Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat


ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si
Langgam. Nagluto siya at kumain.
Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang
dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil
ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito
at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni
Tipaklong.Magandang umaga, kaibigang
Langgam, bati ni Tipaklong. Kaybigat ng
iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa
kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?
Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang
maganda ang panahon, sagot ni Langgam.
Tumulad ka sa akin, kaibigang
Langgam, wika ni Tipaklong. Habang
maganda ang panahon tayo ay magsaya.
Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.
Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot
ni Langgam. Gaya nang sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon, ako ay
maghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin
para ako ay may makain pagsumama ang
panahon.

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating


ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon
at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating
ang panahong kumidlat, kumukulog at
lumalakas ang hangin kasabay ang
pagbuhos ng malakas na ulan.Ginaw na
ginaw at gutom na gutom ang kawawang
Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang
kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na
marating ang bahay ni Langgam. Bahagya
na siyang makalukso. Wala na ang dating
sigla ng masayahing si Tipaklong.
Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

Aba! Ang aking kaibigan, wika


ni Langgam. Tuloy ka. Halika at maupo.
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si
Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya
ng pagkain.Ilan pang sandali at magkasalong

kumain ng mainit na pagkain ang


magkaibigan.
Salamat, kaibigang Langgam, wika
ni Tipaklong. Ngayon ako naniwala sa iyo.
Kailangan nga pa lang mag-ipon habang
maganda ang panahon at nang may makain
pagdating ng taggutom.
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating
ng tag-init at habang maganda ang panahon
ay kasama na siya ng

kanyang kaibigang si Langgam. Natuto


siyang gumawa at natuto siyang mag-impok.

Si Kalabaw at si Tagak
Tanghaling tapat. Mainit ang sikat ng
araw. Tapos na ang gawain ni Kalabaw sa
bukid. Nagpunta siya sa tubugang putik at
dito siya naglunoy. Pagkatapos, sumilong
siya sa lilim ng punong mangga. Hindi
nagtagal, nakatulog si Kalabaw.
Matagal na nakatulog si Kalabaw.
Nagising lamang siya nang maramdaman
niya ang sakit at kati ng kagatng mga lamok.
Ayan na naman kayo, wika ni Kalabaw. Bakit
ba ako na lamang ng ako ang alaga ninyong

kagatin? Ang sakit at kati pa naman ninyong


kumagat. Hala, alis kayo sa likod ko.
Ayaw namin. Hindi kami aalis sa likod mo.
Kay sarap-sarap mong kagatin. Malaki at
malaman ang inyong katawan, wika ng mga
lamok.
At lalong dumami ang lamok na dumapo at
kumagat sa likod at batok ni Kalabaw.
Hinampas nang hinampas ni
Kalabaw ng kanyang buntot ang mga lamok.
Ngunit nagpalipat-lipat lamang ang mga
ito nglugar sa likod at batok ni Kalabaw na di
abot ng hampas ng kanyang buntot. Inis na
inis sa mga lamok si Kalabaw ngunit wala
siyang magawa.
Siyang pagdating ni Tagak. Naawa siya kay
Kalabaw.
Nakakaawa ka naman, wika ni Tagak kay
Kalabaw. Tutulungan kita. Pagtutukain ko
ang mga pesteng lamok sa ito.
Salamat, Tagak, kaybuti mo. wiika
ni Kalabaw.
Inisa-isa ni Tagak na pagtutukain ang mga
lamok na nakadapo at dumadapo pa sa
katawan ni Kalabaw. Naubos ang mga
lamok.

Hayan, Kalabaw! wika ni Tagak. Naubos


ko nang tukain ang mga lamok sa iyong
batok at likod.
Kayginhawa na nga ng pakiramdam ko.
Salamat na muli sa iyo, Tagak, wika
ni Kalabaw. Magmula ngayon makakasakay
ka na sa aking likod.
Lumipas ang mga araw. Naging mabuting
magkaibigan si Tagak at si Kalabaw. Ang
mga lamok na dumadapo sa likod ni Kalabaw
ay kanyang tinutuka kaya libre naman ang
pagsakay ni Tagak sa likod ngKalabaw.
Minsan umulan nang malakas. Nasa likod ni
Kalabaw si Tagak.Tagak, dito ka sumilong sa
ilalim ko, wika ni Kalababaw sa kaibigan.
Malapad ang katawan ko at hindika
mababasa.
Salamat, Kalabaw. Kaybuti mo.
Isa kang mabuting kaibigan. wika ni Tagak.
Ang mabuting magkaibigan ay
nagtutulungan sa lahat ng araw at sa
anumang panahon, wika ni Kalabaw.

Si Alitaptap at si Paruparo
May isang Paruparo na pinaglaruan ng
isang batang lalaki. Iniwan niya itong
nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo
ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang
sigaw ni Paruparo)
Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit
nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng

araw at maghahanap pa ako ng


pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang
kaawaawang Paruparo)
Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin.
Tulungan ninyo ako. (Dumating si
Gagamba. Lumapit siya kay Paru-paro)
Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit
pagagandahin ko pa ang aking bahay.
Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si
Gagamba)
Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako.
Didilim na at magsisitulog na ang kasama
kong kulisap. Wala nang sa akin ay
makakakita. (Pagod at gutom na si
Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya
ang kanyang luha ay may napansin siyang
papalapit na pakislap-kislap na liwanag)
Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan?
Napaano ka at kawag ka nang kawag?
Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar
sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang
batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan
niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko
kayang

tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari


bang tulungan mo ako?
Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag
ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali
ay dumating ang maraming alitaptap).
Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo
ang sagot ni Bathala sa aking dalangin.
Kaybuti ng inyong kalooban...
Alitaptap : Walang anuman, kaibigang
Paruparo. O sige, aalis na kami.
Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako
sa aking tahanang bulaklak. Salamat na
muli.
Mahalagang kaisipan: Sa oras ng kagipitan,
makikilala ang tunay na kaibigan.

You might also like