Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

I.

Pamagat
Corazon, Ang Unang Aswang ay isang pelikula noong 2012 na
pinagbidahan ni Erich Gonzales at Derek Ramsey.

II.

Mga Tauhan
Erich Gonzales (Corazon) ang asawa ni Daniel na kung saan ay
mabait at maawain. Ngunit siyay pinandidirihan ng mga tao dahil
anak siya ng isang puta. Siya rin ay isang asawa na kung saan
handang gawin ang lahat mabigyan lang ng anak si Daniel, siyay
nagdebosyon kay St. Gerard para matupad ang kanyang hiling na
magkaanak. Siya din ang aswang na kung saan kinain niya ang
kanyang anak at isinumpang papatayin niya ang lahat ng mga bata
sa kanilang baryo. At dahil ditoy siyay isinumpa na ng Diyos.
Derek Ramsey (Daniel) ang asawa ni Corazon na kung saan ay
labis ang pagmamahal niya sa asawa. Handa siyang pumatay ng
tao para sa kanyang asawa.
Mark Gil (Matias) ang mayamang haciendero sa kanilang
baryon a kung saan ay malupit at masamang tao. Pinarurusahan o
pinapatay niya ang sinumang magkasala sa kanya.
Tetchie Agbayani ( Melinda) ang baliw na babae na
kinatatakutan ng mga taga baryo dahil ito raw ay isang halimaw.
Siya rin ay isang ina na nangungulila sa kanyang anak.
Jeffrey Quizon (Naldo) ang matalik na kaibigan ni Daniel.
Maria Isabel Lopez (Herminia) ang babaeng pinuntahan ni
Corazon na kung saan ang makakatulong sa kanya para magkaroon
ng anak. Siya ang nagsabi kay Corazon na magdebosyon kay St.
Gerard para matupad ang kanyang ninanais.
Bodjie Pascua ( Maning) ang ama ni Corazon.
Sharlene San Pedro ( Nene) ang kaibigan ni Corazon na kung
saan malapit niyang kainin ito ngunit hindi niya nagawa.
Dan Alvaro (Mang Romulo) ang kainuman nila Daniel, siya rin
ang nambastos sa asawa ni Daniel at siya namang ikinagalit nito.
Siya rin ang pinatay ni Matias.

Mon Confiado (Berto) ang kaibigan ni Daniel na kung saan ang


nakaaway niya dahilan sa sinugod niya ito at sinabing halimaw si
Corazon.
Mosang (Midwife) ang nagpaanak kay Corazon.
Liza ( Liza) ang anak ni Matias na kung saan pinatay ni
Corazon.
III.

Buod ng Pelikula

Ang Pelikulang ito ay tungkol kay Corazon na kung saan ay hindi


magkaanak at limang taon na silang kasal ni Daniel at Corazon .Sa bayan ng
Magdalena ang bayan na iyon ay sanigan at dinadaanan nang mga rebelde o
mga sinaunang sundalo. Ang katangi-tanging hiling lang ni Corazon ay
muling magkaanak kaya nasabing muli kasi biniyayaan na siya ng anak dati
pero ipinalaglag niya. Kaya parang na sira na ang kanyang matres kaya
humiling siya sa Panginoon na siya ay biyayaan ng supling na
magpapaligaya sa kanilang pagiibigan ni Daniel.
Isang araw may nagsabi sa kanila isang matandang babae na nakatira
sa malayong gubat sa Magdalena na naniniwala sa misteryo ng himala ng
mga poong santo. Binigyan si Corazon ng isang santo upang dalhin sa
malayong lugar kung saan doon niya ibubuhos ang kanyang
pananampalataya na sana magkaroon siya muli ng supling, dalawang buwan
siya roon na nagdasal araw at gabi ang nilaan ni Corazon.
Nang matapos ang kanyang pagdedebosyon, umuwi sya sa bahay nila
at nagtalik sila ni Daniel at silay hindi nabigo nabuntis si Corazon pero isang
gabi nang manganak ito patay ang kanyang iniluwang bata mula sa kanyang
sinapupunan. Hindi niya matanggap ang pangyayari kaya naman kahit patay
na ang bata ay ipinaghele pa niya ito, para na siyang baliw at nag-aaway na
sila ni Daniel dahil dito. Nang umalis ito isang araw habang dala dala ang
kanyang anak, siyay pinagsabihan ng mga tao na ipalibing na anak dahil
patay na ito at bakit pa niya ito ipinapasyada. Kaya naman nagalit siya sa
mga tao sa kanilang bayan at isinumpang pagbabayaran nila ang ginawa sa
kanila.
Isang gabi, sa liblib ng gubat ay doon siya umiyak nang husto at doon
sumigaw sa Panginoon na :
''Ikaw hindi mo man lang ipinarinig sa akin ang iyak ng aking anak..Simula
ngayon, wala ng batang iiyak!
Sumigaw siya nang sumigaw at sinabi pa na '' ito, itong batang hawak
ko tingnan mo kung paano ako maghihiganti! At kinain niya ang kanyang
anak
na
patay,
kinain
niya
nang
buong
buo..

