Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kartilya ng Katipunan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Panimula ng Unang Edisyon ng Kartilya[baguhin | baguhin ang batayan]


KATIPUNAN
NANG MGG A
A. N. B.
SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO
Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasok sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at
kaisipan sa mga layong tinutungo at mga kaaralang pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito,
at ng bukas makalaway huag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin.
Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan
ng lahat ng tagalog (*) sa pamamagitan ng isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisang itoy magkalakas
na iwasan ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuwiran at
Kalinawagan.
(*) Sa salitang tagalog katuturay ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko
man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din.

Mga Turo ng Katipunan[baguhin | baguhin ang batayan]


1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi (man)
damong makamandag." (A life that is not dedicated to a noble and divine cause is like a tree without a shade, if not,
a poisonous weed.) (May ilang libro na ang nakasulat ay "Ang buhay na hindi inialay sa dakilang layunin ay
punungkahoy na walang lilim.")
2. "Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at
hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan." (A deed that is motivated by self-interest or self-pity
and done without sincerity lacks nobility.)
3. "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos,
gawa't pangungusap sa talagang katuwiran." (True piety is the act of being charitable, loving one's fellowmen, and
being judicious in behavior, speech and deed.)
4. "Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa
dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao." (All [people] are equal, regardless of the color of
their skin; While one could have more education, wealth or beauty than the other, none of them can overpass one's
identity.)
5. "Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na
kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri." (A person with a noble character values honor above self-interest,
while a person with a base character values self-interest above honor.)
6. "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa." (To a [person] that respects, his/her word is a pledge.)
7. "Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan
na'y di na muli pang magdadaan." (Do not waste your time; lost wealth can be retrireved, but time lost is lost
forever.)
8. "Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin (labanan) ang umaapi." (Defend the oppressed and fight the oppressor)
9. "Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim." (A wise
man is someone who is careful in all that he says; learn to keep the things that need to be kept secret.)
10. "Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa
sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din." (Ang simula nito'y obserbasyon sa ugnayan ng babae at
lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, ang katumbas nito ay ang sumusunod: "Sa daang matinik ng
buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sam, ang pagtutunguhan

ng inaakay ay kasamaan din.") (In the thorny path of life, the man leads the way and his wife and children follow; If
the leader goes the way of evil, so do the followers.)
11. "Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng
lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na) kahinaan, at
alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan. (Never regard a woman as an object for you
to trifle with; rather you should consider her as a partner and a friend in times of need; Give proper considerations to
a woman's frailty and never forget that your own mother, who brought you forth and nurtured you from infancy, is
herself such a person.)
12. "Ang di mo ibig gawin (ng iba) sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at
kapatid ng iba." (Don't do to the wife, children and brothers and sisters of others what you do not want done to your
wife, children and brothers and sisters.)
13. "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing
kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit lakinggubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may
dangal at puri, yaong di nagpapaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang
tinubuan." (A (person's) worth is not measured by his/her station in life, neither by the height of his nose nor the
fairness of skin, and certainly not by whether he is a priest claiming to be God's deputy. Even if he is a
tribesman/tribeswoman from the hills and speaks only his/her own tongue, a (person) is honorable if he/she
possesses a good character, is true to his/her word, has fine perceptions and is loyal to his/her native land.)
14. "Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang
Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng
ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang
matutumbasan." (When these teachings shall have been propagated and the glorious sun of freedom begins to
shine on these poor islands to enlighten a united race and people, then all the loves lost, all the struggle and
sacrifices shall not have been in vain.)

Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. Del Pilar


Chrissha Belle Salcedo
October 11, 2014
May alam ka bang aklat o akdang
pampanitikan sa kasalukuyang panahon na
nagpapatungkol sa pang-uuyam o sarcastic
ang tema? Maaaring meron! At di rin natin
maikakaila na laganap na rin ang mga
ganitong tema kahit sa telebisyon at sa iba
pang media ngayon.
Subalit, di lang sa kasalukuyang panahon
nauso ang ganitong tema. Kahit sa panahon
pa ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay usong-uso na ito, at ang mga
prayle ang madalas na pinupuntirya ng mga
akdang nalilikha noon.
Isang halimbawa na lamang nito ay ang
isinulat ni Marcelo H. Del Pilar noong 1888 na
Dasalan at Tocsohan.
Itoy isang akdang nakakatawa dahil
ipinapakita dito kung paano sobrang kaiba o
kabaliktaran ang ginagawi ng mga prayle
noon sa kanilang mga sinasabi sa mga

Pilipino. Kitang-kita dito ang matinding


kabalintunaan ng pagiging banal ng mga
prayle noon sa Pilipinas. Subalit sa isang
banda, nakakalungkot din ang akda at kung
mababasa mo itot ilalagay mo ang sarili mo
sa kalagayang panlipunan noon sa Pilipinas,
masasabi mong nakakapukaw ito ng isipan at
damdaming mapanghimagsik dahil
binigyang diin sa akdang ito ang mga
panlilinlang at pagsasamantalang ginagawa
noon ng mga prayle sa mga Pilipino.
Narito ang ilang halimbawa ng mga parody
ng mga dasal sa akdang ito ni Marcelo H. Del
Pilar:
Ang Tanda ng Cara-i-Cruz
(Parody ng Sign of the Cross)
Ang tanda nang cara-i-cruz ang
ipangadya mo sa amin Panginoon naming
Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan
nang Salapi at nang Maputing binte, at nang
Espiritung Bugaw. Siya naua.

