Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

TIKBALANG

Ate, totoo bang may tikbalang? Pananakot lamang iyon para magbait ang mga bata, hindi ba?
tanong ni Edith sa panganay na kapatid.
E sabi ni Tiyo Jose mayroon nga raw. Kasama pa raw siya noong makahuli sila nito.
Sige nga, Ate, ikuwento mo sa amin ang nangyari, pakiusap naman ng bunsong si Teresa.
O, halikayo at makinig kayo.
Mayroon raw sa baryo nina Tiyo Jose na isang napakagandang dalagang nagngangalang Linda.
Ang dami raw lumiligaw dito dahil bukod sa maganda na ay mabait pa.
Ngunit sa dinami-rami ng taga-baryong nangingibig sa kanya, walang nagpapatibok sa kanyang
puso. Isang araw, may nakilala ang dalaga na binatang taga-Maynila, guwapo, matangkad, at
mukhang kagalang-galang. Maraming mga dalagang nayon ang nahalina kay Roberto ngunit
ang napaglaanan nito ng pagtingin ay si Linda.
Ang pamimintuho ng binata ay sinuklian din ng pagmamahal ng dalaga kayat hindi nagtagal at
silay ikinasal. Maligayang mga araw, ang nagdaan sa mag-asawang lubos ang pagmamahalan.
Ang naging supling ng kanilang pagmamahalan ay isang magandang batang babae na
pinangalanang Ligaya. Ngunit sa maaliwalas nilang langit ay dumating ang madilim na ulap.
Nagkasakit si Linda at di-naglaon ay pumanaw. Naiwan ang mag-amang parang binagsakan ng
sangmundong kapighatian.
Isang gabi nang binibigyan ni Roberto ang sanggol ng bote ng gatas, naramdaman niyang may
dumating na tao sa kanyang likuran. Laking mangha niya nang makita sa pintuan ng silid ang
asawa na kalilibing pa lamang nila noong nagdaang linggo. Hindi ito nagsasalita ngunit nakaunat
ang mga kamay at waring hinihingi ang bata.
Huwag, Linda, ikaw ay patay na. Hindi maaari! Hinigpitan ni Roberto ang pagkapangko sa
bata at umiiling.
Umalis ang babae, ngunit sa sunod na gabi ay naroon uli. Lalong mahigpit ang pagtanggi ni
Roberto na iabot ang bata. Ngunit hindi siya makatulog sa malaking takot at pagtataka. Nang
nangyari uli sa ikatlong gabi, naisip niyang sumangguni sa mga matatandang taga-nayon.

Hindi multo ni Linda iyon, Roberto. Tikbalang iyon na nag-aanyong tulad ng asawa mo. May
mga tikbalang diyan sa ating parang. Doon sa mga puno ng lumbang sila natutulog pag-araw at
sa gabi lumalabas.
Tunay po bang may tikbalang? Akala ko poy mga istorya lang iyon, takang-takang tanong ni
Roberto.
Totoong may tikbalang. Kilala mo ba si Karyong sintu-sinto? Kaya naging ganoon ang taong
iyon ay dahil nakuha iyon ng tikbalang noong bata pa. Nawala nang dalawang araw at natagpuan
ng ama sa ilalim ng puno ng lumbang.
Naku, ano po ang aking gagawin? Gabi-gabi po ay lalong humihigpit ang pamimilit niyang
makuha ang bata, halos maiyak-iyak si Roberto.
Hayaan mot paghahandaan natin, pangako ng matanda.
Nang gabing iyon, dumating sa dating oras ang tikbalang na mukhang si Linda. Nang
dudukwangin na sana nito ang batang pangko ni Roberto, biglang naglabasan sa silid ang mga
lalaki. Nagitla ang tikbalang at dagling tumalon sa bintana.
Ngunit sa ibaba ay nakahanda rin ang ilang taong bigla siyang nasunggaban sa buhok.
Pinagtulung-tulungan nila itong iginapos sa puno ng niyog. Hinampas nang hinampas hanggang
magsisigaw ito sa paghingi ng awa.
Patawarin! Aalis na ako rito sa lugar ninyo, pakawalan lamang ninyo ako. Isasama ko lahat ng
mga kampon ko. Lalayo na kami at di na kayo gagambalain. Maawa kayo.
Sa kasisigaw nito at sa pangakong di na maninikbalang uli, naawa ang mga lalaking nayon at
pinaalpasan na rin ang maligno.
Buhat nga noon, wala nang tikbalang pang nabalitaan sa baryo. Ang batang si Ligaya ay lumakit
naging isang mabait at magandang babaeng tulad ng ina. Kahit nang mag-asawa siya ay di niya
iniwan ang ama at inalagaan niya ito hanggang sa katandaan.
Ang ganda ng kwento mo, pero nakakatakot, Ate, sabi ni Edith. Baka kami hindi makatulog.
Magdasal muna kayo bago mahiga, paalala ng panganay, kung hindi, sige, dadalawin kayo ng
mga tikbalang!

