Kaibigan o Karibal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kaibigan o Karibal

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, iilan lamang ang totoo sa atin at handang maiwan sa ating tabi upang
dumamay sa lahat ng oras. Ang mga taong iyon ay kilala sa tawag na pamilya.
Ang isang karaniwang pamilya ay binubuo ng ama, ina, at mga anak. Dito kadalasang nagkakaroon ng
problema ang karamihan. Maaaring walang ina o ama, o di naman kayay may problema sa magkakapatid.
Sa isang mataas na paaralan sa Metro Manila, may nakilala akong isang lalaki na nagngangalang
Jerome. Sa unang tingin, isa lamang siyang ordinaryong estudyante na pumapasok sa paaralan araw-araw.
Ngunit nang magsimula kaming magkuwentuhan, napag-alaman kong sa likod ng kanyang masayahing
mukha ay mayroon palang isang anak na puno ng hinanakit at sama ng loob.
Si Jerome ay labing-apat na taong gulang at nasa ika-siyam na baitang. Ang kanyang ama ay isang
electrical engineer at ang kanyang ina naman ay mayroong tindahan sa tabi ng kanilang tahanan. Apat silang
magkakapatid at masasabing sapat lamang ang kinikita ng kanilang mga magulang upang matustusan ang
kanilang pangangailangan. Dahil parehong abala ang kanyang mga magulang sa paghahanapbuhay,
aminado si Jerome na mas malapit pa ang kanyang loob sa kanyang mga kaibigan kaysa sa kanila. Ayon pa
sa kanya, Minsan kasi hindi ako nakakaramdam ng pagmamahal sa kanila kaya mas gusto kong kasama
yung mga kaibigan ko. Masasabi ring sa apat na magkakapatid, si Jerome ang pinakamalayo ang loob sa
kanilang mga magulang.
Siya ay ikalawa sa magkakapatid. Ang panganay na si Jake ay labin-limang taong gulang at hindi
kagaya ni Jerome, siya ay malapit sa kanilang mga magulang. Marami na rin siyang karangalang natanggap
kasama na ang pagiging top 1 sa kanilang klase. Si Jonaville naman, ang sumunod kay Jerome, ay tahimik
ngunit maalalahaning anak na nagkamit din ng mga karangalan at ang pagiging top 1. Maging si Jirah, ang
kanilang bunso, ay top 1 din ng kanilang klase. Mapapansing maraming pagkakapareho ang mga kapatid ni
Jerome. Sila ay bahagi rin ng dyaryo ng kanilang paaralan at mahilig sa pagsasayaw. Inamin ni Jerome na
pakiramdam niya, siya ang black sheep sa kanilang pamilya. Ako lang kasi ang may naiibang hilig sa
kanila pero okay lang, hindi naman ako nagseselos, pahayag niya.
Madalas siyang maikumpara ng mga tao sa kanyang mga kapatid dahil sa kanilang sitwasyon. At
dahil doon, mas lalo pang lumayo ang loob ni Jerome sa pamilya. Para sa kanya, ang mga kapatid ay
kasama lamang sa bahay, kalaro, kaaway, at kakompetensiya sa mga bagay-bagay. Ngunit kahit ganoon,
sinabi niya ring hindi iyon sapat na dahilan upang magalit siya sa kanila.
Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap, napag-alaman kong malapit si Jerome sa kanyang mga
magulang at mga kapatid noong bata pa siya. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang marinig niya ang
kanyang ina na nakikipag-usap sa kaibigan nito. Ayon sa kanya, tuwang-tuwang nagkukuwento ang
kanyang ina tungkol sa kanyang mga kapatid. Ipinagmamalaki nito kung gaano sila kabait at kung gaano
karaming karangalan na ang kanilang natanggap. Dahil sa pangyayaring iyon, nabawasan ang tiwala niya sa
kanyang sarili at unti-unti siyang dumistansya sa kanyang pamilya.
Sa paglipas ng panahon, tila natatanggap na ni Jerome na naiiba siya sa kanyang mga kapatid at wala
na siyang magagawa pa roon. Dagdag pa niya, Okay na sakin yun. Kuntento na ko sa kung anong meron
ako ngayon. May mga natatanging kakayahan din naman si Jerome na naiiba nga lang sa kanyang mga
kapatid. Nagkamit din siya ng mga karangalan, isa rin siya sa mga ipinanlaban ng kanilang paaralan para sa
Research o Science Investigatory Project, at tumutugtog din siya ng gitara.

Ngunit taliwas sa kanyang naunang salaysay, mababatid sa kanyang mga mata ang kalungkutan, at
pagnanais ng atensyon at pagmamahal. Ayon pa sa kanya, Miss ko na rin naman sila, 10 years na kasi nung
huli kaming nag-family bonding eh.
Matapos ang mahabang pag-uusap, lubos na nag-iba ang tingin ko sa kanya.
Ang isang ordinaryong estudyanteng aking nakita ay isa palang matatag at matiising
anak. Mababaw man sa pananaw ng iba, hindi madali para sa isang anak, lalo na sa
kanyang edad, ang maikumpara sa kung kanino man dahil malaki ang epekto nito sa
pagtingin niya sa sarili.
Malayo pa ang kanyang lalakbayin. Marami pang mga pangyayaring
magaganap sa kanyang buhay na oras lamang ang makapagsasabi. Maaari pang
mabago ang ihip ng hangin sa kung ano man ang hinihingi ng pagkakataon. At sa
paglalakbay na iyon, sanay mamulat na ang karamihan sa karaniwang suliraning ito
ng isang pamilya. Ang pamilya na dapat ay nagbibigay ng lakas ng loob at
gumagabay sa atin tungo sa tamang landas. Ang ama na susuporta sa iyong mga
desisyon, inang maghihikayat sa iyo upang huwag mawalan ng pag-asa, at mga
kapatid na hindi mang-iiwan hanggang sa huli.
Bago kami tuluyang maghiwalay ng landas, labis akong napahanga sa
kaniyang mga isinalaysay. Kayat hindi ko naiwasang tanungin ang aking sarili,
Hanggang kailan pa kaya magtitiis ang mga kagaya niya?

You might also like