nito na si Madame Forestier.
5. Nawala ang kuwintas na hiniram ni Matilde kay Madame Forestier. Nang
makakita ng katulad nitoy nanlumo sila sapagkat itoy nagkakahalaga ng
apatnapung libong prangko subalit maaaring ibigay sa kanila ng tatlumput
anim na libo. Upang itoy mabili, ginamit ni M. Loisel ang namanang
labingwalong libong prangko, nangutang, at lumagda sa mga kasulatan.
6. Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang mga
utang. Ditoy naranasan ni Matilde ang lahat ng hirap sa pagharap sa mga
gawaing-bahay. Subalit napagtanto niya na tunay na ang buhay ay kakatwa
at mahiwaga! Sukat ang isang maliit na bagay upang tayoy mapahamak o
mapabuti.
GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin
Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa
kuwento ang kultura ng France sa larangan ng pagpapahalaga sa kababaihan,
81

Modyul 1, Baitang 10

pagkain, at pananamit? May pagkakatulad ba ito sa kultura nating mga Pilipino?


Patunayan.
GAWAIN 9: Pagsasanib ng Gramatika
Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang panuring sa mga tauhan sa
kuwentong Ang Kuwintas. Nakatulong ba ang mga ito sa malinaw na paglalahad
ng mga pangyayari sa kuwento? Tunghayan mo ang kasunod na aralin tungkol dito
at pagkaraan ay sagutin ang mga pagsasanay na kasunod.
Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga
pangungusap o sugnay. Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagamat
magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit pang-ugnay o
kohesyong gramatikal . Ang mga gamit pang-ugnay na ito ay referents o
reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora.
Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na
tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
Narito ang mga halimbawa ng anapora.
1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito
ang sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura.
2. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng
Iron Age at Roman era, ito ay tinawag na Gaul.
Pansinin na sa unang halimbawa, ang pangngalang Paris sa
unang pangungusap ay hinalinhan ng panghalip na ito sa ikalawang
pangungusap.
3. Hindi nakapagtataka ang matinding pagnanais ni Matilde na magkaroon
ng magarang damit para sa kasayahan. Siya ay isang babaing Frances
na kilala sa pagkakaroon ng pinakamaiinam na moda sa pananamit.
4. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang na ang
Espanyol na sina Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap
ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism
movement.
Suriin ang mga panghalip na siya sa ikatlong halimbawa at sila
sa ikaapat na halimbawa. Ang mga panghalip na ito ay ginamit bilang
panuring sa mga ngalan ng tao na binanggit sa unahan. Ang mga ito ay
mga panghalip na ginamit bilang panuring sa tauhan.
Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit, tumutukoy
sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.
Narito ang mga halimbawa ng katapora:
1. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na
pagkain at alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig
dumalo sa mga kasayahan.
82

Modyul 1, Baitang 10

2. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may


paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang
lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay ni Matilde ang alindog na hindi
nababagay sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.
Sa mga halimbawang binanggit ang panghalip na sila, ay ginamit bilang
panuring sa pangngalang taga-France samantalang ang panghalip na
siyang at siya sa ikalawang halimbawa ay ginamit namang panuring sa
pangalang Matilde.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit
na ginagamit sa isang teksto o pahayag. Maiiwasan ang paulit-ulit na
pagbanggit ng mga ito kung gagamit tayo ng panghalip. Tandaan na ang
mga panghalip ay hindi lamang ginagamit na panghalili sa pangngalang
binanggit sa unahan ng pangungusap. Itoy maaaring ipalit sa
pangngalang nasa hulihan din ng pangungusap. Anapora ang tawag
dito kapag ito ay pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa
unahan at katapora naman kapag ito ay pamalit o pagpapatungkol sa
pangngalang ginamit sa hulihan nito. Pag-aralan ang kasunod pang
mga halimbawa.
1. O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa
iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Matilde dahil sa may
paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng
lubos na kaligayahan na maidudulot ng salapi.
Ang mga halimbawang ito ay gumamit ng panghalip na Anapora
sapagkat nasa unahan ng pangungusap ang pangngalang pinalitan o
pinatutungkulan.
1. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na
inihagis ni Matilde ang paanyaya.
2. Pagalit na pinagmasdan niya ang asawa at sinabi ni Matilde sa
asawa na, Ano ang isasampay ko sa aking likod?

Ngayong napag-aralan mo na ang mga panghalip na Anapora at


Katapora, sagutin ang kasunod na mga pagsasanay upang lalo pang lumalim
ang iyong pagkaunawa tungkol dito.
PAGSASANAY 1. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop
na panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na mga pagpipillian sa loob ng
panaklong.
1. ___(Siyay, Ikay, kamiy) isa sa magagandat mapanghalinang babae na sa
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
83

Modyul 1, Baitang 10

2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Matilde dahil sa may paniniwala ___


(akong, kaming, siyang) isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos
na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.
3. Malimit na sa pagmamasid ___ (niya, nito, siya) sa babaeng Briton na
gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si
Matilde ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
4. Mahal, akala koy ikatutuwa ___(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa
paanyaya.
5. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng
malaking tagumpay si Madame Loisel.
PAGSASANAY 2. Narito ang wakas ng kuwentong Aloha ni Deogracias A.
Rosario. Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang. Tukuyin din kung
anong pangngalan/referent ang hinalinhan at kung ito ay anapora o katapora.
Kopyahin ang talahanayan na kasunod sa sagutang papel at dito isulat ang iyong
sagot.
Talagang naghahanda na si Dan sa pag-alis nang sabihin sa 1. _______ng
kaibigang editor ng 2. ___________ama sa Honolulu na hintayin muna 3.
______ang pagtatapos ng klase sa kolehiyo ng Punahu. Ako ang nahirang na
magbigay ng pangaral sa mga nagtapos sa taong ito, ang sabi niya kay Merton,
at maibabalita 4. __ sa 5. ___________ ama sa Hollywood kung gaano kabuting
magsermon sa mga wahini (babae, sa wikang Kanaka) ang 6. _________
kaibigan sa Honolulu.
Pumayag si Dan Merton. Sa nasabing commencement ng Punahu School,
doon 7. ________ nakilala si Noemi, isang tunay na Kanaka, subalit halimbawa
ng dalagang may mataas na pinag-aralan. Hindi 8. ______malaman kung bakit
ang mga matang buhay na buhay ni Noemi ay walang iniwan sa dalawang
palasong sabay na tumuhog sa kaniyang puso. Si Noemi ang naging patnubay
ng mga pangaral, palibhasay 9. ______ ang pangulo ng kapisanan ng mga
senior sa nasabing kolehiyo. Anong tamis 10. ___________ magsalita ng wikang
Ingles! Anong lambing niyang bumigkas ng pangungusap!
Wala pa 11. ______ naririnig na dalagang Amerikana na kasintamis niyang
magsalita! ang sabi pa ni Merton pagkatapos.
Ginoong Editor, ang sabi niya sa kaibigan ng 12. ______ ama, hindi ako
uuwi na di kasama si Noemi.
Talaga bang totoo ang sinasabi 13. _______? ang usisa sa 14. _____ng
matanda.
Paris ng katotohanang ang umagay sumusunod sa gabi.
Dan ! ang may halong pangaral na pahayag ng matanda, ang mga Kanaka
ay mamamayang Amerikano lamang, ngunit hindi laking Amerikano. Kawika
lamang 15. _________ , datapwat hindi natin sila kalahi.
84

Modyul 1, Baitang 10

Pangngalan/Referent

Panghalip na inihalili

Uri (Anapora o
Katapora)

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
PAGSASANAY 3: Balikan ang naging wakas ng kuwentong Ang Kuwintas.
Pag-aralan ito at sumulat ng sarili mong wakas gamit ang kaalamang
natutuhan sa wastong gamit ng mga salitang panuring sa tauhan.
Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot
ko sa sayawan sa kagawaran?
Oo, ay ano?
Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.
Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas.
Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram
ko sa iyo. Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Nalaman mo
namang hindi madali sa katulad naming mahirap ang gayong bagay. Ngunit
nakalipas na ang lahat ng iyon at ngayon ay galak na galak na ako.
Natigilan si Madame Forestier.
Sabi moy bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram
mo sa akin na naiwala mo?
Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhangkamukha iyon ng hiniram ko sa iyo.
Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng
85

Modyul 1, Baitang 10

kawalang-malay katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na


lamang ang kalooban ng kaibigan.
O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo
ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na
maihahalaga roon marahil ay limang daang prangko.
Tayo ay may ibat ibang opinyon pagdating sa pagwawakas ng anumang
akdang pampanitikan o maging ng pelikula. Ilan sa mga Pilipino ay mas gusto
ang masayang wakas. Nais nilay nagtatagumpay ang pangunahing tauhan sa
pagwawakas ng kuwento. Ito ay hindi nangyayari sa lahat ng kuwento, nobela o
pelikula. May mga kuwento ring ang wakas ay bitin, o ibinibigay sa mambabasa
ang pagbibigay ng wakas sa kuwento. Kaya naman, kadalasan gumagawa tayo
ng sarili nating wakas. Ito ay isang paraan ng dekonstruksyon.
Sa pagbuo ng sariling wakas ng kuwento, kailangang naiintindihan ng susulat
nang buong-buo ang sunod-sunod na mga pangyayari sa kuwento. Kailangan
ding nakikilala niya ang bawat tauhan, ang mga katangian nito na ikinaiiba niya
sa ibang tauhan ng kuwento.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
GAWAIN 10: Patunayan Mo
Ngayon ay napag-aralan mo na nang buong-buo ang aralin natin. Upang lalo
pang lumalim ang iyong pagkaunawa, gawin ang gawaing kasunod.
1. Ang kuwentong Ang Kuwintas ba ay isang halimbawa ng kuwento ng
tauhan? Magbigay ng mga patunay.
2. Batay sa ugali, pananaw sa buhay at naging reaksiyon ni Matilde sa mga
pangyayari sa kuwento, masasalamin ba sa kaniya ang pag-uugali ng isang
babaeng taga-France kung saan nagmula ang kuwento? Patunayan.
3. Ilahad ang mga katangian ng isang babaeng taga-France sa pamamagitan ng
Character Mapping. Sa ibaba nito ay ilahad sa loob ng dalawang talata ang
mga pagpapatunay na ang mga katangiang ito ay karaniwang katangian ng
kababaihan ng France dahil sa itoy bahagi ng kanilang kultura. Alalahanin
ang wastong gamit ng mga panghalip bilang panuring sa tauhan.
Mga Katangian ng Babaeng taga- France

86

Modyul 1, Baitang 10

Paglalahad

Note: Palitan ang larawang ito ng larawang iginuhit - Modyul 1.4 larawan 1.
Icon

Ilipat

Ang storyboard ay isang grapikong representasyon ng mga pangyayari sa


pamamagitan ng mga larawan na inaayos ayon sa pagkakasunod-sunod sa
layuning buhayin sa isip o diwa ang larawang gumagalaw, animation, at
motion graphic. Ang storyboarding ay nagsimula sa Walt Disney Productions sa
pagsisimula ng 1930, pagkaraan ng ilang taon ng katulad na proseso nang
paggamit sa Walt Disney at iba pang animation studios.
Narito ang halimbawa ng storyboard.

