Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Metamorphosis ng Facebook

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kagawarang Filipino


bilang Bahaging Katuparan sa Pangangailangan
ng Asignaturang Filipino 2

nina:
Alingay, Jelsea Rae F.
Barral, Leni Kate T.
Estillore, Hazel Diane L.
Tandoc, Jelean M.
Vinluan, Sheryl Ann E.

Marso 3, 2014

Facebook

Abstrak
Ang mga online social networks tulad ng Twitter, Instagram, at Facebook
ay nakaranas ng napakalaking paglago sa paglipas ng maraming taon.
Marami ang gumagamit sa mga ito, ngunit hindi na ganoon karami ang
nakakaalam sa mga naging kadahilanan ng pagsikat nila. Ang pag-aaral na ito
ay nagpokus sa metamorphosis o sa pagbabago na pinagdaanan ng sikat na
social networking site na Facebook. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para
matanto ang lawak ng kaalaman ng mga estuudyante tungkol sa mga teoryang
nakatulong sa pag-usbong ng Facebook, at para malaman kung paano
naganap ang sinasabing metamorphosis nito base sa paggamit ng mga magaaral ng School of Engineering and Architecture sa Unibersidad ng San Luis.
Mapaglarawang pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral
na ito. Ang instrumentong pansarbey ay isiniwalat sa 100 respondante sa
School of Engineering and Architecture. Ang datos na nakuha ay statistikal na
itinrato gamit ang average weighted mean. Naipakita sa mga resulta ng pagaaral na ito na madalas gamitin ng mga mag-aaral ang Facebook, at mayroon
din naman silang kaalaman sa mga teoryang may kinalaman sa pag-usbong
nito.

Ang mga social networking sites (SNSs) ay mga lugar sa Internet kung
saan maaaring magsama-sama ang mga taong may magkakatulad na interes
upang makipag-usap, magbahagi ng ibat ibang litrato, at magtalakay ng mga
kuru-kuro sa isat isa (Boyd & Ellison, 2008; Raacke & Bonds-Raake, 2008 sa
pagbanggit nina Wang, et al., 2012). Ayon kina Acquisti at Gross (2006), ang
SNSs ay nilikha rin upang ang mga gumagamit ay makakapagpasimula ng
pagkakaibigan sa mga estranghero. Ang mga sumasali sa mga SNS na ito ay
kinakailangang gumawa ng sarili nilang profile sa pamamagitan ng pagpupuno
ng form na nakalaan. Dito ay magbibigay sila ng mga batayang impormasyon
Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

tungkol sa kanilang sarili tulad ng pangalan, edad, kasarian, atbp. Ang ilang
mga social networking sites ay nangangailanagan din ng e-mail address upang
makasali ang nais gumamit nito.
Sa panahon ngayon, isa sa mga pinakakilalang SNSs ang tinatawag na
Facebook, na may humigit kumulang 800 million users noong taong 2011
(Facebook, 2011). Ang social networking site na ito ay ginawa noong taong
2004 ng mga estudyante ng Harvard sa pangununa si Mark Zuckerberg, ang
kinikilalang CEO ng Facebook. Hindi maikakaila na sa mga nakaraang taon ay
nagdaan ang Facebook sa napakaraming pagbabago. Mula sa pagiging limitado
lamang sa mga estudyante ng Harvard, ito rin ay naging bukas sa lahat ng tao
na edad labing-tatlo pataas na may balidong e-mail address.
Sa pananaliksik nina Prakasha at Bareh (2013), nalaman nilang
karamihan sa mga kabataan ngayon ay may Facebook account, at ang
paggamit dito ay mayroong epekto sa kanilang pag-aaral. Ayon sa kanila ay
mayroong kakayahan ang Facebook na makasira ng kapayapahan ng pag-iisip
kaya naaapektuhan ang pag-aaral ng kabataan sa dahilang maraming links
na konektado sa SNS na ito. Ang ibang links na ito ay maaaring tumutungo sa
mga adbertismo, balita, kalusugan, karahasan, o pornograpiya. Ang Facebook
din ay may nagkakaroon ng epekto sa kanilang emosyon at pag-uugali, mabuti
man o hindi (Moreno, et al., 2011). Ngunit kahit marami nang pananaliksik
Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

