Tinig Hulyo-Agosto 2016 Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

KULTURA

3
4
5
6
7
HULYO AT AGOSTO 2016

SONA ni Duterte kulang sa kongkretong aksyon


Anakbayan
Labanan ang sapilitang ROTC!
Tutulan ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga
Bayani!
Parangal kay Wendell Gumban iskolar ng bayan,
propagandista, pulang mandirigma
Pambansang araw ng pagkilos laban sa extrajudicial
killings
Peace Talks 101: Ano ang Peace Talks
ng GPH at NDFP?

Ibayong palakasin at palawakin ang


kilusang masa! Ilunsad ang kampanyang
edukasyon at pagpapalawak!
Ilunsad ang pambansang walkout ng mga mag-aaral
at mga protesta
Mahigit dalawang buwan matapos maluklok ang bagong rehimeng
Duterte, higit na lumalaki ang hamon sa mamamayan na isulong
ang malakas na paglaban para sa mga batayang karapatan at tunay
na pagbabagong panlipunan.
\\ Ituloy sa p2

Sa ilalim: Malaking pagkilos sa unang


State of the Nation Address ni Pangulo
Rodrigo Duterte noong Hulyo 25, 2016.
Larawan mula sa bulatlat.com.

EDITORYAL

Sa kabila ng mga pangako at posturang


progresibo,
kung
tutuusiy
wala
pang makabuluhang pagbabago na
ipinatutupad si Duterte para tugunan ang
mga batayang interes ng mamamayan sa
lupa, sahod, trabaho at karapatan.

HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

din nitong binawi matapos hindi pumayag


ang CPP-NPA na intimidahin sa demanda
ni Duterte na tumugon din ng kapareho
ang rebolusyunaryong kilusan kahit wala
pa namang napapalayang bilanggong
pulitikal at wala din namang pagtigil
ng mga operasyong militar sa mga
Nakatuon ang gubyerno ni Duterte sa komunidad.
giyera kontra droga, na lumalabas
na
kontra-mamamayan
at
anti- Sa kabila nito, positibo ang pagsisimula na
demokratiko. Hinihikayat nito ang ng pormal na usapang pangkapayapaan
walang pakundangang pagpatay sa mga at paglaya ng mga peace consultants ng
hinihinalang pusher at adik. Di malayong NDFP. Patuloy na iginigiit ng bayan ang
ginagamit na ito ngayon ng pulis at pagpapalaya sa mahigit 520 pang mga
militar na sangkot sa droga para patayin detenidong pulitikal at pagtugon sa mga
ang kani-kanilang mga asset o ng mga ugat ng kahirapan sa mga negosasyon
druglord sa pag-aagawan ng teritoryo. para sa repormang pang-ekonomiya,
Samantala, ang malalaking sangkot sa pampulitika at iba pa.
droga ay hindi kinakasuhan at hinuhuli.
Sa huli, mabibigo ang kampanyang Sa harap ng kapwa pakikipag-alyansa at
kontra-droga kung hindi magtutuon sa pakikitunggali sa rehimeng Duterte, dapat
mga hakbanging tutugon sa kahirapan ng palakasin ang paglaban ng mamamayan
mamamayan.
para sa mga batayang karapatan at para
sa panlipunang pagbabago.
Sa State of the Nation Address (SONA)
ni Duterte, wala siyang kongkretong Dapat samantalahin ang sitwasyon
aksyon hinggil sa pagtanggal ng para pukawin, organisahin at pakilusin
endo, repormang agraryo, serbisyong ang
milyon-milyong
kabataan
at
panlipunan gaya ng edukasyon at mamamayan para sa tunay na pagbabago
kalusugan. Sa edukasyon, itutuloy sa
pamamagitan
ng
pambansanito ang programang K-12 at walang demokratikong pakikibaka.
makabuluhang mga hakbang para ihinto
ang pagtaas ng matrikula. Itinulak pa Dapat kasabay na igpawan ang mga
niya ang pagbabalik ng mandatory ROTC tukoy na kahinaan sa pag-oorganisa at
sa mga kampus.
pagpapakilos. Palakihin at palakasin
ang mga balangay ng Anakbayan sa mga
Hindi rin tinugunan ni Duterte ang paaralan, pagawaan, mga komunidad;
panawagan ng bayan para panagutin paghusayin ang pagbibitbit ng mga lokal,
sina Aquino at Arroyo sa kanilang mga sektoral at pambansang kampanya at
kasalanan sa bayan. Sinuportahan pa niya laban; pasiglahin ang pulitikal na aktibidad
ang paglaya ni Arroyo habang nananatiling at kilusang edukasyon sa batayang antas;
nakakulong ang daan-daang bilanggong pamunuan at organisahin ang mga ligal
pulitikal sa bansa. Kamakailan, itinutulak at tradisyunal na organisasyon; at isulong
ni Duterte ang pagpapalibing kay Marcos ang kampanyang anti-imperyalista. Dapat
bilang bayani sa Libingan ng mga Bayani. harapin ang mga rekisito para mabuo
ang maraming mga baseng paaralan,
Itinutulak ni Duterte ang charter pagawaan at mga komunidad.
change para itulak ang pederalismo na
papabor sa mga rehiyunal na warlord Dapat ilunsad ng mga kabataan ang
at dinastiya. Gayundin, tatanggalin isang malawak na kampanya ng kilusang
nito ang nalalabing mga restriksyon pag-aaral at pagpapalawak. Ilunsad
para sa dayuhang pagmamay-aari ang pinakamaraming mga pagtitipon,
at pananalasa sa bansa na tiyak na mga klase, porum at asembliya para
ikatutuwa ng imperyalismong US.
talakayin ang pambansa-demokratikong
programa, lipunan at rebolusyong
Kabaliktaran ng mga naunang pahayag, Pilipino at iba pang mga kurso. Tiyakin
naging mapagbigay si Duterte sa US. na maorganisa ang mga asembliya na ito
Lumabas ang desisyon ng Korte Suprema sa mga balangay o grupo ng Anakbayan
pabor sa pagbabase ng US sa bansa at ibayong magpalawak ng organisasyon.
sa pagdating ng US state secretary.
Gayundin, tinanggap nito nang buong Isulong ang Kabataan Para sa
giliw ang $32 milyong ayuda ng US para Pagbabago o kaparehong malawak
sa militar. Nag-ikot din siya sa mga na
kampanya
para
abutin
ang
kampo para papurihan ang mga sundalo pinakamalawak at pinakamarami sa mga
at siraan ang rebolusyunaryong kilusan.
pagtitipon na ito. Tuntungan din ang mga
isyu at mga kampanya para maidaos ang
Samantala, patuloy ang militarisasyon sa mga pag-aaral.
mga komunidad ng Lumad, harassment
sa mga lider at pagsasampa ng mga gawa- Tinatawagan ang lahat na ilunsad
gawang kaso. Ang inisyal na pagdedeklara ang malalaking pagkilos: walkout sa
ni Duterte ng unilateral ceasefire ay agad pamantasan kasabay ng strike ng mga

