Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Heograpiya

Bansang nakahimlay sa rehiyong tropiko at nasa kanlurang panig ng Karagatang


Pasipiko ang Pilipinas, at may 100 kilometro ang layo mula sa kontinente ng Asya.
Taglay nito ang tinatayang 7,107 pulo, na mahahati sa tatlong bahagi: Luzon,
Visayas, at Mindanao.

Matatagpuan sa pagitan ng 116 40' at 126 34' S. longhitud, at 4 40' at 21


10' H. latitud, ang Pilipinas. Nasa hilaga nito ang Kipot Luzon; ang Karagatang
Pilipinas sa silangan; ang Timog-Karagatang Tsina at Dagat Sulu sa kanluran; at ang
Dagat Celebes sa timog. Naroroon ang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa,
at ang Malaysia naman sa timog-kanluran. Sa silangan nakalugar ang Palau at sa
hilaga matatanaw ang Taiwan.

Mainit at maalinsangan ang klima ng Pilipinas tuwing tag-araw na magsisimula


mulang Pebrero hanggang Mayo. Samantalang mahalumigmig kung tag-ulan na
sumasapit tuwing Hunyo hanggang Setyembre. Magsisimulang umihip ang hanging
amihan pagdating ng Oktubre, bagaman ang ilang bahagi ng kapuluan ay
makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan. Angkop na angkop ang naturang
klima para sa pagsasaka, paghahayupan, pagbubuo ng industriya, at kahit sa
paglalakbay.

Humigit-kumulang na nasa 26.5 sentigrado ang temperatura ang umiiral sa


buong taon.

Iba-iba ang topograpiya ng bawat rehiyon, na matarik mulang Cagayan, gagapang


pababa sa Pampanga, magkakabitak-bitak sa Bikol at Kabisaan, hanggang umakyat
muli sa Mindanao pagsapit sa Bundok Apo na may taas na 2,954 metro. Binubuo ng
kagubatan, sari-saring tubigan, at iba't ibang uri ng lupa ang Pilipinas na malimit
angkop sa agrikultura, minahan, turismo, agham, at iba pa.
Pangalan ng Bansa

Pilipinas ang gagamiting opisyal na pangalan ng bansa sa buong WikiFilipino,


alinsunod sa kasaysayan, samantalang ang Pilipinas at Philippines ay
gagamiting varyant ng naturang salita. Pananatilihin ang mga pangalang

pantanging gaya ng Unibersidad ng Pilipinas, ngunit ang mga bagong katawagan


na ikinakabit ang Pilipinas ay Pilipinas ang gagamitin. Tumutukoy naman ang
Filipino sa wika at mga kaugnay na konsepto nito. Para sa higit na malalim na
talakay, dumako sa Filipino. Sinasaklaw ng salitang Pilipino ang mga tao na
nasakop o di-nasakop ng mga banyaga, at bahagi ng isang bansa, noon at
magpahangga ngayon.

You might also like