Panginoon Kong Fraile


(Parody ng The Act of Contrition)

Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo


sa lahat.

Panginoon kong Fraile, Dios na


hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga
at sumalacay sa akin: pinagsisihan kong
masakit sa tanang loobang dilang pag-asa ko
sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon
ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa
lahat, nagtitica akong matibay na matibay na
dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at
lalayuan ko na at pangingilagan ang
balanang makababacla nang loob ko sa pagasa sa iyo, macalilibat nang dating sakit
nang manga bulsa ko, at nagtitica naman
acong maglalathala nang dilang pagcadaya
ko umaasa akong babambuhin ka rin, alangalang sa mahal na panyion at pangangalakal
mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.

Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak


manuba nang ngalang deretsos.

Amain Namin

Ang ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan,


kahit ka masinungalingan.

Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at


fiesta.
Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa
pagpapalibing sa amat ina
Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung
uala pang salaping pang libing
Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang
asaua.
Ang ikapito: Huag kang makinakaw.

(Parody ng Our Father)


Amain naming sumasaconvento
ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin
ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto
sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami
ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao
at patauanin mo kami sa iyong pagungal
para nang pag papataua mo kung kami
nacucualtahan; at huag mo kaming
ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo
kami sa masama mong dila.

Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong


asaua.
Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong
ari.
Itong sampong utos nang FraileI dalaua ang
kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile
lalo sa lahat.
Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang
puri mot kayamanan.

Aba Guinoong Barya


Siya naua.
(Parody ng Hail Mary)
Aba guinoong Baria nakapupuno
ka nang alcancia ang FraileI sumasainyo
bukod ka niyang pinagpalat pina higuit sa
lahat, pinagpala naman ang kaban mong
mapasok. Santa Baria Ina nand Deretsos,
ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon
at cami ipapatay. Siya naua.
At narito naman ang isang halimbawa ng
parody ng isang banal na kasulatan:
Ang Mga Utos ng Fraile
(Parody ng The Ten Commandments)
Ang manga utos nang Fraile ay sampo:

Sa pagkakabasa ng mga parody na ito,


masasabi natin na matindi talaga ang
pagbibigay diin ni Del Pilar sa mga
pagsasamantalang ginagawa ng mga prayle
noon sa mga Pilipino. At ayon nga sa aklat na
CCP Encyclopedia of Philippine Art, sinabi
dito na ang mga akdang katulad nito ay
nakatulong sa pagpapabagsak ng
friarcracy o ng mas sukdulang
pagpapasinaya ng mga Kastilang prayle ng
mga kumbentong patakaran imbes ng
panggobyernona di kalaunan nga ay
nagbunsod sa rebolusyon noong 1896.
Subalit kahit wala na si Del Pilar sa
kasalukuyang panahon, maraming Pilipino pa
rin ang mala-Del Pilar ang istilo ng

pagsusulat at nakakagulat din na buhay na


buhay pa rin magpahanggang ngayon ang
parody niya na Aba Guinoong Barya subalit
hindi na ito patungkol sa mga Kastilang
prayle.

mula sa Facebook note ni Therresa Baniquid


na ibinahagi ng Facebook group ng
organisasyong Sanlakas:

Kung dati ay naisulat ni Del pilar ang mga


parody na ito dahil sa mga di kanais-nais na
karanasan niya sa mga prayle noon, sa
kasalukuyang panahon, nagkaroon ito ng
mga bagong bersyon na nagpapatungkol
naman sa katiwalian at pagkadismaya ng
mga mamamayan sa mga pangulong
nanunungkulan sa Pilipinas.