ang isinagawa tungkol sa ibat ibang epekto at impluwensiya ng Facebook,


kakaunti lamang ang isinagawa tungkol sa mga pagbabagong pinagdaanan ng
nasabing SNS sa interface nito at maging sa mga taong gumagamit dito. May
mga teorya ding maiuugnay sa pag-usbong ng social networking site na ito,
ngunit may alam ba rito ang mga gumagamit ng Facebook?
Ang mga layunin ng pananaliksik na ito ay (1) para malaman kung alam
nga ba ng mga gumagamit ang mga teoryang nakatulong sa pag-usbong ng
Facebook, at (2) para malaman ang metamorphosis nito base sa paggamit ng
mga mag-aaral ng School of Engineering and Architecture sa Unibersidad ng
San Luis.
Theory of Self-Presentation
Sa artikulo nina Karl at Peluchette (2011), ibinanggit nila ang teorya ng
self-presentation ni Goffman (1959), kung saan ang mga tao ay nagiging aktor
na nagtatanghal ng araw-araw na pagganap sa pagtatangkang pamahalaan
ang pagkakilala sa kanila ng mga tagapanood o tagapakinig.
Ang Facebook ay isang social networking site kung saan may kalayaang
magpahayag ng sariling damdamin ang mga gumagamit. Kapag iuugnay natin
ito sa Theory of Self-Presentation, ang Facebook ang magiging entablado at ang
mga kaibigan ng gumagamit nito ay ang mga tagapanood.

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

Social Network Theory


Ang social network theory, ayon kay Van Dijk (2003), ay ang pag-aaral sa
kung paano naaapektuhan ng panlipunang istruktura ng mga relasyon sa
paligid ng indibidwal, grupo, o organisasyon ang ugali o paniniwala ng tao. Ang
panlipunang istrukturang ito ang nagiging basehan ng mga tao kung paano
nila patitibayin ang kanilang relasyon sa ibang tao. Dahil sa paglabas ng mga
social networking sites, nag-iba na rin ang paraan ng mga tao sa
pakikipagkomunika.
Ginamit ang deskriptibong metodo ng pananaliksik sa pag-aaral na ito.
Ang mapaglarawang pamamaraan o ang deskriptibong metodo, ayon kay
Shuttleworth (2008), ay isang sayantipikong metodo kung saan isinasaad ang
pag-obserba at paglarawan sa katangian ng paksa sa paraang hindi ito
naiimpluwensiyahan. Ang metodo rin na ito ay naglalarawan kung ano ang
naroroon at nakatutulong din ito sa pagtutuklas ng mga panibagong bagay at
kahulugan.
Ang layunin ng pamamaraang ito ng pananaliksik ay mag-obserba,
maglarawan, at magtala ng aspeto ng isang sitwasyon habang itoy natural na
nangyayari (Polit & Hungler, 1999). Kasama na rito ang koleksyon ng mga
datos na magbibigay ng deskripsyon ng mga indibidwal, grupo, o sitwasyon.

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

Sa pananaliksik na ito ay tiningnan at inilarawan ang paggamit ng mga


mag-aaral ng SEA sa social networking site na Facebook. Kumonsulta rin kami
ng iba ibang artikulo upang malaman ang mga teoryang isasama sa aming
talatanungan.
Sa pagkuha ng impormasyon mula sa mga mag-aaral, kami ay gumamit
ng talatanungan at kami rin ay nakipanayam sa ibang estudyante tungkol sa
kanilang mga naisagot sa talatanungang ibinigay. Ang talatanungang ito ay
naglalaman ng mga teoryang nasaliksik tungkol sa metamorphosis ng
Facebook, at kasama rin dito ang mga tanong tungkol sa paggamit ng
Facebook.
Ang mga datos na nakalap ay istatistikal na tatratuhin. Ang weighted
arithmetic mean ay ang ginamit upang malaman ang kaalaman ng estudyante
tungkol sa mga teorya at para malaman din ang pinakakaraniwang sagot sa
mga tanong na nakalagay sa talatanungang naibigay.
Ang pormulang ginamit ay ang sumusunod:

x =

n
N

Kung saan:

= average weighted mean

n = dalas * marka ng aytem sa Likert Scale

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

N = bilang ng mga respondante


= total ng iskor
Sa pagbibigay-kahulugan ng mga sagot mula sa mga respondante,
ginamit ang mga sumusunod:
x

RANGGO
1

1.00 1.74

1.75 2.49

2.50 3.24

3.25 4.00

RANGGO

1.00 1.79

1.80 2.59

2.60 3.39

3.40 4.19

5
4.20 5.00
Ang mga sumusunod na impormasyon at datos ay ang mga naging
resulta ng aming pakikipanayam at pagbibigay ng talatanungan sa mga
nasabing mag-aaral ng School of Engineering and Architecture.
Talahanayan 1. Mga Batayang Teorya sa Pag-Usbong ng Facebook
Batayang Teorya

