Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Impluwensya ng Asignaturang Filipino sa Konseptong Pansarili ng mga Mag-aaral ng

UC 1-5 sa UDM TP 2015-2016

Isang pananaliksik na isinagawa bilang bahagi ng mga pangangailangan sa Fil. 012.


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Isinagawa nina:
Dejos, Christian
De Guzman, Hannah
Del Mundo, Phobee
Delo Sata, Gerlie
Delos Reyes, Kevin

Marso 4, 2016

Kabanata I
Panimula
Ang asignaturang Filipino ay isa sa mga pinakamahalagang asignatura sa pagaaral ng bawat estudyante sapagkat Filipino rin ang kanilang pambansang wika. Ang
wika ay isang bahagi ng kultura. Sumasangguni ito sa sistema ng mga simbolo na may
tiyak na kahulugan sa isang lipunan at ginagawa ring posible ng wika na tayo ay matuto
tungkol sa mga karanasan at kaalaman ng isang henerasyon hanggang sa mga
susunod pa (Palispis, 2007). Ang wika ay isa ring instrumento ng ideolohiya, behikulo
ng linyang pampulitika, at mabisang tagapagbuo ng mga organisasyong
rebolusyonaryo. Sinasalamin ng wika ang mga relasyong panlipunan at tunggalian ng
mga uri sa lipunan (Flores, 2015). Malaking papel ang ginagampanan ng wika sa buhay
ng isang tao sapagkat ito ang tumutulong sa pagbuo ng koneksyon ng isang tao sa
kanyang kapwa at isa rin itong paraan ng pagpapahayag ng sariling saloobin sa
pamamagitan ng komunikasyon. Karaniwan na nasa isip ng mga tao na ang
asignaturang Filipino ay kailangang pag-aralan sapagkat ito ang kanilang wika at bilang
mga Pilipino ay nararapat lamang na kasama ang asignaturang Pilipino sa kurikulum ng
paaralan.
May mga pagkakataon na malaki ang nagiging impluwensya ng mga bagaybagay pagdating sa konseptong pansarili ng mga tao. At bagaman nagbago at patuloy
pang nagbabago ang mga paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino, nanatili ang mga
pangunahing katangian ng mga ito. Isang halimbawa ang pagiging malapit sa isat isa
ng pamilyang Pilipino na matatag ang bigkis ng pagkakaisa ng pamilyang Pilipino at

nananatili ito bagaman maraming nagaganap na pagbabago sa kanyang komposisyon


(Pelingo, et al., 2012). Maaari itong maka-impluwensya sa konsepto ng isang tao
maging siya ay isang bata o matanda. Mayroon ding paggigiit sa paggamit ng wikang
Filipino dahil ang pinakanasasalat na pagpapahayag ng Western orientation ay ang
paggamit ng isang mananalaysay sa Ingles. Kung nakondisyon ng Western oriented
Philippine academia ang mga miyembro nito sa paggamit ng wikang Ingles, iginigiit ng
pantayong pananaw ang paggamit ng Filipino hindi lang dahil sa pamamagitan nito ay
makakamit ang isang tunay at taal na opinyon, ngunit dahil hinahamon nito ang
intelektwal na kapaligiran na nilikha ng mga nakikipag-usap sa labas (Moralina, 2009).
Sapagkat ibat ibang bansa rin ang sumakop sa Pilipinas, di mapagkakaila na
maraming bagay ang nakapag-impluwensya sa kulturang Pilipino at isa na rito ang
kanilang lenggwahe na naiaangkop na rin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
At dahil iba iba na nga ang nakapag-iimpluwensya sa mga Pilipino, sa pag-aaral na ito
ay tatalakayin ang impluwensya ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng
mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, mas higit at
magiging malalim ang magiging pagkaka-unawa ng konseptong pansarili sapagkat ito
ang pribilehiyong ibinigay sa mga Pilipino upang mas makilala pa ang kanilang sarili
dahil ang sakop ng asignaturang ay hindi lamang natatangi ang araling pang-wika kung
di kaakibat din ito ng kultura maging ang panitikan. At sa pamamagitan ng pag-aaral na
ito, maipapakita ng pangkat kung anu-ano ang impluwensya ng asignaturang Filipino sa
konseptong pansarili ng mga estudyante na kung saan ang konseptong pansarili ay ang
pagpapalagay ng isang tao sa kanyang sarili. Gayun din, malaki ang impluwensya ng
wika sa buhay ng tao. At ninanais talakayin ng pangkat kung anu-ano ang mga

