Reviewers Retorika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

REVIEWERS RETORIKA

Pagsulat ng Komposisyon
Ang Komposisyon
Ang simpleng pagsulat ng
mga natatanging karanasan,
pagbibigay interpretasyon sa
mga pangyayari sa
kapaligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood
na pagtatanghal ay nagagawa
sa pamamagitan ng pagsulat
ng komposisyon.
Ang pagsulat ay nasasangkot
sa intens na partisipasyon at
imersyon sa proseso. Ang
imersyong ito sa pagsulat ay
kadalasang:
a. Solitari at kolaboratibo
b. Pisikal at Mental
c. Konsyus at sabkonsyus
Mga Teorya sa Pagsulat

Donald Murray
Ayon sa kanya:

Ang pagsulat ay
eksplorasyon.

Ang pagsulat ay isang


prosesong rekarsib o
paulit-ulit.

"A good writer is


wasteful".

Ben Lucian Burman

Winika niya na "I am


a demon on the subject
of revision. I revise,
revise, revise until every
word is what I want".

W. Rose Winteroud

Ang Talata

Ayon sa kanya, ang proseso sa


pagsulat ay kinasasangkutan
ng ilang lebel ng gawain na
nagaganap nang daglian at
maaaring kaugnay o
kasalungat ng bawat isa.

Ang talata ay binubuo


ng isang pangungusap o lipon
ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi
ng buong pagkukuro, palagay,
o paksang-diwa.

Ang isang ay talata


maiuuri sa lokasyong
katatagpuan nito sa loob ng
isang komposisyon. Maaari
itong mauring Panimulang
Talata, Talatang Ganap, Talata
ng Paglilipat-diwa at Talatang
Pabuod.
a. Panimulang Talata
Ito ang una at kung
minsan ay hanggang sa
ikalawang talata.
b. Talatang Ganap
Matatagpuan ito sa
kalakhang gitnang bahagi ng
komposisyon. Tungkulin nito
ang idebelop ang
pangunahing paksa.
c. Talata ng Paglilipat-diwa
Ginagamit ang talatang
ito upang pag-ugnayin ang
diwa ng dalawang
magkasunod na talata.
d. Talatang Pabuod
Kadalasan, Ito ang
pangwakas na talata o mga
talata ng komposisyon.
Inilalagay rito ang mga
mahahalagang kaisipan o

pahayag na tinalakay sa gitna


ng komposisyon.
MGA HALIMBAWA:
Panimulang Talata:
Ang tao ay natatanging
nilalang ng diyos. Kung
ihahambing nga naman sa iba
pang nilikha sa daigdig,
walang pag aalinlangang
masasabi na ang tao ang
nakahihigit sa lahat. Ang
paniniwalang ito ay
maibabatay sa mataas na
antas ng pag-iisip ng tao.
Bunga nito, at ang iba
pang tanging kakanyahang
ibinibigay ng Diyos sa tao,
may mga tungkuling
inilathalang ang Diyos sa
balikat ng bawat tao.
Talatang Ganap:
Ang pananampalataya sa
Diyos ang pangunahing
tungkulin ng tao. Dapat
niyang kilalanin na kung hindi
dahil sa Diyos ay wala siya sa
daigdig na ito. Kung gayon,
dapat niyang ipagpasalamat
sa Diyos ang lahat ng
biyayang kanyang
natatanggap. Ang

pananampalataya niya sa
Diyos ay dapat ding makita sa
kabutihan sa kanyang kapwa
sapagkat Diyos ang
nagsabi,Kung ano ang
ginagawa mo sa iyong kapwa
ay siya mo na ring ginagawa
sa Akin.
Talata ng Paglilipat-diwa:
Paano maipamamalas
ang kabutihan ng tao sa
kanyang kapwa? Kailangan
bang maging malaking bagay
ang maialay sa tao?
Talatang Ganap
Ipinahihiwatig nito na
ang tao ay may pananagutan
din sa bansa. Bawat tao kasi
ay hindi lamang nilikha ng
Diyos. Siya ay mamamayan
din ng isang bansa. Kung
gayon bawat mamamayan ay
may katungkulang
paglingkuran ang kanyang
bayan upang ito'y umunlad.
Ang paglilingkod sa bayan ay
maisasagawa sa
pamamagitan ng aktibong
pakikilahok sa mga programa
ng gobyerno. Tungkulin din ng
bawat mamamayan ang
pagsunod sa mga batas at