Self Presentation

3.04

Diskripsyon

Rangg

Alam

o
1

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

Social Network Theory

2.89

Alam

Sa unang talahanayan ay ipinapakita ang dalawang teoryang aming


nasaliksik na may kinalaman sa pag-usbong ng social networking site na
Facebook. Makikita rito na parehas na alam ng mga estudyante ang mga
nabanggit na teorya ngunit mapapansin namang mas maraming kumikilala sa
teorya ukol sa Self Presentation. Nang kami ay nakipanayam sa ilang
respondante, isinagot nilang mas alam nila ang unang teorya dahil ito ay
nararanasan nila mismo kapag gumagamit ng Facebook. Sila ay naniniwalang
ang kanilang mga kaibigan ay laging tumitingin at nakakakita ng kanilang mga
updates kaya namay minsan nagkakaroon sila ng kaugaliang itago ang iba
nilang pag-uugali at emosyon upang maging maganda ang impresyon ng mga
nakakakita ng kanilang posts sa kanila.
Sumasang-ayon ito sa pananaliksik ni Goffman (1959) na nagsasabi na
para sa karamihan, kapag silay nakikisama sa ibang tao habang nasa publiko
o propesyonal na tagpo, ay nagagawa nilang magtago ng mga pag-uugali nila
na makakaiwan ng hindi magandang impresyon sa kanilang kinakausap.
Talahanayan 2. Metamorphosis ng Facebook (Pagsikat ang Email)
E-mail

Diskripyon

Ranggo

Yahoo

2.73

Madalas

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

Gmail

2.31

Di-gaano

Rocketmail

1.90

Di-ginagamit

Hotmail
Iba pa

1.88
2.33

Di-ginagamit
Di-gaano

5
2

Makikita sa talahanayan 2 ang listahan ng ilan sa mga e-mails na


maaaring nagamit o ginagamit ng mga estudyante bago pa man dumating ang
social networking site na Facebook. Base sa mga resulta, ang Yahoo ay ang una
at madalas na ginamit ng mga respondante noong sumikat ang paggamit ng email addresses, habang ang Hotmail naman ang may pinakakaunting users at
may diskripsiyon na Di Ginagamit. Nang aming itanong kung bakit Yahoo ang
kanilang madalas gamitin, ang kanilang sagot naman ay dahil para sa kanila,
ito ay mas sikat kaya namay mas alam nila ito kaysa sa iba pang e-mail
providers na mayroon. Maaaring iugnay ito sa tinatawag na bandwagon effect
na sinusuportahan pananaliksik nina Fu, Teo, at Seng (2012) tungkol sa
bandwagon effect ukol sa paggamit ng social networking sites at sa Theory of
Collective Behavior ni Smelser (1962). Ang bandwagon effect ay naipapakita
tuwing may kahit anong bagay na tinatangkilik ng marami dahil sa sikat ito, at
tinatangkilik pa rin dahil hindi napapansin o pinapansin ang maaaring
negatibong katangian nito.
Talahanayan 3. Metamorphopsis ng Facebook (Pinakaginagamit na Social
Networking Site o SNS)

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

SNS

Diskripsyon

Ranggo

Friendster
MySpace
Email

3.63
2.51
2.84

Una (5)
Pangalawa (2)
Pangalawa (2)

3
5
4

Blogger
Facebook

2.20
3.97

Pangatlo (3)
Una (5)

6
1

Iba pa
3.75
Una (5)
2
Ayon sa mga resultang naipapakita sa ikatlong talahanayan, ang Facebook ay
ang pinakaginagamit ng aming mga respondante at ang Blogger naman ang
nasa hulihan sa aming listahan ng mga pinakaginagamit na social networking
sites. Isa sa aming mga respondante ay nagsabing hindi na niya ginagamit ang
Blogger sa dahilang matagal o luma na raw ito.
Sinabi ni Diaz (n.d) na ang Facebook ay ang pinakasikat na social
networking site at ito naman ay naipapakita sa resulta ng aming talatanungan.
Dahil dito ay maaari rin itong iugnay sa bandwagon effect na ibinanggit noong
nakaraan.
Talahanayan 4. Metamorphosis ng Facebook. (Pinagkakaabalahan sa Facebook)
Pinagkakaabalaha