impluwensyang nagagawa ng asignaturang Filipino sa buhay ng isang mag-aaral. Ang


mga kasagutan ng piling mga estudyante ng UC 1-5 sa UDM TP 2015-2016 ang
bibigyang sentro ng kabuuan ng pananaliksik. Ang mga mag-aaral ng UC 1-5 sa UDM
TP 2015-2016 ay ang mga estudyanteng mas nagbibigay pokus sa kanilang pangakademiko kung kayat sila ang mga napiling mag-aaral ng pangkat na tutugon sa pagaaral na ito.

A. Rasyunal
Nais pag-aralan ng mga mananaliksik ang paksang ito sapagkat ang una sa
kanilang mga na-obserbahan ay sa kabila ng katotohanan na wikang Filipino ang
sariling wika ng mga Pilipino, maraming estudyante ang nahihirapan sa asignaturang
Filipino at marahil din ay bumabagsak. Ninanais din ng pangkat ng mananaliksik na
matuklasan ang malinaw na pananaw o palagay ng mga Pilipinong mag-aaral sa
kanilang sarili o ang tinatawag na konseptong pansarili dahil sa kabila ng napakaraming
impluwensya ng mga bansa mula sa Silangan at Kanluran. Nakapagbibigay kuryusidad
at interes ang pagtuklas sa kalalabasan nitong pananaliksik. Sa lahat ng isyu na
maaaring mapag-aralan, ito rin ang napili ng pangkat upang mabigyang diin ang papel
na ginagampanan ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mga mag-aaral
sapagkat kapansin-pansin din na ang konseptong pansarili ng mga Pilipino ay bihirang
maging usapin at natatalakay kahit sa loob ng silid-aralan. At ito ang mga dahilan na
nag-udyok sa pag-aaral na ito ng mga mananaliksik.

B. Layunin
1. Mabatid kung gaano kalawak ang impluwensya ng asignaturang Filipino sa
konseptong pansarili ng mga mag-aaral.
2. Mabigyan kasagutan ang epekto ng asignaturang Filipino sa konseptong
pansarili ng mga mag-aaral.
3. Malaman ang mga paraan kung paano nababago ng asignaturang Filipino ang
paglinang ng mga mag-aaral sa kanilang konseptong pansarili.

C. Suliranin
1. Gaano kalawak ang impluwensya ng asignaturang Filipino sa konseptong
pansarili ng mga mag-aaral?
2. Anu-ano ang epekto ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mga
mag-aaral?
3. Paano mababago ng asignaturang Filipino ang paglinang ng mga mag-aaral
sa kanilang konseptong pansarili?

D. Saklaw at Limitasyon
Una sa lahat, ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga impluwensya na
naidudulot ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mga mag-aaral. Saklaw

ng pananaliksik na ito ang mga mag-aaral ng UC 1-5 sa UDM TP 2015-2016.


Nilimitahan ang pananaliksik na ito sa mga piling mag-aaral ng UDM na nabanggit.
Ipaaalam ng mga mananaliksik sa kanilang mga mambabasa ang maaaring mga
impluwensya ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga makakalap na tugon mula sa mga esduyante na nabanggit na
tutulong sa pagkumpleto ng mga kinakailangang datos.
Ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay iikot sa mga usapin tulad ng kung gaano
kalawak ang impluwensya ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mga
mag-aaral, anu-ano ang mga aspetong naaapektuhan o natatamaan nang dahil sa
impluwensya ng asignaturang Filipino, at paano mababago ang paglinang ng mga magaaral sa kanilang konseptong pansarili. Hindi maaaring mahaluan ng iba pa ang
pananaliksik nang walang kinalaman dito. Ninanais ng mga mananaliksik na malaman
kung paano nakikita ng mga Pilipinong mag-aaral ang kanilang sarili nang dahil sa
asignaturang Filipino at kung anu-ano ang mga naidulot nito sa mga mag-aaral ng UC
1-5 sa UDM TP 2015-2016.

E. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay mabigyang pansin kung paano at bakit
nakapag-iimpluwensya ang asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mg magaaral. Sapagkat sa pagtuklas din ng mga bagong kaalaman ukol sa paksang ito ay mas
matutuklasan din ang ibat-ibang salik na nagbibigay impluwensya sa konseptong
pansarili ng mga mag-aaral dulot ng pag-aaral ng wikang Filipino na bumubuo sa

kanilang pagkatao. Dahil sa pagkatao ng bawat isa, makikita ang pagkakaiba-iba ng


kanilang katauhan sa tulong ng pag-aaral na ito. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na
ito, mapalalawak ang pag-unawa at gayun din ay mas mabibigyang ng bagong
kaalaman ang bahagi ng asignaturang Filipino sa buhay ng mga mag-aaral.
1. Isa sa kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sa mga mag-aaral. Makatutulong
ang pananaliksik na ito upang magkaroon pa ng interes ang iba pang mga
mag-aaral na mas bigyang pansin ang mga bagay o usapin na may
kinalaman sa kanila sa kanilang pagiging Pilipino. Nang sa gayun ay mas
makilala rin nila ang kanilang sariling pagkatao at magkaroon ng mas mabuti
at magandang konseptong pansarili.
2. Mahalaga naman ang pananaliksik na ito sa mga magulang dahil maaaring
magamit nila ito bilang instrumento sa paggabay sa kanilang mga anak
upang maging mas malinaw sa kanila at nang malinang ang kanilang
konseptong pansarili bilang mga Pilipino.
3. Sa mga guro ng asignaturang Filipino ay mahalaga rin ang pananaliksik na ito
sapagkat maaari nila itong magamit upang maituro nila nang mas mabuti at
mas higit pang maipaunawa ang kahalagahan ng asignaturang ito sa mga
estudyante.
4. Mahalaga din ito sa bawat mamayang Pilipino sapagkat hindi lamang ang
mga kabataan ang naiimpluwensyahan o naimpluwensyahan ng asignaturang
Filipino kung di pati na rin ang mga bawat Pilipinong nakapagtapos sa pagaaral na kumuha ng asignaturang ito. Kung kayat sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito, mas magiging malawak ang kanilang kaalaman sa


kanilang sarili bilang Pilipino dahil malalaman nila ang mga impluwensya sa
kanila ng asignaturang Filipino.
5. Mahalaga ang pananaliksik na ito maging sa mga pinuno ng paaralan upang
silay mabigyang kaalaman sa mga impluwensya ng asignaturang Filipino sa
konseptong pansarili ng mga mag-aaral at nang mas mabigyan tuon ang
aspeto ng asignaturang ito ayon sa wika at kultura upang sila ay matulungan
sa paglinang ng konseptong pansarili.

Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ang kabanatang ito ang tatalakay sa mga kaugnay na pag-aaral at mga literature
na may kinalaman sa paksang, Impluwensya ng asignaturang Filipino sa konseptong
pansarili ng mga mag-aaral ng UC 1-5 sa UDM TP 2015-2016". Tatalakayin dito ang
mga naisagawang pag-aaral ng mga lokal at banyagang mananaliksik. Napapaloob dito
ang mga balita, artikulo at iba pang mga pahayagan na may kaugnayan sa paksang ito.
Maipapakita rin ang relasyon ng mga kaugnay na pag-aaral at ng mga kaugnay na
literaturang babanggitin dito.

A. Mga Kaugnay na Pag-aaral


Lokal
Sa isang disertasyon na may paksang How Does Religion Shape Filipino
Immigrants' Connection to the Public Sphere?: Imagining a Different SelfUnderstanding of Modernity ni Manalang (2013) ay tungkol sa kanilang konseptong
pansarili na nagsasaad sa matataas na bilang ng mga problemang mental o
pangkaisipan tulad ng depresyon sa mga Pilipino ay maaari ring dahil sa mahabang
kasaysayan ng kolonisasyon ng mga bansa sa Kanluran tulad ng Estados Unidos at
bilang isang tiyak na kahihinatnan, nahihiwagitan ng mga Pilipino ang kanilang sarili
bilang kultura o etnikong mas nakabababa (David, EJ.R & Sumie Okazaki, 2006;
Rimonte, 1997).

