Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanal-banalang Espiritu, ako si ___________ ay nagnanais na matanggap sa araw

na ito bilang isang Legionario ni Maria,


Bagaman nababatid ko na sa sarili ay hindi makapagbibigay ng karapat-dapat na
paglilingkod, Akoy nagsusumamo na iyong liliman at puspusin ng Iyong Sarili,
Upang ang mga aba kong gawain ay alalayan ng iyong kapangyarihan, at maging
kasangkapan ng iyong mga dakilang layuni.
Ngunit natatanto ko na ikaw na naparito upang magpabago sa sanlibutan sa
pamamagitan ni Jesucristo,
Ay hindi pumapayag na mangyari ito kundi sa pamamagitan ni Maria;
Kung wala siya, hindi ka namin maaaring makilala o maiibig:
Nasa kanyang kapasiyahan, ayon sa tao, panahon, dami at paraan na kanyang
maibigan,
Na ang lahat mong mga kaloob at kabanalan at biyaya ay ibinibigay;
At natatalastas ko na ang isang wastong paglilingkod ng Legionario ay nasa ganap na
pagkakaisa kay Maria, na lubusang makipagkaisa sa iyo;
Kaya nga sa paghawak ko ngayon sa Sagisag ng Legion na nagbabadya nang mga
bagay na ito,
Ako ay tumatayo sa harap mo bilang isang kawal at anak,
Ipinapahayag ko ang lubusan kong pagsandig sa kanya.
Na Ina ng aking kaluluwa.
Magkaisa kami sa puso,
At mula sa isang pusong iyang ay muli niyang binibigkas ang mga pangungusap na
ito noong una: Narito ang lingkod ng Panginoon;
At ngayon muli ka namang dumarating upang gumawa ng mga dakilang bagay sa
pamamagitan niya.
Liliman mo sana ako ng iyong kapangyarihan at pag-alabin sa aking puso ang apoy
ng iyong pag-ibig,
Na kaisa ng pag-ibig at kalooban ni Maria sa ikaliligtas ng daigdig;
Upang akoy manatiling malinis sa tulong niya na ginawa mong kalinis-linisan;

Upang si Cristo na aking Panginoon ay umunlad sa akin sa pamamagitan mo;


Upang kasama ni Maria na kanyang Ina ay dalhin ko si Jesus sa daigdig at sa mga
kaluluwang naghahanap kay Jesus;

Upang pagkatapos ng matagumpay na pakikihamok sa kanila, sila at ako ay


maghaharing kasama ni Maria magpakailan man sa kaluwalhatian ng Santisima
Trinidad.
Ako ay nananalig na tatanggapin mo - at gagamitin ako - upang palakasin ang aking
kahinaan sa araw na ito,
Ako ay pumapasok sa mga hanay ng Legion, habang nangangako ako ng isang tapag
na paglilingkod.
Buong puso akong susunod sa kanyang disiplina,
Na ipinagkakaisa ko sa aking mga kasama,
At humuhubog sa amin bilang isang hukbo,
At naghahanay sa amin sa pamamatnubay ni Maria,
Upang isagawa ang iyong kalooban, pairalin ang mga himala ng iyong biyaya,
Na siyang magpapanibagong-anyo sa lupa,
At magtatatag ng Iyong paghahari, O kabanal-banalang Espiritu sa sanlibutan.
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

You might also like