87

Modyul 1, Baitang 10

Storyboard, kinuha noong Nobyembre 12, 2014


Mula sa https://www.google.com.ph/search?q=sample+stroyboard&esspv=2&biw=1366& bih =
667&1bm=isch & imgil

GAWAIN 10: Isulat Mo


Sa tulong ng internet at iba pang sanggunian, magsaliksik ng
maikling kuwento na ang wakas ay malungkot o maikling kuwento na
hindi ka nasiyahan dahil bitin ang wakas. Mga halimbawa nito ay ang
Mabangis na Lungsod, Ang Kalupi at marami pang iba.
Bumuo ng sariling wakas ng kuwento at isalaysay sa
pamamagitan ng Story Board. Alalahanin ang sumusunod na
pamantayan:
A. Makabuluhan at naiibang wakas
.
.
.
50%
B. Pagkamalikhain
.
.
.
.
30%
C. Daloy ng Kaispan .
.
.
.
.
.
20%
KABUUAN
.
.
.
.
.
100%
88

Modyul 1, Baitang 10

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito.
Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong
balikan. Magtanong ka rin sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan. Kung ang
lahat ay malinaw na sa iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.

Aralin 1.5
A. Panitikan:

B. Gramatika/Retorika:
C. Uri ng Teksto:

Ang Kuba ng Notre Dame


Nobela mula sa France
The Hunchback of Notre Dame
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng
Pangyayari
Nagsasalaysay

Panimula
Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at ideyalismo noong Age of
Enlightenment sa Europe. Kilala rin ang bansa sa hindi maitatatwang kagandahan
ng estruktura ng mga gusali. Kakambal ng kagandahan ng bansa ang kagandahan
ng kanilang panitikan. Hindi mabilang na aklat at nobela ang naisulat sa France na
likha ng itinuturing na mga tanyag sa pagsulat ng panitikan.
Sa Aralin 1.5, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa nobela na pinamagatang Ang Kuba ng Notre Dame. Buod
lamang nito ang babasahin na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang
ito ay isinulat ni Victor Hugo na itinuturing na isa sa mahusay na manunulat sa
mundo. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga hudyat sa pagsusunod-sunod
ng mga pahayag na makatutulong para sa malalim na pag-unawa sa paksang nais
ipabatid ng babasahing nobela .
Bilang pangwakas na gawain, inaasahang makabubuo ka ng dalawang
minutong movie trailer na magtatampok sa alinmang bahagi ng nobela. Ito ay itataya
batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinalidad ng iskrip b)pagganap c)
produksyon (kasuotan/props) d)paglalapat ng musika/tunog.

89

Modyul 1, Baitang 10

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na masasagot mo ang mga pokus na


tanong na Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa
pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa? At paano nakatutulong sa
pagsasalaysay ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa buod
ng isang nobela?
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
Makatutulong ang mga gawain sa iyo upang masagot mo ang mga pokus
na tanong: na Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang
pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa? At paano
nakatutulong sa pagsasalaysay ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari sa buod ng isang nobela?
GAWAIN 1 : Katangian Ko Dayalogo Ko
Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa babasahing dayalogo na hango sa
mga akda.
1.

Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa


katanghalian nap o ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag akoy nawala.
Halaw sa kuwentong Nang Minsang Naligaw si Adrian,
LM Grade 9, pp. 15.

2.

Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,


sabi ng babae.
Halaw sa nobelang Isang Libot isang Gabi (Thousand
and One Nights) Saudi Arabia

3.

Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos


singkwentang gana mo. (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong..)
O, e , di don ka magtrabaho. Burahin ko nang pangalan mo?
Halaw sa nobelang Maynila sa Kuko ng Liwanag

4.

Kasalanan nyo ang nangyari, e! Natataranta kasi kayo bata may


kostumer kayong kano. Pano natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita
kayo ng dolyar, naduduling na kayo, kaya binabastos ninyo ang mga
kapwa Pilipino.
Halaw sa nobelang Gapo ni Lualhati Bautista

5.

Walang ibang babae akong minahal.


90

Modyul 1, Baitang 10

Halaw sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame


Gabay na Tanong :
1. Paano nakatulong ang mga pangyayari sa pagkilala ng katangian ng
tauhan ?
2. Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may akda ?
3. Nalaman ba sa tauhan ang pagkakilanlan ng isang bansa ? Patunayan.
GAWAIN 2 : Nabasa ko. Itatala ko
Magtala ng mga nabasang akdang pampanitikan at magbigay ng isang
katangian ng akdang binasa. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.
Pagkatapos, sagutin ang gabay na tanong. Gawin sa sagutang papel.
Akdang
Pampanitikan
Maikling Kuwento
Sanaysay
Nobela

Pamagat

Pinagmulang
Bansa

Katangian ng
Akda

Gabay na Tanong
1. Paano nakatulong ang akdang pampanitikan sa pagkilala sa bansang
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela
pinagmulan?
Sa isang
mahusay na nobela, ang
mga katangian
tauhan ayng
hindi
pinagagalaw
2. 1.Anong
pagkakatulad/pagkakaiba
ng mga
akdang
ng may-akda. Silay gumagalaw ng kusa lumuluha, nalulugod,
pampanitikan?
nagtataksil,
nagtatapat,
nang-aapi,
alinsunod
sa angkin
3. Ibigay
ang naidulot
ng pagbabasa
ng tumatangkilikibat ibang akdang
pampanitikan
sa iyo
nilang
lakas,
mga
hangarin
at
mga
nakapaligid
sa
kanila.
Ang
mga
bilang mambabasa. Ipaliwanag.
kilos nilay siyang mga kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng
mga pangyayaring inilalarawan ng kumatha.
Alam
na masasaklaw

2. mo
Angba
mga
na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela ay
ang Pangyayarinobela
ay bungangisip/ masasaklaw
katha
nasa
anyong
prosa,
kadalasang
Mga
dapat sumunod
Dahil
sa binubuo
mga
ngnamga
na
kabanata,
simulain
dapat
ng pagsasalaysay.
na ang mga
halos
pang-aklat
ang
haba
na
ang
banghay
ay
inilalahad
sa
pangyayari
Ang ay
nobelay
magkakaugnay.
may pauna,
May
napanimula,
tumutugon
papaunlad
sa mga katanungang
na mga pangyayari
Sino?
ng mga
at diyalogo?
Itoy naglalahad
ng kakalasan
isang kawil na
napamamagitan
magsasalaysay
Ano? Kailan?
Saan?
ng tauhan
tunggalian
ng nobela,
kasukdulan,
ng
kawili-wiling
mga
pangyayari
na
pinaghabi-habi
sa
isang
mahusay
na
patungo na sa wakas.
pagkakabalangkas.
Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan
Ang tatlong
elemento
karaniwang
matatagpuan
sa isang
ang paglalapat
Paglalarawan
ng mga
Tauhan
pananaw.
Ang na
Ang
lalong
teoryang
mahusay
humanismo
na nobela ay naglalarawan
itinatanghal
mahusay
na
nobela
ay 1) at
isang
obawat
kasaysayan,
2) isang
pagang
ng
tauhan.
buhay, dignidad,
Itoy
ginagawa
halaga
nila
karanasan
sakuwento
isangng
paraang
nilalang
buhay maging
na
buhay,
ang
kayat
aaral, at
3)
malikhaing
guniguni.
karapatan
parang
mga
at paggamit
tungkulin
tunay na ng
tauhan
sinuman
angpara
kinakaharap
linangin atnatin
paunlarin
habang
angbinabasa
sariling ang
Pangunahing
layunin sa
ngkanilang
nobela ay
lumibang,
bagaman
sa di- ng
talino at Sa
nobela.
talento.
kanilang
bukambibig,
mga
kilos at sa
mga sinasabi
tahasang
paraan,
maaari
ringnamagturo
,aymagtaguyod
ng na
isang
may
akda
Pinaniniwalaan
tungkol
sa itoy
kanila
ng humanismo
ay natutuhan
ang
nating
taokilalanin
isangatrasyonal
pahalagahan
nilikha
ang
pagbabago
sa
pamumuhay
o
sa
lipunan,
o
magbigay
ng
isang
aral.
mganalalaki
may at
kakayahang
babae ng maging
isang katha
makatotohanan
na naiuugnay
at mabuti.
sa mgaSa
taong
madaling
nakapaligid
salita,
sa atin.
ang humanism ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay,
ang siyang pinanggagalingan ng lahat. Mainam tingnan sa sumusunod
ang pagsusuri ng panitikan:
a. pagkatao
b. tema ng akda
c. mga pagpapahalagang pantao
91
d. mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema

Modyul 1, Baitang 10

Linangin
Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na Ang Kuba ng Notre
Dame. Alamin kung makikita ba ang magandang mukha ng bansang France
sa kanilang panitikan mula sa akdang ito. Gayundin, bigyang pansin mo rin
kung paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa
pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa.
Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang
magsaya para sa Pagdiriwang ng Kahangalan na isinasagawa sa loob ng isang
92

Modyul 1, Baitang 10

araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo ang kuba ng Notre Dame
bilang Papa ng Kahangalan dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang
itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa
trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya
ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire,
ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na
agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang
kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ang
kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay
Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang kaganapan.
Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La
Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa
kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya
nang sunggaban siya ng dalawang lalaki- sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang
tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo
kung kayat nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating
ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus- ang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na
nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si
Gringoire . Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing
huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob
lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng
bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng
kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollona kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng
sakit na nadarama niya ay ang
matinding kirot na
nalalasap sa bawat
panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya
ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya- na ang tanging gusto
ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan.
Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang
basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na
sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng hamak na mananayaw at
anak ng magnanakaw. Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay
pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak
na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat
ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni
Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda
si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang
93

Modyul 1, Baitang 10

marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na
magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at
nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding
pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon
at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang
bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang
hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang
masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng
saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga
alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng
paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at
ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at
magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni
La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi
siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa
maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo
ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa
tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at
tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandaliy dumating si
Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang
tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw
ang katagang Santuwaryo . Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang
araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang
tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La
Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay
mananatiling ligtas hanggat nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang
dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni
Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw
sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si
La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin
ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang
dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang
nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya
ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La
Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni
Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa
nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda
dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng
94

Modyul 1, Baitang 10

kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli
na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang
tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan , napansin niya ang anyo
ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa
kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa
man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si
Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot
na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya.
Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang
minahal. si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng
dalaga, sumigaw si Quasimodo, walang ibang babae akong minahal. Mula noon,
hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng
puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang
katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.
GAWAIN 4 : Paglinang ng Talasalitaan
Ayusin ang mga salita ayon sa antas ng kahulugan. Gamitin ang hagdan sa
pagkiklino ng mga salita.
a.

sagot :
kagunggungan
kahangalan
kabaliwan
kalokohan

galit
muhi
poot
ngitngit

b.

kinupkop
inalagaan
tinangkilik
kinalinga

sagot:
sagot :

sagot :

95

Modyul 1, Baitang 10

c.

hapis
lungkot
pighati
lumbay

sagot:

GAWAIN 5 : Pag-unawa sa akda


Sagutin ang mga tanong .
1. Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo. Ano ang
suliranin na bumabagabag sa kanya?
2. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw?
3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La
Esmeralda?
4. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? pag-ibig? Magbigay ng
mga patunay.
ANG KUBA NG NOTRE DAME

Pamilya

Pag-ibig

5. May mahalagang papel ba ang Katedral sa kuwento na nakapaloob sa


nobela? Pangatuwiranan ang sagot.
6. Anong kakaibang katangian ni Claude Frollo bilang kontrabidang tauhan sa
Quasimodo
Claude Frollo
binasang
akda?
7. Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na masasalamin sa
nobela. Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot.

