Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Panitikang Pambata

Ang panitikang pambata o mga babasahin para sa mga bata ay


isang akdang pampanitikan na ang mga pangunahing
tagapagtangkilik ay mga bata, bagaman marami ring mga aklat
na nasusulat sa ganitong anyo na kinawiwilihan din naman ng
ibang mga kabataang mas nakatatanda at mga taong nasa
wastong gulang na.

Sa tradisyunal na perspektibo, ang panitikang pambata


ay sumasaklaw sa mga aklat, dula o mga nobelang
isinulat para sa mga bata

Ang pag-unlad ng mga ibang uri ng midya tulad ng


pelikula, radio, at telebisyon- ang kasikatan nito ang
mas nagpalawig sa kahulugan ng mga panitikang pambata.
Sa kasalukuyan, ang panitikang pambata ay tumatalakay
sa anumang nasusulat at nailalathalang anyo ng
panitikan upang punan ang pangangailangan ng mga bata.
Pukawin ang isipan at antigin ang mga damdamin ng mga
bata sa pamamagitan ng mga paksang nagtuturo ng mga
bagay-bagay
hinggil
sa
pananampalataya,
aralingpangwika, pakikipagsapalaran ng mga bayaning mula sa
mga kuwentong-bayan, alamat, mitolohiya.
Karaniwang nagtataglay ang mga aklat-pambata ng mga
larawan at guhit-larawan. Nang lumaon, pagkalipas ng
maraming taon, naging paksa rin ang mga araling
makatotohanan o batay sa totoong buhay, katulad ng mga
akdang pang-kasaysayan, heograpiya, buhay sa paaralan,
kabayanihan, at katatawanan.
Nasusulat ang mga panitikang pambata sa pamamaraang
tuwiran at maging sa patula.

Ayon kay Rene O. Villanueva: isang manunulat. Kilala


siya sa kanyang mga gawa para sa teatro, telebisyon, at
sa panitikang pambata.

Ang mahalagang
pinatutungkulan.

pagkakaiba

ay

nasa

katangian

ng

Kaya pambata dahil sadyang kinatha para sa mga batang


mambabasa.

Nakasandig sa konsepto ng bata


- Ang katangian ng panitikang pambata ay nakasalalay
sa kung paano mag-isip at umunawa ang bata.
Paano ba nag-isip ang bata?
- Karaniwang animistiko.
Masasabing
ang
panitikang
pambata
ay
karaniwang
animistiko (tradisyunal na pakahulugan)

Anyo/Uri
Librong Pambata
Elemento
Sino ang mambabasa

Paano mag-isip ang mga bata


Iba ang paraan ng pag-iisip at pag-unawa ng mga batang
walo o sampung taong gulang pababa kaysa sa ating mga
may edad na. Hindi gaya ng nakatatatndang mambabasa,
hindi sila objective kung mag-isip at umunawa. Ang
paraan ng pag-iisip nila hanggang sa pagsapit nila sa
age of puberty ay karaniwang animistiko.
Sukat
Ang rekomendadong haba ng isang kuwento ay 14 na
spread at kadalasang binubuo ng 10 hanggang 25 linya o
pangungusap o mas maikli.
Nakatuon ang haba ng kuwento sa bilang ng spread sa
halip na pahina sapagkat ang bawat spread o dalawang
pahina ay pinaghahatian ng teksto at larawan (isang
pahina o kalahating spread para sa teksto o isang
pahina o kabilang spreadi para sa larawan). Ang
rekomendadong bilang ng linya ay para magkaroon ng
espasyo sa parallel text (teksto ng salin sa Ingles o
teksto para sa mas nakatatandang mambabasa.
Wika
Sa katangian naman ng wikang gagamitin, simpleng wika
ang ginagamit sa pagkukuwento upang mas maunawaan ng
bata.

Ilustrasyon
Watercolour, litrato, sketches, linya, atbp.