SUGONG KALAPATI

Katatapos pa lamang naming maglaro ng basketball noong Biyernes na yaon. Si Karl at Bobby
ay kasama kong nakaupo sa harap ng tindahan ng sarisari ni Mang Lucio at umiinom ng pepsi
habang nagpapahinga.
Matamang nag-uusap kami tungkol sa aming malapit nang pagtatapos sa paaralan nang buhat sa
madilim na karsada ay may nakita akong lumalakad na isang matandang lalaki. Pinagmasdan ko
siya habang papalapit siya sa kinaroroonan namin. Matangkad siya, mahaba ang buhok, may
balbas at nakasandalyas.
Tumigil siya sa pinto ng tindahan at nang makitang may mga tindang mga figurine sa isang
eskaparate, siyay pumasok. Binili niya ang isang figurine ng kalapating puti. Nang binabayaran
niya ito kay Mang Lucio, sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ako naman na halos namamalikmata
rin sa pagtitig sa kanya ay napangiti rin.
Nang lumalabas na siya sa tindahan, hindi ko napigil na magtanong, Ginagabi kayo, Tatang,
Saan ba kayo pupunta?
Tiningnan niya ako at ang sabi, May pagbibigyan lang ako ng kalapating ito.
Nang makaalis na ang matanda, tinanong ko sa mga kaibigan ko kung nakita nila ang mukha
nitong tila kay bait-bait. Wala naman daw silang napansin di-karaniwan.
Kinabukasan, sapagkat Sabado at walang pasok, tanghali na akong nag-almusal. Biglang may
narinig akong kumakatok sa aming pintuan.
Nagulat ako nang makita ko si Tatang pagkabukas ko ng pinto. Pinatuloy ko siya sa kusina at
inalok na kumain. Pinagbigyan naman niya ako, naupo sa harap ko, at kumain.
Naibigay na po ba ninyo ang inyong figurine na binili ninyo? tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako, John, bakit ka nawalan ng tiwala sa Diyos?
Nagulat ako sa sagot niyang malayo sa tanong ko. Nanginginig ang tinig kong nagtanong, Sino
po kayo at alam ninyo ang aking pangalan? Wala na akong nasabi pa at para akong nanghina at
nangamba.
Psychic ako. Nababasa ko ang mga nangyayari sa buhay ng tao kapag tumitingin ako sa mga
mata nito. Bakit mo tinalikuran ang Diyos?
Pinilit kong sumagot. Kung mabait po ang Diyos, bakit namatay sa sakuna ang dalawang
pinakamamahal ko sa buhay?
Tumayo si Tatang. Anak ko, kapag tapos na ang misyon ng isang tao sa mundo, siyay
pinaakyat na sa langit.

Inihatid ko si Tatang sa sasakyan, may pupuntahan daw siya sa kabilang bayan. Bago siya
sumakay sa bus, dinukot niya sa bulsa ang kalapating figurine at iniabot sa akin.
Sa pagbabalik ko sa bahay, inilagay ko ang puting kalapati sa mesa. Umakyat ako sa silid para
magbihis. Inisip ko na isasama ko sa aparador ng mga figurine ang kalapating bigay ni Tatang.
Sino nga kaya si Tatang? Hanggang sa sandaling iyon tila naghihinala pa ako na may
kababalaghang nababalot sa katauhan niya.
Pagbaba ko uli wala ang kalapati sa mesang pinaglagyan ko. Hinanap ko ito sa lahat ng dako na
sisikdo-sikdo ang dibdib. Tila nga mahiwaga ang nangyayari, nasabi ko sa sarili.
Napatingin ako sa labas ng bintana at sa sampayan doon, nakita ko ang isang buhay na puting
kalapati. Diyos ko, patawarin po ninyo ako, Diyos ko. Mahal ko po kayo.
Ngayong akoy naririto sa seminaryo, may mga ilan na ring taong napangangaralan ako, mga
taong nawawalan ng tiwala sa Diyos. Taos-puso ang pagtulong ko sa kanila dahil katulad din
nila ako noon.

