Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Week:8
IV-Arayat 7:50-8:20

Layunin:
Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:
Integrasyon:
Pamamaraan:

Petsa:Hulyo 20,2015/Lunes

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pagiisip ng tamang pamamaraan/pamantayan sa


pagtuklas sa katotohanan
Mapagtimpi (Self-Control)
kuwaderno
Filipino Sining ng Pakikipagtalastasan

1. Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa pagbasa.


2. Ipabasa ang kuwentong pinamagatang Sally, Batang Mapagtimpi.
3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Hikayatin ang
mga mag-aaral na magbigay ng ibat ibang sagot. Magkaroon ng talakayan sa sagot ng mga
mag-aaral.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Week:8
IV-Arayat 7:50-8:20
Layunin:
Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:
Integrasyon:
Pamamaraan:

Petsa:Hulyo 21,2015/Martes

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pagiisip ng tamang pamamaraan/pamantayan sa


pagtuklas sa katotohanan
Mapagtimpi (Self-Control)
kuwaderno
Filipino Sining ng Pakikipagtalastasan

Isagawa Natin
1. Ipagawa sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Gawain 1. Ipaalala sa kanila na kailangan
nilang ipakita ang kanilang tunay na saloobin sa bawat sitwasyon.
2. Ipoproseso ang mga sagot sa paraang talakayan.
3. Sa pangalawang gawain, ilagay sa loob ng kahon ang kasabihang
Ang batang marunong magtimpi ay palaging masaya at palangiti.
4. Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa pakikinig bago sila pumili ng isang mag-aaral
na lalaki at babae na tatalakay sa kasabihan.
5.Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay bubunot ng kanilang gawain na tulad
ng sumusunod:
Unang Pangkat
Gagawa ng isang mosaic-slogan
ang mga mag-aaral tungkol sa
nasabing kasabihan.
Pangalawang Pangkat
Gagawa ang mga mag-aaral ng
isang maikling debate tungkol
sa pagiging mapagtimpi
Pangatlong Pangat
Magpapakita ng munting iskit
ang mga mag-aaral tungkol sa
batang marunong magtimpi.
6. Hayaang magbigay ng kanilang opinyon ang mga mag-aaral tungkol sa ginawa ng bawat
pangkat upang malaman kung tumimo sa kanila ang pagpapahalagang tinatalakay.
7. Sabihin sa mga mag-aaral na maging makatotohanan at mapanuri sa kanilang saloobin.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Week: 8
IV-Arayat 7:50-8:20

Layunin:
Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:
Integrasyon:
Pamamaraan:

Petsa:Hulyo 22,2015/Miyerkules

Nakapagsasagawa nang may mapanuring pagiisip ng tamang pamamaraan/pamantayan sa


pagtuklas sa katotohanan
Mapagtimpi (Self-Control)
kuwaderno
Filipino Sining ng Pakikipagtalastasan

Sa mga nakaraang gawaing ipinagawa, ang mga mag-aaral ay handa nang isapuso ang
ugaling mapagtimpi.
1. Sundin ang panuto at ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga sitwasyon sa
Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.
2. Ipapaliwanag sa mga mag-aaral kung bakit ang sagot nila ay palaging ginagawa, minsan lang
ginagawa, o hindi ginagawa.
3. Ipakompleto sa mga mag-aaral ang mga salitang makikita sa kahon na nasa Kagamitan ng
Mag-aaral.
4. Talakayin sa buong klase ang mga sagot ng mga mag-aaral nang may mapanuring pagsusuri.
Tandaan Natin
Mahalaga ang bahaging ito dahil sa mensaheng isinisiwalat. Bigyang-diin ang bawat
pangungusap na nagsasaad ng pagiging mapagtimpi dahil ito ang magiging gabay ng mga magaaral sa pakikitungo sa kapuwa-tao.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Week:8
IV-Arayat 7:50-8:20

Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:
Integrasyon:
Pamamaraan:

Petsa:Hulyo 23,2015/Huwebes

Nakapagsasagawa
nang
may
mapanuring pag-iisip ng tamang
pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas
sa katotohanan
Mapagtimpi (Self-Control)
kuwaderno
Filipino Sining ng Pakikipagtalastasan

Isabuhay Natin
1. Sabihin sa mga mag-aaral, Bilang mag-aaral, paano mo maipalalabas ang pagiging
mapagtimpi sa bawat miyembro ng iyong pamilya? Ipatala ang kanilang sagot sa kanilang
kuwaderno.
2. Iproseso ang sagot ng mag-aaral sa paraan ng pag-uusap sa harap ng klase.
3. Matapos ito, ipabigkas sa mag-aaral,
Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Para sa kanila ay kakayanin kong magtimpi sa abot
ng aking makakaya.
4. Ipaliliwanag ng mag-aaral sa harap ng klase ang kaniyang sagot upang mabigyang
pagpapahalaga ang ugaling pagtitimpi.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Week:8
IV-Arayat 7:50-8:20
Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:
Integrasyon:
Pamamaraan:

Petsa:Hulyo 24,2015/Biyernes

Nakapagsasagawa
nang
may
mapanuring pag-iisip ng tamang
pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas
sa katotohanan
Mapagtimpi (Self-Control)
kuwaderno
Filipino Sining ng Pakikipagtalastasan

1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Natin upang tumatak sa kanilang isipan ang araling
tinalakay.
2. Basahin ang panuto upang maging handa ang mag-aaral.
3. Maaaring magtanong muli sa mag-aaral kung ano ang kanilang naramdaman sa pagsagot o
habang binabasa ang mga tanong.
4. Maaaring pumili ang guro ng pinakamagandang sagot at tatalakayin bago mag-umpisa sa
susunod na aralin.
Batiin ang mag-aaral sa kanilang ipinamalas na kaalaman tungkol sa pagiging mapagtimpi at
handa na silang magpatuloy sa susunod na aralin.

You might also like