guro, malalaking protesta at rally sa mga


pagawaan at komunidad sa buong bansa
sa Setyembre 19 hanggang 21.
Malakas na labanan ang neoliberal na
atake sa edukasyon. Ipanawagan ang
pagtigil sa pagtaas ng matrikula ang
mga bayarin, pagbasura ng other school
fees at komersyalisasyon ng edukasyon.
Ipaglaban ang libreng pampublikong
edukasyon sa lahat ng antas.
Igiit na itigil ang programang K-12 at
iba pang mga neoliberal na reporma
sa edukasyon. Ipaglaban ang dagdag
na pasilidad, mga klasrum at mga
serbisyo. Labanan ang pribatisasyon.
Isulong ang pagtataas ng sahod ng mga
guro at kawani kasabay ng pagpapahinto
sa
kontraktwalisasyon.
Maaaring
makaalyado ang mga administrador ng
mga pamantasan sa pagpapanawagan
para sa dagdag-subsidyo para sa
edukasyon at serbisyong panlipunan.
Dapat matatag na labanan ang
pagbabalik ng mandatory ROTC. Igiit ang
demokratikong karapatan sa kampus.
Dapat ipaglaban ang makabayan,
siyentipiko at pangmasang edukasyon.
Kasabay nito, dapat malakihang kumilos
at malakas na ipanawagan ang pagtigil
sa pamamaslang, at pagpapalibing kay
Marcos bilang bayani. Gayundin, dapat
harangan ang plano ng charter change.
Malakas ding isulong ang pagsuporta sa
usapang pangkapayapaan at pagpapalaya
sa mga bilanggong pulitikal.
Dapat kaisahin at pakilusin ang
pinakamalawak na hanay sa mga protesta.
Kaisahin ang mga administrador, guro,
kawani at mga magulang sa aksyon.
Abutin ang laksa-laksa sa mga pagtitipon
at martsa. Tiyakin ang mahusay na
pamumuno, masusing paghahanda at
partisipasyon ng masa sa mga protesta.
Abutin natin ang libo-libong pagkilos
sa Kamaynilaan at mas malaki pa sa
buong bansa. Tumanaw tayo ng mas
malalaki pang protesta sa Oktubre, kung
saan nakatakda ang sabayang walkout
at strike ng mga guro sa UP system.
Ihanda rin natin ang higit pang malaking
pagkilos sa Disyembre.
Dapat malakas na sumuporta at magambag ang kabataan sa pakikibaka ng
batayang masa at pagkilos kasama nila.
Mainit na salubungin ang mga lakbayan at
mobilisasyon ng magbubukid at mga welga
ng mga manggagawa. Maraming mga
kabataang aktibista ang tinatawagan ding
tumungo sa kanayunan, mga pagawaan
at komunidad para sumanib sa kilusang
manggagawa at magbubukid.

