Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALLERGEN KA BA?

KASI HIRAP AKONG HUMINGA


By Yam dela Cruz, Multimedia Producer
PAGKAKAIBA
Allergy isang kondisyon na apektado ang katawan ng pagkain o mga bagay sa paligid
Allergic tawag sa taong may allergy
Allergen tawag sa bagay na sanhi ng allergy
Allergist tawag sa espesyalista o doctor na gumagamot ng allergy o allergies
Allergologist tawag sa Scientist na nag-aaral sa medisina ng allergy
PANGUNAHING SUSPEK
Itlog
Gatas
Peanuts
Shellfish
Isda
Tree nuts (walnut, pecans, almond, hazelnut, cashew, pistachio, Brazil nuts)
Soy
Wheat
ANO?
Ang allergy sa pagkain ay karaniwan sa mga sanggol at bata pero maaaring lumitaw sa
anumang edad. Habang lumalaon, maaari ring magkaroon ng allergy nang walang
problema sa mga pagkaing ilang taon mo nang kinakain.
BAKIT? PAANO?
Ang ating immune system ang nagpapanatili ng kalusugan sa paglaban sa mga
impeksyon at panganib sa katawan. Kapag ang immune system ay nag-overreact sa isang
pagkain o sangkap ng pagkain dahil akala ay panganib ay iyong isinubo, ito ay nagiging
protective kung kayat nakararamdam ng mga sumusunod na maaaring katamtaman
hanggang sa malala.
SAAN?
(Mga Sintomas)
Pagsusuka o parang pinupulikat ang tiyan (stomach cramps)
Pamamantal
Pangangapos ng paghinga
Paghuni ng paghinga
Paulit-ulit na ubo
Shock o bumabagsak na sirkulasyon ng dugo (circulatory collapse)
Masikip sa lalamunan, namamaos o hirap lumunok
Pamamaga ng dila, apektado ang pagsasalita at paghinga
Paghina ng pulso
Pamumutla o parang nagkukulay asul ang balat
Pagkahilo o pakiramdam na mahihimatay
Anaphylaxis, nakamamatay na sintomas kung saan apektado ang paghinga at sabaysabay na nasasangkot ang ibat ibang parte ng katawan.
KAILAN?

Ang sintomas ay maaaring maramdaman sa 2 oras pagkatapos kainin. Minsan, umaabot


ng 4 hanggang 6 na oras o mas matagal pa.
Hindi lahat ng nakararanas ng sintomas pagkatapos kumain ay may food allergy. May
tinatawag na oral allergy symptom -- nagre-react ang katawan sa pollen na dala ng
pagkain at hindi sa mismong kinain.
KUNG NAKARARAMDAM ng mga nabanggit na sintomas, panahon na para iwasan
ang mga pagkain ito. Yes ngayon na ngayon din kaysa naman paulit-ulit kayong hindi
makahinga o magsuka o makaranas ng iba pang sintomas. Nakain mo nga ang gusto,
hirap ka naman.
Magpa-check up na po sa Allergist para mapatunayang may allergy o allergic nga kayo
o allergen ang kinakain nyo. Baka ang akala nyo may malala na kayong sakit, allergy
lang pala. O sya, i-donate mo na sa mga walang makain ang laman ng kusina. Salamat sa
pagbabasa. smile emoticon
Reference: American College of Allergy, Asthma & Immunology

You might also like