KASAYSAYAN NG PANITIKANG PAMBATA SA IBANG BANSA


Noong unang panahon, walang pagkakaiba ang libangan ng
matatanda at bata. Ang mga kuwentong-bayan, karunungangbayan at awiting-bayan ay itinuturing na panitikang pambata
at pangkabataan. Lumipas ang maraming siglo, ang dating
kabataan ay naging matatanda na, ngunit ang halina ng mga
matatandang kuwento ay patuloy na umakit sa kanila. Ang mga
kuwentong-bayan tulad ng epiko, alamat, mitolohiya, pabula
at balada ay naitala lamang sa Kalagitnaang Panahon (Middle
Ages).
Nang lumaganap ang Kristiyanismo, nadagdag sa mga kuwentong
bayan ang mga kuwento na buhat sa Bibliya. Mapapansin na sa
panahon nang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang mga lumabas
na panitikan ay nangangaral. Sa panahong ito walang tiyak na
panitikang pambata o pangkabataan.
Sa panahong ito, ang pagtuklas ng karunungan ay ginagawa sa
loob ng monastery. Sinisipi ng mga monghe ang mga manuskrito
upang gamitin sa pagtuturo at pangaral. Ang kauna-unahang
manuskritong nasulat na pambata ay ang Boke Babees o
Maliit na Ulat kung paano ang Iaasal ng Kabataan. Ang mga
akdang pambata na nasulat noon ay naghahangad na magturo ng
relihiyon, kabutihan at asal.
Siglo 1400
Noong ika-1400 dantaon, naging adhikain ni William
Caxton ng Inglatera na malinang ang kaisipang pang-moralidad
at mga pag-uugaling wagas ng mga bata habang lumalaki ang
mga ito, kung kaya't nilimbag niya ang mga aklat na katulad
ng Ang mga Pabula ni Aesop.
Siglo 1500
Larawan ng isang hornbook na tangan ng isang batang babae.

Noong ika-1500 siglo, nalikha ang mga hornbook, o isang


payat at parihabang piraso ng kahoy na dinikitan ng
nalimbagang piraso ng papel.
Bilang
pananggalang
mula
sa
pagkasira,
nababarnisan
ang
papel
na
may
limbag
ng
nanganganinag na sustansiyang na
nanggaling mula sa mga balat ng
mga hayop katulad ng mga usa at
mga baka. Ang mga usa at baka ay
mga hayop na may sungay, kung
kaya't ang salitang hornbook ay
masasabing
nangangahulugang
"aklat na gawa mula sa mga balat
ng mga hayop na may sungay".
Karaniwang nagsisimula ang mga
aralin
ng
hornbook
sa
pagaantanda ng krus na sinundan ng
mga abakada, palabaybayan, at
mga dasaling katulad ng Ama Namin. Pangkaraniwan din na
naikakabit ng isang bata ang aklat pang-pangunahing pagaaral na ito sa kaniyang suot na sinturon, sa pamamagitan ng
isang tali.
Siglo 1600
Noong ika-1600 dantaon, humantong naman sa mga kamay ng
mga bata ang iba pang mga araling pampananampalataya ang
salin sa Ingles.
Sa Pransya si Charles Perrault ay sumulat ng walumpong
bersyon ng mga fairytales. Itoy nalathaa noong 1697 sa
pamagat na Historic on Contrss de temps passe. Ang mga
kwernto buhat sa koleksyon ni Perrault na isinalin sa Ingles
ay ang Sleeping Beauty, Little Red Riding Hood, Puss and
Boots, Cinderella na kinilala sa buong daigdig.
Siglo 1700
Sa pagdating ng ika-1700 dantaon, nagsimulang maging
pambatang mga babasahin ang ilan sa mga panitikang unang
nasulat para sa matatandang mambabasa.

.Subalit naging kaakit-akit para sa mga bata ang Robin


Crusoe (1719) ni Daniel Defoe at ang Gulliver's Travels (Mga
Paglalakbay ni Gulliver) (1726) ni Jonathan Swift.
Sa kalagitnaan ng ika-1700 siglo, lumitaw ang isang uri
ng pocket-book: ang A Little Pretty Pocket-Book (Isang
Maliit at Kaakit-akit na Aklat-Pambulsa) ni John Newberry.
Inilalako sa tarangkahan ang mga aklat-pambulsa ng mga
nagtitinda nito na kasama sa mga laruang pambata.
Isa sa pinakamahalaga at pinakatanyag na aklat na
lumabas noong 1765 ang Mother Goose's Melody (Mga Awitin ni
Inang Gansa), na naglalaman ng mga nursery rhyme o mga
tulang pambata.
Sumunod din dito ang tinatawag na battledore, isang
aklat-pambatang
yari
sa
natitiklop
na
kartulina
at
naglalaman lamang ng tatlong pahina tungkol sa alpabeto, mga
payak at madaling-maintindihang aralin, at mga larawang
nalimbag sa pamamagitan ng mga woodcut o inukitang mga tabla
ng kahoy.
Siglo 1800
Guhit-larawan

mula

sa

isang aklat pambatang Alice


Wonderland ni Louis Caroll.