LATHALAIN

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO AT AGOSTO 2016

3
Larawan sa manilatoday.net.

SONA ni Duterte kulang sa


kongkretong aksyon Anakbayan
Pinakamalaking pagkilos sa SONA nilahukan ng 40,000 katao
Sinalubong ng malaking pagkilos ng umabot sa 40,000 katao mula
sa ibat ibang bahagi ng bansa ang unang State of the Nation Address
(SONA) ni Pangulo Rodrigo Duterte noong Hulyo 25, 2016. Ito ang
unang pagkakataon sa matagal na panahon na nakalapit ang martsa ng
mamamayan sa Batasang Pambansa sa araw ng SONA.
Kabilang sa mga lumahok sa tinaguriang
pinakamapayapa at pinakamalaking
pagkilos sa SONA sa nakaraang dalawang
dekada ang 3,000 kataong delegasyon
mula sa Mindanao, 4,000 mula sa Bicol,
3,000 mula sa Timog Katagalugan at
ilang libo mula sa Eastern Visayas at
ibang bahagi ng Luzon.
Bitbit ng mga nagmartsa ang mga
higanteng mural na nagsasalarawan ng
mga panawagan ng mamamayan kay
Duterte na isulong ang mga makabayan
at maka-mamamayang pagbabago.
Nagpahayag ang pagkilos ng pagsuporta
sa usapang pangkapayapaan sa pagitan
ng National Democratic Front of the
Philippines (NDFP) at Gobyerno ng
Republika ng Pilipinas. Iginiit din nila ang
pagpapatupad ng tunay na reporma sa
lupa, pambansang industriyalisasyon,
pagbasura ng kontraktwalisasyon, at
iba pang mga makabuluhang reporma.
Pagkatapos ng SONA, nagpulong si
Duterte at mga lider ng progresibong
organisasyon kung saan pinag-usapan
nila ang pangangailangan ng pagkamit ng
kapayapaan sa ilalim ng kanyang termino.

ang mga panlabas na pagbabago sa


kondukta ng SONA na masasabing
kaiba sa mga nagdaang SONA na
kinakatangian
ng
pagtanggi
na
pakinggan ang mamamayan at walang
habas na karahasan laban sa mga
nagprotesta at aktibista.
Sa kabilang banda, pinuna ng grupo
ang kawalan ng kongkretong aksyon ni
Duterte sa kanyang SONA hinggil sa mga
pundamental na usapin tulad ng repormang
agraryo, pagbasura ng kontraktwalisasyon,
at serbisyong panlipunan gaya ng
edukasyon at kalusugan.
Sa
edukasyon,
itutuloy
ng
administrasyong
Duterte
ang
programang
K-12
at
walang
makabuluhang mga hakbang para
ihinto ang tuition hikes o ipatupad
ang libreng edukasyon para sa lahat.
Itinulak pa nito ang pagbabalik ng
mandatory ROTC sa mga kampus,
ayon sa Anakbayan.

Dagdag pa ng grupo, hindi tinugunan ni


Duterte ang panawagan ng bayan para
panagutin sina dating Pangulo Aquino
at Arroyo sa kanilang mga kasalanan sa
bayan. Sinuportahan pa ni Duterte ang
Walang kongkretong aksyon
paglaya ni Arroyo habang nananatiling
Sinalubong ng Anakbayan ng papuri nakakulong ang daan-daang bilanggong

pulitikal sa bansa.
Pederalismo at kontra-droga
Itinutulak ni Duterte ang charter
change para ipatupad ang pederalismo
na papabor sa mga rehiyunal na warlord
at dinastiya. Gayundin, tatanggalin
nito ang nalalabing mga restriksyon
para sa dayuhang pagmamay-aari
at pananalasa sa bansa na tiyak na
ikatutuwa ng imperyalismong US,
ayon sa Anakbayan.
Sa katunayan, dagdag ng grupo, ang
naging pangunahing tuon ng kanyang
SONA ay ang gera kontra-droga na
lumalabas na kontra-mamamayan at
anti-demokratiko dahil sa panghihikayat
nito sa walang pakundangang pagpatay
sa mga hinihinalang pusher at adik.
Nagbabala ang grupo na tiyak na
mabibigo ang kampanyang kontradroga ni Duterte kung hindi magtutuon
sa mga hakbanging tutugon sa
kahirapan ng mamamayan.
Ayon sa Anakbayan, pinapakita ng
SONA ang mga potensyal at limitasyon
ng kritikal na pagtatagpo sa bagong
rehimen upang isulong ang mga makamamamayan at makabayang pagbabago.
Sa huli, tanging ang kolektibong
pagkilos ng mamamayang Pilipino
ang pinakamabisang instrumento sa
panlipunang pagbabago.