96

La Esmeralda

Phoebus

Modyul 1, Baitang 10

HINAHARAP NG MGA TAUHAN SA


NOBELA

8. Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa nobela na magpapakilala sa


kultura o pagkakilanlan ng bansang pinagmulan ng akda. Itala sa tsart.
Bahagi o Pangyayari sa Akda
Kultura o Pagkakilanlan ng Bansa
9. Mahusay bang naisasalaysay ang mga pangyayari sa paglalarawan ng
mga tauhan sa nobela ? Patunayan.
10. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid ng may akda sa kanyang isinulat
na nobela na may kaugnayan sa bansang pinagmulan ?
GAWAIN 6 : Suring Tauhan
Sa pananaw humanismo, ipinakikita na ang tao ay ang sukatan ng lahat ng
bagay kayat binibigyang halaga ang kanyang saloobin at damdamin. Matitiyak
lamang ito kung tataglayin niya ang kalayaan sa pagkilos, natatanging talas ng
isipan at kakayahan.
Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano
ipinakikilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kanyang pinagmulan.
Gayahin ang pormat sa pagsagot.
Tauhan

Paano mag-isip?

Ano ang kanyang


damdamin?

Quasimodo
Claude
Frollo
La
Esmeralda
97

Paano ipinakita
ang bansang
kanyang
pinagmulan?

Modyul 1, Baitang 10

Phoebus
Gabay na Tanong
1. Anong mga katangian ng mga tauhan ang nagpapakilala sa kultura o
bansang kanyang pinagmulan?
2. Paano nakatulong ang mga pangyayari at tauhan sa pagpapakilala ng
kultura o bansang kanilang pinagmulan?
Mahusay ! Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Ang susunod mo
namang babasahin ay buod ng isang tekstong nagsasalaysay. Unawain ang
nilalaman nito at bigyan ng pansin kung paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng
akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa? At paano
nakatutulong sa pagsasalaysay ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa buod ng isang nobela.

Dekada 70 ( Buod )
Ni Lualhati Bautista
Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamayang Pilipino.
Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng
mamamayan. Laganap sa bansa ang ibat ibang klaseng krimen gaya ng salvaging.
Magkabila ang mga rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga
estudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at
ito ang lubhang bumagabag kay Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay, ina
ng 5 anak na pulos lalaki. Ang kanyang buhay ay umikot na lang sa pagiging ina at
asawa at nakuntento na siya sa pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama
niya para sa sarili. May mga pangarap siyang ninais din niyang matupad, itinuring
niya na lang na ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay
katuparan na niya rin. Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip.
Naging isang komunista, di man matatawag na isang tunay na propesyon dito na
niya natagpuan ang katuparan ng kanyang pangarap, pangarap ng isang
makataong lipunan para sa anak nila ni Mara at sa iba pang kabataan naghahangad
ng mabuting kinabukasan. Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawat nagkaanak
ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Pagkatapos, siyay nanirahan na
sa abroad kapiling ng kanyang bagong pamilya. Ang pangatlo si Em, pinakamatalino
sa magkakapatid naging isang magaling na manunulat sa isang lingguhang
pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law.
Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang
estudyande ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang anak. Isang
araw, sa di-inaasahang pagkakataon, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang
98

Modyul 1, Baitang 10

basurahan, hubot hubad, labimpito ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati
puso. May marka din ng itinaling alambre sa pulso, talop halos ang siko, tastas pati
hitat, tuhog, basag pati bayag. Malagim at malupit ang pagkamatay ni Jason,
salvage dahil kung bakit at kung sino ang may gawa walang makapagsabi. Ang kaso
ng pagkamatay ni Jason ay hindi na nagkamit ng hustisya.
Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at
walang katiyakan, ngayoy magtatapos na ng kolehiyo.
Ibat iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa loob ng 27
taon ng pagiging asawa at ina, sa kanyang palagay hindi siya ganap na umunlad
bilang tao. Nagsilbi na lang siyang bantay sa paghahanap at pagkatagpo ni Julian
ng katuparan niya bilang tao, sa paglaki ng kanyang mga anak at pagtuklas ng
kanilang kakayahan at kahalagahan.
Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan
nadarama ng kanyang asawa, naging walang kibot sa mga problemang kinakaharap
ng kanilang pamilya. Kaya minsan napag-isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na
dito, sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang ipaalam kay Julian ang
pagkukulang niya sa kanyang pamilya, lalo na kay Amanda. Pinigilan siya ni Julian
at nangakong magbabago at kanya namang tinupad ang pangakong iyon.
Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng
kanyang mga anak. Masarap ang maging ina habang maliliit pa ang mga anak mo,
habang wala pa silang sinasaktan sa yo kundi kalingkingan ng paa mo na
natatapakan nila sa kasusunod at kapipilit magpakarga pero hintayin mo ang
panahong kasintaas mo na siya, yong panahon ng pagkakaroon niya ng sariling isip
at buhay, buhay na hiwalay na sayo, at matitikman mo sa kamay niya ang mapapait
na kamatayan habang inihahanda mo ang kasal na hindi niya gusto. Habang
nagpuputukan sa tapat ng kongreso sa isang pagkakataong hindi pa siya umuuwi.
Habang binabasa mo ang balitang nasugatan siya sa isang sagupaan. Habang
ibinibigay nila sayo ang selyadong kabaong ng batang kailanmay di mo malilimutan
hinugot mula sa tiyan mo. Ito ang nadama ni Amanda nang pumunta sila sa burol ni
Willy, kaibigan at kasamahan ni Jules sa NPA na napatay sa isang engkwentro.
Naging mahirap para kay Amanda na tanggapin ang pagkamatay ni Jason at ang
pagsali ni Jules sa NPA, hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-aalala sa kalagayan
nito na minsan pa nga ay nagdadala ng mga kasamahang sugatan sa kanilang
tahanan upang ipagamot sa ina. Maging ang pagkasira ng relasyon nila Gani at
Evelyn. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawa
niyang isisi sa sarili, iniisip niya na marahil meron siyang pagkakamali sa
pagpapalaki sa mga ito. Natamo niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa
pagtulong na kanyang ginagawa sa mga sugatang kasama na dinadala ni Jules.
Pagtulong na bukal sa kanyang puso, tungkulin hindi naman iniatas sa kanya
ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man kapanganib ay nagawa pa rin
niyang gampanan.Tuloy pa rin ang laban tungo sa kalayaan, nakaalpas man tayo sa
pagmamalupit ng diktador, tuloy pa rin ang laban na sinumulan pa ng ating mga
ninuno at hindi ito matatapos hanggang may mga taong gahaman sa
kapangyarihan. Sa madaling sabi, marami pang buhay na handang ibuwis at
marami pang tulad nila Jules at Mara na handang makipaglaban upang makamtan
99

Modyul 1, Baitang 10

ang kalayaan ng ating bayan. Bilang pagtatapos, natutunan niyang pangibabawan


ang kahinaat kahirapan. Sa mga kamay ng kaaway o sa larangan man. Magiting
siyang nanindigan
GAWAIN 7: Pagpapalawak ng Kaalaman
Suriin ang binasang buod sa pamamagitan sa pagsagot ng mga tanong sa
sagutang papel.
1. Anong pagkatao ang nilikha ng may akda sa pangunahing tauhang si
Amanda Bartolome? Nakatulong ba ang tauhang si Amanda sa pagkakilanlan
ng kanyang kinabibilangang bansa?
2. Batay sa binasang buod, ano ang tema ng akda. Tukuyin ang bahaging
nagpapatunay.
3. Ilarawan ang kaugalian o kultura na masasalamin sa binasang buod?
4. Isa-isahin ang mga kultura/kaugalian nakaimpluwensiya sa pagkatao ng
tauhan.
5. Paano nakatulong ang paglalapat ng teoryang humanismo sa pagpapakilala
ng kultura o kaugalian ng bansa?
GAWAIN 8: Makabuluhang Hambingan
Ihambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.
PAGHAHAMBING
Ang Kuba ng Notre Dame
Napanood na dula
( Pamagat )

100

Modyul 1, Baitang 10

Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3

GAWAIN 9: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Balikan ang buod na binasang Dekada 70. Bigyang pansin kung paano
makatutulong ang hudyat o panandang pandiskurso sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari.
Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip.
Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawat nagkaanak ngunit mabilis din
silang nagkahiwalay ni Evelyn. Bunga nito, siyay nanirahan na sa abroad
kapiling ng kanyang bagong pamilya.
Ikatlo , ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang
estudyande ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang
anak.
Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan
at walang katiyakan, ngayoy magtatapos na ng kolehiyo
Alam mo ba na...
Mapapansin ang salita sa unahan ng mga pangungusap na nagbigay linaw sa
ang
mga
panandang
pandiskurso Nakatulong
ay maaaring
ng
mahihirap
na bahagi
ng babasahin.
ito maghudyat
sa pagsasalaysay
ng
pagkakasunod-sunod
pagkakasunod-sunod
ng mgang
pangyayari.
mga pangyayari o di kayay maghimaton
tungkol sa pagkakabuo ng diskurso ? Karaniwan nang ito ay
kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.
Halimbawa

at, saka, pati nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng


impormasyon
maliban , bukod kay , huwag lang , bukod sa nagsasaad ng
pagbubukod o paghihiwalay 101
tuloy, bunga nito , kaya, naman nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan
kapag , sakali, kung nagsasaad ng kondisyon o pasubali

Modyul 1, Baitang 10

Pagsasanay 1: Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa


pagsusunod-sunod ng mag pangyayari. (sa madaling sabi, saka, dahil,
kung, bukod sa )
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan
ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na
kalagayan ng bansa noong dekada 70 sa ilalim ng Batas Militar. (1) __________
isang babae , kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at
asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagamat tradisyonal,
umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2)
_____kayat lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari
sa lipunan. (3) ______ditoy sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay
na si Jules, (4) _____naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa
musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US
Navy bagamat taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) __________ nanatiling
matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon.
Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si
Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng
lipunan at ng asawa.
.
Pagsasanay 2: Gamitin sa pangungusap ang mag sumusunod na panandang
pandiskurso o hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
pagsasalaysay ng isang napanood na palabas.
1. magsisimula ako sa
______________________________________________________________
________________________________________________________
2. huwag lang
______________________________________________________________
________________________________________________________
3. bunga nito
______________________________________________________________
________________________________________________________
102

Modyul 1, Baitang 10

4. sakali
______________________________________________________________
________________________________________________________
5. sa ibang salita
______________________________________________________________
________________________________________________________
Pagsasanay 3: Magsalaysay ng isang pangyayari sa tunay na buhay na may
pagkakatulad sa mag piling pangyayari sa buod ng nobela. Isaalang-alang sa
pagsulat ang paggamit ng mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Pagnilayan at Unawain
Bumuo ng mahahalagang konsepto na natutuhan mula sa araling tinalakay sa
tulong ng pagsagot sa kasunod na mga tanong
1. Paano mabisang nailalapit sa mga mambabasa ang kuwento/salaysay na
nakapaloob sa buod ng isang nobela ?
2. Paano nakatutulong ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa pagkakaroon ng mabisang kuwento/salaysay na nakapaloob
sa buod ng isang nobela?