in

bayani mula sa
at katapangan.
Hans Christian
maging ang mga

Naganap
noong
ika-1800
dantaon ang lubos na pagbabago at
pagpapalit
ng
mga
paksa
ng
panitikang pambata. Sapagkat sa
kapanahunang
ito
umusbong
at
lumago ang pagiging malikhain at
pagiging
bukod-tangi
ng
mga
manunulat sa larangang ng mga
aklat na pambata. Ginamit ng mga
may-akdang taga-Estados Unidos,
Inglatera, Denmark, Olanda, at
Alemanya ang mga paksa tungkol sa
pag-ibig
na
may
mga
tauhang
tunay na buhay, at nagpapakita ng kabayanihan
Kabilang dito ang mga librong isinulat ni
Andersen na batay sa mga kuwentong bayan,
kathang-pampanitikan nina:

Washington Irving (The Legend of Sleepy Hollow o Ang


Alamat ng Nakaaantok na Libis, {1820})
Lewis Caroll (Alice's Adventures in Wonderland o
Pakikipagsapalaran ni Alice sa Lupain mga Katakatakang
Bagay {1865})

Sa kasalukuyan at sa hinaharap
Noong mga unang kapanahunan ng 1920, sumibol ang mga
natatanging kagawaran para sa mga panitikang pambata sa
Amerika. Nagbukod ang mga bahay-aklatang pampubliko ng mga
silid-basahan para sa mga bata at nagkaroon ng mga
tagapamahalang-pang-aklatan na bihasa sa pakikitungo sa mga
kabataan. Nanguna sa gawaing ito ang Paaralang Pang-aklatan
ni Carnegie ng Pittsburgh at Bahay-Aklatang Panlipunan ng
New York. Noong 1919, nagsimula ang pagbibigay ng mga
paligsahan at paggawad ng mga parangal at medalya sa mga
tagapag-taguyod at manlilikha ng mga aklat na pambata.
Nagkaroon ng bahaging pambata sa loob ng gusali ng mga
tindahan ng mga libro, kasabay ng paglitaw ng mga aklat na
may mga kaaya-ayang larawan na nalikha sa pamamagitan ng mga
pamamaraang pang-sining. Lumabas din mula sa mga palimbagan
ang mga aklat na madaling-basahing para sa mga bago pa
lamang natututong bumasa, na ginagamitan lamang ng mga payak
na salita at balarila. De-kalidad ang karamihan sa mga
babasahing ito. Lumitaw din ang mga aklat pambatang kung
saan ibinabahagi ng bawat manunulat ang kaniyang pananaw at
paniniwala tungkol sa isang bagay o paksa. Naging layunin na
ng mga patnugot ang paglilimbag ng mga aklat na bunga ng
pagkamalikhain ng may-akda subalit tiyak na batay sa
katotohanan - lalo na ang mga aklat na nagbibigay ng
kaalaman - na sanhi ng pagdating ng mga kaisipang pangagham, pang-kalawakan, teknolohiya, at mga kasangkapang
elektroniko.

KASAYSAYAN NG PANITIKANG PAMBATA SA PILIPINAS


Panitikang Pambata: Sinaunang Panahon
Bago ang pagdating ng mga Kastila ay mayroon na tayong
uri ng panitikan na nagpapasalin-salin sa bibig
(kwentong bayan, awiting bayan at karunungang bayan)
Mga Kuwentong Bayan:
ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad
ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa
isang
hangal
na
babae.
Karaniwang
kaugnay
ang
kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng
isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito.

Juan Tamad- Tagalog


Abuwanas- Muslim
Mga Alamat ni Maria Makiling
Si Mariang Mapangarapin

Magand
ang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla.
Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na
siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.
Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag
na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos
pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa
pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang


dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang
mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw
niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga

manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni


Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa
tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng
gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng
araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay
ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw
na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok
araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na
ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong
araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa
kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing
manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At
isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong
niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay
nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat
ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at
saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni
Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita
si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho
ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang
itlog na kanyang sunung-sunong.

Mga Epiko:
tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan
na
nagtataglay
ng
katangiang
nakahihigit
sa
karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga
diyos
o
diyosa.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing
tauhan
sa
kanyang
paglalakbay
at
pakikidigma.
Ang

salitang

epiko

ay

galing

sa

Griyego

na epos

na

nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa


pasalaysay na kabayanihan.