LATHALAIN

HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Labanan ang mandatory ROTC!


Dapat mariing labanan ang planong pagpapanumbalik ng mandatory
service o sapilitang pagsisilbi sa Reserved Officer Training Corps (ROTC).
Taliwas sa paniniwala ng Pangulo, hindi kailanman nagturo ang ROTC
ng nasyonalismo, diwa ng paglilingkod sa bayan, at disiplina sa mga
kabataan. Ito ay isang pasista, mapanupil, at korap na programang dapat
buwagin at hindi dapat gawing sapilitan.
Hindi nagtuturo ang ROTC ng tunay
pagkamakabayan, bagkus ay higit
lamang na palalaganapin nito ang
kolonyal na mentalidad ng mga
opisyal at tauhan ng Armed Forces of
the Philippines (AFP) na mga masugid
na tagapagtaguyod ng interbensyong
militar ng imperyalismong Estados
Unidos at patuloy na dominasyon ng
US sa bansa.
Matatandaang itinigil ang mandatory
ROTC dahil sa mga pang-aabuso nito
na rumurok sa brutal na pagpatay kay
Mark Wilson Chua, isang estudyante
ng University of Santo Tomas (UST)
na nagsiwalat ng mga katiwalian sa
loob ng UST ROTC noong 2001. Ang

kamatayan ni Chua ay nagpasiklab ng


malawakang protesta sa lansangan
laban sa sapilitang ROTC na sa kalaunan
ay nagresulta sa pagiging opsyonal na
lamang ng programa.
Hindi na mandatory ang pagpasok sa
ROTC ngunit nagpapatuloy pa rin ang
laganap na karahasan at pang-aabuso
ng karapatan ng mag-aaral sa ilalim
ng programa.

isang video na nag-viral sa internet


noong Hunyo 2016.
Nariyan din ang kaso ng dalawang
babaeng kadete sa ROTC ng Polytechnic
University of the Philippines (PUP)
na nagreklamo noong Enero 2014
pagkatapos silang paluin ng mga
opisyal ng ROTC gamit ang mga kahoy
na riple. Nagresulta ito ng mga pasa sa
kanilang mga palad at hita.
Ang mga halimbawang ito ay ilan
lamang sa marami pang mga kaso ng
pang-aabuso sa ilalim ng programa. Sa
katunayan, ang pisikal, sikolohikal, at
verbal na pang-aabuso ay integral na
bahagi ng pasistang sistema ng ROTC
na naglalayong gawing mabangis ang
mga kadete upang tanggapin ang lahat
ng inuutos sa kanila ng mga opisyal,
lalo na ang paglabag sa mga karapatan
ng mamamayan.

Halimbawa rito ang kaso ng hazing ng


mga kadete ng ROTC mula sa University
of Mindanao-Tagum na paulit-ulit na
pinalo sa kanilang mga dibdib at tiyan
ng kanilang mga opisiyales. Nalantad
ang katarantaduhang ito ng ROTC sa Ang ROTC ay ginagamit din ng mga
aktibong opisyal ng Armed Forces of
the Philippines upang magkondukta
ng paniniktik, pagbubuo ng mga
student intelligence network (SIN), at
paninira sa mga aktibistang grupo sa
ibat ibang paaralan.
Ang ROTC ay isa ring lunduyan ng
korupsyon, mula sa pagbebenta
ng mga uniporme at iba pang mga
rekisitos sa mas mahal na presyo
hanggang sa pangongotong mula sa
mga estudyanteng nais makaiwas sa
programa. Ang ROTC ay dagdag na
pasanin sa bulsa ng mga mag-aaral at
kanilang mga magulang.
Sa halip na ipanumbalik ang
mandatory ROTC, dapat igiit sa
pamahalaang Duterte ang lubusang
pagbuwag dito at sa halip ay ipaglaban
ang edukasyong tunay na makabayan,
siyentipiko, pangmasa at malaya.

bisitahin ang

www.anakbayan.org

LATHALAIN

Larawan ni Inday Espina-Varona

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO AT AGOSTO 2016

Palalalain nito ang pagkalimot sa


kasaysayan ng mas nakababatang
henerasyon. Ang pagbura sa kasaysayan
ng mga pang-aabuso sa panahon ni
Marcos ay pinatindi lamang ng pagkabigo
ng mga nagdaang administrasyon na
kasuhan at pagbayarin ang mga Marcos
sa kanilang mga krimen at kasalanan sa
bayan. Binigyan pa sila ng pagkakataon
na makapanumbalik sa kapangyarihan,
na humantong pa sa muntik na
pagkapanalo sa pagkabise-presidente
ng anak ng diktador na si Bongbong
nitong huling halalan.

Tutulan ang
paglilibing kay
Marcos sa Libingan
ng mga Bayani!

