Professional Documents
Culture Documents
Karunungang Bayan
Karunungang Bayan
Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay mga karunungang-bayan na binubuo ng mga
sumusunod:
Salawikain - Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda,
nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa
batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
1. Gaano man ang tibay, ng piling abaka; ay wala ring lakas,
kapag nag iisa.Sa buhay ng isang tao, hindi tayo mabubuhay ng tayo lang mag-isa.
Kakailanganin din natin angtulong ng iba kahit gaanotayo kahusay o kagaling
2. Huwag magpakadalas sa pagpanhik sa kapitbahay, at baka ka kasuyaan at tuloy
kayamutan.
Naniniwala ako na kapag sobra na ang isang bagay ay masama na. Ang lubusang pag-asa
natinng ating buhay sa atingkapwa ay hindi na maganda. Bukod sa natututo tayong maging
tamad,ay nagiging perwisyo pa tayo sa kapwa.
3. Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan.
Mas bigyan nating halaga at pansin kung ano ang nasa kalooban ng isang tao kaysa sa
mgabagay na nakikita ng atingmga mata lamang
Kawikaan - Katulad ng salawikain at sawikain, may ibang kahulugan ito bukod sa literal.
Ang pagkakaiba nga lang ang mga ito ay tumutukoy sa kagandahang asal o mga
pagpapahalagang banal.
HALIMBAWA NG KAWIKAAN
1. Anglumalakad ng matulin, kapag natinik malalim.
2 Kapag may tiyaga, may nilaga.
3. Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit.
4. May tainga ang lupa, me pakpak ang balita.
5. Kapag may isinuksok may madudukot.
6. Daig ng maagap ang masipag.
7. Kung ano ang puno ay siyang bunga.
HALIMBAWA NG PALAISIPAN
1.Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
5. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
6. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
7. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
HALIMBAWA NG BUGTONG
HALIMBAWA NG KASABIHAN
1. Putak, putak,
batang duwag!
matapang kat
nasa pugad
2. Tiririt ng maya,
tiririt ng ibon
Ibig magasaway
walang ipalalamon
3. Bata, bata
Pantay- Lupa
Asawa ay palaka
Bulong - ito ay isang matandang katawagan sa orasyon noong sinaunang tao sa kapuluan
ng Pilipinas, anyong padasal.
HALIMBAWA NG BULONG
1. Dagang maliit, dagang maliit,
Ayto ang ngipin kong sira nat pangit,
Sana ay bigyan mo ng kapalit.
2. Huwag magagalit kaibigan,
Aming pinuputol lamang ang sa amiy napag-utusan
KARUNUNGANG
BAYAN