Mula sa pananaliksik ni Totanes (2012) na History of the Filipino History Book,


isinasaad dito na ang maliit na bilang ng mga librong pangkasaysayan ng Filipino sa
Espanyol ay lumitaw lalo na sa panahong ikalabinsiyam at unang bahagi ng
ikadalawampung siglo, habang ang mga nasa Ingles ay nailathala nang mas madalas
sa dakong huling kalahati ng ikadalawampung siglo lamang. Ang katotohanang ito ay
maaaring masundan sa katunayan na ilang mga Pilipino lamang ang natuto ng wikang
Espanyol sa loob ng mahigit tatlong siglo ng panahon ng Kastila; mas maraming
Pilipino ang natuto sa Ingles sa panahon at pagkatapos ng panahon ng mga
Amerikano; at isang kultura ang nabuo kung saan ang panitikan, upang magamit nang
taimtim sa pamamagitan ng pagtatatag ng pampanitikan ay magkaroon na sa Ingles,
hindi ang sariling wika.
Ayon naman sa isa pang pananaliksik na may paksang, The Study of Filipino
Subject in High School Student of Diadem Christian Academy na isinagawa nina
Villamor et al. (2014), sinasabi rito na sa panahong ito, maraming natural na mga
Pilipino ay hindi kayang makipag-usap nang matatas gamit ang sariling wika dahil sa
iba't ibang mga wika na nakupkop natin mula sa ibang mga bansa. Sa katunayan, ang
mga Pilipino ay kilala bilang isa sa mga pinakamahusay pagdating sa pagsasalita ng
wikang Ingles. Ito ay isang tagumpay para sa mga Pilipino ngunit kailangan pa rin natin
na magbigay halaga sa ating sariling wika. Sa bawat paaralan, ang asignaturang
Filipino ay isang mahalagang bahagi sa kurikulum. Sa paksa na ito, ang mga mag-aaral
ay tinuturuan tungkol sa kakanyahan ng wikang Filipino at magawang pahalagahan ng
lahat ang asignatura. Sa karagdagan, ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magbasa at

manood ng panitikang Filipino. Subalit, sa panahon na dumadaan ay maraming


estudyante na ang hindi nabibigyang halaga ang asignaturang ito.
Banyaga
Ang disertasyon na isinagawa ni Burton (2013) na may pamagat na Mother
Tongue-Based Multilingual Education in the Philippines: Studying Top-Down Policy
Implementation from the Bottom Up ay sinasabi na ayon sa mga guro at mga magulang
sa pag-aaral na ito, ang nakaraang naging paraan ng pagtuturo ng matematika at
agham gamit ang Ingles ay naglimita sa abilidad ng mga estudyante sa pag-iintindi ng
kanilang mga aralin. Gaya pa ng sinabi ng isang guro tungkol sa pagtuturo gamit ng
sariling wika, "(Ang mga estudyante) naka-iintindi ng mga konseptong nang mas
malinaw ngayon." Inugnay ang kinalabasan na ito sa katunayan na ang mga estudyante
ay dapat magbigay pokus sa kahulugan ng mga aralin sa halip na sa kahulugan ng
bokabularyo. Gayunman, ang paniniwalang ito ay lilitaw lamang na totoo kapag ang
mga guro ay maaaring maging malaya sa paggamit ng Ingles sa kanilang mga aralin.
Ang pananaliksik na isinagawa ni Shouse (2010) na Foreign Occupation and the
Development of Filipino Nationalism ay naghahayag na ang impluwensiya ng dating
mga kultura tulad ng Tsino, at ang kritikal na unang mga taon ng pamamahala ng mga
Kastila, itinatag ang mga ideya at konseptong sentral sa panlipunang pagpapakilanlan
ng Pilipino. Sa loob ng ikalabinsiyam at ikadalawampu't siglo, lumalaki ang kawalangkasiyahan sa kolonyal na kapangyarihan sa mga bagong paraan ng pag-iisip para sa
mga Pilipino--una sa mga piling tao, at sa ibang pagkakataon sa mga masa. Sa proseso
ng paghahanap ng isang pangkaraniwang kasaysayan ng pang-aapi, marami sa mga

iba't ibang mga etniko at relihiyosong grupo ang yumakap ng isang bagong imahe ng
kanilang mga sarili bilang Pilipino. Ayon sa kasaysayan, ang paksyunal na interes o
factional interest ay patuloy na kumukumpleto sa at madalas na nananalo sa laban sa
mas malalaking pambansang interes, na ginagawang ang pambansang pagkakaisa sa
Pilipinas ay tila walang kasiguruhan. Sa huli, ang pagkakaroon ng isang dayuhang
kaaway ang nakapagbigay daan upang maging posible ito.