Magbibigay din ito ng dagdag na


pahintulot sa pulisya at militar na
ipagpatuloy ang mga karumaldumal
nilang praktika mula sa Batas Militar
tulad ng militarisasyon ng mga
sibilyan na komunidad at pulitikal na
pamamaslang sa mga kaaway ng estado.

Dapat ding paalalahan si Pangulong


Duterte na huwag gamitin ang kanyang
opisina upang bigyang pabor ang
mga malalaking tao na sumuporta sa
kanyang kampanya. Hindi dapat ilibing si
Marcos sa Libingan ng mga Bayani para
publikasyon, at organisasyon ng mga lamang bayaran ang mga utang niya sa
mag-aaral hanggang sa pagdukot, pulitika sa mga Marcos.
pagtortyur, at pagpatay sa mga liderkabataan. Ilan sa mga ito sina Liliosa Hindi rin sapat na dahilan ang pagiging
Hilao, Lorena Barros, Merardo Arce, sundalo o dating pangulo ni Marcos,
Emman Lacaba, Antonio Tagamolila, na siyang katwiran ni Duterte sa
Edgar Jopson, Abraham Sarmiento Jr., paglilibing sa kanya sa Libingan ng
at William Beg.
mga Bayani. Tiyak na magbibigay ito
ng maling senyales sa mamamayan na
Hindi nararapat ilibing si Marcos sa ang pinapupurian pa ng estado ang mga
Libingan ng mga Bayani. Ito ay isang krimen nito sa mamamayan.
malaking inhustisya para sa lahat ng
mga biktima ng kanyang diktadurya at Sa huli, dapat maglunsad ng mga
sa lahat ng mga Pilipino, at sa gayon protesta at puspusang labanan ng
ay dapat mariing labanan at hindi kabataan ang paglilibing sa yumaong
pahintulutan.
diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Nananawagan ang Anakbayan sa lahat ng kabataan at mamamayang


Pilipino na malakas na tutulan ang mga pakana ng administrasyong
Duterte na ilibing ang mga labi ng yumaong diktador na si Ferdinand
Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Bicutan.
Si Marcos ay hindi bayani. Siya ay isang
pasistang diktador, kurap, at tuta ng
imperyalismong US. Hindi bababa sa
70,000 katao ang iligal na ibinilanggo
at tinortyur, libu-libo ang pinaslang, at
marami pa ang naging biktima ng ibat
ibang anyo ng pagyurak sa karapatang
pantao sa ilalim ng kanyang pamumuno
habang bilyon-bilyong salapi ang ninakaw
ni Marcos mula sa kaban ng bayan.
Ang kabataan at estudyanteng Pilipino ay
isa sa mga sektor na lubos na pinahirapan
ng diktadurang US-Marcos mula sa
malawak na panunupil at karahasan
tulad ng pagpapasara ng mga konseho,

PUNONG PATNUGOT
Karlo Mikhail Mongaya
MGA KAWANI
Alexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Shannah Calapit,
Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,
Jaque Eroles, Jay Lahoy, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli,
Nona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,


makokontak kami sa mga sumusunod:

anakbayan.media@gmail.com

facebook | Anakbayan Phils

www.anakbayan.org

twitter | @anakbayan_ph

BALITA

HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Bukod sa pagiging aktibo sa opisyal na


pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas
Diliman mula 2003 hanggang 2007, naging
kasapi rin si Ka Wendell ng Anakbayan at
ng League of Filipino Students (LFS) sa
kampus. Kumilos din siya nang buongpanahon sa hanay ng mga militanteng
manggagawa bilang kawani sa gawaing
propaganda ng Kilusang Mayo Uno (KMU)
mula 2008 hanggang 2010.

Parangal kay Wendell Gumban


iskolar ng bayan, propagandista,
pulang mandirigma
Nagpapaabot ang Anakbayan ng taos pusong pakikiramay sa pamilya, mga
kaibigan, at mga kasama ni Wendell Mollenido Gumban na nagbuwis ng buhay
sa isang engkwentro sa mga elemento ng 66th Infantry Battalion ng Armed
Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Andap, New Bataan, Compostela
Valley noong Hulyo 23, 2016.
Nagdadalamhati ang mga manggagawa,
magsasaka, lumad at lahat ng masang
anakpawis na kanyang pinaglingkuran
sa kanyang maagang pagpanaw sa
murang edad na 30. Marapat na bigyan
ng pinakamataas na parangal at
pagbubunyi ang kanyang makabuluhang

buhay bilang iskolar ng bayan,


propagandista, at pulang mandirigma
ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Dating News Editor ng Philippine Collegian
si Ka Wendell, na kilala bilang Wanda
sa mga kaibigan at kasamang aktibista.