Magsasagawa ang inyong lungsod ng Festival of Talents. Kaugnay nito,


ang inyong paaralan ay isa sa mga lalahok sa isasagawang tagisan ng
talino sa paglikha
Ilipat ng dalawang minutong movie trailer na nagtatampok sa
alinmang nobela ng isang bansa sa Meditteranean. Ang dalawang
minutong
movie trailer
nasitwasyon
bubuuin naay
nakabatay
sa sumusunod
Basahin
at unawain
mo ang
nasa
loob ng kahon.
Gawin angna
hinihingi
mula rito sa tulong ng pagsasaalang-alang sa mga konseptong
pamantayan:
natutuhan.
Kraytirya
4
3
2
1
a. orihinalidad ng iskrip
b) pagganap ng mga tauhan
c) produksyon
d) daloy ng mga pangyayari
e) paglalapat ng musika / tunog

103

Modyul 1, Baitang 10

INTERPRETASYON
Napakahusay: 20-15 puntos
Mahusay: 14-11 puntos
Mahusay-husay: 10-6 puntos
Nagsisimula: 5-1 puntos
Magaling! Mahusay mong naisagawa ang inaasahang pagganap. Patunay ito
na naunawaan mo ang kabuuan ng ating aralin. Iminumungkahi ko na muli mong
balikan ang mga pokus na tanong upang matiyak na tama ang kakailanganing pagunawa na dapat matamo sa katapusan ng aralin.
Sa husay na iyong ipinamalas , naniniwala ako na kayang-kaya mong
maisakatuparan ang kasunod na inihandang pangwakas na gawain para sa iyo.
Makatutulong ang mga araling pampanitikan at panggramatika na iyong natutuhan.
Batid ko na sapat ang mga kaalamang nakuha mo sa araling tinalakay upang
maisakatuparan ang iyong proyekto.
Aralin1.6
A. Panitikan:
B. Gramatika /Retorika:

C. Uri ng Teksto:

Panimula

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula - Egypt)


Isinalin sa Ingles ni William Kelly Simpson
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
(Padamdam na Pangungusap, Pahayag
na Tiyakang Nagpapadama ng Damdamin,
at Konstruksiyong Gramatikal)
Naglalahad

104

Modyul 1, Baitang 10

Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa


kaalaman ng nakararami higit nilang pinahahalagahan ang buhay, kaya maging sa
kamatayan ay nais nila itong ipagpatuloy. Ang katibayan sa paniniwalang ito ay ang
mga sinaunang tulang nakuha sa mga kuweba ng Egypt. Ang paksa at tema ng mga
ito ay pawang tungkol sa kanilang pagpapahalaga sa karaniwang pamumuhay ng
mga tao.
Ang Aralin1.6 ay naglalaman ng tulang lirikong pastoral ng Sinaunang tagaEgypt na pinamagatang, Ang Tinig ng Ligaw na Gansa. Masusulyapan mo kung
paano naghahangad ng simpleng uri ng pamumuhay ang mga taga Egypt na
namumuhay sa sopistikadong henerasyon. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
pagpapahayag ng emosyon na magagamit mo sa pagsulat ng tula batay sa
sumusunod na pamantayan: a. malinaw na mensahe, b. matalinghaga, at may
kariktan.
Masasagot mo rin ang mga pokus na tanong na: Paano mabisang
maipahahayag ang damdamin sa tula? Gayundin, susuriin mo kung bakit
mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
Yugto ng
Pagkatuto
Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, tutuklasin kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa
tula at tulang liriko upang sa gayoy magabayan kita sa pagtuklas kung bakit
mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
GAWAIN 1. Lagyan ng tsek ( ) ang nagpapahayag ng katotohanan
tungkol sa tula.
_____ salamin ng buhay
_____ maaaring may sukat at tugma
_____ nahahati sa ibat ibang kabanata
_____ binubuo ng mga taludtod at talata
_____ piling-pili ang mga salitang ginagamit
_____ naglalaman ng masisidhing damdamin
_____ maikli lamang at nababasa sa isang upuan
_____ karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari
_____ nagpapahayag ng pawang katotohanan lamang
_____ ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag
105

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 2. Concept Web


Pumili ng mga salita mula sa kasunod na kahon na may kaugnayan sa tulang
liriko at isulat ito sa Concept Web. Ipaliwanag sa isa hanggang tatlong
pangungusap ang konseptong nabuo. Gawin ito sa sagutang papel.
sukat

tugma

korido

trahedya

awitin

tula

Balagtasan

pastoral

soneto

epiko

tanaga

dalit

damdamin

elehiya

opinyon

oda

Tulang
liriko
Liriko

Marahil may ideya ka na sa tatalakayin nating paksa. Magpatuloy ka pa sa


pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Alam mo ba na...
ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin
ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay
at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
Uri ng Tulang Liriko:
a. Pastoral ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na pastor.
Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at
pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng
paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral
na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao.
Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakaton sa mga mambabasa na
maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama
pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng komplikado sa simple
Sa Pilipinas itoy tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at
pagpapahalaga sa gawain at pamumuhay sa bukid.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
b. Elehiya Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa
106

Modyul 1, Baitang 10

paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, atb. Maaaring itoy


pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil
sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan
ay nagnanais na ang maliligayang sandali ay kaagad lumipas.
Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
c. Soneto tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin,
kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng
likas na pagkatao. Sa Kabuuan, itoy naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon
d. Oda Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang
masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang
ng taludtod sa isang saknong.Nagpapahayag ang oda ng matayog na
damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang
itoy isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng
isang dakilang tao, bansa o anumang bagay ( buhay man o patay) na
maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula.
Halimbawa: Tumangis si Raquel
e. Awit Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit
hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Itoy nilalapatan ng tugtugin,
karaniwang maikli at punung-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang
sinisinta.
Halimbawa: May Isang Pangarap ni Toedoro Gener
f. Dalit Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa
Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng
pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at
pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at
dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil kilala kapwa sa taguring dalit. Ang
dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay
pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan
Halimbawa: Ang Bayan Kong Pilipinas

ni Milagros B. Macaraig

Mga Elemento ng Karaniwang Tula


1. Sukat Itoy bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang
taludtod ay karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat.
107

Modyul 1, Baitang 10

Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Akoy magsasakang bayani ng bukid
Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
2. Tugma Itoy ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling
pantig ng bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan:
a-a-a-a, a-b-a-b, o dili kayay a-b-d-a.
Halimbawa:
Tugmang a-a-a-a
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Silay umaasa sa pawis kot gawa.
3. Talinghaga Itoy ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng
makata. Ayon kay A. Abadilla,tugma at hindi tula ang binasa kapag
sa unang pagbasa ay nauunawaan kaagad ang ibig sabihin.
Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito
kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga
pahayag.
Halimbawa:
Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak
Akoy hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
4. Kariktan Itoy ang malinaw at di-malilimutang impresyon na
nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may
naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng
bumabasa.
Paraan sa Pagsulat ng Tula
1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa
ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan detalyado at
malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang
palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay sa
makata pa rin ang pagiging orihinal ng akdang kanyang isinusulat.
Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng
108

Modyul 1, Baitang 10

bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaring


batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid niya o bunga
lamang ng kanyang makulay na imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag
sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at
malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng
tayutay (sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng
pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang magiwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula
kung ipinakikita at ipinadarama ( nalalasahan, naaamoy, naririnig)
ng makata ang mensahe ng kanyang akda hindi lamang niya ito
sinasabi.
mula sa Sulyap sa Panulaang Filipino,(Macaraig,2004) at Panitikan sa
Pilipino 2 ( Pandalubhasaan), (Gonzales,1982)
Linangin
Naririto ang isang tulang nasulat noong panahon ng Bagong Kaharian (1570-1085
B.C.) ng Sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng pagapapalawak ng Empire ng
Egypt at panahon ng napaka sopistikadong pag-usbong ng kultura nito.Tuklasin
mo kung bakit mahalagang unawain ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na
nagpapakita ng pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong
sitwasyon ng kanilang panahon.
Unang Pagbasa: Tahimik na basahin at unawain ang tula.
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak
Akoy hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas

Modyul 1.6 illustration

Lambat ko ay aking itatabi


Subalit kay inay anong masasabi?
Sa araw-araw akoy umuuwi
Karga aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
Sapagkat sa pag-ibig moy nabihag.

109

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


a. Piliin mula sa talaan ang mga salitang may pagkakatulad ng kahulugan sa
mga salitang nasa loob ng kahon. Pagkatapos ay gamitin ito sa
pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
nakulong
naloko
mailap
kawala
pain
mahirap hulihin
silo
bilanggo
takas
preso
pugante
nabihag
alpas

bitag
bihag
ligaw na gansa

b. Basahin ang mga taludtod ng tula at ilarawan kung anong damdamin ang

ipinahahayag nito. Kopyahin ang pormat sa iyong sagutang papel.