B. Mga Kaugnay na Literatura


Lokal
Mula sa artikulong Self-Esteem and its Correlates among University Freshmen
Biotechnology Major nina Olea et al. (2012), sinasabi sa artikulo na ito na kahit paano,
ang kultural na impluwensiya ay maaari ring maging isang batayan at kontribyutor sa
paghubog sa tunay na sariling katangian ng isang tao at maaaring mag-ambag sa
kanyang akademikong tagumpay (Strassburger et al., 1990). Tinutukoy ng self-concept
ang kung paano mauunawaan ng isang tao ang kanyang sarili na kung saan ay nabuo
sa pamamagitan ng paghantad at mga karanasan sa kapaligiran, na
naiimpluwensyahan ng kapaligirang pampalakas, at makabuluhang iba (Shavelson et
al., 1976).
Ayon naman sa pahayagan na may paksang Tungo sa Isang Mas Mapabuong
Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino ni Yacat (2013) ay may
kaugnayan ang aspektong ito sa pagsasakatutubo ng mga konsepto at teoretikal na
balangkas (conceptual/theoretical indigenization) nina Church at Katigbak (2006). Isang

malaking kontribusyon ni Enriquez sa aspektong ito ay ang Teorya ng Kapwa (Enriquez


1978). Sa pamamagitan ng masusing pag-unawa sa wika, natagpuan niyang higit ang
kahalagahan ng pakikipagkapwa kaysa pakikisama, na sa mga panahong iyon ay
itinuturing na nasa pinakaibuturan ng pagka-Pilipino.
Sa isa pang pahayagan na may paksang An Empirical Analysis of Research
Trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for Sikolohiyang Pilipino ni
Clemente (2013) ay isinasaad na ang Sikolohiya, bilang pag-aaral at kasanayan sa
Pilipinas ay kailangang maituro muli sa mga Pilipino upang maunawaan nila ang sariling
pag-uugali gamit ang kanilang sariling pananaw. Kinakailangan maunawaan ang mga
Pilipino sa mga tuntunin ng kanilang kultura, sa halip na sa palaging paggamit ng
banyagang pamantayan o yardsticks bilang benchmarks (Allwood & Berry, 2006).
Banyaga
Mula naman sa isang journal na isinulat ni Ibrahim (2014) na may pamagat na
The Students Perception of Teachers Classroom Effectiveness on Their Self-Concepts
in Lagos Metropolis, sinasabi niya rito na sa paglipas ng panahon, naisaysay na ang uri
ng pang-unawa ng estudyante tungkol sa kanyang guro ay nagsisilbi upang
impluwensya sa kanyang konseptong pansarili tungo sa kanyang guro at mismo sa mga
asignaturang kanyang itinuturo (Geoff, 2004). Ito rin ay makaaapekto nang malaki sa
akademikong pagganap o academic performance. Gayundin, ang ganitong pang-unawa
ng mga guro ay higit na magdadala sa pagbuo ng kahit alin sa negatibo o positibong
konseptong pansarili mula sa mga estudyante ng mga asignatura ng mga guro. Ito ang

magbubuo sa kanila bilang maging isang mabuting tagumpay sa pang-akademya o


masama (good achiever academically or a bad one).
Sa isang libro na may pamagat na Towards an Understanding of Language
Learner Self-Concept na isinulat ni Mercer (2011), sinasabi na ang konseptong pansarili
ng isang tao ay binubuo ng mga paniniwala na mayroon siya tungkol sa sarili, isang tao
sa pansariling unawa o bilang pagpapahayag ni Hamlyn (1983:241), "ang larawan ng
sarili". Hindi ang mga "katotohanan" sa sarili ngunit kung ano ang pinaniniwalaan ng isa
bilang totoo tungkol sa kanyang sarili. Ang konseptong pansarili ay lumalabas na
gumagana sa mga tiyak na dominyong kataga (Marsh et al. 1988), halimbawa, ang
paniniwala sa sarili o self-belief ay naka-grupo upang sumalamin sa isang partikular na
larangan o paksa.

