Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Labaw Donggon

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na


lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni
Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang
dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig
siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan
niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.
At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad
niya na may kapangyarihan din.
Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa
kanya.
Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.
Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi
mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa
kay Labaw.
Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan.
Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay
nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at
si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang
dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung
Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay
nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang
katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.
Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo
siya labanan!sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.
Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini
upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.
Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at
pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay
nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na
siyang buhay ni Saragnayan.
Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya
kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw.
Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni
Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang
kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa
mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa
lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa


pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pagiisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala,
si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay
ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon
Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong
Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais
niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na
mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at
pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip.
Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

You might also like