Taludtod ng tula
Damdamin
nahuli sa pain, umiyak
hindi ako makaalpas
Lambat ko ay aking itatabi
subalit kay inay anong masasabi?
Sapagkat sa pag-ibig moy nabihag
GAWAIN 4. Kaisipan Moy Mahalaga
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Gabay na Tanong
1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang
katangian at damdamin batay sa nilalaman ng tula.
2. Ano ang pang-araw-araw na gawain ng nagsasalita sa tula?
3. Bakit kakaiba ang araw na ito sa kaniya?
4. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin
ang tula?
5. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Egypt na makikita sa
akda? Paano ito maiuugnay sa kulturang Pilipino?
6. Sa iyong palagay, ano-ano ang positibo at negatibong nagagawa ng
tao nang dahil sa pag-ibig? Magbigay ng tigalawang halimbawa at
ipaliwanag ang bawat isa.
110

NEGATIBO

_________________
_________

Modyul 1, Baitang 10

POSITIBO
_____________________
________

6. Paano maiiwasan ang negatibong bunga ng pag-ibig? Ipaliwanag


ang iyong sagot.
GAWAIN 5. Paglinang ng kasanayang pampanitikan
1. Suriin ang simbolismong ginamit sa tula at ipaliwanag ang kahulugan nito.
Tinig ng Ligaw na Gansa

Simbolismo

Kahulugan

Ligaw na gansa

pain

bihag

2. Ano ang tinutukoy na komplikasyon ng buhay sa tula?


3. Paano ipinakita sa tula ang simleng pananaw sa komplikasyon ng buhay?
4. Ano ang impresyon o kakintalang naiwan sa iyo pagkatapos mong
mabasa ang tula?
5. Paano nakatutulong ang pagtingin sa ibat ibang pananaw o perspektibo
ng tao sa buhay?
GAWAIN 6. Suriin Mo
Naririto naman ang tulang lirikong pastoral na mula sa Pilipinas. Suriin mo ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa tulang Ang Tinig ng Ligaw na Gansa.
Bayani ng Bukid
ni: Al Perez
Akoy magsasakang bayani ng bukid
Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
111

Modyul 1, Baitang 10

Ang kaibigan ko ay si Kalakian


Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman
Ang haring araw di pa sumisikat
Akoy pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Silay umaasa sa pawis kot gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang akiy dumami ng para sa lahat
Kapag ang balanay may pagkaing tiyak
Umaasa akong pusoy nagagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid namamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, patoy alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Akoy gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, akoy makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Akoy magsasakang bayani ng bukid
Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-ano ang simbolismong ginamit sa tula?
3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?
112

Modyul 1, Baitang 10

4. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang mensahe ng tulang Ang Tinig


ng Gansa sa tulang ito?
5. Ano ang masasalaming kultura ng mga Pilipino sa tulang Bayani ng
Bukid?
GAWAIN 7. Pagsusuri sa Kayarian
1. Paano nagkakatulad at nagkaiba ayon sa kayarian ang dalawang tula? Isulat
sa sagutang papel.
Ang Tinig ng Ligaw na
Gansa

Kayarian

Bayani ng Bukid

Pagkakatulad
a. sukat
b. tugma
c. talinghaga
d. karikta
Pagkakaiba
a. sukat
b. tugma
c. talinghaga
d. kariktan
2. May nakahihigit ba sa dalawang tula batay sa kasiningan ng
pagpapahayag ng kaisipan kung pagbabatayan ang kayarian? Ipaliwanag.
3. Paano ipinakikita ang komplikadong buhay at simpleng buhay sa dalawang
tula?
EGYPT Tinig ng Ligaw na Gansa
Tulang Lirikong Pastoral

Komplikasyon ng buhay

Simpleng buhay

PILIPINAS Bayani ng Bukid


Tulang Lirikong Pastoral

113

Modyul 1, Baitang 10

Komplikasyon ng buhay

Simpleng buhay

GAWAIN 8. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika


Ibat iba ang damdamin ng mga tao. Sa pagpapahayag ng damdamin
nagiging makulay ang alinmang akdang pamapanitikan. Kaya
mahalagang malaman kung paano mabisang maipahahayag ito.
Basahin ang tula at pagtuunan ng pansin ang damdaming nangingibabaw sa
bawat saknong nito.

Republikang Basahan
Ni Teodoro Agoncillo
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikalay busilak ng kalayaan?
Kasarinlan baga itong ang bibig moy nakasusi?
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari,
Ang buhay moy walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipit angkan, sa bayan mong dumarating!
Kalayaan! Republika! Ang bayaniy dinudusta
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!
Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibot pugad ng pagkasi.
Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ikawy manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!
Kalayaan ito palay mayron na ring tinutubo
Sa puhunang dilat laway, at hindi sa luhat dugo!
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.
Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
114

Modyul 1, Baitang 10

Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!


Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay
Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawit gawa
Republika na nga itong ang sa inyoy hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!
Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luhay malaya kang mamighati!
Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palasapin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.
Kasarinlan!Republika! Kayo bagay nauulol,
Ang inyong kalayaay tabla na rin ng kabaong?
Bawat hakbang na gawin mo sa templo ng kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
Republika! Kasarinlan! Mandiy hindi nadarama,
Ang paglayay sa matapang at sa kanyon bumubuga!
Ang paglayay nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapuwa tabak
Ang paglayay isang tining ng nagsamang dugot luha,
Sa saro ng kagitingay bayani lang ang tutungga.
Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!
Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit hindi tunay ang pagkamit ng kalayaan ng bansa ayon sa may-akda?
2. Paano makakamit ang tunay na kalayaan ayon sa tula?

115

Modyul 1, Baitang 10

3. Magtala ng lima hanggang sampung taludtod o saknong ng tula na


nagpapahayag ng ibat ibang damdamin. Gamitin ang kasunod na pormat
sa pagtalakay ng iyong sagot.
Taludto/saknong
Damdamin
Halimbawa:
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
pagkagalit
Ang tingin sa tanikalay busilak ng kalayaan?
4. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang tula?
5. Paano ipinahayag ng makata ang damdamin sa tula?
6. Naging mabisa ba ito? Ipaliwanag.
Alam mo ba na...
ang wika ay hindi lamang instrumento sa pagpapahayag ng kaisipan
kundi ng saloobin,gawi, at paniniwala? Sa pamamagitan nitoy
naipahahayag natin ang nadarama natin sa ating kapwa.
Pagpapahayag ng Emosyon
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang
Filipino, kabilang ang sumusunod:
1. Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap na may
natatanging gamit: ang pagpapahayag ng matinding damdamin. Tulad
ng sumusunod na mapapansin ang bantas na padamdam (!) na hudyat
ng matinding damdamin sa pasulat na rehistro, pati na ang
pananong(?) na ginagamit ding hudyat sa ilang matinding damdamin:
a)
b)
c)
d)
e)

Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo.Naks! Ganda! Bilib ako!


Pagkagulat: Ha? Nakakahiya.Inay! Naku po!
Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee!
Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin.
Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis!

Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa


emosyong nadarama. Gaya nito:
a)
b)
c)
d)
e)
f)
g)

Paghanga: Wow, ang ganda nyan, a!


Pagkagulat: O, ikaw pala!
Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!
Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommmy.
Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
Pag-asa: Naku, sana ngay makapasa ka na!
116

Modyul 1, Baitang 10

2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng


damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita. Gayon man, mahuhulaang
hindi
masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan.
Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagamat
maaari
ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng
mas matinding damdamin.
a) Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.
b) Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo.
c) Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang
balitang iyan.
d) Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod
na konstruksiyong gramatikal:
Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo
ng pariralang nominal o adjectival.
a) Ang ganda ng tulang iyan!
b) Nakakapanggigil talaga ang alaga mong aso!
c) Ang ilap ng gansa!

a)
b)
c)
d)

Paggamit ng mga ekspresiyong karaniwang nagpapahiwatig ng


antas ng kasukdulan o kasobrahan.
Napakakulit ng lalaking mangingibig!
Sobrang bait ng mag-aaral.
Ang ganda-ganda niya!
Talagang gulat na gulat si Arvyl.
Paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang-diin kapag
binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa.

a) Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.


b) Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo.
c) Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.

Paggamit ng mga tanong na retorikal ( Patayutay na pagtatanong


upang bigyang diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi
sinasagot sapagkat lantad na)
117

Modyul 1, Baitang 10

a) Ang ganda ng ginawa nila, di ba?


(Napakaganda ng ginawa nila!)
b) Dahilan ba iyan para malungkot ka?
(Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!)
c) Kasarinlan baga itong ang bibig moy nakasusi?
(Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig)
d) Anong diperensya noon?
(Wala iyong diperensya)
e) Sino ang hindi nakaalam niyan?
(Alam iyan ng lahat)
Pagsasanay 1: Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag
ang ginamit sa bawat pangungusap.
Pangungusap

Damdamin

1. Humimbing kang mapayapa, mabuhay


kang nangangarap
2. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit
hindi?
Sa patak ng iyong luhay malaya kang
mamighati!
3. Ang buhay moy walang patid na hibla
ng pagtataksil
Sa sarili, lipit angkan, sa bayan mong
dumarating!
4. Ang galing-galing mong magsaulo ng
tula.
5. Ang husay ng mga taga-Egypt sa
kanilang sining, di ba?
6. Talagang galit na galit ang makata nang
isulat niya ang tula.
7. Wala na tayong pag-asa kung patuloy
tayong magpapaalipin.
8. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa
ating bansa!
9. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!
10. Pasensiya na,wala na akong
magagawa.
118

Paraan ng
Pagpapahayag

Modyul 1, Baitang 10

Pagsasanay 2: Karamihan sa mga Pilipino ay hindi sanay magpahayag ng


kanilang saloobin sa kanilang kapwa. Naririto ang iyong pagkakataong
maipahayag ang iyong saloobin. Bumuo ng isang pangungusap na
nagpapahayag ng iyong damdamin sa sumusunod na katauhan. Ipahayag ang
pangungusap na tila kausap mo sila. Gumamit ng ibat ibang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin.
1. Taong lihim na hinahangaan: ___________________________________
2. Kakilalang may mabigat na suliranin: _____________________________
3. Taong nais hingan ng paumanhin: _______________________________
4. Kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan: ____________
5. Pangulo ng Pilipinas:_________________________________________
Pagsasanay 3:
Sumulat ng isang text message na magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong
kaibigan, kaklase o kakilalang may pinagdaraanang suliranin. Sikaping ipahayag
sa mensahe ang positibong pananaw sa buhay upang magpatuloy siyang
harapin ito. Maaaring patula o tuluyan ang isusulat na mensahe.Isulat sa
sagutang papel o maaaring ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng pagtext.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 9. Bahaginan
Ibahagi sa iyong kamag-aral ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong.
Mga tanong
1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng tulang liriko?
2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa?
3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng tulang pastoral sa mambabasa ?
4. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?
5. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?
Pagkatapos ng pakikipagpalitan ng sagot at tanong sa kaklase, bumuo ng
sintesis tungkol sa mga natutuhan sa buong aralin. Talakayin ang sagot sa tulong
ng kasunod na grapikong representasyon.