C. Synthesis
Ang ugnayan ng mga pag-aaral at ng mga literatura ay makikita sa mga lokal at
banyagang pananaliksik at itong dalawa ay may koneksyon na tumatalakay sa mga
paksang tulad ng konseptong pansarili at kulturang Pilipino sa kabila ng magkakaibang
mga manunulat na lumikha ng mga ito. Kaugnay rin dito ang kultura bilang kabuuan ng
isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na nagtatakda ng maaangking
kakanyahan ng isang tao, ang wika ay hindi lamang daluyan kundi higit pa rito,
tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura. Sa ganitong pagkakaugnay
ng wika at kultura, ang kulturang Pilipino, bilang natatanging pagkabuo ng isip,
damdamin, ugali, kaalaman, at karanasan ng katauhan ng bayang Pilipino, ay dapat

lamang taglayin ng isang wikang nagpapaloob at nagpapahayag dito (Salazar 1996,


19). At ang konseptong pansarili ng isang tao ay binubuo ng kanyang mga paniniwala
tungkol sa sarili, isang tao sa pansariling unawa o bilang pagpapahayag ni Hamlyn
(1983:241), "ang larawan ng sarili". Hindi ang mga "katotohanan" sa sarili ngunit kung
ano ang pinaniniwalaan ng isa bilang totoo tungkol sa kanyang sarili.

Kabanata III
Pamamaraan ng Pananaliksik
Tatalakayin sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik na kung saan
babanggitin ang gagamiting paraan ng pag-aaral ng metodolohiya, ang mga tagatugon,
instrumento ng pananaliksik, paraan ng pagsasaayos ng mga datos at ang pormula na
gagamitin.
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral ay gumamit ng metodolohiya sa isinagawang pananaliksik na ang
tinatawag na deskriptibong metodolohiya. Sa metodolohiyang ito ay masusuri ang
kaalaman, damdamin, kaisipan at pananaw ng mga tao ukol sa isang paksa. Ang
nasabing uri ng metodolohiya ay mayroong tatlong uri (pamamaraan ng pagmamatyag
o observational, pag-aaral ng kaso at sarbey). Ang isa sa tatlong ito ay ginagamitan ng
talatanungan o sarbey na pupunan ng mga respondente at siyang panggagalingan ng
mga datos na gagamitin din ng mga mananaliksik.
Sa maraming uri ng metodolohiya, ito ang napiling gamitin ng mga mananaliksik
sapagkat pinaniniwalaan nila na sa ganitong disenyo pinaka-angkop ang paksang
kanilang pinag-aaralan. Gagamitin din ito nang sa gayon ay matukoy rin ang lawak ng
kanilang paksa na tumatalakay sa mga nagiging impluwensya ng asignaturang Filipino
sa konseptong pansarili ng mga respondente na ang mga mag-aaral, matukoy ang mga
epekto ng asignaturang Filipino sa konseptong pansarili ng mga mag-aaral, at matukoy
kung paano mababago ng asignaturang Filipino ang paglinang ng mga mag-aaral sa
kanilang konseptong pansarili. At dahil pinaniniwalaan din ng mga mananaliksik na ang

disenyong ito ang pinaka-angkop na gamitin sapagkat magiging mas madali ang
pagkuha ng mga kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga respondente.
Isasagawa naman ang deskriptibong metodolohiya sa pamamagitan ng paraan
ng talatanungan o sarbey na higit pang tatalakayin sa susunod na bahagi nito.

B. Paraan
May iba't ibang uri rin ng deskriptibong pananaliksik at napiling gamitan ng
talatanungan o sarbey upang makalikom ng datos ang pananaliksik. Ang sarbey ay
isang tiyak na paraan ng pag-aaral na ginagamit upang masukat ang umiiral na
pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit naging ganoon o ganito ang isang
bagay, paksa o ang isang pangyayari. Maaari rin ito ang paraan ng pagtugon gamit ang
papel at bolpen sa isang interbyu. At ang pananaliksik sa pamamaraan ng sarbey ay
binubuo ng iba't ibang estilo ng paghahanap ng kabilang ang pagtatanong sa mga
respondente.
Ito ang paraan na pinili ng mga mananaliksik upang mas mapadali ang
pangangalap at pangongolekta ng mga datos sa mga respondente na tutugon sa
sarbey. At kagaya ng deskriptibong metodolohiya, ang sarbey naman din ang pinakaangkop sa paksang pinag-aaralan. Ito rin ang gagamitin nang sa gayon ay tuwirang
matukoy ang saloobin ng mga respondente. At dahil pinaniniwalaan din ng mga
mananaliksik na sa pamamagitan ng uring ito ay magagawang matukoy at masukat ang
mga sagot sa suliranin ng pag-aaral.