Ibalon- Bikol
Bantugan- Maranaw
Tuwaang- Bagobo
Biag ni Lam-ang- Iloko
Maragtas- Bisaya
Labaw Donggon (Epikong Bisaya)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung


Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang
Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni
Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag
lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan
sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli
sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon.
Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na


nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit
ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad
niya na may kapangyarihan din.
Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa,
sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya.
Handa
akong
Saragnayan.

kalabanin

ka,

sagot

ni

Labaw

kay

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga


kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan.
Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.
Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa
kulungan ng baboy ni Saragnayan. Samantala ang kanyang mga
asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak
sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na
Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun.
Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at
nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni

Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni


Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa
pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang
katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.
Kailangan
nyo
munang
malaman
ang
sikreto
ng
kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni
Labaw sa kanyang dalawang anak.
Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy
at Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng
kapangyarihan ni Saragnayan.
Nalaman ni Batanugun kay Abyang na ang hininga ni
Saragnayan ay itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy
ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa
kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang
puso nito na siyang buhay ni Saragnayan
Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang
nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na
siyang upang ka1abanin ang dalawang anak ni Labaw. Si
Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong
laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban.
Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama.
Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan.
Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang
lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.
Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si
Labaw ay napaiyak sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na
makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip.
Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila
ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung
Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina
Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon
Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang
kapatid ni Nagmalitong Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa
dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong
Yawa Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi


ni Labaw Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa
sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay
tinupad nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig
at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang
kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at
ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.
Awiting-Bayan
Hangad ng mga awiting ito ang lumibang at mangaral.

Soliranin
Hele
Tagayan
Pangingisda
Kundiman
Kumintang

Halimbawa:
1) Matulog ka na bunso
Ang ina mo ay malayo
At hindi ko masundo;
May putik, may balaho.

2) Sanggol kong anak ng giliw


Matulog ka ng mahimbing
Marami akong gagawin
Huwag mo akong abalahin
Karunungang Bayan
Ang mga karunungang bayan ay kabilang rin sa mga
kinahihiligan ng mga kabataan.
Itoy
nagpapatalas
ng
kaisipan,
ginagamit
sa
paglilibang at paglalaro.
Halimbawa:
1) May ulo walang tiyan, may leeg walang beywang. Bote

2) Ang gawa sa pagkabata,


Dala hanggang sa tumanda.
3) Ang dungis ng ibay bago mo batiin
Ang dungis mo muna ang iyong pahirin.
Panitikang Pambata: Panahon ng Kastila (1572-1898)
1578- naglabas si Diego Povedano ng mga manuskrito
tungkol sa mga sinaunang mamamayan ng Negros.
1800- sa pagsikat ang awit at korido na para sa mga
matatanda ay nahiligan din ito ng mga bata tulad nalang
ng Ibong Adarna at Cay Calabasa at ang awit na Florante
at Laura.

Urbana at Felisa- Kung susuriin ang kwentong Urbana at


Felisa. Ito ay para sa mga kabataang katulad ni Urbana,
Felisa at Honesto. Ito ay nagbibigay patnubay sa
kabataan ayon sa pagsusulatan ng dalawang magkapatid.

Sa Aking mga Kabata ni Jose Rizal


Sinulat ni Dr. Jose Rizal ang Sa Aking mga Kababata
noong siya ay walong taong gulang lamang
Isinalin niya ang dulang Guillemo Tell(Schiller) sa
Fiipino pati na rin ang mga istorya ni Anderson.
Isinulat din niya ang Matalinong Pagong at Hangal na
matsing.
Panitikang Pambata: Panahon ng mga Amerikano
nagbukas ng mga paaralan ang mga Amerikano
nagsimulang magturo ng Ingles.
1916- ipinatupad ang Jones Law

H. Otley Beyer, Dean s. Fansier- Popular Tales

Anna H. Carter- Carter Intermediate Readers

at

Senador Camilio Oslas- pinakaunang superintendente ng


paaralang bayan.
Philippne Readers Book I VII na ginamit sa mga paaralan
noong unang taon ng pananakop ng mga Amerikano.

Tula
Florentino Collantes- Lumang Simbahan

Jose Corazon de Jesus- Pamana

Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina koy nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumit mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina koy tila baga nalulumbay
At ang sabi itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silyat aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking matay may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan nat may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
Ang ibig ko sana, Inay ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ikay Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
Wala naman, yaong sagot baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silyat aparador ay alaming

Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.