Egypt

Tulang
Liriko
Pastoral

119

Pagpapah
ayag ng
damdamin

Pilipina
s

Modyul 1, Baitang 10

Ilipat
Isa kang Guidance Conselor ( propesyunal na tagapayo ng mga mag-aaral
kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at propesyunal na mga
alalahanin.) sa isang pampublikong paaralan. Linggo-lingo ay may ibat ibang
mga mag-aaral ang nagtutungo sa iyong opisina upang humingi ng payo
tungkol sa kanilang mga pinagdaraanang suliranin sa buhay. Napansin mong
kahit sa murang edad ng mga mag-aaral ay masalimoot na ang mga suliraning
kanilang kinahaharap. Ito ang nagiging sanhi nang hindi nila pagkakaroon ng
lubos na atensiyon sa kanilang pag-aaral. Sa dami ng mga mag-aaral sa iyong
paaralan hindi mo mabibigyan ng atensyon at payo ang lahat ng mga magaaral. Naisip mo na magpaskil ng tulang pastoral na may mensaheng
makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sa likod ng
pagiging masalimoot nito. Sa ganitong paraan parang nabigyan mo na rin ng
payo ang bawat makababasa ng iyong tula. Dalawa hanggang tatlong taludtod
na tulang pastoral ang iyong isusulat batay sa pamantayang ito:
a. malinaw na mensahe ( 10 puntos)
- piling-pili ang mga salitang ginamit
- may malinaw na pagpapahayag ng damdamin
b. matalinghaga ( 10 puntos)
- malalim ang kahulugan / may simbolismo
- malikhain at matayutay na pagpapahayag
ng kaisipan
c. may kariktan ( 10 puntos)
- may kakintalan
- mapagparanas

120

Modyul 1, Baitang 10

Aralin 1.7
A. Panitikan:

B. Gramatika:
C. Uri ng Teksto:

Epiko ni Gilgamesh
Epiko - Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng
Pahayag
Nagsasalaysay

Panimula
Ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na nangangahulugang sa pagitan ng
dalawang ilog) ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean, sa hilagangsilangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa timog-silangan ay ang Talampas ng
Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhang bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang
ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang dalawang ilog na tinutuloy
ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang AlJazirah (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay
tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia.
Mayaman sa panitikan ang Mesopotamia. Ang kanilang panitikan ay tunay na
kasasalaminan ng kanilang angking kultura. Makikilala sa pamamagitan ng pagaaral ng mga ito ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay,
ugali, at iba pa na mapagkikilanlan ng kanilang lahi.
Sa araling 1.7, pag-aaralan mo ang epiko ni Gilgamesh. Hihimayin ito upang
mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may super-natural na
kapangyarihan. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga pananda
sa mabisang paglalahad ng pahayag upang ikaw ay makibahagi sa pagtatanghal ng
isang bahagi ng epiko sa pamamagitan ng Chamber Theater batay sa sumusunod
na pamantayan : a. iskrip, b. pagganap, at c. teknikal.
Tutuklasin mo kung ang mga pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay
ng super-natural na kapangyarihan. Gayundin, kung paano mabisang magagamit
121

Modyul 1, Baitang 10

ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng


Chamber Theater.
Tayo na po at sama-sama nating tawirin ang dagat ng Mediterranean at
tuklasin ang kultura ng mga taga - Mesopotamia sa pamamagitan ng kanilang epiko.
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin

Icon

Sa sumusunod na gawain, alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong


kaalaman sa mga epiko at upang mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa
epiko ay may super-natural na kapangyarihan.
GAWAIN 1. Hanapin Mo
Suriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang
pangunahing tauhan ng mga ito at isulat sa Kolum B. Alamin din kung ano ang
super- natural na kapangyarihan nito at isulat sa Kolum C.
Kolum A
Pamagat ng Epiko

Kolum B
Pangunahing
Tauhan

Kolum C
Super-natural na
kapangyarihan

1. Indarapatra at
Sulayman
2. Ibalon
3. Tuwaang
4. Illiad at Odyssey
5. Divine Comedy
6. Song of Roland
GAWAIN 2. Kilalanin Mo
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
epiko sa mitolohiya.
Epiko

Mitolohiya

122

Modyul 1, Baitang 10

Alam mo ba na...
ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga
epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay
at pakikidigma.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang
salawikain o awit ngunit ngayon itoy tumutukoy sa kabayanihan na
isinasalaysay.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising
sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupat naiiba ito sa
trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.
Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning
nakakaharap, lalong magaling kung magy ganap na pagtatagumpay laban sa
matinding mga suliranin, dahil itoy lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng
tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)
Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay
kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng
Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay Bilgamesh
(salitang Sumerian para sa Gilgamesh), hari ng Uruk. Mula sa
magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kaunaunahang buhay na bersyon nito, kilala bilang Old Babylonian na bersyon, ay
noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit (unang salita
ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shtur eli sharr ("Surpassing All
Other Kings"). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang
piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat
noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha naqba
muru ("He who Saw the Deep"), sa makabagong salita: ("He who Sees the
Unknown"). Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na
bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa guho
ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipal.
The Epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre 30, 2014
Mula sa en.Wikipedia.org/wiki/Epic of Gilgamesh

123

Modyul 1, Baitang 10

Paano nagsimula ang epiko? Saang bansa ito nagmula at ano-ano ang tanyag
na epiko sa buong mundo at sino-sino ang sumulat ng mga ito? Upang masagot
ang mga katanungang ito, halika at basahin mo ang Kasaysayan ng Epiko.
Malinaw na ba saiyo kung ano ang epiko? Isang epiko mula sa Mesopotamia
ang pag-aaralan natin. Ayon kay Joshua J. Mark, Ang Mesopotamia (mula sa
salitang Griyego na nangangahulugang sa pagitan ng dalawang ilog) ay
sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang
Bundok ng Zagros at sa timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa
kasalukuyan ang kalakhan bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang
bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang dalawang ilog na tinutuloy ng
pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang AlJazirah (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay
tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng
Mesopotamia.
Upang maging handang-handa ka sa pag-aaral ng epikong mula sa
Mesopotamia na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan,
halikat silipin mo muna ang kasaysayan ng epiko.
Mesopotamia, Joshua J. Mark, kinuha noong Nobyembre 30, 2014
Mula sa www.ancient.eu/Mesopotamia/

Kasaysayan ng Epiko
Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson
Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay
kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak
kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng
Gilgamesh.
Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa
noong 800 BC. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles
ang The Iliad and Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang
epiko, ang halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga,
at iba pa. Itoy naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko.
Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan,
at Statius.
Dactylic hexameter ang istilo ng pagsulat ng epiko. Itoy karaniwang
nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman
ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The
Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay
maharlika.
124

Modyul 1, Baitang 10

Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong


Romano. Kinuha ang pangalan ngThe neid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni
Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome.
Binasa ng mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance ang The
neid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang sulatin niya ang Paradise Lost.
Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagamat itoy hindi
madalas basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang
bawat bansa. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante.
Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Itoy naging
inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Si
T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang
amerikana. Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong
ikalabinsiyam na siglo.
Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El
Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng
pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar, na nabuhay noong panahon ng
Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period).
Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson
de Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa
ni
Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold
noong 1090.
Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad,
ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The
Nibelungenlid. Ang huli ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther,
Hagen, at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensya sa
literaturang German.
Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin
ang nasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon.
Marami sa mga kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko,
subalit hindi mauuring epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi
isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na
lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.
Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan
sa mgaepiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng
makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at
etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga
Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.
Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala,
kaugalian at mabubuting aral ng mga mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang
Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos
at Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.
Epic Literature, kinuha noong Disyembre 3, 2014
Mula sa ancienthistory.about.com/od/literat3/qt/EpicPoetry.htm
125

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 3: Sipiin Mo
Mula sa binasang Kasaysayan ng Epiko, sipiin at uriin ang mga salitang
nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon,
nagpapakita ng sanhi at bunga, paghahambing o kaibahan, pagdaragdag ng
impormasyon, nagbibigay-diin, halimbawa at paliwanag, at mga pangatnig.
Salita

Uri

1. _________
2. _________
3. _________
4. _________
5. _________
6. _________
7. _________
8. _________
9. _________
10. _________
Icon

1. ____________
2. ____________
3. ____________
4. ____________
5. ____________
6. ____________
7. ____________
8. ____________
9. ____________
10. ___________
Linangin

Basahin mo at unawain ang epikong kasunod upang mapatunayan na ang


pangunahing tauhan sa epiko ay may super-natural na kapangyarihan.
Mula sa Epiko ni Gilgamesh
salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Mga Tauhan:
Anu
Ea
Enkido
Enlil
Gilgamesh
Ishtar
Ninurta Shamash Siduri
Urshanabi-

Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama


Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha
mula sa luwad
Diyos ng hangin at ng mundo
Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas
ng tao
Diyosa ng alak at mga inumin
Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat
ng kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim
126

Modyul 1, Baitang 10

Utnapishtim -

Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang


sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na
walang hanggan.

(Ang larawan ay palitan ng iginuhit na larawan Modyul 1.7 larawan 1)


1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay
Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na
ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at
ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at
abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa
kaniyang
pang-aabuso,
patuloy
na
nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan
na naway makalaya sila sa kaniya.
2.
Tinugon ng diyos ang
kanilang dasal.
Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan.
Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit
sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging
kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una,
pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.
Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar,
na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng
Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi
nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang
kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa
kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.
2. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob
ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: Ako ang pumutol sa punong
Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at
ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan,
nanaginip ako noong isang gabi.Nagngalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit
din ng sangkalupaan.Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap
ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang
kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa
leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban
niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal.Pagkatapos ay
ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa
palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang
mapunta roon ay hindi na makababalik
4.
Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nilay parang mga ibon
127

Modyul 1, Baitang 10

na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng


liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at
nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang
buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang
panahon. Sila na minsay naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin
ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na
maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga
sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng
Kish, na minsay inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang
hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si BelitSheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat
ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong:
Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan,
tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.
5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang
luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, Sino sa mga
makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapanipaniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong
puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong
paniwalaan bagaman itoy nagdudulot ng katatakutan, sapagkat itoy
nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa
isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.At
nagluksa si Gilgamesh.Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit
niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa
pamamagitan ng panaginip.
6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman.
Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay
Gilgamesh, Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit
na ano.Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si
Gilgamesh upang siyay itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga
mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang
kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw.Tinawag niya si
Gilgamesh, Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay
akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa
pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay. Iniyakan ni
Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
7.Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng
pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng
kaniyang mga tao bilang alaala.
GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan
128

Modyul 1, Baitang 10

Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat


pahayag. Piliin at salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa
bawat pangungusap. Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung anong
damdamin ito.
_____ 1. Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay
akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa
labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa
pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.
_____ 2. Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan,
ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?
_____ 3. Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong
karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari sng nahayag. Bakit
ganyan ang nilalaman ng iyong puso?
_____ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng
panaginip.
_____ 5. Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na
ano.
GAWAIN 5. Unawain Mo
Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong:
Ilarawan si
Gilgamesh, ang
pangunahing
tauhan sa epiko.

Kung ikaw si
Enkido, nanaisin
mo bang maging
kaibigan ang
isang tulad ni
Gilgamesh?
Bakit?

Bakit kaya
kahiya-hiya para
kay Enkido ang
kaniyang
kamatayan?

Kung ikaw si
Gilgamesh at
namatay si
Enkido, ano ang
iyong
mararamdaman
? Bakit?

Anong
mahalagang
kaalaman
tungkol sa
buhay ang
ipinahihiwatig

Ipaliwanag ang
mensaheng
ibinabahagi ng
akda tungkol sa
pagkakaibigan?

Sa inyong
palagay, bakit
kailangang
iparanas ng mayakda ang mga
suliranin sa
pangunahing
tauhan ng epiko?
Maituturing ba
silang mga bayani
ng kanilang
panahon? Bakit?

Nasasalamin ba
sa epiko ang
paniniwala ng
mga taga-Ehipto
tungkol sa buhay
na walang
hanggan?
Patunayan.
Ano
129
ang kaibahan nito
sa paniniwala
nating mga
Pilipino?

