Ikalawang Markahan-Unang Linggo III

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3

PANUNURING PAMPANITIKAN
IKALAWANG MARKAHAN - UNANG LINGGO
I.

PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa

Pagsusuri sa Akdang Pampanitikan


saTeoryang Imahismo
Tula
Ang Guryon
Pagbubuo ng mga Imahe mula sa
akda sa pamamagitan ng bisa ng
mga ginamit na salita
na
nakapaloob sa akda
Kritikal na pagsusuri
Pagtanggap ng mga pagsubok sa
buhay

Susuriing Genre
:
Halimbawang Akda
:
Kasanayang Pampanitikan :

Kasanayang Pampag-iisip :
Halagang Pangkatauhan :

II.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)


A. Nakapaglalahad ng mga pansariling karanasan kaugnay sa mga
karanasang nakapaloob sa akda.
B. Mga Layuning Pampagtalakay
B.1.

Pagsusuring Panglinggwistika
Nagagamit ang kapangyarihan ng salita sa paglalahad ng
panibagong kaisipan.

B.2.

Pagsusuring Pangnilalaman
Naiuugnay ang mga karanasang nakapaloob sa akda sa
mga pansarili at karanasan ng iba na maaaring
nasaksihan, naranasan at narinig.

B.3.

Pagsusuring Pampanitikan
Nasusuri aang tula batay sa teoryang imahismo.

C. Natutukoy ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng tula.


D. Nakasusulat ng kapaksa ring tula.

123

III.

PROSESO NG PAGKATUTO
UNANG ARAW
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Mungkahing Gawain : Pagpapagamit ng mga larawang nakatala
sa ibaba.
a. Kawaya

b. Kandila

c. Trumpo

d. Krus na daan

Tanong :

Ano ang ibig ipahayag o bigyang interpretasyon ng mga


inilarawang mga salita?

B. Pakikinig ng awiting Gulong ng Palad ni Rico J. Puno (nasa


teyp).
Tanong :

c.

Bigyang-kahulugan ang kabuuang nilalaman ng awit.

Pagpapabasa ng maikling talata.


Akda

Ang buhay ayon sa maraming palaisip ay patuloy na


pakikipagsapalaran sa daigdig na ito. Sa pagsilang pa
lamang natin natin ay marami
ng pagsubok ang
nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong
paghandaan. Kailangang maging matatag tayo at maging
matapang sa pagharap dito.

Pag-unawa sa binasa sa tulong ng mga tiyak na tanong.

Tungkol saan ang talata?

May kaugnayan kaya ang talata sa buhay mo? Ano iyon?

D. Pagpaparinig ng Akda.
Mungkahing Gawain :

Sabayang Pagpapabigkas ng Akda


(Pangkatan)

124

Pangkat I
Tanggapin mo anak, itong munting guryon,
Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruang pula, puti, asul,
Na may pangalan mong gitna naroroon.
Ang hiling ko lamang bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solot pauloy sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kayay magkiling.
Pangkat II
Saka, pag humihip ang hangin, ilabas
At sa papawiriy bayaang lumipad;
Datapwat ang pisiy tibayan mo, anak
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mat hindi, balang-araw; ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagiy ang pusong marangal.
Pangkat III
At kung ang guryon moy sakaling madaig,
Matangay ng iba o kayay mabatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ng guryon, marupok, malikot,
Dagitit dumagit saan man sumuot
O, paliparin mot ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupay sumubsob!

125

E. Pagbubuo sa Akda.
Mungkahing Istratehiya : Concept Map
Detalye

Pangunahing
Konsepto

Detalye

Detalye

Detalye
PAGSUSURI SA AKDA
IKALAWANG ARAW
A. Panimulang Gawain
Mungkahing Gawain : Pagtukoy ng mga salawikain / kasabihan
tungkol sa buhay.
Ang buhay ay parang gulong
Minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim.

Ang buhay ay parang


tanghalan
Lahat tayo may papel na
Ginagampanan

BUHAY
Kung ano ang taas
ng paglipad,
siyang lagapak kung
bumagsak.
Mahiwaga ang buhay ng tao

126

Ang bukas ay di natin piho

B. Pagtalakay sa Tula.
C. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglinggwistika
Pagpipiliin ang pangkat ng mga salitang maaaring bigyan pa
ng panibagong kahulugan at ipapaliwanag ayon sa
pagkakagamit nito sa tula.
Salita

