Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI MARVYN ROSE

ARBES Y DEL MUNDO NA IBINIGAY SA PAGSISIYASAT NI


POLICE OFFICER 2 VICENTE MANANGHAYA DITO SA
TANGGAPAN NG PAGSISIYASAT NG HIMPILAN NG WOMEN
AND CHILDREN PROTECTION DESK NG PASAY CITY POLICE
STATION, PASAY CITY NGAYONG IKA-16 FEBRUARY 2016,
GANAP NA IKA-9:00 NG GABI SA HARAP NI POLICE OFFICER 1
MICHAEL FRANCIS HUBAHIB AT NG IBA PANG SAKSI SA
PAMAMAGITAN NG MGA TANONG AT SAGOT.
PASUBALI: Ikaw ngayon Marvyn Rose Arbes y Del Mundo ay
sumasailalim sa isang pagsisiyasat, nais kong ipabatid na
ang lahat ng iyong sasabihin ay maaring gawin laban o
pabor sa iyo saan mang hukuman dito sa Pilipinas, ito ba ay
naintindihan mo?
SAGOT: Opo.
1.

TANONG:
Ginang Marvyn Rose Arbes y Del
Mundo, ikaw ba ay magsasabi ng buong katotohanan
at pawang katotohanan lamang?
SAGOT:
Opo.

2.

TANONG:
Ikaw ba ay handang magbigay ng
iyong malaya at kusang loob na salaysay?
SAGOT:
Opo.

3.

TANONG:
Maaari mo bang sabihin sa
pagsisiyasat na ito ang iyong tunay na pangalan at
iba pang mapagkikilanlan sa iyong tunay na
pagkato?
SAGOT:
Opo. Ako po ay si Marvyn Rose
Arbes y Del Mundo, 50 taong gulang, may asawa, at
nakatira sa Fishing Village Barangay Talao-Talao,
Lucena City, Quezon.

4.

TANONG:
Ano naman ang dahilan at ikaw ay
naririto sa aming tanggapan at nagbibigay ng iyong
malaya at kusang loob na salaysay?
SAGOT:
Nais ko pong ireklamo si Jeffrey
Oliveros, may-ari ng isang restaurant/club sa Pasay
City, dahil sa ginawa niyang pangangalakal at
pagbubuyo sa aking menor de edad na anak na si
Nina Feren Aguilar sa prostitusyon gayundin ang
ginawa nilang pagmamaltrato sa aking anak.

Pahina 2 Karugtong ng salaysay ni Marvyn Rose Arbes y Del


Mundo
==========================================
=================

5.

TANONG:
Nakilala o kilala mo ba ang taong
sinasabi mong nagmaltrato at nagbuyo at nangalakal
sa iyong menor de edad na anak sa prostitusyon?
SAGOT:
Opo.

6.

TANONG:
Kailan, saan at paano mo naman
nakilala si Jeffrey Oliveros?
SAGOT:
Noong ika-15 November 2015 una
ko pong nakilala si Jeffrey Oliveros. Nakilala ko po si
Jeffrey Oliveros nung pumunta po siya sa aming lugar
sa Barangay Talao-Talao, Lucena City sa probinsya po
namin sa Quezon.

7.

TANONG:
Sa ikaliliwanag ng pagsisiyasat na
ito, maaari mo bang sabihin sa akin ang buong
pangyayari?
SAGOT:
Opo. Si Jeffrey Oliveros po ay
ipinakilala sa amin ng isang kapitbahay. Ang pakilala
po sa amin ni Jeffrey Oliveros ay isa siyang may-ari
ng isang restaurant sa Pasay. Ang sabi po sa amin ni
Jeffrey Oliveros ay nangangailangan daw po siya ng
mga tauhan para sa kanyang restaurant.

8.

TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Tinanong po niya ako kung may
anak daw po ako na babae baka gusto ko daw pong
ipasok para manilbihan sa restaurant nya. Dahil po
sa kahirapan ng buhay, napilitan akong ipakilala sa
kanya ang menor de edad kong anak na si Nina
Feren Aguilar.

9.

TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Nung nakita po niya ang anak ko,
sinabi niyang puwede niyang ipasok na tagahugas ng
pinggan ang aking anak sa kanyang restaurant.
Kapalit po nito, babayaran nya daw po ng walong
libong piso kada buwan ang aking anak bilang
kanyang suweldo at libre na rin daw po ang tirahan
at pagkain ng aking anak.

Pahina 3 Karugtong ng salaysay ni Marvyn Rose Arbes y Del


Mundo
==========================================
=================

10. TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Hindi na po kami nag dalawang isip
na tanggapin ang alok ni Jeffrey Oliveros sa
kadahilanang kapos po kami sa buhay at
napakalaking bagay po ang isang oportunidad
kagaya ng alok ni Jeffrey Oliveros.
11. TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Kinabukasan po pagkatapos ng
aming pag-uusap ay nagtungo na papuntang Pasay
ang aking anak kasama si Jeffrey Oliveros at si KraeValerie Freyra, anak po ng kapitbahay ko na
namamasukan naman bilang serbidora.
12. TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Simula po nung araw na umalis ang
aking menor de edad na anak na si Nina Feren
Aguilar kasama si Jeffrey Oliveros ay wala na po
akong naging balita o komunikasyon sa kanya. Makailang beses ko pong sinubukan tawagan sya sa
numero ng kanyang cellphone ngunit ito po ay hindi
na matawagan. Dahil sa lubos na pag-aalala sa aking
menor de edad na anak, napilitan po akong
mangutang ng pera kung kani-kanino para lang may
mapamasahe papuntang Pasay at hanapin ang lugar
kung saan nagtatrabaho ang aking anak base sa
address na ibinigay ni Jeffrey Oliveros sa akin.
13. TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Hindi ko po nahanap ang lugar
kung saan nagtatrabaho ang aking anak base sa
address na ibinigay ni Jeffrey Oliveros.

Pahina 4 Karugtong ng salaysay ni Marvyn Rose Arbes y Del


Mundo
==========================================
=================

14. TANONG:
Pagkatapos ano pa ang sumunod
na nangyari?
SAGOT:
Makalipas po ang tatlong buwan
pagkawala at paghahanap ko sa aking menor de
edad na anak, nakatanggap po kami ng tawag mula
sa isang presinto sa Pasay at nagsabi sa amin na
nasa kanilang pangangalaga ang aking anak na
iniligtas nila mula sa isang bahay-aliwan.
15. TANONG:
Pansamantala ay wala na akong
itatanong sa iyo, mayroon ka bang ibig idagdag o
bawasin sa salaysay mong ito?
SAGOT:
Wala na po at kung meron man ay
sa korte ko na lamang po sasabihin.
16. TANONG:
Handa mo bang lagdaan ang
salaysay mong ito na binubuo ng APAT (4) pahina?
SAGOT:
Opo.
--------WAKAS
NG
SALAYSAY:
16
FEBRUARY
2016
10:15PM----------

MARVYN ROSE DEL MUNDO ARBES


Nagsasalaysay

NILAGDAAN at PINANUMPAAN sa harap ko ngayong ika17 FEBRUARY 2016 dito sa Pasay City.
I further CERTIFY that I personally examined the said affiant
and that I am satisfied that she voluntarily executed her
statement.

ELY REINTAR

Asst. City Prosecutor

You might also like