ang pagiging matapat sa


kanyang pamahalaan.
Talatang Pabuod
Ang mga iyan ang mga
tungkulin ng tao ayon sa
pagkakasunod-sunod ng
halaga bawat isa: Una,
tungkulin sa Diyos; Ikalawa,
tungkulin sa kapwa; Ikatlo,
tungkulin sa bayan; tungkulin
sa sarili (RAB).
Mga Katangian ng
Mabuting Talata
a. May isang paksang-diwa
Masasabing may isang
paksang-diwa ang isang talata
kapag ito ay nagtataglay ng
isa lamang pangungusap.
Ang Paksang
pangungusap ay
pangungusap sa talata na
nagsasaad ng buod ng
nilalaman niyon.
b. May kaisahan ng diwa
Masasabing kaisahan ng
diwa ang isang talata kapag
ang bawat pangungusap
niyon.
HALIMBAWA:

Mula noon, nakilala si


Quezon sa larangan ng
politika. Nahalal siya bilang
gobernador ng Tayabas.
Matapos iyo'y nahalal siyang
kinatawan ng kanyang
lalawigan sa Asembliya ng
Pilipinas. Agad na napansin ng
maraming mambabatas ang
kanyang husay at talino sa
Asembliya kung kaya't di
naglao'y nahalal siyang
pinuno ng mayorya sa
Asembliya.

3. Paghahambing- katulad ng,


kawangis ng, animo'y, anaki'y

c. May wastong paglilipat


diwa

Proseso ng Pagsulat

May mga salita at


pariralang ginagamit sa
paglilipat diwa. Makatutulong
ito upang maunawaan ang
tamang pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangungusap na
bumubuo sa talata.
Mga angkop na salitang
ginagamit sa bawat sa
paglilipat diwa.
1. Pagdaragdag- at, saka,
gayon din
2. Pagsalungat- ngunit,
subalit, datapwat, bagaman,
kahiman, sa kabilang dako.

4. Pagbubuod- sa madaling
sabi, kaya nga
5. PagkokongkludSamakatuwid, kung gayon
d. May kaayusan
Mabuting ayusin ang
mga pangungusap sa talata
sa paraang papaunlad ang
galaw ng mga pangyayari o
kaisipang tinatalakay.

1. Pre-Writing Activities
Mga mungkahing PreWriting Activities:
a. Pagsulat ng Dyornal
Ito ay mga rekord ng
mga ideya, pero ito ay mula
sa araw-araw na pangyayari
ng pagsulat.
b. Brainstorming
Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng malayang
pakikipagtalakayan sa isang
maliit na pangkat hinggil sa
paksa.
c. Questioning

Madalas na gamitin
dito ang limang W's at isang H
(What, When, Where, Who, at
How).
d. Pagbabasa at
Pananaliksik
Pagkonsulta sa mga libro
at iba pang materyales na
karaniwang matatagpuan sa
aklatan o internet.
e. Sounding-out Friends
Ito ay
isinasagawa sa pamamagitan
ng isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan, o
kapitbahay at
pakikipagtalakayan sa kanila
hinggil sa isang paksa.
f. Pag-iinterbyu
Ito ay pakikipanayam sa
isang tao o pangkat ng mga
tao na ipinapalagay na
awtoridad hinggil isang paksa.
g. Pagsasarbey
Pagpapasagot sa isang
talatanungan sa isang
pangkat ng respondente.
h. Obserbasyon

Pagmamasid ito sa mga


bagay-bagay, tao o
pangkat.Inaalam dito ang mga
gawi at distinksyon ng
inoobserbahang paksa.
i. Imersyon
Ito ay sadyang
pagpapaloob sa isang
karanasan o gawaing iyon.
j. Pag-eeksperimento
Sinusubukan ang isang
bagay bago sumulat ng
tungkol dito. Madalad itong
gawin sa pagsulat ng mga
sulating siyentipiko.
2. Writing Stage
Mga paraan na maaaring
gamitin sa pagsisimula:
a. Gumamit ng isa o
serye ng mga tanong
retorikal.
Ano nga ba ang wika?
Bakit dapat nating liwanagin
ang nauukol dito? Ano nga ba
ang kaugnayan ng wika sa
bayang pinag-uugatan ng
wikang iyan? Iyan ang mga
katanungang dapat sagutin ng
bawat isa. Iyan ang mga