at hanggang sa pinatay niya rin ang mga bata sa kanilang bayan. Hanggang
sa may naalala siya sa sinabi ng kanyang itay na ang bahay raw ay dapat
lagyan ng ulo ng baboy damo panakot raw sa mga hapon na pumapatay ng
tao..
Kaya naman pumatay si Corazon ng baboy damo at ginamit ang ulo upang
gawin panakip sa kanyang mukha.
Hanggang sa marami ng batang napatay si Corazon at isa na rito ang anak ni
Matias at nang mamatay ito ay sinugod si Daniel at binugbog at papatayin
ngunit silay bigo dahil nakatakas ito. Nang umuwi na si Matias sa kanyang
bahay ay doon siya pinatay ni Daniel. At pagkatapos ay hinanap siya ng mga
tauhan ni Matias upang patayin at ganoon rin siCorazon na tinutuhis ng mga
taong bayan upang patayin. Panay ang kanilang takbo hanggang sa magkita
silang dalawa. Silay nagkatitigan ng husto at nagyakapan, humingi ng
kapatawaran si Corazon dahil hindi niya nabigyan ng anak si Daniel at kaya
lang naman siya nagkakaganyan dahil sa namatay ang kanilang anak, at
nagsabi rin na mamahalin pa ba siya nito kahit wala silang anak. Sinabi
naman ni Daniel na mahal na mahal niya ito at kahit saan man magpunta si
Corazon ay sasama siya nito. Nang parating na ang mga taong bayan ay
sinabi ni Naldo na patayin na ang kanyang asawa dahil kundi ay ang mga tao
ang papatay sa kanya subalit hindi niya magawa at humingi siya ng
kapatawaran nito. At doon ay natulala at napaiyak si Naldo.
Hanggang sa naglaho na lamang ito sa bayan nila pati ang kanyang
asawa at may sabi sabi na nagpalayo layo na raw ito upang makaiwas sa
mga tao sa baya ng Magdalena. Pero minsan sa gabi nararamdaman pa rin
nila ang himig at sigaw na parang gutom na hayop si Corazon na sinasabing
ang unang aswang.
IV.

Banghay ng mga Pangyayari


A. Tagpuan ang tagpuan sa pelikulang ito ay sa bayan ng
Magdalena na kung saan dito ginanap ang mga eksenang
agaw pansin.
B. Protagonista si Corazon dahil siya ang pangunahing tauhan
sa pelikula na mabait at maunwaain ngunit di naglaon ay
naging masama dahil sa siyay naging aswang at pumapatay
na ng mga bata. Kaya lang naman nagawa ito dahil hindi nito
matanggap ang pagkawala ng kanyang anak.
C. Antagonista ang mga taong bayan dahil silay mapanghusga
kay Corazon.
- Si Corazon dahil pumapatay na siya ng mga
bata sa kanilang bayan.

Si Matias dahil sa kasamaan nito sa kanyang


kapwa. Ang pagpatay niya kay Mang Romulo,
ang di pagtrato ng maganda sa mga taong
bayan.
D. Suliranin Ang hindi pagkakaroon ng anak nina Corazon at
Daniel, at nung nabiyayaan man ay namatay rin ito.
- Ang pagiging halimaw ni Corazon at ang
pagpatay niya sa mga bata sa kanilang bayan
na siyang naging malaking probelam ng taong
bayan.
- Si Matias dahilan sa pang-aabuso nito sa
kanyang kapwa at pagpatay nito kay Mang
Romulo na ikinagalit ng mga tao at
ikinanangangamba ng mga ito.
E. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
-

Marami sa mga mag-asawa sa ating lipunan


ang hindi magkaanak kagaya ni Corazon at
Daniel at gagawin talaga ang lahat magkaroon
lang ng anak. Kaya naman labis ang debosyon
na ginawa ni Corazon upang matupad ang
kanyang ninanais.
Sa kaso naman ni Matias ay gusto siyang
patayin ng taong bayan dahilan s pang-aabuso
nito sa kapwa at sa pagpatay nito. Ito ang
madaling solusyon upang di na mangamba at
matakot ang mga tao sa bayan ng Magdalena.