SI WIGAN AT SI MAI
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban. Sa panahong ito nabuhay si Wigan,
anak ng hari ng Banaue na si Ampual.
Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya sa isang talon upang magpahinga,
nakakita siya ng isang dalagang naliligo. Naakit siya sa kagandahan nito ngunit napansin niyang
ito ay isang dayuhan at walang karapatang maligo sa lupain ng Banaue.
Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang ahas. Nakilala niya na ang ahas
ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan.
Sa halip na ipagpatuloy ang naunang balak, sinamahan ni Wigan ang dalaga pauwi.
Nalaman niyang ang pangaian nito ay Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao na si Liddum. Sa
kanilang mahabang paglalakbay, nabuo ang kanilang pag-iibigan.
Pagdating sa lupain ng Mayaoyao, agad na dinakip si Wigan. Siya na ngayon ang dayuhan sa
lupain ni Ma-i.
Nakiusap si Ma-i sa kanyang ama. Isinalaysay niya ang pangyayari.

Maaaring pinaslang niya ako nang mahuli niya akong naliligo sa kanyang lupain ngunit siya ay
nahabag. Sa halip, sinamahan pa niya ako pauwi nang ligtas sa anumang kapahamakan.
Mahabag ka sa kanya. Ama, tulad ng pagkahabag niya sa akin, nagmamakaawang sabi ng
dalaga.
Nag-isip si Liddum. Ang kahilingan ng kanyang anak ay taliwas sa nais ng mga mamamayan ng
Mayaoyao.
Siya ay mamamatay kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili, pahayag ng hari.
Mga mamamayan ng Mayaoyao, piliin ninyo ang pinakamahusay nating mandirigma upang
makatunggali ng binatang mula sa Banaue. Ang magwawagi sa labanan ang siyang magiging
asawa ng aking anak.
Sumang-ayon ang mga mamamayan ng Mayaoyao. Pinili nila ang pinakamagiting nilang
mandirigma upang makalaban ni Wigan. Nagsimula na ang paghaharap ng dalawa.
Mula naman sa Banaue, dumating ang isang daang mandirigma na naghahanap sa anak ng
kanilang hari. Nakita nila si Wigan na nakikipaglaban. Humanda silang maipaghiganti ito kung
sakaling magagapi ito.
Sa kabutihang palad, nanalo si Wigan at naiwasan ang sanay madugong pagtutuos ng mga
maiidirigma ng Banaue at Mayaoyao.
Isang canao (handaan) ang sumunod. Si Ma-i ang namuno sa sayaw ng kasalan. Tuluy-tuloy ang
pagtunog ng gansa. Umabot ang kasayahan sa loob ng siyam na araw.
Sina Wigan at Ma-i, kasama ang mga mandirigma ng Banaue, ay naglakbay pabalik sa Banaue.
Habang naglalakbay, naisip ni Wigan ang kanyang ama. Matanda na ito at marahil ay
naghihintay na rin itong magkaapo. Ngunit nag-asawa siya nang walang pahintulot ng ama.
Sasang-ayon kaya ito sa kanyang ginawa?
Sa hagdan-hagdang palayan nagtagpo sina Wigan at Ampual. Hinanda na ng binata ang kanyang
sarili.
Sa simula ng paggawa ng ikawalong baitang ng palayan, iyon ang magiging taon ng aking pagaasawa. Ama, narito na si Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao. Ang kanyang amang si Liddum at
mga mamamayan nito ay naging mabait sa pagtanggap sa akin.
Tiningnan ni Ampual si Ma-i. Hindi man nagsalita ay alam ni Wigan na naunawaan siya ng ang
ama. Habang naglalakad ay nag-iisip si Ampual ng sasabihin niya sa mga nasasakupan.
Masayang sumalubong naman ang lahat. Nagwika ang hari sa mga taga-Banaue.
Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makakapiling ko na rin ang ating mga ninuno. Bago ito
mangyari ay nais kong makita ang aking anak na mag-asawa at handa nang pumalit sa akin.
Narito ang dalaga mula sa Mayaoyao. Mga dalaga ng Banaue, piliin ninyo kung sino sa inyo ang