Aba! Ginoong PNOY,

Aba! Ginoong PNOY

nakalimot na yata
mga kurakot sumasaiyo,
bukod mong pinagpala
masisiba sa pera,

Isang halimbawa nga nito ay ang Aba


Ginoong Gloria na isinulat para sa dating
pangulong Gloria Arroyo at narito ang isang
katha ni Bart SD. Tubalinal, na nasipi ko mula
sa comment box ng isang artikulo na isinulat
ni Perry Diaz sa website na globalbalita.com:

kaming mga guro


ginawa mong timawa!
Aba! Ginoong PNOY,

Aba Ginoong Gloria

punong puno ka ng sumpa,

Aba, Ginoong Gloria,


Punong-puno ka ng disgrasya,
Bukod kang nagkasala
Sa bayang iyong sinamantala.

kaguruay dumaraing na!


bukod mong pinagpala
sa mga utang at dusa,

Sa iyong huling paalam,


Naway ikawy makulam
Sa gayon di ka parisan,
Ng mga sunod na lingkod-bayan.
Paalam moy walang kwenta,
Dahil wala namang mapapala,
Sa kahirapangyong pinalala,
At sa graft na iyong ipinunla.

10k increse ay nasaan na?


lagi na lang pinapaasa!
Aba! Ginoong PNOY,
nasabit sa DAP,
inakay mga kapwa bulag

Paalam ka na sayong bayang sawi,


Sa lupaing tigmak sa luhat pighati
Iyong pagka-presidente di nakabuti,
Dahil nakaw ang trono, sa tulong ni Garci.
Kay dami ko pa sanang isasatsat,
Subalit maaaring akoy pigilan
Ng espayong sa pahinang nakalaan
Sa mga lumalaban sa mga haragan.

Kasama na dyan si Abad


mga lingkod bayang huwad
sa hulli managot malalaglag,
sa kaguruan di na nahabag!!
Aba! Ginoong PNOY,

Kaya paalam ka na Gloria


Baka ikaw pay madisgrasya.
At hindi lang iyan, maging ang kasalukuyang
pangulo natin sa Pilipinas na si Benigno
Simeon Aquino Jr. ay ginawan din ng parody
ng parehong dasal. At narito ang nasipi ko

terminoy matatapos na
Sa 6 na taon may nangyari ba?
hulugan mo naman kasi ng grasya

itong ang aming abang bulsa


hindi barya kundi pag-asa

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,


taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyang kahihiyan.

nang di na magloan-loan pa!


[79]
Sa kabuhayang ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw ng diwa
pag hingang papanaw ngayong biglang bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong kalangitan.
-------------------------------------------------------Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
Salin ni Andres Bonifacio
Pinipintuho kong Bayan ay paalam
lupang iniirog ng sikat ng araw
mutyang mahalaga sa dagat Silangan
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip
walang agam-agam, maluwag sa dibdib
matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y putungan
pakikipaghamok at ang bibitayan
yaon ay gaon [?] din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay ngayong namamalas
na sa kasilanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway
dugo ko'y isabog at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Kung sa libingang ko'y tumubong mamalas


sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong pag hingang dalisay
at simoy ng iyong pag giliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa kruz ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaang humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sinoman sa katotong giliw,
tangisan maagang sa buhay pagkitil;
kurig tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin Bayan yaring pagka himbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
nangagtiis hirap na walang kapalaran
mga ina naming walang kapalaran
na inahihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa,
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

[80]
At kung sa madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga'y huag gambalain
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan, yao't kitay aawitin.
Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kruz at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag
lupa'y asarolin at kanyang ikalat.
Ang mga buto ko ay bago matunaw
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latak ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at verdugong hayop;
Pananalig doo'y di nakasasagot,
si Bathala lamang doo'y haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasalamatan at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo mga ginigiliw,
mamatay ay siyang pagkagupiling.
Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang
tula na sinulat ni Andres Bonifacio na
kanyang ginamit para himukin ang mga

Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio


ay mas magaling na madirigma kaysa sa
isang manunulat ngunit pinatunayan niya na
kaya niyang gumawa ng isang tula para sa
kanyang minamahal na bayan.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salitat buhay na limbag at titik
ng isang katauhan itoy namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sinot alinman,
imbit taong gubat, maralitat mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumathat sumulat,
kalakhan din nilay isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisat pagod,
buhay may abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Itoy ang Inang Bayang tinubuan,
siyay inat tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanyay utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayot hirap.
Kalakip din nitoy pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunitay mahal
mula sa masayat gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang na nga kapanahon ng aliw,

ang inaasahang araw na darating


ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niyat gubat na kaaya-aya
sukat ang makitat sasa-ala-ala
ang inat ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anaky bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita may laging sakbibi ng lumbay
walang ala-alat inaasam-asam
kundi ang makitang lupang tinubuan.
Pati nang magdusat sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanyay alay.
Kung ang bayang itoy nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niyay tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niyat kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihigantit gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?
Kung ang pagka-baon niyat pagka-busabos
sa lusak ng dayat tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos

at luha na lamang ang pinaa-agos


Sa kanyang anyoy sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.
Mangyari kayang itoy masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang itoy mapanuod.
Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya ngat ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bungat bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwat sa bayay lumiyag.
Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangont bayay itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalitat hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugoy ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
itoy kapalaran at tunay na langit.

You might also like