Taong 2011, pinilii


Ka Wendell na
sumampa sa BHB sa Mindanao. Kilala
doon bilang Ka Waquin ng mga kasama
at masang magsasaka at lumad, naging
tanyag siya sa pagiging masayahin sa
harap ng masigasig at walang pagod na
pagkilos bilang pulang mandirigma at
kadre ng Partido Komunista Pilipinas
(PKP) sa larangan ng digma.
Kailanman ay hindi mamamatay ang
ganitong pamana ni Wendell sa ating
alaala, loob, at diwa. Ang kanyang
pagtalikod sa isang masaganang buhay ng
petiburges upang paglingkuran ang mga
pinakainaaping uri ng lipunan ay tunay na
inspirasyon at huwaran. Dapat tularan ng
kabataan ng kasalukuyang henerasyon
ang kanyang walang pag-iimbot na pagalay ng kanyang lakas, talino, at buhay
upang isulong ang mithiin ng sambayanang
inaapi at pinagsasamantalahan.

Panawagan kay Duterte: wakasan na ang


kontraktwalisasyon!
Hinamon ng Anakbayan si Pangulong Rodrigo Duterte na tupdin ang pangako
nitong ipagbawal ang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng pagkikriminalisa
sa pagsasapraktika ng endo at pagbabasura ng mga neoliberal na batas
at polisiya na nagsasaligal sa mga kontra-manggagawa, kontra-kabataang
iskema ng empleyo.
Kinikilala namin ang matapang na pahayag
ni Duterte laban sa kontraktwalisasyon
ngunit higit itong dapat ginagawa sa
pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas
na nagkikriminalisa sa kontraktwalisasyon
at pagbabasura ng kontra-empleyong batas
gaya ng Herrera Law, DOLE Order No. 18-A
Series of 2011, at Executive Order 366, ayon
sa Anakbayan.
Dapat magbigay ng halimbawa si
Duterte sa pamamagitan ng pagpapahinto
ng kontraktwalisasyon sa loob ng
mismo ng gubyerno at sa pagsugpo
sa kontraktwalisasyon sa malalaking
kumpanya ng malalaking oligarkiya tulad
nang kina Lucio Tan, Henry Sy, Gokongwei,
Ayala. Kung hindi, ang mga sinasabi nya
ay mauuwi lang sa mga walang lamang
buladas, dagdag ng Anakbayan.

mahihina at mapupurol na batas-paggawa sa


bansa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga
manggagawa mula sa mga ahensya upang
hindi lumago ang relasyon sa pagitan ng
empleyado at employerna nag-aalis sa mga
negosyante sa mga obligasyon nito sa mga
Ayon pa sa Anakbayan, mahigpit na apektado batayang karapatan ng mga manggagawa
ang mga manggagawang kabataan dahil
pinahihintulutan
ng
kontraktwalisasyon Dagdag pa ng grupo, Walang nakukuha
na tanggalin ng mga kapitalista ang mga ang
mga
manggagawa
mula
sa
manggagawa bago pa man sila makakuha kontraktwalisasyon. Nagbubunga lamang
ng bayad sa overtime, 13th month at iba pang ito ng mga manggagawang laging
benepisyosa kabila ng kalunos-lunos na nangangamba sa kasiguraduhan sa trabaho,
kalagayan sa paggawa at mababang pasahod. mga manggagawang kulang sa o walang
kasanayan dulot ng 6 na buwan o mas maiksi
Wala ring magagawa ang inihaing solusyon pang pagtatrabaho, at nagpipigil sa mga
ni Duterte na 80-20 na hatian sa trabahong manggagawa na magbuo ng unyon upang
regular at kontraktwal. Bibigyan lamang nito ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
ng daan ang mga kapitalista upang patuloy
na magpatupad ng kontra-manggagawa at Umaasa
ang
Anakbayan
na
ang
kontra-kabataang iskema ng paggawa, pagpapatigil
sa
kontraktwalisasyon
ayon sa Anakbayan.
ay magpapabuti sa kalagayan ng mga
manggagawa at magsasara sa anumang
Pinaliwanag din ng Anakbayan na butas sa batas na ginagamit ng mga
ginagamit ng mga malalaking negosyo kapitalista para mang-abuso.
ang kontraktwalisasyon upang dayain ang

