Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang kahalagahan ng

pagkakaisa at
pagka-unawaan
Pat A. Sto Tomas
Kung ating obserbahan ng maigi ang takbo ng ating pamahalaan ang isang bagay na
agad ay ating makikita ay ang kawalan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa marami sa ating
mga namumuno at mga halal na opisyales ng bayan tungkol sa plano at direksyon ng
pamamahala at sa mga programa na dapat ipatupad. Kahit na ang mga magaganda at maayos
na mga proyekto na nais ipatupad ng mga nasa kapangyarihan ay kinikwestyon ng mga nasa
kabila imbes na suportahan upang mapadali ang pagpapatupad at makamit naman ng taong
bayan ang mga benepisyo nito. Ito ang nagiging sanhi ng mabagal na pag-usad ng ating bansa
at tayo ay napag-iiwanan ng ating karatig bansa sa Asya.
Kung sabagay ang mga ganitong sitwasyon ay hindi nangyayari lamang sa pulitika
sapagkat ito ay atin ding nakikita sa araw-araw. Kahit sa mga paaralan ating nakikita ang
pagkakahiwa-hiwalay ng mga estudyante at kahit na ng mga guro. Atin ding nakikita ang hindi
pagkakaisa ng mga tsuper ng mga jeepneys, buses, o mga tricycles. Sa mga kompanyang ating
pinagtatrabahuhan, sa mga samahang sibika at kahit sa mga magkakapit-bahay parang normal
na ang hindi pagkakaisa at pagkaka-unawaan.
Itong ating kakulangan ng pagkakaisa at pagka-unawaan ay isang bagay na marahil ay
ating bigyang pansin at hanapan ng solusyon sapagkat ito ay nakaka-apekto hindi lamang sa
ating national development kundi pati na rin sa imahe ng marami sa ating mga OFWs. Naalaala ko noong ako ay sa POEA pa noong eighties. Kasagsagan noon ng infrastructure
development sa Middle East lalo na sa Saudi Arabia kung saan malaki ang naging kontribusyon
ng ating mga skilled OFWs. Tuwina lamang pag ako ay napadako roon at nakakasalubong ang
mga bigtime contractors, kahit ang mga ito man ay mga Arabo, Amerikano, French o Koreano,
kanilang pagmamalaking sinasabi sa akin na This bridge This building.. This highway.
This That are built by Filipino workers. Subalit ito ay may kaakibat na katanungang How
come your Filipino construction companies cannot compete with us?
Oo nga naman. Kung ang mga malalaking proyektong yon ay gawa ng mga OFWs bakit
ang ating mga local na construction companies na nagtangkang pumasok at sumali sa
construction boom noong panahong yon ay hirap makipag kompetensya? Ako ay nagtanongtanong at aking napag-alaman na sa marami nating mga OFWs nong panahong yon pag ang
kanilang boss ay isang dayuhan, malaki ang kanilang paggalang at pagtingin dito at sila ay