Dikripsyon

Ranggo

n
Facebook

2.85

Madalas

Applicatons
Status
Comments at Likes
Updates
Chat at Videochat
Iba pa

2.99
2.97
2.84
2.62
3.56

Madalas
Madalas
Madalas
Madalas
Palagi-lagi

2
3
5
6
1

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

10

Sa huling talahanayan makikita na bukod pa sa mga ibinanggit namin,


may iba pang pinagkakaabalahan ang aming mga respondante, at ang may
pinakamababa namang mean sa aming mga resulta ay ang pagiging abala sa
chat at videochat. Ang isa sa mga nakapanayam namin tungkol dito ay nagsabi
na ang isa sa mga kauna-unahang pinagkakaabalahan niya sa Facebook ay
ang pagsubaybay nang palihim o pag-stalk sa kanyang nagugustuhan.
Mapapansin sa talahanayan na ang pinakamababang diskripsyon ay Madalas,
kaya maaari itong isang patunay sa artikulo nina Campisi, Bynog, et al. (2012)
kung saan sinabi nilang Facebook ang pinagkakaabalahan ng maraming tao
ngayon.
Base sa resulta ng aming pag-aaral, nabuo namin ang konklusyon na
may alam naman sa mga teoryang aming nabanggit ang mga gumagamit ng
social networking site na Facebook, at ang isa sa mga kadahilanan ng kanilang
paggamit sa Facebook ay dahil bukod sa ito ay nagagamit sa pakikipag-usap sa
ibang tao, ito rin ay sikat at ginagamit na ng karamihan. Ang resulta na ito ay
maiiugnay sa bandwagon effect na ibinanggit dati.
Sanggunian

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

11

Karl, K.A., & Peluchette, J.V. (2011). Friending professors, parents and
bosses: A facebook connection conundrum. Journal Of Education For
Business, 86, 214-215.
Prakasha, G.S., & Bareh, J. (2013, March). Facebook as a socialising agent and
its impact on academic achievement of an individual. Golden Research
Thought, 2 (9).
Smelser, N.J. (1962). Theory of collective behavior. New York: The Free Press.
Fu, W.W, Teo, J. & Seng, S. (2012, May). The bandwagon effect on participation
in and use of a social networking site. Peer-Reviewed Journal, 17 (5-7).
Borgatti, S.P, & Halgin, D.S. (2011). On Network Theory. Journal of
Organization Science, 22 (1157 1167).
Campisi, J. Ph.D., Bynog, P., McGehee, H., Oakland, J.C., Quirk, S., Taga, C.,
et al. (2012). Facebook, stress and incidence of upper respiratory
infection in undergraduate college students. Cyberpsychology, Behavior
and Social Networking, 15 (12).
Wang, Q., Woo, H.L., Quek, C., Yang, Y., & Liu, M. (2012). Using the facebook
group as a learning management system: An exploratory study. British
Journal of Educational Technology, 43 (3).
Moreno, M.A. M.D. M.S.E.d. M.P.H., Jelenchick, L.A. B.S., Egan, K.G., Cox, E.
M.D. Ph.D., Young, H. Ph.D., Gannon, K.E. B.S., et al. (2011). Feeling
bad on facebook: Depression disclosures by college students on a social
networking site. Depression and Anxiety, 28 (447 455).

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

12

Apendiks A
Liham
Mahal naming kapwa mag-aaral,
Magandang araw sa inyo. Kami ay mga mag-aaral ng SEA na gumagawa
ng pananaliksik tungkol sa matamorphosis ng social networking site na
Facebook. Kami ay nangangailangan ng inyong kaunting oras para tugunan
ang aming mga tanong upang sa ganooy makakalap kami ng mga datos upang
mabigyang konklusyon ang pag-aaral namin na ito. Asahan ninyo na magiging
kompidesyal ang inyong katauhan at tugon.
Gumagalang,

Alingay, Jelsea

Barral, Leni

Estillore, Hazel

Tandoc, Jelean

Vinluan, Sheryl
Binigyang pansin ni:
Gng. Marilyn Batacan (Guro)

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook

13

Apendiks B
Talatanungan
Lagyan ng tsek ang angkop na kolum.
A. MGA BATAYANG TEORYA SA PAG-USBONG NG FACEBOOK.
Aytem

4 Alam na

3 alam

2 Di-gaanong

alam

1 Di alam

alam

Self Presentation
Social Network
Theory
B. METAMORPHOSIS NG FACEBOOK.
1. Nang sumikat ang e-mail, gaano kadalas mo ito gamitin?
Aytem

4
Palagi-lagi

3
Madalas

2
Di-gaano

1 Di
ginagamit

Yahoo
Gmail
Rocketmail
Hotmail
Iba pa
2. Sa pag-usbong ng Internet, ano ang pinakauna mong ginamit na social networking
site? Iranggo ng 1 5. 1 bilang pinakamababa at 5 bilang pinakamataas.
Aytem
Friendster
MySpace
E-mail
Blogger
Facebook
Iba pa

3. Ano ang madalas mong pagkaabalahan sa Facebook at gaano kadalas mo ito


gamitin?

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

Facebook
Aytem

4 Palagilagi

14
3 Madalas

2 Di-

1 Di

gaano

ginagamit

Facebook
Apps
Status
Comments
at Likes
Updates
Chat at
Videochat
Iba pa

Jelsea Alingay, Leni Barral, Hazel Estillore, Jelean Tandoc, Sheryl Vinluan

You might also like