Fil 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Monhannah Ramadeah C.

Limbutungan

Filipino 2

Hindi Nag-isip
Napakalikot ng asong si Maxi kaya nahulog sa isang balon. Tumalon siya ng tumalon ngunit hindi nya
makayang maabot ang ibabaw para siya makaahon.
Sa may dadaang isang kambing. Napadungaw ito sa balon at nang makita ang aso ay nagtanong, Bakit ka
nariyan? Anong ginagawa mo diyan?
Aba hindi mob a nabalitaan? Ngayon daw ay ang tinatawag na El Nino. Mauubos daw ang tubig at matutuyo
ang mga lupa. Kaya nagsiguro na ako dito sa balon. Marami-rami ang tubig ditto at akoy hindi mauuhaw sa
mahabang panahon.
Ganoon ba? tanong uli ng kambing. Maaari ba akong sumama diyan sa iyo?
Aba,oo. Talon kana agad at baka maunahan ka pa ng iba, yaya ni Maxi.
Dagling tumalon ang kambing. Ang aso namay biglang tumuntong sa kanyang likod at mula doon ay
nakayang luksuhin ang labi ng balon.
Nang nasa ibabaw na siya, dumungaw sa kambing na nasa ilalim at nagsabi, Sa susunof, kailangang isipin
mo muna ang isang bagay bago gawin. Hindi mo ginagamit ang isip mo kaya nariyan ka ngayon.

Kaibigan Daw
Isang hapon, naglalakad ang dalawang binatang magkaibigan sa gubat. Masaya nilang pinag-uusapan ang
mga karanasan nila ng bigla na lamang nilang narinig ang kaluskos sa may gawing likuran.
Nang lingunin nila ay natanaw nilang dumarating ang napakalaking oso. Mabilis na umakyat sa katabing puno
ang isa sa binata. Hindi nya naalaalang pagsabihan man lang ang kasama sa laki ng takot sa mangyayari sa
sarili.
Naiwan ang kasma na di na makakibo dahil sa aabutan na ng oso. Naisipan na lamang niyang dumapa sa
kinatatayuan niya at magkunwaring patay. Alam niyang hindi inaano ng oso ang mga taong patay.
Lumapit nga ang oso, inamoy-amoy ang taong pigil na pigil naman ang paghinga. Pagkaraan ng ilang sandali,
iniwan na sya ng oso at lumayo na ito.
Bumaba sa puno ang unang lalaki, Ano ang ibinulong sa iyo ng oso? ang pabiro niyang tanong sa kasama.
Sabi niya sa akin, sagot ng binatang dumapa, hindi raw maaasahan ang isang kaibigang iiwan sa iyo sa
gitna ng kagipitan. Hindi raw ganoon ang tunay na kaibigan.
Naghiwalay ang dalawa, ang isay nahihiya, at ang isay nagdaramdam.

Si Mario, si Ana at ang Isda

Tuwang-tuwa ag mangigisdang si Mario nang may nabingwit siyang isang malaking isda. Nang ilalagay niya
na ito sa buslo, bigla itong nagsalita, Huwag! Muntik nang mahulog sa banka si Mario sa malabis na
pagkagulat.
ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng kayamanan sabi ng isda na nagpipilwag.
Nang mahulasan si Mario, tinanong niya ang isda, Ano kaba, impakto?
Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na naatasang magbantay dito sa malapit na pampang. May
kapangyarihan ako-mahika! Kaya ibalik mo lang ako sa tubig at ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin mo.
Naalala ni Mario ang dampang tinitirhan nya. Lagi itong inererklamo ng asawa dahil sa kaliitan.Nais ko na
malaking tirahan, sabi niya sa isda.
Masusunod. Umuwi ka naat makikita mo ang iyong malaking tahanan. sabi ng isda na kaagad naming
ibinalik ng lalaki sa tubig.
Hindi lang malaki ngunit tila palasyo ng hari sa gara ang nadatnan niy. Sa palagay ko, hindi na ako aawayin ni
ana. Malaki na ang bahay namin.
Ngunit hindi papala nasisiyahan ang asawa. Hulihin mo uli ang isda. Sabihin mong walang mga kasangkapan.
Dapat ay iyong magagandang mesa, silya, kama at mga dekorasyon sa bahay.
Palibhasay takot sa babae, bumalik sa Mario sa dagat at namingwit. Sanay huwag ko na siyang mahuli para
hindi na ako makahingi. Nakakahiya naman ang asawa ko, bulong niya sa sarili.
Nagkataong lumalangoy pala sa malapit ang malaking isda at nang makita si Mario, itoy lumukso sa kanyang
Bangka. Ano, kaibigan, nagustuhan mo ba ang bahay mo?
Oo nga, maraming salamat. Ngunit nakikiusap ang asawa ko, kung maaari raw, mabibigyan mo ba raw kami
ng mga kasangkapan? nahihiyang tanong ng mangingisda.
O, sige. Bumalik ka na sa inyo at naroon na ang mga hinihiling ng asawa mo.
Natitiyak na ni Mario na matutuwa na ngayon si Ana. Malaking biyaya na talaga ang ibinigay sa kanila ng isda.
Pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ng asawa sa pintuan.
Balikan mo uli ang isda. Humingi ka naman ngayon ng magagarang alahas at magagandang kasootan. Nais
kong makita ng lahat dito sa bayan natin na tayo na ang pinaka mayaman dito utos ng babae sa asawa, na
alam niyang hindi kayang sumuyaw sa bawat sasabihin nya.
Hiyang-hiya si Mario na humarap uli sa isda, na madali niyang nakita sa pampang ng pinaglalagian
nito.Nakakahiya sa iyo halos hindi niya mabuka ang bibig, ngunit may hinihingi na naman ang asawa ko.
Matagal na hindi sumagot ang isda, parang nag-iisip. Kapagkaraka ay nagsalita, Nakikilala ko na kung ano
ang uri ng pagkataoang asawa mo. Isa siyang sakim at walang pakundangang babae. Hindi siya marunong
mahiya at hindi rin siya mabait na asawa. Parurusuhan ko siya. Kukunin ko ulit lahat ng naibigay ko na sa
kanya. Lumukso sa tubig ang isda at matuling lumangoy papunta sa laot.
Nang umuwi si Mario, nakita niya si Ana na nakaupong umiiyak sa hagdang kawayan na dati nilang dampa.

You might also like