Professional Documents
Culture Documents
Pamumuhay NG Mga Pilipino Noong Panahon NG Espanyol
Pamumuhay NG Mga Pilipino Noong Panahon NG Espanyol
PANAHON NG ESPANYOL
PANGKABUHAYAN PAMUMUHAY SA ILALIM NG MGA
ESPANYOL
Pinagtuunan din ng pansin ng mga Espanyol ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng
mga Pilipino. Ngunit nagging mabagal ang pag-unlad n gating kabuhayan dahil itinuon ng mga Espanyol
ang kanilang pansin sa pagpapalaganap ng relihiyon at ikalawa kulang sa kaalamang pangkabuhayan
ang mga Espanyol.
Gayunpaman nagkaroon ng mga pagbabago sa ating kabuhayan sa ilalim ng mga
Espanyol. Ipinakilala ang mga bagong halaman at hayop na galling Mexico. Halimbawa ng mga halaman
ng kakaw,kape,mais,maguey,mani,chico at papaya. Sa mga hayop naman ay ang
kambing,kabayo,baka,pato,tupa at gansa.
Nagpakilala rin ang mga Espanyol ng mga bagong industriya sa Pilipinas.Tinuruan nila
ang mga Pilipino ng mga bagong paraan ng pagsasaka,paggawa ng sabon at kandila,paggawa ng bahay
na bato at pagmimina.
KALAKALANG GALYON
Ang Kalakalang Galyon ay nagsimula noong ika-16 na dantaon.Ito ay kalakalang
namagitan sa Maynila,Pilipinas at Acapulco,Mexico.Ang mga produktong galling sa Pilipinas tulad ng
sutla at mga porselana,mga mahalagang bato at marami pang iba ay inilagay sa galyon.Ang mga ito ay
dinala sa Mexico at kapag ipinagbili na ang mga produkto,sa pagbabalik ng galyon ito ay naglalaman ng
mga pilak bilang kabayaran sa mga produktong finala roon.
Tumagal hanggang ika-19 na dantaon ang kalakalang galyon. Ito ay nagdulot ng
mabubuti at masasamang epekto sa Pilipinas. Isa sa masamang epekto nito ay napabayaan ng mga
kastila na pagtuunan ng pansin ang pagsasaka at pagpapaunlad ng mga industriya. Napabayaan na rin
ang mga lalawigan dahil karamihan sa mga opisyal ay nagtungo na sa Maynila na nagging sentro ng
kalakalan.
MONOPOLYO NG TABAKO
Itinatag naman noong 1782 ang Monopolyo ng Tabako sa pangunguna ni Gobernador
Heneral Jose Basco.Upang mapalaki ang kita ng pamahalaan,pinangasiwaan nito ang pagtatanim ng
tabako sa Cagayan at mga lalawigan ng Ilocos,Nueva Ecija at Marinduque.Ang bawat pamilya ay
binigyan ng takdang dami ng ani ng tabako na kailangan nilang itanim at ipagbili sa pamahalaan.
Pinagmulta rin ang mga pamilya kapag nasasalanta ang kanilang mga pananim. Tumagal ang manopolyo
ng isandaang taon at kinakitaan ito ng paglaki ng kita ng pamahalaan.Nakilala rin ang Pilipinas bilang
pinakamalaking tagagawa ng tabako sa buong mundo.
Ngunit nagging dahilan ito ng pang-aabuso ng kapangyarihan ng ilang opisyal ng
pamahalaan.Kadalasan ay hindi na nababayaran ang mga Pilipino kaya lalong bumagsak ang kanilang
kabuhayan.Nakarating ang kaalamang ito sa Espanya kaya napilitan ang hari ngEspanya na itigil ang
manopolyo ng tabako.
SISTEMANG BANDALA
Ang Bandala ay ang taunang pagtatakda ng dami ng produkto na dapat na ipagbili ng
mga katutubo ng isang lalawigan sa pamahalaan. Gayon din naman ang itinakdang dami ay hahatiin sa
mga bayan at lalawigan. Dahil sa kakulangan pondo,ang mga katutubong nagbibili ng kanilang produkto
ay bibigyan ng papel na pangako o promissory note ng pamahalaan na kadalasan ang mga ito ay hindi
natutupad sa kawalan ng pondo.
TRIBUTO O BUWIS
Ang mga mamamayan ay kailangan magbigay ng buwis.Sa simula walong reales o
isang pisoang hihingin ng bawat pamilya at kalahating real naman sa mga walang asawa ngunit nasa
hustong edad. Itinaas ito ng sampung reales noon.Pinalitan ang tribute ng cedula noong1885 at
pinagbayad ang mga may edad na 18 pataas.Ang mga taong maaaring di magbayad ng tributo ay ang
mga Kastilang ditto nakatira sa Pilipinas,mga prayle,mga inulila ng mga opisyales na Kastila,mga cabeza
de barangay,principalia,mga tapat na katutubong sundalo at mga matatandang may edad na animnapu
60.
Ang mga nakukolektang pera ay ginagamit sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng
pagtatayo ng simbahan,gusali at iba pa.Maaaring mabayaran ang tributo sa pamamagitan salapi o
produkto.Ngunit kung maraming ani binababaan ng presyo at pinipilit ang mga tao na magbayad ng
salapi.Dahil sa di makatarungang paniningil ng buwis,nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga Kastila.
OBRAS PIAS
Ang Obras Pias ay isang institusyong itinago sa ilalim ng mga prayle.Ang mga ito ang
kabilang sa mga pinakamalaking imbestor sa kalakalang galyon at ang mga tubo ritoy siyang ginagamit
sa mga gawaing pangkawanggawa,gaya ng pagpapanatili ng mga bahay-ampunan at ospital.
Maituturing na kauna-unahang mga bangko at kompanya sa seguro ang Obras Pias.
Ipinautang ng mga prayle ang mga salapi at kumita ng malaking interes.Dumating ang
panahon at naubos ang pondo.Di nakabayad ng pagkakautang ang mga negosyante dahil sa pagkalugi
sa mga lumulubog at nawawalang galyon.
kasaganaan sa pagkain,