Ano Ang Pagkaing Dapat Iwasan NG Isang Taong May Gout?

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG gout ay isang pangkaraniwang sakit.

Ang sintomas ng gout ay ang matinding


pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, kamay at tuhod.
Sobrang sakit ang gout.
Para malaman kung gouty arthritis nga ang sakit, kailangan nating suriin ang uric acid
sa isang blood test. Kapag mataas ito, gout ang dahilan ng iyong arthritis. Iba kasi ang
gamutan ng gout sa ordinaryong arthritis lamang.
Nakukuha ang gout sa dalawang bagay: (1) Lahi Namana sa magulang, (2) Pagkain
Mahilig kumain ng mga pagkaing mataas sa uric acid.
Ano ang pagkaing dapat iwasan ng isang taong may gout?
Sa mga gulay, iwasan ang pagkain ng asparagus, cauliflower, mushroom at spinach.
Mataas ito sa uric acid. OK lang ang kanin, pero dapat bawasan ang oatmeal at whole
grain cereals.
Pagdating naman sa ulam, dito tayo nagkakatalo. Umiwas sa mga lamanloob (bituka,
atay, utak, puso at kidneys), sisig, beans, sardines, tunsoy, tamban, dilis, bagoong,
tahong at lahat ng klaseng mani. Ang gravy, patis, at lechon liver sauce ay mataas din
sa uric acid. At para sa mga alcoholic, umiwas sa pag-inom ng beer at alak kung ayaw
mong atakehin ng gout.
Ano na lang ba ang puwede kainin? Puwede naman ang lahat ng gulay puwera sa mga
nabanggit ko na. Ang gatas, keso at paminsan-minsan na karne ay pinapayagan din.
Ang coffee, tea, gelatin at lahat ng prutas ay hindi bawal sa gout.
Ano ang mga gamut sa gout?
Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdi-diyeta sa pagkain lamang.
Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo.
Nagrereseta kami ng Allopurinol 100 mg o 300 mg tablet bawat araw depende sa taas
ng iyong uric acid. Allurase at Llanol ang mga murang brand names. Mga P5 hanggang
P10 ang ba- wat tableta. Inumin ito araw araw para hindi umatake ang gout. Kailangan
po ito.
Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay kami ng Colchicine tablets, 4 na beses sa
maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid din para sa kirot.
Isang mahalagang tip lang po: Bawal ang Allopurinol tablets habang matindi ang atake
ng gout. Inumin lang ang maintenance na Allopurinol kapag humupa na ang sakit
pagkalipas ng dalawang araw.
Ganito lang po ang gamutan ng mga doktor sa gout! Simple lang, di b

GoutAno ang mga Sanhi Nito?


ANG gout ay isa sa pinakakaraniwang uri ng arthritis at maaaring napakasakit nito. Ang gout ay resulta
ng di-maayos na metabolismo ng uric acid, ang sabi ng aklat na Arthritis.At ito ay isang kondisyon na
malinaw kung ano ang sanhiang pamumuo ng uric acid sa synovial fluid ng isang kasukasuan . . . , lalo
na sa hinlalaki ng paa.
Ang uric acid ay isang uri ng dumi sa katawan na nasa dugo, at itoy resulta ng pagbe-breakdown ng mga
substansiyang tinatawag na purine. Kapag tumaas ang level ng uric acid, karaniwan na dahil hindi ito
sumasamang lahat sa ihi, itoy nagiging malakarayom na mga kristal at namumuo sa hugpungan ng daliri
ng paa, pero maaari ding magkaroon nito sa ibang kasukasuan. Ang kasukasuan ay maaaring namumula
at namamaga, mainit kapag hinawakan, at napakakirot.* Napakasakit nito kahit masaling lang, ang sabi
ni Alfred na may gout.
Kung hindi gagamutin, ang pag-atake ng gout ay karaniwan nang tatagal nang mga isang linggo, ang
sabi sa impormasyong inilathala ng Arthritis Australia. Maaaring umabot nang ilang buwan, o ilang taon
pa nga, bago ito umulit. Kung hindi mag-iingat ang may gout, ang pag-atake nito ay maaaring maging
mas madalas at mas masakit, at maaaring permanenteng mapinsala ang kasukasuan. Kung minsan, ang
gout ay maaaring maging pangmatagalan.
Ang gout ang isa sa mga uri ng arthritis na pinakamadaling gamutin. Ang karaniwang inirereseta ay antiinflammatory na mga gamot na walang steroid. Sa kaso ng madalas o masyadong matinding pag-atake,
ang inihahatol ay allopurinol, na nakatutulong para hindi magkaroon ng uric acid. Maiiwasan ba ang pagulit ng gout? Posible, kung alam ng isa ang mga salik na nagiging dahilan ng pag-ulit nito.

Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Pag-ulit


Ang edad, kasarian, at henetika ang pangunahing mga salik kung bakit posibleng magkagout ang isa. Ayon sa mga eksperto, mahigit 50 porsiyento ng may gout ang may kapamilyang nagkaroon
na ng sakit na ito. Parehong may gout ang tatay at lolo ko, ang sabi ni Alfred, na binanggit kanina. Isa
pa, ang karaniwang nagkaka-gout ay mga lalaki, lalo na ang mga nasa pagitan ng 40 at 50 anyos. Sa
katunayan, tatlo o apat na beses na mas malamang na magka-gout ang mga lalaki kaysa sa mga babae,
na bihirang magkaroon nito bago magmenopos.

Sobrang katabaan at mga pagkain: Sinabi ng Encyclopedia of Human Nutrition: Ang pagkontrol sa
gout sa tulong ng tamang pagkain ay hindi na nakapokus sa pagbabawal sa mga pagkaing may mataas
na purine kundi sa paggamot sa mga problema sa metabolismo na karaniwan nang kaugnay ng gout:
sobrang katabaan [obesity], insulin resistance syndrome, at dyslipidemia, o di-normal na dami ng mga
lipid sa dugo, gaya ng kolesterol.
Gayunman, ipinapayo rin ng ilang eksperto na limitahan ang mga pagkaing mataas sa purine, gaya ng
yeast, ilang uri ng isda, at mga pulang karne.*
Inuming de-alkohol: Ang labis na pag-inom ng inuming de-alkohol ay humahadlang sa paglabas ng uric
acid sa katawan, kaya naiipon ito.
Medikal na kondisyon: Ayon sa Mayo Clinic, sa Estados Unidos, ang gout ay maaaring umatake dahil
sa ilang medikal na kondisyon, kasama na rito ang di-ginagamot na alta presyon at nagtatagal na mga
kondisyon gaya ng diyabetis, mataas na level ng fat at kolesterol sa dugo (hyperlipidemia), at pagkipot ng
mga arteri (arteriosclerosis). Ang gout ay iniuugnay rin sa bigla o matinding pagkakasakit o
pagkapinsala, at pagkaratay sa higaan, at maging sa sakit sa bato. Ang hinlalaki ng paa ang waring
madalas puntiryahin ng gout dahil mas mahina ang sirkulasyon ng dugo rito at mas mababa ang
temperatura nitodalawang kalagayang nagiging dahilan ng pamumuo ng uric acid.
Mga gamot: Kabilang sa mga produktong nagpapalaki sa posibilidad na magka-gout ay ang mga thiazide
diuretic (mga gamot na nakatutulong sa pagpapalabas ng tubig sa katawan, na karaniwan nang
ginagamit sa paggamot sa alta presyon), aspirin na may mababang dosis, mga antirejection drug na
ibinibigay sa mga pasyente ng transplant, at mga gamot sa chemotherapy.

Limang Paraan Para Mabawasan ang Posibilidad na


Umulit
Dahil ang gout ay iniuugnay sa istilo ng pamumuhay ng isa, ang sumusunod na mga mungkahi ay
makatutulong para hindi ito muling umatake.*
1. Dahil ang gout ay problema sa metabolismo, dapat sikapin ng mga may gout na limitahan ang
konsumo nila ng kalori para mapanatili ang tamang timbang. Isa pa, nahihirapan ang mga kasukasuan
kapag masyado silang mabigat.