Kung bibigyan ka
ng pagkakataong
baguhin ang
wakas ng
kuwento, paano
mo ito
wawakasan?

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 6: Kapangyarihan Mo, Ipakita Mo


Isa sa mga katangian ng tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng supernatural na kapangyarihan. Bagamat ang binasang epiko ay isang maikling
buod lamang, sikaping matukoy ang super-natural na katangian ng bawat
tauhan. Sipiin saiyong sagutang papel ang lobo ng diyalogo at isulat ang
hinihinging impormasyon.
Ako si Gilgamesh.
Ako
ay
may
kapangyarihang ___
_____________________
____________________.

Ako si Enkido. Sa
taglay kong supernatural
na
kapangyarihan,
kaya
kong
_______________.

Ako
si
Utnapishtim.
Mula sa mga
diyos, taglay ko
ang
kapangyarihang
____

Ako si Urshanabi. Ako ay isang


mamamangkang
may
kapangyarihang
______________________________.

_______________.

GAWAIN 7: Ipagtanggol Mo
Suriin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga pangunahing tauhan sa epiko.
Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning
ito? Pangatuwiranan.
GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin
Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa epiko
ang kultura ng Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang buhay?
May pagkakatulad ba ito sa kultura nating mga Pilipino na masasalamin sa ating
sariling mga epiko? Patunayan.
130

Modyul 1, Baitang 10

GAWAIN 9: Pagsasanib ng Gramatika


Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisang
paglalahad ng mga pahayag tungkol sa kasaysayan ng epiko. Nakatulong ba
ang mga ito upang maging malinaw ang paglalahad ng bawat impormasyon?
Tunghayan mo ang kasunod na aralin tungkol dito upang mabisang maunawaan
ang gamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo
ng iskrip ng Chamber Theater.

Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag


Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag.
Sa ating wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging
mabisa ang paglalahad ng mga pahayag o maging interaksyunal.
Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag:
1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
ayon sa panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:
una, pangalawa, pangatlo,
nang
noon
pagkatapos
sumunod
samantala
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito
bunga nito
resulta ng
sa mga pangyayaring ito
kung gayon
samakatuwid
dulot nito
sa gayon
3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon,
maaaring gamitin ang mga salitang:
sa halip na
sa kabilang dako
di tulad ng
sa kabilang banda
higit pa rito
sa magkatulad na dahilan
4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin
ang mga salitang:
kabilang dito
at saka
bukod dito
karagdagan dito
5. Kung nais magbigay ng din, maaaring gamitin ang sumusunod:
sa madaling salita
sa totoo lang
higit sa lahat
tunay na
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod
131

Modyul 1, Baitang 10

ay maaaring gamitin:
Halimbawa nito
dagdag pa rito
Bilang karagdagan
kabilang dito ang sumusunod
Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig.
May dalawang pangkat ang mga pangatnig.
7. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay
na makatatayong mag-isa, tulad ng:
at
ngunit
ni
datapwat
saka
pero
maging
at iba pa
o
pati
subalit
8. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa,
tulad ng:
kung
kaya
pag
kapag
dahil sa
kung gayon
palibhasa
sapagkat
at iba pa

Ngayong napag-aralan mo na ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng


pahayag, sagutin ang mga pagsasanay na kasunod upang lalo pang lumalim ang
iyong pagkaunawa.
Pagsasanay 1: Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ng
pahayag ang talatang kasunod.
Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may 1. ____
epiko. Mababasa sa kasaysayan na ang 2. _____ epiko na naisulat ay ang Epiko
ni Gilgamesh.
Sa Europe, 3. ____ ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece 4. _____
800 BC. 5. _____ ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng
epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.
Ang istilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6. ____, hindi madali
ang pagsulat nito. Itoy karaniwang nagsisimula sa isang panalangin sa isang
musa 7.___ naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad, at
talumpati. 8. ___ ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng The
Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga
tauhan nito ay maharlika.
Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat, 9.
___ itoy hindi madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang
dakilang manunulat ng epiko. Sa Italy, 10. ___ kay Virgil ay mayroon din silang
Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Itoy naging
inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11.
___, si T.S. Eliot ay nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang
The Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na
siglo.
132

Modyul 1, Baitang 10

Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio
Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French
naman ay ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake
sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12. ___ ang dalawang
epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan sa
pakikidigma.
13. ___, may dalawang epikong German naman ang nakilala sa buong
mundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa
Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. ___ ay kuwento ni Seigfried,
Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the Hun. 15.___ ganda ng
pagkakasulat ng mga ito, ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa
literaturang German.
Isang iskrip ng Chamber Theater ang kailangan mong isulat gamit ang mga
Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag. Alam mo ba kung ano ang
Chamber Theater? May ideya ka ba kung paano isinusulat ang iskrip nito? Pagaralan mo ang kasunod na teksto upang maging handa ka sa pagsulat ng iskrip
ng Chamber Theater.
Chamber Theater
Ang Chamber Theater ay may elemento ng dula at elemento ng salaysay. Ito ay
isang dulang isinasalaysay. Katulad ng dula, ito ay naitatanghal at may mga
tauhang gumaganap. Ngunit ito ay nangangailangan pa ng isang
tagapagsalaysay. Siya ay maaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap. At
ang mga tauhan ay nakikibahagi rin sa mga gawain ng tagapagsalaysay.
Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ng
stage props. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at magpagalaw
ng imahinasyon sa mga kilos na wariy binubuksan ang pinto at bintana.
Narito ang bahagi ng iskrip ng Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga
Pinggan, isang Chamber Theater. Pag-aralan mo at gawin ang kasunod na
gawain.
BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN?
Filomena Colendrino
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-Sayson
LIGHTS ON
(Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka
Maldang sa kaliwang bahagi nito).
Tagapagsalaysay:
Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawa
na nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing silay kakain ay palagi na lang
133

Modyul 1, Baitang 10

nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa tuwing tatanggi si Hugo


ay pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung ano-anong pangalan ang itinatawag
niya kay Hugo. Kung mahuling sumasagot ay tutugisin naman ni Imelda ang
pobreng si Hugo ng walis tingting. Kaagad namang tatakbo ang kaniyang asawa
sa bahay ng kumpadre at doon magpapalipas ng galit ni Imelda. Nakasanayan
nang tawagin ng mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng ...
Ka Maldang:
Ka Maldang!
Tagapagsalaysay:
At ang pobreng si Hugo ng ______
Ka Ugong:
Ka Ugong.
Tagapagsalaysay:
Isang araw, patapos na silang kumain, matigas na sinabi
ni Ka Ugong na ...
Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan!
Ka Maldang: At sino?!
Ka Ugong: Huwag mong sabihing ako? Aba! Buong umaga na nga akong nagaararo sa bukid tapos ako pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako
maghuhugas ng kahit isang pinggan.
Tagapagsalaysay:
Tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka
Ugong habang natatakot sa dulo ng mesa.
Ka Ugong:
Ikaw. (Mahina niyang sagot). Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat
magtrabaho sa bahay.
Ka Maldang:
Sige nga! Anong gagawin mo?! Matapos mong itali iyang
kalabaw mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang, mahirap ba iyon?! (Malungkot
na parang naglalambing namang sasabihin ni Ka Maldang). Ako na nga ang
nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng
sahig, ultimo pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho ng
alila, inaako ko na (mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong) tapos
ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga pinggan!!
Ka Maldang: (Tinitigan si Ka Ugong at ang kaniyang walis, kinuha ang walis, at
akmang hahabulin si Ka Ugong) Ikaw! Tamad!
Ka Ugong:
(Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo
akong paluin! May naisip na akong paraan na lulutas sa problema natin!
Ka Maldang:
Sige, labas dyan! Sabihin mo ngayon kung anong paraan
yang sinasabi mo! (Itinago ni Ka Maldang ang walis.)
Tagapagsalaysay: Umupo si Ka Ugong sa tapat ni Ka Maldang.
Ka Maldang: O, ano?
Ka Ugong:
Alam mo, huwag na nating pag-awayan pa ang paghuhugas ng
pinggan. Daanin na lang natin sa isang paligsahan. Bawal magsalita pagkatapos
kong sabihin ang salitang umpisa, at ang matatalo ay siyang laging maghuhugas
ng mga pinggan.
Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay ang siyang maghuhugas ng mga
pinggan, ha? Kasama ng mga palayok at kawali?
Ka Ugong:
Oo! Kapag nagsalita ka sa akin, o kanino man o kahit ano man,
ikaw ang palaging maghuhugas ng mga pinggan.
Ka Maldang: Napakadali niyan! Kaya kong isara ang bibig ko kahit isang
buwan. Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap mo.
134

Modyul 1, Baitang 10

Ka Ugong:
Handa ka na ba?
BLACKOUT
(Dance: di bale na lang by Gary V)
(sing/dance: season of love by RENT)
Entire Cast:
CURTAIN
May akda: Filomena Colendrino
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos para sa modyul na ito ni Joselyn Calibara-Sayson
Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?, kinuha noong Nobyembre 30, 2014,
11:05 am
Mula sa www.wattpad.com/4579215 bakit-babae-ang-naghuhugas ng-

pinggan/page/2
Pagsasanay 2: Balikan ang iskrip ng Chamber Theater na Bakit Babae ang
Naghuhugas ng mga Pinggan?. Ang iskrip na iyong binasa ay bahagi lamang
ng buong kuwento. Ano sa palagay mo ang mga susunod na pangyayari? Sino
kaya ang mananalo sa mag-asawang Ka Ugong at Ka Maldang? Isulat ang iskrip
ng mga susunod na pangyayari hanggang sa wakas nito. Salungguhitan ang
mga Pananda sa Mabisang Paglalahad na iyong ginamit. Sa pagsulat mo ng
iskrip, tandaan na ang tauhan sa Chamber Theater ay maaari ring gumanap
ng papel ng tagapagsalaysay.
Pagsasanay 3: Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa
ring libangan tuwing may libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa
saganang ani, o sa isang matagumpay na pangangaso.
Sa bawat awit ng epikong Tuwaang ay ipinakikilala ang mang-aawit gamit
ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong
dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang
naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit, at ang bantangon, na
nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ng
Tuwaang, ngunit hanggang ngayon dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.
Naririto ang isang bahagi ng epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na
Langit. Mula rito ay sumulat ng iskrip ng Chamber Theater. Isaalang-alang ang
wastong gamit ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad sa pagsulat ng
iskrip.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng
Panayangan, na nakaupo sa gintong trono, ang Binata ng Liwanon, ang Binata
ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at
kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang
mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot
naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga
kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaing ikakasal at mga
nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng
135

Modyul 1, Baitang 10

babaing ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin


ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay,
pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong
bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong
plawta) sa pangalawang bagay.
Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para
magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat
ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng
Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan,
samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na
lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang
natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog ito sa lupa at
nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa
mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan
nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng
binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng
buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang
sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay untiunting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari
habambuhay.
Icon

Pagnilayan at Unawain

1. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang Epiko ni Gilgamesh sa iba pang

epikong iyong nabasa katulad ng Tuwaang? Patunayan.