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO AT AGOSTO 2016

Pambansang araw ng pagkilos laban sa


extrajudicial killings

BALITA

Inilunsad ng ibat ibang grupo ng kabataan at estudyante sa pamumuno ng


Anakbayan ang isang pambansang araw ng pagkilos laban sa extrajudicial
killings nitong Agosto 11, 2016. Naganap ang mga kilos-protesta sa ibat ibang
mga paaralan sa buong bansa upang kundenahin ang mga pamamaslang
na may kinalaman sa nagaganap na kontra-drogang operasyon ng
administrasyong Duterte.
Sa Metro Manila, daan-daang mag-aaral
ang nagpiket at nagsindi ng mga kandila sa
University of the Philippines (UP) Diliman,
UP Manila, Polytechnic University of the
Philippines (PUP) main kampus sa Sta.
Mesa, at University of Santo Tomas. Bitbit
nila ang mga karton na plakard na may mga
pahayag na Stop the killings at Hustisya
para sa mga biktima ng extrajudicial killings!
Habang pinupuri ng Anakbayan ang pagsisikap
ng gobyernong Duterte na sugpuin ang droga
at krimen, naninindigan ang grupo na hindi ito
matutupad sa pamamagitan ng walang habas
na pamamaslang. Ikinalungkot ng grupo ang
pagwawalang-bahala ng pangulo sa pagtaas
ng bilang ng mga napaslang sa ilalim ng
kanyang gera kontra-droga.

Sa huli, idiniin ng grupo na tiyak na mabibigo


ang gera kontra droga ng administrasyong
Duterte kung patuloy itong aasa sa
extrajudicial killings na pinamumunuan ng
abusadong pulis at militar. Ang iligal na
kalakal sa droga ay isang sintomas ng mas
malalim na panlipunang problema tulad ng
mayayaman at makapangyarihang mga tumataas na disempleyo at kahirapan na
drug lord at protektor ay may dispensa hindi matatapos ng simpleng pamamaslang.
sa pamamaslang, binibigyan ng mga
pagkakataon na makipag-usap at sumuko sa Ayon sa grupo, mawawala lamang ang iligal
na droga sa bansa kung itataguyod ang mas
kapulisan, at hindi rin sinampahan ng kaso.
malawakang panlipunang pagbabago sa
Tinuligsa din ng Anakbayan ang pangako ng pamamagitan ng tunay na reporma sa lupa,
pangulo na patatawarin ang mga pulis na pambansang industriyalisasyon, pagtaas ng
makakasuhan. Ayon sa grupo, magbibigay sahod, pagbasura ng kontraktwalisasyon,
lamang ito ng lakas ng loob na ipagpatuloy at pagbibigay ng edukasyon, serbisyong
ang pamamaslang, pang-aabuso, at ang pangkalusugan, pabahay, atbp. para sa
lahat ng mamamayan.
kultura ng impunidad.

Sinakripisyo ang karapatang pantao sa


kondukta ng operasyong kontra-droga. Ang
mga taong humahawak ng baril ay silang
gumaganap sa papel ng akusador at berdugo.
Dapat irespeto ang karapatan sa buhay at
due process dahil imposibleng tiyakin ang
pagkakasala ng isang tao kung pinapatay
lang sila ng diretso, pahayag ng grupo.
Kinundena rin ng grupo ang di-pantay na
pagtrato sa mga maliliit na suspect na agad
na lamang pinapatay habang ang malalaki,

Pagbubukas ng klase at enrolment sa UP,


sinalubong ng protesta laban sa eUP project
Sinalubong ang pagbubukas ng klase at enrolment sa ibat ibang kampus ng sa mga pribadong korporasyon gaya ng
University of the Philippines (UP) ng malawakang protesta ng mga mag-aaral Oracle at PLDT upang pagkakitaan kahit
pa masagasaan ang kapakanan ng mga
laban sa Student Academic Information System (SAIS) at eUP project.
Sa kabila ng panlabas na anyo nito bilang
data management at computer systems, ang
bulok na SAIS at eUP project sa katunayan
ay isang malaking raket na pinangunahan
ni UP President Alfredo Pascual upang
pagkakitaan ang edukasyon, ayon sa mga
iskolar ng bayan.
Ang mga protestang nananawagan sa
pagpapahinto ng eUP project at paghiling
na itigil ang komersyalisasyon sa kampus
ay yumanig sa UP Los Baos, UP Diliman,
UP Manila, UP Visayas at iba pang kampus.
Ito ay matapos ang palpak at nakaaabalang
enrolment sa UP Los Baos kung saan hindi

estudyante .
nakapag-enlist ang mga mag-aaral sa
kanilang mga sabjek sa SAIS dahil sa paulit- Ayon sa Anakbayan, ito ay isa na namang
mukha ng nagpapatuloy na neoliberal na
ulit na pagkasira ng mga server.
atake sa edukasyon, kung saan nagiging
Sa UP Los Baos, nagmartsa patungo testing ground ang UP para sa mga iskema
sa Opisina ng Chanselor ang mga mag- sa komersyalisasyon na binabayo diumano
aaral noong Agosto 3 nang isinara ng mga bilang pagpapaunlad ng mga computer
gwardya ang gusali. Pinigilan ang mga system ng pamantasan.
mag-aaral na pumasok na nagresulta
sa pagkabasag ng salamin na pintuan at Idiniin ng grupo na ang malaking budget
para sa palpak na eUP project na aabot sa
pagkasugat ng ilang estudyante.
P700 milyon ay maaari na sanang ilaan para
Sa ilalim ng eUP Project, ipinaubaya ng sa mga kagyat na serbisyo at pagbibigayadministrasyon ng UP ang mga information subsidyo sa mga mag-aaral.
system at mga kompyuterisadong proseso

