Professional Documents
Culture Documents
ALAMAT
ALAMAT
ALAMAT
SALAWIKAIN
Ang Salawikain, na tinatawag ding kawikaan, ang isa sa mga katutubong
tula na lumaganap sa Pilipinas bago pa dumating ang mga mananakop na
banyagang Europeo. Taglay ng salawikain ang malalim na pagpapahiwatig, o
ang maligoy na paraan ng pagsasabi, upang ikubli ang ibig sabihin ng
nagsasalita.
Sa
pamamagitan
ng
pagtuklas
sa
kahulugan
ng
isang salawikain, mauunawaan ng isang Pilipino and kaniyang sarili,
pagkatao, at lalim ng kaniyang pang-unawa sa buhay. Karaniwan, ang isang
salawikain ay nag-ugat sa isang karanasan at sa mahabang pag-uunawa at
pagsisiyasat sa buhay ng tao. Ilan sa mga hindi malilimutang mga salawikain
ay ang mga gumagamit sa isang uri ng hayop, gulay o prutas.
Haimbawa:
Ang puri at ang dangal,
mahalaga kaysa buhay.
Paliwanag: Ang dangal at puri ay halos magkasingkahulugan at
tumutukoy sa honor sa Ingles. Kaugnay ng puri ang chastity,
virginity, at respect ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang
dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit
ng Katipunan.
SAWIKAIN
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang
gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.
Iba't ibang Sawikain
ahas----taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa
lang ahas.
anak-dalita---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit
walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin.
Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga
balitang-kutsero.
balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting
kaibigan.
Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
basa ang papel---bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal
na si Ginang Matutina.
buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang
maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa
iyo?
bukal sa loob---taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga
nangangailangan.
busilak ang puso---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan
ng medalya ng pamunuan ng Cebu.
di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.
di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si
Nena.
hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
haligi ng tahanan---ama
ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay
itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.
isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang
pangangailangan
Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang
kalagayan ng buhay.
itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay
muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
itim na tupa---masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim
na tupa.
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng
Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa
pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.
kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang
kompanya at malapit ng magsara.
kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinaguusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.
kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman
ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.
(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino
na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")
Mahangin ang ulo----mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang
ulo ng mga anak nitong lalaki.
matalas ang ulo---matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan
Valedictorian at Magnacum Laude.
mahina ang loob---duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang
hindi manganib ang buhay.
TANAGA AT HAIKU
Pag-ibig (Love)
Nakakakilig
Kung ikay umiibig
Sarap sa dibdib.
Sama ng loob,
Mahirap na magamot
Kung walang irog.
Mahaling tunay,
Kasintahan sa buhay,
Lahat ialay.
Masakit nga ba
Kung mahal ay nawala
Na parang bula?
Mahal na kita
Sa unang pagkikita
Pakakasalan ka.
Ang aking puso,
Sa iyo nakaturo,
Hanggang sa dulo.
Sagutin ako
Ng matamis mong oo,
Tiyak sisirko.
Kapag nakita
Na may kasamang iba
Nagseselos na.
Walang kapalit,
Sa puso nakaukit
Lahat ng saglit.
Kahit bumagyo,
O lindol at delubyo,
Narito ako.
Sandok
Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.
Makahiya
Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.
Hapunan
Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.
Bulaklak sa Kasal
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.
Kasuy
Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo
Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Pag-ibig
Anyong Lupa
Para sa ibang gamit, tingnan ang Pisikal na katangian.
Anyong lupa.
Sa Halamanan ng Diyos
ni Jose Corazon de Jesus
Sa ramdam ko itong ating kabuhayan,
Nilikha ng Diyos sa kay daming bagay;
Itong palad nati`y paruparong ligaw
At ang ating buhay,matinik na rosal.
Ang palad ay tila isang paru-parong
Hinahabul-habol habang hindi iyo.
Ang buhay nama`y rosas na mabangong
Kahit na may tinik ay hinahagkan mo.
Palad sa malayo ay lilipad-lipad,
Paru-parong bukid ang nakakatulad;
Kung mahuli mo na`t matangnan sa pakpak
Ay may bulo pala na nakabubulag.
At kung bulag ka na`y hindi mo malaman
Ang pabalintunang hidwang kapalaran;
Sa mundo ang lahat ay kung bago lamang,
At kung maging iyo`y pinagsasawaan.
Kung ang iyong palad naman ay mapanhik
Sa langit ng isang libong panaginip;
Kung magsawa ka na sa pupog ng halik,
Pagsisihan mo pati ng pag-ibig.
Ang lahat ng hindi natitikma`t bago
Ay nilulunggati ng lahat ng tao;
Subalit ang palad ay gaya ng tubo,
Matamis sa puno,matabang sa dulo.
O, ang kapalara`y magalaw,malikot!
Kahit na mataas,mababa kung lungkot;
Kahit na mababa`y mataas kung lugod,
Lilipad-lipad ka sa hardin ng Diyos.