katanungang dapat ihanap ng


kasagutan.
b. Gumamit ng isang
pangungusap na
sukat makatawagpansin.
Hindi ito himala. Pero
ngayong kapaskuhan, ang
basura ay puwedeng
maging pera o bigas.
c. Gumamit ng
pambungad na
pagsasalaysay.
Napatingin ako sa dakong
sisiskatan ng araw. Nakita
kong unti-unti nang
namimitak ang haring araw.
May tuwang pumintig sa
aking puso. Napangiti ako.
Naunawaan kong hindi pa
hulia ang lahat.
d. Gumamit ng salitaan.
"Nakasimangot kayo, Ka
Ambo?" bungad ni Tata
Orong. "Kasi ba naman,
nakaiinis ang naririnig kong
balita sa radyo." "Na ano
ho?""Nag-walk-out daw ang
mga congressman sa
sesyon ng kamara dahil

ginamit ng president ang


Filipino."
e. Gumamit ng sipi
O Diyos ko, O Diyos ko, bakit
mo ako pinabayaan?Masidhi
ang pagtaghoy ko upang ako
ay tulungan:Ngunit hindi
dumarating ang saklolong
hinhintay,Araw gabi'y
dumarating , tumatawag ako,
Diyos Hindi ako mapanatag di
ka pa rin sumasagot! Ito ang
sinambit ni Haring David
bilang simula ng kanyang Awit
22 sa panahong humihingi
siya ng awa ng Diyos...
f. Banggitin ang
kasaysayan o mga
pangyayari nasa likuran ng
isang paksa
Noong Nobyembre 10,
1948, ang mga kinatawan ng
nagkakaisang mga bansa ay
nagpalabas ng kinikilala
ngayong Universal
Declaration of Human Rights.
Nilalaman nito ang lahat ng
karapatan ng mga tao na
maaaring maisip.
g. Tahasang ipaliwanag
ang suliraning ipaliwanag.

Ang paglalahad sa mga


Pilipinong Muslim ay
paglalahad tungkol sa tatlong
mga bagay. Una, ang tungkol
sa kanilang sining;
pangalawa,ang tungkol sa
kanilang relihiyon; at
pangatlo, ang tungkol sa
kanilang panlipunang
katauhan. Bagaman malaking
bahagi ng panayam na ito ay
tungkol sa kanilang
panlipunang kahulugan ng
kanilang sining-buhay.
h. Gumamit ng salawikain
o kawikaan.
"Aanhin pa ang damo
kung patay na ang kabayo."
Tamang-tama ang kawikaang
ito sa maraming tao ngayon.
Kung kailan huli na at saka
naman nag-uumahit sa
pagkalaloob ng tulong.
i. Gumamit ng Pasaklaw o
panlahat na pahayag
Malaking bahagi ng
populasyon ang binubuo ng
kabataan. Kaya tuwing may
krisis na tumatama sa
ekonomiya ng Pilipinas, isa sa
mga labis na naaapektuhan
ay ang mga bata.

j. Magsimula sa
pamamagitan ng buod.
Nilayasan na ng veteran
rocker na si David Bowie ang
kanyang recording company
at nagtayo na ng sarili niyang
kumpanya.
k. Gumamit ng tuwirang
sabi.
They're liars! Ito ang
mariing sinabi kahapon ni
Senador Wigberto Taada sa
mga U.S. officials...
l. Maglarawan ng tao at
pook.
Baliw raw si Mercy, ang
babaeng may bigote't
balbas... Marusing pero hindi
marumi. Nakatali an manipis
na buhok na lampas balikat
ang haba. Hanggang tuhod
ang pantalon kaya kapansinpansin ang malago at kulot na
balahibo sa mga binti.Isang
pader- mataas at makapal, sa
likod nito ay may itinatagong
samu't saring kuwento sa
buhay. Mapapansin mo ang
pag-asang bumabalot sa
katauhan ng ilan sa mga
naririto samantalang kabitkabit ang maaaninag mo sa