TANONG-SAGOT

HULYO AT AGOSTO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

kaso bunga ng kanilang pampulitikang


paniniwala.
Hindi makatarungan ang pagkakapiit sa
kanila bunga ng mga gawa-gawang kaso.
May obligasyon ang gobyerno na itaguyod ang
karapatang pantao sa ilalim ng CARHRIHL.
Ayon sa JASIG, ang mga NDFP consultants
ay dapat protektado mula sa pag-aresto,
surveillance at harassment. Makakatulong
sa
usapang
pangkapayapaan
ang
pagpapalaya sa kanila.

Bakit ngayon nagpapatuloy


ang PEACE TALKS?

Ngayon lamang matutuloy ang peace talks


matapos ang pagkabahura nito sa panahon
ni Arroyo at Aquino.

Ano ang PEACE TALKS ng


GPH at NDFP?

Sa ngayon ay napirmahan na ang unang


kasunduan ang Comprehensive Agreement
on Respect for Human Rights and
International Humanitarian Law.

Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan


ng GPH at NDFP ay naglalayong tapusin
ang armadong tunggalian na nagaganap sa
Ano ang CEASEFIRE?
buong Pilipinas sa pagitan ng GPH at mga
pwersa ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan
ng pag-lutas sa ugat ng armadong tunggalian Ito ang pansamantalang pagtigil ng
labanan para sa mga depinidong layunin at
Maari itong magkahiwalay
Bakit ba may armadong kunsiderasyon.
na ideklara ng dalawang panig sa labanan.
Maaari ding itong pagkasunduan ng
labanan?
Mula 1969 hanggang kasalukuyan ay may dalawang panig.
nagaganap na armadong labanan sa bansa
Hindi pa ito nangangahulugan ng pagtatapos
sa pangunguna ng CPP-NPA-NDF:
CPP Communist Party of the Philippines, ng armadong labanan dahil hindi pa nalulutas
ang
namunong
organisasyon
sa ang ugat ng armadong labanan. Hindi rin
ito rekisito sa peace talks pero maaaring
rebolusyonaryong pakikibaka.
NPA New Peoples Army o ang hukbo na magkaroon nito para mapaganda ang klima
ng pag-uusap.
naglulunsad ng armadong pakikibaka
NDFP ang alyansa ng mga rebolusyonaryong
pwersa na humaharap sa gobyerno ng
Ano ang POLITICAL
Pilipinas (GPH) sa peace talks.

Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan


ng tunay na pag-unlad, pang-aapi at
pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit
may armadong labanan.

5PRISONERS?

Sa loob ng 15 taon ay walang naging


makabuluhang pag-usad ang usapang
pangkapayapaan.

Paano nasusukat ang


sinseridad at kaseryosohan
sa PEACE TALKS?
Pinakamainam na sukatan ay ang
pagpupursige sa pagbubuo ng mga
kasanduan (human rights, socio-economic
reforms, political and constitutional reforms,
disposition of forces) dahil dito nakasalalay
ang paglutas sa ugat ng armadong tunggalian.
Sukatan din ang pagtataguyod sa mga
nauna nang kasunduan. Hindi basta-basta
dapat madaliin. Hindi rin masusukat sa
simpleng ceasefire lang. Ang hangad
natin ay kapayapaan na nakabatay sa
katarungang panlipunan.

Bakitkailangangsuportahan
ang PEACE TALKS?

Lahat tayo ay may pakinabang sa pagkamit ng


pangmatagalang kapayapaan. Pag-uusapan sa
Bahagi ng pinag-uusapan sa peace talks peace talks ang mga problema ng karaniwang
Pilipino

kabuhayan,
ang kalagayan ng mga political prisoners o mamamayang
bilanggong pulitikal. Sila ang mga nakapiit karapatan, lupa, kalayaan. Ang peace talks ay
dahil sa sinampahan ng mga gawa-gawang isang larangan para isulong ang pagbabago.

Ano ang pinag-uusapan


sa PEACE TALKS?

May apat na substantive agenda ang peace


talks. Kailangang munang makamit ang mga
kasunduan kaugnay sa mga ito para matapos
ang armadong labanan:
Human Rights and International
Humanitarian Law
Socio-Economic Reforms
Political and Constitutional Reforms
Disposition of Forces and Cessation of
Hostilities
Kapag natapos na ang mga kasunduan
sa unang tatlong usapin saka pa lamang
mapag-uusapan ang pagbababa ng armas
ng mga rebolusyonaryong pwersa.
Mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na lumaya sa ibat ibang
kulungan sa Pilipinas. Larawan mula sa pinoyweekly.org.

You might also like