Professional Documents
Culture Documents
Labor Day Sa Pilipinas
Labor Day Sa Pilipinas
Kasaysayan
Ang Araw ng Mangggagawa sa Pilipinas ay unang
ipinagdiwang noong 1903 noong mga panahong ang bansa
ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng Amerika. Sa
taong ito (Mayo 1) ay sama-samang nagmartsa papunta sa
Malacanang ang mahigit sa isangdaang libong manggagawa
na itinatag ng Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF)
upang humingi nang mas maayos na kundisyon sa kanilang
estado bilang manggagawa. Noon naalarma ang gobyerno
ng Amerikano. Nilusob ng Philippine Constabulary na
kinabibilangan ng mga Amerikano at mga Pilipino ang
printing press ng UODF at inaresto ang pangulo nito, si
Dominador Gomez sa salang ilegal na pagtitipun-tipon, pagaaklas at paglaban sa pamahalaan.
Makalipas ang sampung taon, sa petsang Mayo 1, 1913,
nabuo ang Congreso Obrero de Filipinas na pinangunahan ni
Hermenegildo Cruz. Dito ipinaglaban ng mga manggagawa
ang walong oras na pagtatrabaho kada araw, hindi pagpayag
na magtrabaho ang mga batang manggagawa, pamantayan
para sa paggawa ng mga kababaihan at pananagutan ng
mga kapitalista. Dito nagsimula ang selebrasyon ng Araw ng
Manggagawa hindi lamang sa pamamagitan ng mga parada
kundi ng mga rali at pagsasatinig ng mga kaapihan ng
manggagawa.