pinakamaganda na maaari nating itapat sa pana-uhing padala ni Lumawig. Mula sa dalawa,


pipiliin namin ng aking anak kung sino ang higit na maganda.
Ang mapipili ay mapapangasawa ng aking anak, at ang hindi ay mamamatay. Bilang gantimpala
sa magwawagi, ang kanyang karanasan ay magiging alamat sa ating mga anak.
Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila kay Ma-i. Nang sila ay
makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na nga ang pinakamaganda sa mga taga-Banaue.
Nagtabi na ang dalawang dalaga. Tunay ngang di-pangkaraniwan ang mga kagandahang nasa
harap ni Wigan ngayon.
Nagtanong si Ampual.
Ano na nga ba ang pangalan ng dayuhan?
Ma-i, tugon ni Wigan.
Sumasang-ayon ka ba na si Ma-i ang higit na maganda?
Opo, sagot ni Wigan na nagagalak sa desisyon ng ama.
Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa kasiyahang ito, nagwika si Ma-i.
May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue. Hayaan niyong ang dalagang aking
nakatapat ay manatiling buhay nang walang kahihiyan. Itoy upang ang kanyang karanasan ay
magsilbing alamat ng ating mga anak.
Pinagbigyan ni Ampual ang kahilingang ito ni Ma-i. Sinimulan na ang ikawalong baitang ng
hagdan-hagdang palayan at naganap muli ang kasalan nina Ma-i at Wigan. Ito ang naging simula
ng kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao na umabot hanggang sa kasalukuyan.

SI PARU-PARO AT SI LANGGAM
Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng
pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.

Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man
lang magpahinga? tanong ni Paruparo. Bakit di ka magsaya na tulad ko?
Naku, mahirap na, aniya. Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago
dumating ang tag-ulan.
Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig, pagmamalaki ni Paruparo.
Bakit nga ba? Nagtataka si Langgam.
Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan? inginuso niya ang nasa di
kalayuan.
Sino? tanong ni Langgam.
Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng
proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin, pagyayabang ni
Paruparo.
A, ganoon ba? sabi ni Langgam.
Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e, sabi ni Paruparo.
Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon, mababa subalit
madiin ang tinig ni Langgam. O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain.
Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.
Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang
bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat.
Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng
ulan.
Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana
siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid.
Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamayay
dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.
Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili:
Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.

ALAMAT NG PUNO NG PINO


Noong unang panahon, sa Lalawigang Bulubundukin ay may isang mabait at masipag na
dalagang ulila na sa amat ina. Siya ay si Sanggumay. Pagtatanim ang kanyang ikinabubuhay.
Maraming katutubo ang pumupunta kay Sanggumay upang humingi ng bunga ng mga tanim
niyang halaman. Binibigyan naman niya ang lahat ng humihingi sa kanya ng mga gulay at
prutas.
Sa kabila ng kabaitan ni Sanggumay ay wala man lamang siyang kaibigan. Wala ring binatang
nanliligaw sa kanya. Ang dahilan ay ang kanyang balat na magaspang na tulad ng balat ng
punongkahoy. Dahil dito, malungkot ang dalaga. Naisipan niyang manirahan na lamang sa ibang
pook.
Nagtungo si Sanggumay sa kalapit na bundok at doon naman nanirahan. Ngunit hindi rin naging
maligaya ang dalaga. Wala siyang ikinabubuhay sa lupang iyon kaya madalas na wala siyang
makain. Naisip niyang tumira sa isa pang panig ng bundok. Dito niya natagpuan ang hinahanap
na kaligayahan. Naging maligaya siya sa pakikipaglaro sa mga ibon, mga hayop, at mga
bulaklak. Hindi napapansin ng mga bago niyang kaibigan ang pangit niyang balat.
Sa kabila ng kaligayahan at katahimikan sa piling ng mga itinuturing niyang kaibigan, may
kakulangang nadarama si Sanggumay. Sa puso niya ay hinahanap pa rin niya ang pagmamahal
ng kanyang kapwa-tao. Sa ganitong pagkakataon, labis ang kalungkutang nadarama ng dalaga.
Isang hapon, matapos mapagod ang dalaga sa pakikipaglaro sa maliliit na hayop, magpahinga
siya sa tabi ng isang punungkahoy. Noon niya nakitang mabuti ang pagkakatulad ng balat niya at
ng balat ng puno. May naramdaman siyang kaligayahan. Naisip niyang ang mga punungkahoy
ay malapit sa mga tao. At itoy pinakikinabangan ng marami.

