Hesus, mangyaring ang Iyong malusog at purong dugo ay
dumaloy sa aking sumasakit na katawan, ay ang Iyong wagas at malusog na katawan ay baguhin ang aking mahina at masakiting katawan, at mangyaringg maging malusog at matibay muli ang akin buhay, kung ito may umaayon sa Iyong Banal na Kalooban. Amen. Oh, Hesus, aking Panginoon at patnugot, ako ay Iyong patibayin at linawagan sa mga mahihirap na panahon sa aking buhay. Hindi ako naghahangad ng tulong galing sa iba, ako ay buong-buong umaasa lamang sa Iyo. Akoy nagiisa sa harap ng Iyong sakdal, Oh Diyos ko Sa kabila ng aking takot at panlulumo, tinutupad ko ang iyong Banal na Kalooban upang tuparin ito sa abot ng aking makakaya, sa aking pagkabuhay at pagkamatay. Hesus, sa Iyo, lahat aking magagawa. Gawin mo sa akin ang nararapat; ipagkaloob mo sa akin ang Iyong Puso at iyon ay sapat na. Oh, Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Puso ni Hesus, bilang bukal ng awa para sa aming lahat, kami ay nananalig sayo.
Dear Jesus Salamat sa regalo ng buhay at biyaya sa pagiging isa sa mga nakakaalam na Ikaw ang Anak ng Diyos. Salamat sa regalo ng paningin na nakatutulong sa akin upang makita ko ang
nakapanggigila-gilalas na mga bagay galing sa Iyo, at sa
aking kaluluwa na nakatutulong sa aking makakita nang higit pa sa nakikita ng mata. Salamat sa lahat-lahat ng ibinigay mo sa akin, lalo na ang aking pusong binigyan Mo ng may bato-balaning buto ng grasya na humihila sa akin sa Inyong pagmamahal magpakailan pa man. Alam kong hawak Mo ako sa Iyong palad at pinoprotektahan Mo ako gamit ang Iyong Banal na Mukha. Ngunit sa paglipas ng ilang taon, Diyos ko, kinatatakutan ko ang singkaw ng damdam at sakit, at nangangamba sa kung paano matatapos ang aking buhay. Kaya akoy mapagkumbabang nakikiusap sa Iyo, Diyos ko, na sa pagdating ng panahon na lilisanin ko na ang mundong ito, huwag Mo sana akong tawagin sa biglaang pagkasawi, hindi rin sa aksidenteng sisira sa katawan, hindi sa sakit na lilito sa isip at sisira sa pandamdam, hindi sa habag ng masasamang puwersa, hindi sa pusong puno ng poot o katawang hirapan sa sakit, hindi napabayaan o nag-iisa, walang pagmamahal o pag-aaruga, hindi sa sarili kong kamay sa panahon ng pagluluksa. Hesus, hayaan Mong dumating ang kamatayan bilang isang mahinahong kaibigan na tatabi at magtatagal kasama ko hanggang tawagin Mo na ang aking pangalan. Saka, hayaan Mo akong pumasok sa Iyong tahanan sa kalangitan upang matanggap ang huli Mong regalo ng biyaya na maging sa tabi Mo kailanman at tumingin sa ibabaw ng banal na anyo ng iyong Banal na Mukha. Amen.