karamihan sa kanila.
Naghihintay ng hatol sa
nagawa nilang kasalanan.
m. Gumamit ng analohiya
Ang buhay ay gulong...
umiikot... mabilis... mabagal,
pumapailalim,
pumapaibabaw...
n. Gumamit ng isang
salitang makatatawag ng
kuryosidad.
Luha!
Salitang may apat na titik
lamang datapwa't naglalaman
ng isang libo't isang
kahulugan.
Pagsasaayos ng katawan
a. Iayos ang mga datos
pakronolohikal
Kahapon sana siya
makukumpirma sa
Commission on Appointments,
pero hindi pumayag si Sen.
Sergio Osmea dahil ibig daw
nitong makita muna ang mga
kopya ng kontratang
pinirmahan ni Reyes noong
siya pa ang Armed Forces
Chief.Inabot ng anim na oras
ang deliberasyon sa

confirmation ni Reyes.Halos
naubos ni Osmea ang oras
dahil sa pagtatanong niya kay
Reyes tungkol sa pagbili ng
apat na C-130 eroplano mula
sa Lockheed Martin at ng
surveillance equipment sa
halagang 641 milyon pesos.
b. Iayos ang mga datos ng
palayo at palapit, pataas o
pababa, papasok o
palabas.
Mula sa malayo'y tanaw
ko ang maiitim niyang buhok
na tila sumasayaw sa hangin.
Hindi ko pa mabanaag mang
malinaw ang kanyang mukha
ngunit nahihiwatigan ko na
ang kanyang angking
ganda.May kumurot sa aking
puso nang may limang dipa
na ang agwat ko sa kanya.
Namamasdan ko ang kanyang
katawan. Hapit na hapit ang
kanyang malulusog na dibdib
sa suot niyang tube blouse na
pula at ang kanyang balakang
sa stretched niyang
maong.Nang makaharap ko
siya nang malapitan ay di ko
mapigilang mapabulong sa
aking sarili: "Ang ganda ng
text-mate ko!"

c. Iayos ang mga datos ng


pasahol
Halimbawa, bagama't
malaki ang pagpapahalagang
binigay sa edukasyon ng mga
Pilipino, marami sa ating mga
bata ng napipilitang tumigil aa
pag-aaral dahil sa matinding
kahirapan o di kaya'y sa
kakulangan ng mga
pampublikong paaralan.Sa
katunayan, sa bawat sampung
batag nabibigyan ng libreng
edukasyon mula sa
pamahalaan, anim lang dito
ang nakapagtatapos ng grade
school. Yun namang
masuwerteng nakakaraos ay
dumadaan naman sa
limitadong bilang ng oras,
kakulangan sa mga
kagamitan, masikip na
classroom at karaniwang
mababa ang kalidad ng
edukasyon.
d. Iayos ang datos nang
pasaklaw.
Subalit hindi
sinasadyanginalit ni Sto.
Tomas ang mga Pilipina nang
ipahiwatig niyang baka lisanin
ng kanyang mga kababayan
ang Hong Kong kung

babawasan nang malaki ang


pasuweldo sa kanila.Ang
kanyang nasambit? "Kung
talagang mahirap mangyari
ang ating hinihiling, may
posibilidad na sabihin na lang
natin, Ok, kung hindi kayo
kailangan sa Hong Kong,
siguro dapat na kayong
umuwi sa Pilipinas," ani Sto.
Tomas.Binatikos ng mga
aktibista na sumusuporta sa
mga katulong ang pahayag ni
Sto. Tomas. Anila, isang
walang pakundangan at
iresponsable ito.
e. Paghambingin ang mga
datos.
Di tulad ng mga
tradisyunal na museo kung
saan 'yung mga bagay-bagay
ay naka-display lang sa likod
ng mga salamin upang
matyagan lang at hindi
hawakan, usyusohin,
pakialaman, galawin at
paglaruan ng mga bata upang
makatulong sa pagpapalawak
ng kanilang imahinasyon at
pag-iisip.
f. Isa-isahin ang datos

Balak ng Mobile Library


Program na na maitanim ang
hilig sa pagbabasa at pagaaral sa mga bata partikular
na roon sa mga lalong
nangangailangan.Kabilang din
sa mga pakay ay:
1. Magkaroon ng mga special
reading activities para sa mga
out-of-school youth at sa mga
batang lansangan para maenganyo silang bumalik sa
pag-aaral.
2. Matulungan ang mga
mababang paaralang
pampubliko sa kampanya
nilang maisaayos ang
kaugaliang-pagbabasa ng
mga estudyante.
3. Hikayatin ang nakatatanda
na engganyohing magbasa
ang mga bata.
g. Suriin ang mga datos.
Kabilang sa mga
pelikulang hindi
makakalimutan dahil sa
magaling na pagganap ni Amy
ay ang Paano Ba ang
Mangarap (1985), Hinugot sa
Langit,at Anak (2000).Dito sa
Bagong Buwan, na sinulat ni
Marilou kasama si Ricky Lee at

