Professional Documents
Culture Documents
Sabayang Bigkas at Talumpati
Sabayang Bigkas at Talumpati
Wika
Talumpati ni:
Farah Grace Jimena
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung
kayat kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para
maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong
o mapaunlad ang kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang
communication gap sa pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga
pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipinoy lagi nang kikilos
at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at
pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo
nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran
itong ating bansa.
Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi?
Hindi bat ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at
napapakinabangan ng lahat? Oo ngat Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang
kalakaran at itoy hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang
panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging
midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga
panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi bat mas
mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa
mga inilalathala sa pahayagan, hindi bat mas madali nating maaabot ang mga
hinanaing, mga naisin o kayay mga pangyayari sa ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para
mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa
ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi
sa pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.