Dahil sa matagal nang gustong mapalapit ni Sanggumay sa puso ng mga tao, nagdasal siya.
Hiniling niya sa Diyos na sanay maging isang punongkahoy rin siya. Sa gayon, lalo siyang
makapaglilingkod sa mga tao at hindi na makikita ang kanyang kapintasan.
Isang himala! Noon din ay biglang inantok ang dalaga at nakatulog sa tabi ng punongkahoy.
Nakangiti ang dalaga habang natutulog. At kasabay noon, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Kinabukasan, si Sanggumay ay wala na sa kinaroroonang tabi ng punongkahoy. Sa pook na iyon,
may tumubong isang magandang punongkahoy na ang balat ay magaspang at ang mga dahon ay
pinong parang buhok.
Ang punongkahoy na iyon ay mabilis na lumaki at nang magtagal ay namunga nang marami.
Nang bumuka ang mga bunga, nalaglag ang mga buto sa pagaspas lamang ng hangin.
Tumubo ito sa lupa at naging panibagong puno.
Sa pagdaraan ng panahon, dumami nang dumami ang nasabing punongkahoy sa bundok na iyon.
Nang magtagal, ito ay nakilala na sa pangalang puno ng pino o pine tree.
Ipinagkaloob ng Diyos ang hiniling ng mabait na si Sanggumay. Siyay naging punongkahoy na
dumami at pinakinabangan ng mga tao.

ALAMAT NG PINYA

Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming
nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit

maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating
alamat.
Sa isang malayong pook ng lalawigan, nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na
kaisa-isang anak. Palibhasay bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang
nagtatrabaho ng lahat nang gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay maliit pa naman si Pina.
Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo,
magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang.
Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran.
Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasay ina kaya
matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa.
Tumagal ang sakit ni Aling Osang, nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod
sa ina.
Isang umaga, si Pinay nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok.
Saan kaya naroroon ang sandok? ang sambit nito.
Hanapin mo, naririyan lamang yan, ang sagot ng ina.
Kanina pa nga ako hanap ng hanap e! Talagang wala! sabi ng anak.
Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata nang makita mo ang hinahanap mo! Ito
talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga.
Marami naman kayong sinisermon pa ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin
niya ang sandok sa silong at baka nahulog.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na
naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa
ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit hindi na sila nagkita.
Isang araw, sa may bakuran ay nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya nang makita niya ang
tumubong halaman malapit sa kanilang tarangkahan. Inalagaan niya iyon at dinilig araw-araw. Di
nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala niya ang
sinabi niya sa kanyang anak.