Isasagawa ang sarbey sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga ito at


pasasagutan sa mga respondente. Ang mga napiling respondente ng mga mananaliksik
ay ang mga mag-aaral ng UC 1-5 sa UDM TP 2015. Sila ay pasasagutin sa sarbey
bago matapos ang ikalawang semester. Ang mga mag-aaral ng UC 1-5 sa UDM TP
2015-2016 ang mga tutugon sa sarbey sapagkat sila ang mga estudyanteng mas
nagbibigay pokus sa kanilang pang-akademiko kung kayat sila ang mga napiling magaaral na tutugon sa pag-aaral na ito. Ang kabuuang bilang ng mga respondente sa
isinagawang sarbey ay 50 na mag-aaral lamang ng UC 1-5. Ito ay pasasagutan sa
kanila upang makuha ang kanilang mga tugon ukol sa paksa na isinasagawa ng mga
mananaliksik. Pagkatapos sagutan ang sarbey ay gagawan din ng preliminaryong mga
resulta at masusing tiningnan ang ugnayan ng bawat tanong sa katumbas na mga
naging sagot dito.
Layunin ng mga mananaliksik na alamin ang mga impluwensiya ng asignaturang
Filipino sa konseptong pansarili ng mga mag-aaral ng UC 1-5 sa UDM TP 2015-2016
na kanilang isinasagawa bilang bahagi ng mga pangangailangan sa asignaturang
Filipino. Nakapaloob din sa sarbey ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kanilang
pangalan (opsyonal), edad, seksyon at kasarian. Ang iskala naman ay binubuo ng 1
hanggang sa 5 bilang na
Impluwensya ng Asignaturang Filipino sa Konseptong Pansarili
ng mga Mag-aaral
5
Gaano kalawak ang impluwensya ng asignaturang Filipino sa
konseptong pansarili ng mga mag-aaral?
1. Dahil sa asignaturang Filipino, mas napapahayag ko ang aking
sarili gamit ang sariling wika.

2. Nakatutulong ito upang mapalakas ang pagpapakahulugan ng


nasyonalismo sa aking sarili.
3. Nakasasabay pa rin ako sa asignaturang Ingles ng dahil sa
asignaturang Filipino.
4. Nang dahil sa tulong ng asignaturang Filipino mas napalawak
ang kaalaman ko sa kultura.
5. Mas nagagamit ko ang wikang Filipino sa pang araw araw
na pakikipag usap sa kapwa.
Anu-ano ang epekto ng asignaturang Filipino sa konseptong
pansarili ng mga mag-aaral?

1. Nang dahil sa asignaturang Filipino naibabahagi ko ang mga


kaalaman ko sa ibang tao.
2. Sa tulong ng asignaturang Filipino, mas napapaunlad ang
kakayahan ko sa pakikipag talastasan.
3. Dahil sa asignaturang Filipino, nahuhubog ang kabuuan ng
aking kompiyansa sa sarili.
4. Mas nagiging maayos ang pagbuo ko ng mga kaisipan dahil
sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.
5. Nagagamit ko ang aking mga kaalaman mula sa asignaturang
ito sa pang-araw-araw na buhay.
Paano mababago ng asignaturang Filipino ang paglinang ng
mga mag-aaral sa kanilang konseptong pansarili?
1. Sa pamamagitan ng asignaturang Filipino mas nagiging angat
ang konsepto ko sa kultura.
2. Naibabahagi ng asignaturang Filipino ang mga kaalaman
upang mas mabilis kong malinang ang mga bagay.
3. Dahil sa asignaturang Filipino, napapairal ang aking
magandang asal sa tulong ng pag-aaral nito.
4. Naging daan ang asignaturang Filipino upang mabigyang
importansya ang aking pagiging isang Filipino.
5. Mas higit kong mapapahalagahan ang aking wika at kultura.

C. Estadistika
((((dito ipapakita yung gagamiting formula sa lahat ng datos, basta lahat ng computation
na kailangan natin gamitin)))

You might also like