2. Iwasan ang biglang pagpapapayat, na maaaring pansamantalang magpataas ng level ng uric acid sa
dugo.
3. Iwasan ang labis na pagkonsumo ng protinang galing sa hayop. Ipinapayo ng ilan ang limit na 170
gramo ng karneng walang taba, kasama na rito ang manok at isda, bawat araw.
4. Kung iinom ka ng alak, katamtaman lang. Kung atakihin ka ng gout, makabubuting iwasan mo na ang
alak.
5. Uminom ng maraming tubig at iba pang inuming walang alkohol. Makatutulong ito para matunaw ang
uric acid at mailabas sa katawan.*
Ipinaaalala sa atin ng nabanggit na mga mungkahi ang payo ng Bibliya na maging katamtaman ang mga
pag-uugali at umiwas sa maraming alak. (1 Timoteo 3:2, 8, 11) Oo, alam ng ating maibiging Maylalang
kung ano ang pinakamabuti para sa atin.

[Mga talababa]
Ganito rin ang sintomas kapag may namuong calcium pyrophosphate sa kasukasuan, partikular na sa
makinis na cartilage sa dulo ng mga buto. Pero ito ay pseudogout, na ibang uri ng sakit at iba ang
paraan ng paggamot.Ayon sa isang artikulo sa Australian Doctor, ang pagkain ng mataas-sa-purine na
mga mushroom at gulay, gaya ng beans, lentehas, gisantes, spinach, at cauliflower, ay hindi pa
napatutunayan na tuwirang sanhi ng paglala ng gout.
Ang artikulong ito ay hindi nilayong maging giya sa paggamot. Posibleng iba-iba ang paraan ng paggamot
sa bawat pasyente. Isa pa, hindi dapat ihinto ang pag-inom ng iniresetang gamot o gumawa ng malaking
pagbabago sa mga kinakain nang hindi muna kumokonsulta sa doktor.
Ang impormasyong ito ay batay sa rekomendasyon ng Mayo Foundation for Medical Education and
Research.

Pinoy MD Question of the


Week: Ano ang sakit na
gout?

Published June 27, 2014 3:31pm

Tanong ng ating mga Kapuso sa Facebook page ng "Pinoy MD": Ano ang sakit
na gout at paano lulunasan ito?
Ang gout ay ang sakit na nakukuha kung nasobrahan sa uric acid ang ating
katawan na namumuo na parang kristal na unti-unting sumisingit sa mga
kasu-kasuan. Kadalasang nakukuha ang gout sa mga pagkaing mataas ang
uric acid content katulad ng monggo.
Tuwing umaga, karaniwang sumasakit ang kasu-kasuan ng ilang matatanda.
Isang dahilan nito ang sakit na gout. Bukod sa pagsakit ng kasu-kasuan, ano
pa ba ang ilang senyales ng gout na dapat tandaan?
Senyales ng gout
Isang senyales ng gout ang pangingirot ng lower extremities ng katawan
tulad ng paa at binti. Ito ang madalas na nananakit sapagkat ito ang bahagi
ng ating katawan na may pinakamababang temperatura. Sanhi ng gout ang
sobrang uric acid sa ating katawan. Ang uric acid ay parang tubig na mabilis
magyelo o mamuo sa joints kapag malamig.