talagang nagiging masipag at masunurin. Subalit kung ang supervisor o manager ay kapwa
Filipino ang sa isip daw kadalasan ng ilan sa ating mga OFWs ay; O, maniwala ka riyan.
Pareho lang natin yan. Baka mas magaling pa tayo diyan. Kaya maganda ang performance
nitong mga dayuhang kompanya na majority sa kanilang workforce ay mga OFWs sapagkat
ang kanilang mga supervisors at mangers ay mga dahuhan na kadalasan ay mga puti at ang
mga ito ay talag namang binibigyan ng buong suporta at pagsunod ng ating mga kababayang
construction workers.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ganitong kaisipan at kung ito ba ay namamayani
pa rin sa paniniwala ng marami sa ating mga OFWs sa kasalukuyan. Marahil ang isang
dahilan ay inggit sa kapwa nating OFW na sinuwerteng magkaroon ng supervisory position.
Whatever, ito ay isang halimbawa ng kakulangan ng pagkakaisa at pagka-unawaan na
nagbibigay ng negatibong epekto hindi lamang sa competitiveness ng ating mga local na
kompanya sa international market kundi pati na rin sa imahi natin bilang isang bansa. Naala-ala
ko tuloy ang kwento ng isa kung kaibigan na nasa United States na doon daw sa kanilang
lungsod sa California there are as many associations of Filipinos as there are provinces with
distinct dialects represented. Doon daw ay walang isang samahan ng mga Filipino migrants at
residents subalit mayroong samahan ng mga Cebuano, ng mga Ilonggo, ng mga
Pampangueo, ng mga Ilokano at iba pa.
Nabanggit ko ang isyung ito sapagkat para sa akin ano man ang probinsyang ating
pinanggalingan, una sa lahat at ano pa man ang mangyayari tayo ay Pilipino pa rin. Iisang
bansa lamang ang ating pinanggalingan at ang kapakanan at kinabukasan ng bansang ito ay
nakasalalay sa atin. Ano man ang papel na ating ginagampanan tayo ay Pilipino pa rin at ang
ating pag-uugali na ipinakikita ay magbibigay impression lalo na sa isang dayuhan kung ano
ang Pilipino.
Doon naman sa kaisipan ng ilan sa atin na ang kinabukasan ng ating bansa ay
nakasalalay sa sino mang namumuno nais ko lamang linawin na totoong malaki ang magagawa
ng namumunong Pangulo ng bansa upang mapabuti ang ating inabukasan. Subalit kung tayo
ay walang pagkakaisa at pagkaka-unawaan tungo sa layuning ito, at kung hindi nating
gagampanan ng mabuti ang ating mga responsibilidad tungo sa layuning ito, wala ring gaanong
makakamtan at ang balaking mapabuti ang kalagayan ng bansang Pilipinas at ng bawat isang
Filipino ay mananatiling panaginip lamang. Mahalaga na tayo ay magkaisa at magkaunawaan
alang-alang sa ating magandang kinabukasan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.

Kailangan ang pagkakaisa para umunlad ang ekonomiya

KAUUMPISA pa lamang ng 2002 subalit marami nang bumabatikos sa Arroyo administration.


Wala pang isang taon ang administrasyon subalit naging bali-balita ang diumano’y kudeta. Ngunit
sa kabila nito, nananatili pa ring matatag ang paninindigan ni President Gloria Macapagal-Arroyo.
Nakatuon ang kanyang pansin sa pagsulong ng ating bansa laban sa kahirapan.

Kailangang simulan natin ang taon na ito na may pagkakaisa at layunin para sa bansa. Kagaya ng
panawagan ng ating Presidente na paghilumin ang sugat at magkaroon ng rekonsilyasyon sa bawat
sektor ng lipunan. Magandang pangitain ang panawagan na bukas ang kanyang administrasyon sa lahat,
oposisyon man o kakampi, upang magkapit-bisig para iangat ang bansa.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pag-unlad ng ekonomiya ang higit nating kailangan ngayon.
Napag-iiwanan na tayo ng mga karatig nating bansa. Hindi napapanahon ang pagsisisihan ngayon. Magiisang taon pa lamang ang administrasyon at napakaaga para sisihin kung hindi pa natutupad ang mga
pangakong reporma sa ekonomiya. Sa kabila ng mga problema ng ating bansa, naging matatag naman
ang ating pamahalaan sa pagtaguyod ng mga programa at proyekto nito at naging maayos ang takbo.
Patuloy pa rin ang malinis na adhikain ng pamahalaan na pagsilbihan ang taumbayan.

Mga Katangian ng Isang Mahusay


na Pinuno
Ang kalidad sa buhay ng isang tao ay nasa tamang proporsiyon ng kanyang
pagnanasang humusay, kahit saan mang larangan siya nakatuon.
Ang pamumuno ay isang bihira at mahalagang katangian ng isang tao. Kung walang
mga pinuno na mangunguna at mangangasiwa para hubugin ang isang pangkat,
samahan, o kalipunan ng mga tao, ang lipunan ay mauusyami at walang
kapupuntahan. Ganito din ang nangyayari kung hindi matino at walang
pagmamalasakit sa kapakanan ng mga nasasakupan ang namumuno.
Ang tunay na kalagayan ng isang lipunan ay nararapat lamang batay sa uri ng
kanyang mga pinuno o sa mga taong umuugit sa pamahalaan. Kung sino ang iyong
pinuno sa lipunang iyong ginagalawan, ay siya ring uri ng pamamahala na iyong
makakamtan. Matiwasay o masalimoot man ito, nasa uri ng pinuno ito nakasalalay. At
nasa atin naman ang sagradong kapasiyahan na palitan sila, kung silay mga problema
sa halip na mga solusyon.
Ang mga Katangian
1 Ang mahusay na pinuno ay isang tao na hindi inilalagay sa kompormiso ang kanyang
integridad at karakter kapag walang sinuman na nakatingin.
2 Ang mahusay na pinuno ay may natatanging moralidad at matibay na panininidigan
sa katotohanan.
3 Ang mahusay na pinuno ay may kusang-palo at masidhing makamtan ang tagumpay
para sa kagalingang panlahat.
4 Ang mahusay na pinuno ay hindi palaasa at laging naghihintay sa mangyayari na
kailangan pang utusan.
5 Ang mahusay na pinuno ay hindi pabaya at laging nakatuon sa mga bagong
inpormasyon at makabuluhan para sa kaunlaran ng bayan.
6 Ang mahusay na pinuno ay pinangangalagaan ang kanyang karangalan at pangalan
ng kanyang pamilya maging sa pribado at publikong paningin.