Jun Lana, at gawa ng Star


cinema at Bahaghari
Productions, tiyak na
mapapansin na naman ang
galing ni Amy sa kanyang
pagganap bilang Fatima, ang
Muslim na nurse na asawa ni
Cesar.
Pagwawakas
Mga paraan ng
Pagwawakas:
a.Ibuod ang paksa
Alam kong marami pang
bundok ng mga problemang
kailangan nating pasanin
upang maging ganap na
katotohanan ang bagay na ito.
Kaya nga ngayon, bukod sa
ating sama-samang
pagsisikap, magkaisa rin
tayong manalangin na ang
sariling wika na natin ang
gamitin sa ating lipunan,
paaralan, at gobyerno upang
ganap tayong lumaya sa wika,
sa isip at sa pangako.
b. Mag-iwan ng isa o ilang
tanong
c. Mag-iwan ng hamon
Sadyang ang tinatahak
natin ngayon ay hindi isa sa

mahihirap kundi
pinakamahirap na bahagi ng
kasaysayan. Sapagkat nasa
gitna tayo ngayon ng isang
kasaysayan at dramatikong
panahon. Pababayaan ba
nating dumaan ang
kasaysayan nang hindi tayo
kasama ? Nang hindi tayo
kasangkot ?Ngayon, tayo ay
magpapasya! Ngayon ang
panahon ng pakikilahok !
d. Bumuo ng kongklusyon
Bilang kongklusyon, ang
huling pagtatangka sa pagagaw ng kapangyarihan ay
taliwas sa demokratikong
proseso na kasalukuyang
kinapapalooban ng ating
pamahalaan. Ito'y isang
aroganteng hakbang ng mga
rebeldeng sundalo upang
maitatag ang kanilang sariling
pananaw ng lipunan na
nagtatago sa likod ng esensya
ng diktadurya matapos
pabagsakin ng mamamayan
ang huling diktadurya noong
nakaraang Pebrero !
e. Gumawa ng prediksyon.
Sa panahong iyon,
magkakahawak-kamay na

nating haharapin nang buong


tatag at walang anino ng takot
at pangamba ang ngayon at
ang kinabukasan ng ating
bansa. At natitiyak ko... sa
tulong ng ating Dakilang
lumikha...makabubuo tayo ng
isang bansa... isang Pilipinas
na dakila, masagana at kaigaigayang panahanan.
f. Magwakas sa angkop na
sipi o kasabihan.
Tapos na ang
pagsasawalang bahala. Hindi
na natib masisisi ang ating
kapalaran. Ika nga ni
Shakespeare, The fault, dear
Brutus, is not in our stars but
in ourselves !
g. Sariwain ang suliraning
binanggit sa simula.
Kailangan natin ngayon
ang isang uri ng moralidad at
pagiging relihiyoso na katulad
ng kay Rizal. Kailangan natin
ang uri ng kanyang pananalig
sa Diyos sa mga bagay na
nilikha niya sa ating
kapaligiran at hindi siyang
tagawasak ng mga ito dahil sa
hangarin nating sa

kapangyarihan at kasakiman
sa kayamanan.
h. Mag-iwan ng isang
pahiwatig o simbolismo.
Sa di kalayuan, ilang
kumikislap na luha ang
pumatak sa isang maliit na
anino ng isang utos ng
kanyang nakatataas.
Habang nagdadagsaan ang
maraming tao sa
pinanggagalingan ng tila
umaagos na pulang gata sa
lupa ay unti-unting nawawala
ang anino sa kadiliman.
3. Revising Techniques

Pag-eebalyuweyt sa
nagawang draft at
pagsusulat ng panibago
na maaaring may
pagdaragdag o
pagbabawas.

Proofreading o
pagbasa sa nirebisang
kopya at pagdaragdag
kung sakaling may
nakaligtaan.

Mga iba't-ibang teknik


sa Pagrerebays

1. Pag-eedit at
pagrebisa ng sariling
draft
2. Peer editing
3. Professional editing
REVIEW KA HA! Ms. 15010137 =)

-Jayrald Lariosa

You might also like