Kahulugan

1. malagot

mapatid

2. madaig

matalo

3. makipagdagitan

makipaglaban

4. pakatimbangin

Ayusin o pantayin

5. nagwagi

Paliwanag

nagtagumpay

Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman


Mungkahing Istratehiya : Venn Diagram
Paghahambing ng Buhay sa Guryon
BUHAY
A

AB

GURYON
B

127

Mga Tanong :
1. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagpapalipad ng guryon?
2. Bakit dapat maging maingat sa pagpapalipad nito?
3. Paano nagkakatulad ang buhay ng tao at guryon?
Panlahat : Pagsusuring Pampanitikan
Mungkahing Istratehiya: Visualization
Pamamaraan :
1. Babasahin muli ng guro ang tula.
2. Sasaliwan ng isang angkop na musika habang ang tula ay
binabasa ng guro.
3. Papipikitin ang mga mag-aaral habang isinasagawa ang
proseso ng pagbasa.
4. Pamumulatin ang mga mag-aaral.
5. Pag-iisa-isa ng mga imaheng nakita sa tula.
6. Pagpapaliwanag sa bisa ng mga salita sa pagbuo ng mga
imahe.
7. Pagtukoy sa mga damdaming napukaw matapos basahin
ang tula.
Halimbawa :
malungkot, nag-alala, naligayahan, natakot.
d. Pagbabahaginan ng mga ideya o mga talakay sa natapos na
gawain.
e.

Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

f.

Pagbubuo ng sintesis.

128

Mungkahing Istratehiya : Value Data Bank


Pagpupuno ng mga salita sa mga ibinigay
na di kumpletong pangungusap.
1. Napatunayan kong ___________________________.
2. Naniniwala akong ____________________________.
3. Nalulungkot ako sapagkat _____________________.
4. Natutuwa ako dahil ___________________________.
IV.

EVALWASYON
PAGPAPAHALAGA SA AKDA
IKATLONG ARAW
A. Panimulang Gawain
MungkahingIstratehiya : Storyboard Approach
Pagsunud-sunod at pagbibigay ng mga
pangunahin at pantulong na kaisipan sa
akda.
1

Pamamaraan:
1. Ibibigay ang pangunahing kaisipan sa akda.
2. Isa-isahin ang pantulong na detalye.

129

3. Ipagpapatuloy ang gawain hanggang may detalye pang


maibibigay kayat maaari pang magdagdag ng kahon.
B. Pagpapahalaga sa akdang tinalakay.
C. Pangkatang Gawain.
Pangkat 1at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot
Mungkahing Istratehiya : Isang Testimonya
1. Pagbabahagi ng isang karanasan ng pagtatagumpay o
pagkabigo
2. Pagtukoy sa naging epekto sa tao.
Pangkat 3at 4 :Pagpapakita ng Paghahambing
Mungkahing Istratehiya : Beyond the Lines
Pamagat ng
Akda

Tauhan

Katugma sa
Kasaysayan

Pagpapaliwanag
ng Kaugnayan

Pangkat 5at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya


Pagsagot sa ginawang hanay ng paghahambing
Tanong :

Bakit masasabing maganda o di-maganda ang


tula?

Magagandang Katangian

Di magagandang Katangian

130

D. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang talakayan.


E. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral.
F. Pagbibigay ng guro ng faynal na feedback tungkol sa napagusapan.
g.

Pagbibigay ng Sintesis.
Mungkahing Istratehiya : Spider Map

Propesyunal

Pangkaraniwang Tao

(Ibigay ang mga


katangian)

Makabuluhang
Buhay

Pulitiko

(Ibigay ang mga


katangian)

Mag-aaral

h.

Pagkuha ng feedback sa mga mag-aaral.

i.

Pagbibigay ng guro ng feedback sa nabuong simula.

j.

Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

131

PAGPAPALAWAK NG KARANASAN
PAGLIKHA
IKAAPAT NA ARAW
A. Panimulang Gawain
Mungkahing Gawain : Pagpapabigkas nang may damdamin at
pagpapaliwanag sa isang palasak na
pahayag:
1. Kaya ikaw John, Magsumikap ka
nang di ka matulad sa ibang di umaasenso.
B.

Pagpapabasang muli ng tula Pilipino ang mga


salita upang makabuo ng isang maikling talata.
Halimbawa :
buhay, makipaglaban, pusong marangal, nagwawagi.

C. Pagpapakuha ng mga ideya / kaisipan mula sa talatang binuo


at isusulat sa pisara .
D. Pagpapasulat ng maikling tula sa tulong ng mga nakasulat sa
pisara.
1. 4 na saknong
2. 4 na talutod bawat saknong
3. may sukat at tugma
E.

Pagpapabasa ng ilang napasimulan

PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT
IKALIMANG ARAW
A. Panimulang Gawain
Mungkahing Gawain : Pagpapadrowing
Paksa : Simbolo ng Tagumpay

132

Halimbawa :
toga, medalya, dahon ng laurel
B. Pagbibigay ng reaksyon ng mga mag-aaral kung may
kaugnayan ang mga larawan sa isinulat.
C. Pagpaparinig ng naka-tape na tula. Habang nakikinig, ipabasa
nang tahimik ang isinulat na tula.
D. Pagbibigay ng reaksyon tungkol sa kaugnayan ng isinulat na
akdang tinalakay.
E. Pagpapakitang-suri sa isinulat (pipili ng kapareha) batay sa
mga pamantayang inilahad.
F. Pagbibigay ng feedback (ilang pareha).
G. Pagkuha ng feedcbak sa mga nakinig.
H.

Pagbibigay ng guro ng pansariling feedback


batay sa gawain.

133

You might also like