7 Ang mahusay na pinuno ay hindi mapagkanulo, doble-kara o balimbing sa pabagubagong panahon, sa mga kaalyado, sa partido, at sa antas ng paglilingkod.
8 Ang mahusay na pinuno ay hindi matabil ang dila, walang panahon sa mga walang
katuturan at hindi nakakatulong, at laging nasa makabuluhang paggawa ang atensiyon.
9 Ang mahusay na pinuno ay masigasig na mabago ang kapaligiran laban sa kahirapan,
kabuktutan, at kamangmangan.
10 Ang mahusay na pinuno ay hindi nasusuhulan at ipinagbibili sa anumang halaga ang
kanyang sinumpaang tungkulin, at lahat ng tungkol sa pagtupad nito.
11 Ang mahusay na pinuno ay hindi tamad at laging nasa mga aliwan, sugalan o bisyo
ng katawan, bagkus nasa paglilingkod lamang sa sambayanan.
12 Ang mahusay na pinuno ay mapagkumbaba, magiliw, at higit na pinahahalagahan
ang maliliit at karaniwang tao.
13 Ang mahusay na pinuno ay laging nakatuon sa isipirito ng bayanihan o samasamang pagtutulungan at kooperasyon.
14 Ang mahusay na pinuno ay isang huwaran at modelo na tinutularan.
15 Ang mahusay na pinuno ay may positibong saloobin at makabuluhang tanawin sa
kagandahan ng buhay.
16 Ang mahusay na pinuno ay magalang at masuyong tinutupad ang paglilingkod sa
bayan. Nangunguna sa disiplina at pagsupil sa mga kalapastanganan at pandaraya sa
kalakal.
17 Ang mahusay na pinuno ay may makabayang adhikain sa ikakaunlad ng bayan, lalo
na sa pagpapairal ng mabubuting gabay at panuntunang makatao.
18 Ang mahusay na pinuno ay nangunguna sa pagtangkilik sa mga produkto, mga ani
sa agrikultura, palaisdaan, pag-aalaga ng mga hayupan, at likas na mga bungang-kahoy
at gulay ng sariling bansa.
19 Ang mahusay na pinuno ay may pagdakila sa tungkulin at nakahandang ipaglaban
ito kahit anuman ang mangyari sa sinumang mangangahas na itoy salaulain.
20 Ang mahusay na pinuno ay mapagmahal at tagapagtaguyod sa pagpapaunlad ng
sariling wika, mga tradisyon, mga sining at kulturang Pilipino.
21 Ang mahusay na pinuno ay tunay na Pilipino na makaDiyos, makaPamilya,
makaKalikasan, maKatarungan, at makaBayan.
Upang mapatunayan ang tunay na pinuno, kailangan niyang pasanin ang bigat ng
kanyang mga nasasakupan sa kanyang mga balikat at magsakripisyo para sa

ikakaunlad ng lahat. Bagamat iilan at umuunti na lamang ang kanilang mga bilang,
hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa, na kahit papaanoy may natitira pa ring
mga tunay na Pilipino na nagmamahal sa ating bansa. Ito ang mga tao na ang tangi
nilang hangarin ay ang makapaglilingkod lamang sa sambayanan at hindi nakatuon sa
pansariling kapakinabangan o nasa pagpapayaman sa kanilang mga tungkulin.
Mayroon ka bang kilala na tumutugon sa mga mahuhusay na katangiang ito?
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan

You might also like