Professional Documents
Culture Documents
Maria Makiling
Maria Makiling
Noong
unang
panahon,
maraming hayop at makahoy pa
ang mgabundok. Isang araw, isang
magsasaka
ang
pumunta
sa
bundok.
Mangangahoysiya
at
manghuhuli ng usa upang may
makain ang kaniyang pamilya.
Tuwang-tuwa
ang
magsasaka. Nakita rin niya ang
hinahanap
niyang
usa.Ngunit
mabilis
na
nakatakbo
ang
usa.Sinundan ito ng magsasaka.
Naligaw siya at hindi na niya
malaman ang daang pabalik sa
kanila.
Nagpatuloy sa paghahanap
ng daan ang magsasaka. Isang
kubo ang natanaw niya sa gitna ng
gubat. At siya ay humanga sa
kanyang nakita. Bumukas ang pinto at isang napakagandang babae
ang nakita ng magsasaka.
Nagpakilala ang babae sa magsasaka, dahil pagod na pagod ang
magsasaka pinaupo niya ito at binigyan ng ma-iinom at pagkain. At
binigyan niya ito ng isang basket na punong-puno ng gulay at prutas
para sa pamilya ngmagsasaka.
Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa kanyang asawa. At
laking gulat niya, na ang isang basket ng prutas at gulay ay naging
ginto.Ganito din raw nangyari sa kanilang kanayon nabinigyan din ni
Maria Makiling ng tulong.
Lumipas ang ilang taon. Isang araw, nabalitaan nila na may
dalawang masamang taong nagnakaw sa kubo sa gitna ng gubat.
Nagalit si Maria. Mula noon, hindi na siya nagpakita sa tao. Gayunman,
hindi nila malimot ang kabutihang ginawa ni Maria sa kanila.
Tinawag nilang bundok ng Maria Makiling ang bundok na tirahan
ni Maria bilang alaala sa minamahal nilangmagandang babae.
Sanggunian:
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod-ng-maria-makiling
Ang Alamat ni
Mariang Sinukuan
Sa kalagitnaan Luzon ay may kaisaisang bundok, ito ay ang baundok ng Arayat.
Mala-maharlika ang tindig ng bundok na ito.
Dito nagmula ang magandang alamat ni
Mariang Sinukuan.
Noong unang panahon, sagana sa
bungang kahoy at malulusog na hayop ang
bundok ng Arayat. Sa paligid nito ay
mayabong ang mga halaman at masagana
ang ani.
Ang may-ari ng bundok na ito ay si
Maria. Siya ay ubod ng ganda, kayumanggi,
mahaba ang buhok, matangos ang ilong
ngunit mahiwagang babae. Marami siyang
alagang hayop tulad ng manok, ibon, baboy,
kambing at iba pa. Siya ay matulungin sa
mga tao. Sa tulong ni Maria ang mga tao
doon ay masayang namumuhay. Paminsanminsan, makikita ng mga taga Arayat at
karatig pook si Maria na namamasyal kung
hatinggabi. Madalas, kapag may kinakapos ng pagkain, nagigisnan na lang nila
ito sa kanilang punong hagdan.
Isang araw, may mga sakim at mga tamad na tao ang nangahas na
manguha ng prutas at manghuli ng hayop sa bundok ni Maria. Malalaking supot
at sako ang kanilang dala. Kumain sila ng maraming prutas, Dumating si Maria at
nagwikang "Sige, kumain kayo ng magugustuhan ninyo, nguni't huwag kayong
mag-uuwi."
Pagkaraan ng isang oras, akala ng masasamang-loob ay umalis na si
Maria. Nanghuli sila ng mga hayop at pinuno nila ng prutas ang mga supot. May
natakot na baka magalit sa kanila si Maria nguni't dala ng kasamaan ay
nakisama na rin sa pangungulimbat. Hindi nagtagal at napuno na ang kanilang
mga lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi nila pinansin si
Maria na noon ay dumarating bagkus ay binilisan pa nila ang kanilang mga
hakbang.
Sanggunian:
http://www.gintongaral.com/mga-alamat/ang-alamat-ni-mariang-sinukuan/
WALANG SUGAT
(Ni Severino Reyes)
Unang Bahagi
I TAGPO
(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)
Koro
:
Ang karayom kung iduro
Ang daliriy natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda namay lumiliko
Julia
:
Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.
Koro
:
Ang karayom kung itirik
tumutimo hanggang dibdib.
Julia
:
Piyesta niyay kung sumipot
Pannyong itoy iaabot,
Kalakip ang pusot loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.