2. Ang mga tauhan ba sa epiko ay nagtataglay ng super-natural na
kapangyarihan? Magbigay ng mga patunay.
3. Paano nakatutulong ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag
sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater?
Ngayong nauunawaan mo na nang lubusan kung ano ang epiko at ang mga
pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag, ilipat mo naman sa isang
kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan.

Icon

Ilipat

GAWAIN 7: Itanghal Mo
136

Modyul 1, Baitang 10

Panuto: Isadula sa klase ang iskrip ng Chamber Theater na inyong ginawa


mula sa epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit Sa inyong
pagsasadula alalahanin ang sumusunod na pamantayan:
A. Iskrip (50%)
1. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, taglay ang lahat ng elemento ng
iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at
musika
.
.
.
.
50%
2. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng isang elemento ng
iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at
musika
.
.
.
.
40%
3. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang
elemento ng iskrip ng Chamber Theater, gumamit ng tunog at
musika ngunit hindi naman angkop .
.
30%
4. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang
elemento ng iskrip ng Chamber Theater, hindi nilapatan ng tunog at
musika
.
.
.
.
.
20%
B. Pagganap (50%)
1. Masining, malakas ang boses, nagampanan ang pagiging
tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan,
angkop ang mga kagamitan o props
.
.
50%
2. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, nagampanan ang
pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga
kasuotan, angkop ang mga kagamitan o props .
40%
3. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging
hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan,
angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o props
.
.
.
.
.
.
.
30%
4. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging
hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan,
hindi angkop ang mga kasuotan, kulang ang mga kagamitan o
props
.
.
.
.
.
.
20%
KABUUAN

100%

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa araling ito.
Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong
balikan. Magtanong ka rin sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan. Kung
ang lahat ay malinaw na sa iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
aralin.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN para sa modyul 1
( Pangwakas na gawain)
137

Modyul 1, Baitang 10

Ang panitikan ay salamin ng lahing pinagmulan nito. Ito ay kabuuan ng mga


karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at
pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at
masining na paraan, nakasulat man o hindi.
Katulad ng isang minahan ang taglay na yaman ng bawat panitikan na ating
binabasa. Mamimina lamang natin nang lubos ang gintong kaisipang taglay nito
kung susuriin nating mabuti ang ating binabasa. Upang maging lubos ang iyong
pagkatuto gagawa ka ng suring-basa ng isa sa mga akdang pampanitikang tuluyan
ng napili mong bansa sa Mediterannean. Ang gawaing ito ay paghahanda mo sa
pangwakas na gawain na pagdaraos ng isang simposyum sa inyong klase.
Bago mo isagawa ang suring-basa, sagutin mo muna ang mga gawaing
inihanda ko upang masukat kung ano ang antas ng iyong pagkatuto sa mga
natalakay natin sa buong modyul 1.
GAWAIN 1.Gintong Kaisipan!
Balikan ang mga natalakay na aralin. Isulat sa bawat kahon ang mahalagang
kaisipan hinggil sa panitikan at gramatika na natutuhan mo sa bawat aralin.
Gumamit ng sagutang papel.
Mitolohiya

Parabula

Sanaysay

Panitikang Mediterranean

Tula

Epiko

GAWAIN 2. Suriin Mo

138

Maikling
Kwento

Modyul 1, Baitang 10

Itala ang mga impluwensiya ng mga panitikang Mediterannean sa panitikan,


pamumuhay,kaugalian,paniniwala at kultura sa ating bansa at sa mundo. Gawin sa
sagutang papel.
Panitikang
Mediterannean

Impluwensiya sa
mundo

Impluwensiya sa
Pilipinas

GAWAIN 3. Pagmuni-munihan Mo
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.
1. Paano nakatututulong ang paggamit ng mga kaalaman sa gramatika at
retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon ( panitikan at ibat ibang uri ng teksto).
2. Bakit mahalagang mapag-aralan ang panitikan at kultura ng ibang lahi?
3. Paano naimpluwensiyahan ng mga panitikan sa Mediterannean ang sarili
nating panitikan?
4. Paano napanatili ng bawat akdang pampanitikang nabasa mo sa modyul 1
ang pagkakakilanlan ng kanilang bansa?
5. Bilang isang Pilipino, sa iyong palagay anong mabubuting bagay ang
dapat tularan
kaugnay ng paraan ng pamumuhay, paniniwala, o
kaugalian ng mga taga-Mediterannean na makatutulong sa pag-unlad ng
ating bayan?
GAWAIN 4. Suring Basa
Natunghayan mo ang mahalagang ambag ng panitikang Mediterannean sa
pag-unlad ng sarili nating panitikan at maging sa buong mundo. Ang kaalamang ito
ay higit mo pang mapagyayaman kung magsasagawa ka ng suring-basa sa
alinmang panitikang tuluyan ng napili mong bansa sa Mediterranean.
Bilang paghahanda sa pangwakas na gawain mainam na balikan mo ang
mga aralin sa gramatika at retorika upang magabayan ka sa wastong
pagpapahayag ng iyong pananaw at saloobin tungkol sa akdang iyong susuriin.
Basahing muli sa Aralin 1.5 ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sinopsis o buod.
Muli mong magagamit ang tatag ng loob at tiwala sa sarili na nalinang mo na sa
mga nakaraang pagtatatanghal. Naririto ang maikling pagtalakay tungkol sa suringbasa na maaari mong maging gabay.
Ang suring-basa ay isang maikling pamumunang pampanitikang naglalahad
ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda na sinusuring basa.
139

Modyul 1, Baitang 10

Layunin nito ang mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang
kahalagahan nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa
1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis
o
.

maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o istilo ng pagkakasulat.

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa


I. Panimula
- Uri ng panitikan - Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig
o
damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang
akda.
- Pagkilala sa may akda - Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa
pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang
likhain
ang isang akda.
- Layunin ng akda - Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at
iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda -Ito bay makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan
at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa
- Mga Tauhan/Karakter sa akda - Ang mga karakter bay anyo ng mga
taong likha
ng lipunanng ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong
kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o
namamatay? Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan.
- Tagpuan/Panahon - Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang
kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga
saksi at
sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa
kapwa
140

Modyul 1, Baitang 10

at sa lipunan.
Balangkas ng mga Pangyayari - Isa bang gasgas na mga pangyayari
ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma
na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw?
Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng
mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng
ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman
ng akda?
Kulturang Masasalamin sa akda May nakikita bang uri ng pamumuhay,
paniniwala,
kaugalian
o
kulturang
nangingibabaw
sa
akda?
Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?

III. Pagsusuring Pangkaisipan


- Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda - Ang isang akdang pampanitikan ay
nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maari ding ang mga
kasipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago, o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan,
sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang
masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga
pangyayari.
- Istilo ng Pagkasulat ng Akda - Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga
salita?
Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng
akda?
May bisa kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba
ang pagkakagawa ng akda? Ito bay kahalagahang tutugon sa panlasa ng
mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?
IV. Buod
-

Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit
sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.

Ngayong natapos mo na ang iyong suring-basa, basahin ang tungkol sa simposyum


na makatutulong sa iyo upang maisagawa ang pangwakas na gawain.
Ang Simposyum
Ang

simposyum

ay

nag-ugat

sa

salitang
141

Griyego

na

sympinein

na

Modyul 1, Baitang 10

nangangahulugang sama-samang pag-inom. Mahihiwatigang ang pagsasalosalong ito ay sinasabayan ng mga talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon
kaugnay ng mga kasalukuyang pangyayari.
Sa kasalukuyan ito ay nangangahulugang isang pagtitipon kung saan may
malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan. Maaari ring pagpupulong kung
saan may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling panayam tungkol sa
isang paksa o ibat ibang aspekto ng naturang paksa. Itoy isang mahalagang
paraan upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak ang kaaisipan sa
paksang pinag-uusapan. Ito ay mayroong isang modereytor na :
a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan
Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa kanila
ayon sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang lahat
ng bumubuo sa pangkat, ito ay susundan ng lahatang diskusyon o open forum
kung saan maaaring magtanong ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito
nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa ibang bagay na kaugnay ng paksang
tinatalakay. Mahalagang paghandaang mabuti ng mga panauhing tagapagsalita
ang saklaw ng kanilang paksa at ang kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga
tagapakinig upang maging malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.
Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang nakasalalay sa kahandaan
ng mga tagapagsalita. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga tagapakinig
sa gawain. Ang aktibong tagapakinig ay makatutulong upang maging produktibo
ang simposyum. Ang mabuting pakikinig ay nangangahulugang pagpapakita ng
interes sa paksang tinatalakay, paggalang sa mga tagapagsalita at kapwa
tagapakinig, maayos na paraan ng pagtatanong at matalinong pagbibigay ng
reaksyon ukol sa mga napakinggan.
Sa kabuuan, kung ang lahat ay may kahandaan sa gawain, ang pagdaraos
ng simposyum ay isang kapaki-pakinabang na uri ng ehersisyong pangkaisipan at
kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
ILIPAT
Miyembro ka ng Pintig at Tinig, isang pangkat ng mga manunulat. Upang
mapaunlad pa ang inyong kasanayan sa pagsulat, magsasagawa kayo ng
isang simposyum. Hinati kayo sa pangkat upang magsagawa ng suring-basa
sa isang akdang tuluyan. Ang pangkat mo ay naatasang magsagawa ng suringbasa ng isang akdang tuluyan mula sa isa sa mga bansa sa Mediterannean. Ito
142

Modyul 1, Baitang 10

ay ibabahagi ng pangkat sa buong grupo upang makritik ang ginawang


pagsusuri. Sikaping sundin ang pamantayang ibinigay upang maging
matagumpay ang gagawing pagsusuri at pagdaraos ng simposyum.
Pamantayan
I. Suring-basa ( 30 puntos)
a. Mabisang Panimula ..
b. Pagsusuring pangnilalaman
c. Pagsusuring Pangkaisipan
d. Buod ..

5 puntos
15 puntos
10 puntos
10 puntos

II. Pagbabahagi ( 20 puntos)


a. Kahandaan
b. Pagbabahagi ng impormasyon .
c. Lalim ng pagsusuri .
Kabuuang Puntos

10 puntos
10 puntos
10 puntos
70 puntos

INTERPRETASYON
Napakahusay: 45 -50 puntos
Mahusay: 35-44 puntos
Mahusay-husay: 25-34 puntos
Dapat pang paghusayan: 24 puntos- pababa

Binabati kita sa matagumpay mong pagtuklas ng karunungan at


pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan. Ipinakita sa iyo ng mga natalakay na
akdang pampanitnikan sa Modyul 1 kung gaano kahalaga ang kultura ng bawat
bansa at kung paano ito nakaaambag sa pag-unlad ng paraan ng pamumuhay ng
ibat ibang bansa na naiimpluwensiyahan nito. Ihanda ang iyong sarili sa
paglalakbay sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang Kanluranin tulad ng
Brazil, Carribean, Amerika, Iceland, Portugal at Inglatera.

143

You might also like