Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pagsunod sa magulang ay isang katangian ng isang mabuting anak.

Lagi nating
isipin na walang magulang ang maghahangad ng kasamaan sa anak kundi lahat ay
kabutihan. Gusto ng magulang ang laging mapabuti ang anak. Madalas ang anak ay
nagrerebelde dahil hindi nila maintindihan ang mga ginagawa ng magulang ay para
sa kanila at sa kanilang magandang kinabukasan. Mapagmahal. Ang anak na
mapagmahal ay nakakapagbigay ng kaligayahan sa kanyang magulang. Matulungin
at Masipag. Malaking kaginhawaan ang naidudulot ng isang matulungin at masipag
na anak. Madalas ang mga ina ang kumikilos sa bahay ngunit pag tumutulong ang
anak sa gawaing-bahay, malaking tulong ito sa kanyang ina.Hindi nya iiwan ang
kanyang nanay.Ang isang mabuting anak ay aalagaan nya ang kanya ina katulad ng
ginawa sa kanya ng kanyang ina noong sya ay bata pa. Karamihan sa mga

mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasamasama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga
gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang
anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa
ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang
pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano
nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino. Inaalagaan at minamahal
ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito.
Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang
magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y
nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang
pagtingin sa matatanda.

You might also like