ALAMAT NG PASIG

Sa Taal nakamalas ng unang liwanag ang magkaibigang Lakan Tindalo at Magat Mandapat. Ang
una ay mariwasa samantalang ang huli ay isang dukhang magsasaka.
Si Mandapat ay lumaki sa kalinga ni Datu Balkote na nag-aruga sa kanya nang siyay maulila.
Laging magkasamang parang kambal ang magkaibigan lalo kung nagbubungkal ng lupa at
nangangaso ng usa at baboy-ramo sa kagubatan.
Napabalita sa kanilang balangay ang tungkol sa nawawalang kaharian. Ang magkaibigay
nagkaisang hanapin ito. Kanilang ginalugad ang kalawakan ng dagat. Silay napadpad sa isang
pulo nang abutan ng malakas na bagyo.
Silay inusig ng maykapangyarihan sa pulo. Nagmatuwid sila na silay mangingisdang itinaboy
roon ng masamang panahon. Lingid sa kanilang kaalaman ang pulo palang iyong kanilang
kinapadparan ay ang hinahanap nilang nawawalang kaharian.
Ang puno ng pulo ay haring malupit kaya masasabing ang pook na iyoy bayang walang Diyos.
Ang magkaibigay idinulog kay Datu Pasig bilang mga bihag. Inyong Kamahalan, narito po ang
aking natuptop na mga espiyang nagmamanman sa ating tanggulan nang malaman ang ating
lihim. Sa gayoy madali nilang malulusob ang ating kaharian bilang mga kaaway.
Iniutos ng hari sa berdugo, Dalhin sa bartolina at parusahan. Hampasin ng latigo nang
makasanlibong ulit!
Narinig ni Dayang Sumilang ang utos ng ama. Siyay nagsalita, Maawa ka po sa kanila! Wala
silang kasalanan. Kung silay parurusahan, sakaling ang ating mga kampon ay maglakbay sa
kanilang kaharian, ganyan din ang gagawin sa ating mga kabig!
Mahusay ang iyong pangangatwiran, Anak. Babaguhin ko ang aking utos. Silay akin
palalayain. Ituturingko silang panauhin natin.
Gayon na lamang ang pasasalamat ng dalawang magkaibigan. Si Magat Mandapat ay naging
tagahanga ng prinsesa mula noon.
Pagkalipas ng mga araw nabatid ng magkaibigan ang mga kalupitan at kabuktutang nagaganap
sa kaharian. Ibang-iba ang lakdaw ng buhay na kanilang namasdan sa Pasig. Ditoy walang
kalayaan, di tulad sa Taal na kanilang sinilangan at pinagmulan. Kaawa-awa ang mga
magsasaka. Silay patay-gutom at hindi makatikim ng sapit sa kanilang pinagpaguran. Sinisikil
ng Datu ang karapatan ng mga mamamayan. Ang mayayaman ay siyang nagtatamasa ng
kasaganaang hindi nila pinagpawisan at ang mga dukha ay sakmal ng gutom at pagsasalat. Ang
hindi sumusunod sa utos ng hari ay ipinalalamon sa apoy.

Ipinagtapat ni Magat Mandapat kay Dayang Sumilang ang mga kaapihan ng mga magbubukid at
ang panggigipit sa kanila ng mga nagmamay-ari ng lupa. Sinabi ni Magat sa Prinsesa, Ditoy
ang taong masipag ang siyang pulubi! Ang sakim at sukaban ang pinagpapala sa kabila ng
kanilang katamaran! Sumagot ang Prinsesa, Ano ang aking gagawin? Kung akoy tututol kay
Ama, baka ako parusahan. Siyay hindi makatwiran. Nangako na lamang ang Prinsesa na pagaaralan niya ang lunas na dapat ipagkaloob sa mga magsasaka. Unti-unti kong aamukin si Ama
nang magkaroon ng pagbabago!
Nagsupling sa puso ni Magat Mandapat ang pagmamahal sa Prinsesa. Kung minsan pati ang
katotong si Tindalo ay pinagseselosan niya kung makitang kaniig ang kanyang minamahal.
Minsay nabanggit ni Mandapat sa Prinsesa na ang bayan ay tutubusin niya at itoy gagawing
isang paraisong tulad ng Taal. Ang bayang ito ay aking ililigtas sa kaalipinan, ang huling
pangungusap.
Nagkaroon ng kasunduan na pinasimunuan nina Magat at Tindalo subalit may bahagi ng
kahariang tumutol. Ang hindi sumang-ayon ay naghimagsik. Nilusob nila ang kaharian at
nagkaroon ng madugong labanan.
Sina Mandapat at Tindalo ay nagapi. Si Tindalo ay itinapon sa dagat. Si Magat ay susunugin sana
subalit mahiwang nailigtas ng Prinsesa.
Dahil sa kalupitan ng hari, siyay pinarusahan ng Diyos. Nagkaroon ng malaking baha at ang
buong kaharian ay nagunaw. Ang hariy nalunod sa taas ng tubig. May isang mahiwagang vinta
na sumagip kina Magat at Dayang Sumilang.
Matapos ang baha, mabilis na nagbalik sa Pasig ang pag-unlad nito sa ilalim ng pangungulo ni
Magat. Siya ang naging puno ng Pasig pagkat nakataling-puso niya si Sumilang.
Mula noon umiral sa kaharian ang pagkakapatiran ng puhunan at paggawa. Naisakatuparan nang
buong sigla ang Katarungang Pangmadla.
Lumigaya ang mga mamamayan. Sina Mandapat at Sumilang ay iginalang ng mga mamamayan
at silay nabuhay nang matiwasay at maligaya nang mahabang panahon.
PABULA NG KABAYO AT KALABAW
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang
kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay
sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang
kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari
bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo
na lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.
Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

You might also like