Ngunit Inang, ang sagot ko, ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig koy ikaw ina, ang ibig koy ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana koy ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ikay wala pang kapantay.
Balagtasan
Luz Mat Castro- DZRH
Dula
Sevirino Reyes- Walang Sugat
1922- lingguhang lumabas ang Liwayway na kasama ang Lola
Basyang ni Sevirino Reyes.
Conching Kulapo
Tony velasquez- Kenkoy
Panitikang Pambata: Malasariling Panahon
Panahon ni Manuel L. Quezon.
Pepe and Pillar; In and Out of the Barrio, The Flag and
Other Stories, at ang Our Great Men and Other Stories.
Juan C. Laya- Tales Our Father Told, Diwang Kayumanggi.
Panitikang Pambata: Panahon ng Hapon
sa panahong ito, maraming manunulat ang gumawa ng mga
akda sa Pilipino.
Ang Liwayway ay nakapili at isinaaaklat ang 25
Pinakamabubuting Kuwento (1943).
Nalathala rin ang mga sumusunod:
a. Ang Magsasaka at Iba pang mga Kuwento
b. Ang Batang Matulungin at Iba pang mga Kuwento
c. Kuwento ni Esopo ni Julian C. Pineda.

Panitikang Pambata: Kasalukuyang Panahon


Mga Akda
1) Ang Alamat ng mga Kuwento Andrea A. Tablan
2) O Sintang Lupa Genoveva Edrosa
3) Mga Babasahin sa Pilipino Paraluman S. Aspillera
4) Sa Hardin ng mga Tula Rufino Alejandro
Batas Rizal (1961) nakatulong ng malaki sa pagsulat ng
kuwentong pambata tungkol sa pambansang bayani.
1971- Naglathala ang National Bookstore ng mga salin sa
Filipino.
1) Ang Prinsesa at ang Gisantes
2) Ang Tatlong Munting Baboy
3) Ang mga Duwende at ang Sapatero
4) Ang Natutulog na Kagandahan
5) Si Jack at ang Puno ng Bitsuwelas
6) Ang Munting Pulang Inahing Manok
7) Si Pusang Nakabota
8) Rumpel-istilt-iskin
9) Ang Kagandahan at ang Halimaw
10)
Ang Tatlong Lalaking Kambing na ang Pangalan ay
Grap
11)
Rapunsel
1977- Ang Aklat Adarna ay gumawa ng paraan upang mapadami
ang babasahing pambata.
1979- Nio Engkantada- Domingo Landicho
1981- Naglabas pa pa ng 50 na libro ang Aklat Adarna na
pinangunahan ni Aguinaldo.
Sitwasyon ng Panitikang Pambata 2012-2012
Nakapagdulot ng malaking pagbabago sa pagsusulat ng
panitikang pambata ang pag-usbong ng bagong teknolohiya
(mobile phone, tablet, internet, e-book)

Vibal Publisingnangunguna sa paglikha ng mga


educational materials na ginagamit ang traditional
print at digital content.

2011 Picture Book Apps Vibal Digital


Yummy Fly Pie (Jomike Tejido)

Mariang Sinukuan ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit


ni Leo Cultura)
Pagpagayuk ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Pia
Constantino)
Amansinaya ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni
Jomike Tejido)
Ang MAhiwagang Kamiseta ( Salaysay ni Eugene Evasco,
guhit ni Ghani Madueno)

Carlos Palanca Memorial Awards


Short Stories for Children (1989)

Kabataan Division (ginawa upang


manunulat sa kabataan) (1998)
Tulang Pambata (2009)

manghikayat

ng

Philippine Board on Books for Young People


National Childrens Book Day

PBBY- Salanga Prize (Writers Price)

PBBY- Alcala Prize ( Illustrators Price)

Iba pang mga Organisasyon


Kuting- Kuwentista ng mga Tsikiting

INK- Ilustrador ng Kabataan.

Hanguan
https://books.google.com.ph/books?
id=f2rZHZPmcb8C&printsec=frontcover&redir_esc=y&hl=en#v=onep
age&q&f=false
http://www.slideshare.net/genbautista/kuwentong-pambata
https://xwikapedia.wordpress.com/tag/panitikang-pambata/

http://www.slideshare.net/genbautista/kuwentong-pambata
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikang_pambata
https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobelang_Pilipino
https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/388
720071274262
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_buod_ng_nobelang_Titser_ni_L
iwayway_Arceo
http://whttp://www.slideshare.net/nielrich013/littnielww.sli
deshare.net/yamish29/panitikan-sa-panahon-ng-bagong-lipunan

You might also like