F. Mga ibinunga
-

V.

Paksa o Tema

Dahil sa si Corazon ay nagsakripisyo at


nagdebosyon hindi nga siya nabigo
siyay
nabuntis subalit nang isinilang niya ito,
namatay rin na siya namang ikinabaliw ni
Corazon at ang di pagkakaintindihan nila ni
Daniel. Dahil ditoy sumumpa siya sa Panginoon
na papatayin niya ang mga bata sa kanilang
bayan. Kaya naman siyay isang naging
halimaw at tinawag na Aswang.
Dahilan sa kasamaan ni Matias siyay pinatay ni
Daniel.

VI.

Ang tema ng pelikula ay ang labis na


pangungulila ng isang ina sa kanyang anak na
siyang ikinasira sa kanyang pag-iisip. Ang labis
na pagmamahal sa kanyang asawa na handa
niyang gawin ang lahat magkaanak lang sila.
Mga Aspektong Teknikal

VII.

a. Sinematograpiya Ang pagkakalapat ng kamara


ay maganda lalo na sa mga eksenang horror ,
ganun rin ang special effects sa pagiging halimaw
ni Corazon na mukha talagang halimaw dahil sa
mabilis na pagkilos.
b. Musika Maayos ang pagkakalapat ng musika
dahil pinalilitaw talaga ang nais nitong iparating
lalo na sa mga eksenang katatakutan na talagang
matatakot ka talaga dahil maganda at angkop ang
musikang inilapat sa bawat eksena.
c. Visual effects Maganda rin dahil nagmukha
talagang halimaw si Corazon dahil sa mabilis na
pagkilos nito ang pagkakaayos sa mga pangyayari
na talagang maganda.
d. Set design maganda nag pagkakapili sa lugar na
pagshoshotingan, maayos ang pagkadesinyo sa
lugar na kung saan para talagang isang baryong
may kababalaghan o misteryo. Ang mga kasuotan
rin ay maganda dahil para talagang tunay na mga
ordinaryong taong naninirahan doon sa baryo.
Ganun rin ang make up ng mga tauhan lalo na kay
Corazon na mukha talagang aswang.
Kabuuang Mensahe ng Pelikula
Ang pelikula ay sinasabing isang Horror ngunit para sa
akin mas nangingibabaw ang drama dahil sa labis na emosyong
ipinapakita ni Corazon dahilan sa pagkawala ng kanyang anak na
kaya siya naging aswang at pumatay ng mga bata sa kanilang
bayan. At parang hindi katatakutan ang mukha ni Erich dahil kahit
may make up dahil inosente ang mukha nito. Habang si Derek
naman ay kulang minsan ang kanyang pag-arte at minsan naman
ay sobra. Ang mga ibang artista naman ay magaling sa pag-arte
subalit nabitin ako dahil sa maaga silang namatay sa eksena.
Samantalang ang mga tao naman ay kulang ang pag-arteng
ipinapakita.

Pero nagustuhan ko naman yung konsepto ng pelikula na


kung saan nangingibaw ang GAD isyu , ang Feminismong
ipinapakita ng pelikula dahilan sa kalakasang ipinakita ni Corazon
na handa siyang gawin ang lahat magkaroon lang ng anak. Ang
Balakid sa Kaunlaran ng Pagkatao nito na kung saan ay mababa ang
pagtanaw niya sa kanyang sarili at labis na pinanghihinaan ng loob.
Bukod diyan ay ang Pang-aabuso rin ni Matias sa kanyang kapwa
dahilan sa pagmaltrato niya sa bata at ang berbal na pang-aabuso.
Mayroon ding Gender Stereotyping dahil sa hindi pantay ang
pagtanaw ng mga tao kay Corazon dahil anak siya ng isang puta. At
si Melinda naman na kung saan hinuhusgahan ang pisikal na
kaanyuan at binansagang baliw at halimaw na pinatay ng mg taong
bayan.
Republika ng Pilipinas
Palompon Institute of Technology
Palompon, Leyte
College of Education
Basic Education Department

Isang Parsyal na kahilingan sa MFIL 18


Panunuring Pampanitikan

Ipinasa ni:
Analy V. Tabuso
BSED IV-B

Ipinasa kay:
Dr. Jennifer A. Gorumba

Oktubre 01, 2015

You might also like