Isa pang palatandaan ng gout ang pamamaga ng metatarsal joint o ang


malaking daliri natin sa paa.
Kabilang din sa senyales ng gout ang pagkakaroon ng tophi, o mga bukolbukol na karaniwang makikita sa paa at daliri ng kamay. Nagkakaroon ng
tophi dahil kapag sumobra na sa dami ang uric acid, uumbok ito sa balat na
parang bukol.
Lunas para sa gout
Malala na ang kaso ng iyong gout kung nagkakaroon ka na ng tophi. Para sa
ganitong sitwasyon, inirerekomenda ng eksperto ang pagsailalim sa
tinatawag na arthrocentesis. Isa itong medical procedure kung saan sa

pamamagitan ng injection, binabawasan ng fluids ang parteng apektado ng


gout. Nakatutulong daw ito para muli nang maigalaw ang parteng naninigas.
Kadalasang tumatagal lang ng ilang minuto ang arthrocentesis.
Nagkakakahalaga ng P10,000 ang bawat session nito.
Para naman sa mga paunang lunas sa gout, magdampi ng cold compress sa
parteng kumikirot.
Uminom din ng anti-inflammatory medicines subalit siguruhing may reseta
ito ng inyong doktor.
Iwas-gout
Sa umpisa pa lang, iwasan na ang pagkakaroon ng gout. Isang paraan para
maiwasan ito ay ang pag-iwas sa mga pagkaing mataas ang uric acid katulad
ng beans, tahong, lamang-loob at serbesa.
Iwasan din ang mga pagkain at inuming may fructose katulad ng softdrinks.
Nagiging uric acid ang fructose kapag ating nakonsumo.
Tanong (T): Isang nag-aalab n pgbati ang nais kong ipaabot sau doc G sampu ng mga mahal m sa
buhay. Ako po 47yrs old, 4 n taon k nang nararamdaman ang sakit kong ito pero nawawala rin.
Nalaman k lang ng sumakit at akoy nagpa check-up nlaman k n ito pala ay sakit n GOUT. Ako p ay lubos
n umaasa s aking mga tanong. Saan b ito nakukuha? Bakit b nagkakaroon nto? Ano b ang mga bawal
dto? Ano b ang gamot dto? Ano b ang dapat gawin ng taong may sakit n ito? Maraming salamat po Doc
G.

Doc Gino (DG): Ang "gout" ay isang uri ng sakit sa mga kasu-kasuan o "joints" na kung saan naiipon ang
ang "crystal deposits" na ang tawag ay "uric acid" (UA). Kapag lumala ito, maaaring magkaroon ng bato
sa loob ng "kidney" o di kaya ay masira ang "kidney".

Ang UA at purines na sanhi ng gout ay nakukuha mula sa mga pagkain tulad ng mga lamang loob
(bituka, atay, atbp) ng mga baboy o baka, sardinas, tinapa, munggo, peas, etc. Kung kaya't mas
makakabubuting iwasan ang mga pagkaing nabanggit.
Ang pagtaas ng UA sa dugo ng isang tao ay kadalasang namamana na kung saan ang katawan ng tao ay
mahina ang kakayahang magtanggal ang UA sa ihi. Ang "gout" at pagtaas ng UA sa dugo ay maaaring
lumala kapag ang tao ay tumaba o maging "obese", "high blood pressure", pag-inom ng alak, "abnormal
kidney function", at pag-inom ng ilang uri ng mga gamot.

Ang pag-atake ng sakit na "gout" ay sobrang pagkain at pag-inom ng alak, lagnat, "dehydration" at kapag
naoperahan.
Upang maiwasan ang pag-atake ng sakit na "gout", gawin ang mga sumusunod: Uminom ng maraming
tubig (mahigit 8 baso araw-araw lalo na kung tag-init); bawasan ang timbang; iwasan ang mga pagkaing
nagdudulot ng pagtaas ng UA; iwasan ang pag-inom ng alak; uminom ng mga gamot upang mabawasan
ang sakit, subali't kung hindi susundin ang mga nabanggit na payo, muling babalik ang pag atake ng
sakit. Siguraduhing walang "allergy" sa mga gamot na ito.
1. Naproxen 500mg tablets: 1 tablet 3 x a day after meals, tuwing may atake ng sakit.
2. Colchicine 0.5mg tablets: 1 mg followed by 0.5 mg every 2hours, para mabawasan ang pamamaga
ng "joints".
3. Allopurinol 100mg tablets: 1 tablet 3 x a day, upang bumaba ang level ng UA sa dugo.

You might also like