Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 1

Panimula
Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na lahat ng bagay sa mundo, hindi
maiiwaasan ang sakitan at samahan ng loob. Sa mabilis napag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis
na pagkatuto ng tao sa kung anumang bagay sa kanyang paligid, lumaganap ang isang di
pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima nito.
Bunga marahil siguro ng inggit o di kayay paggaya sa matanda, ang mga kabataan ay namulat
na sa tinatawag na bullying. Isang di pangkaraniwang problema na madalas ng kinakaharap ng
mga paaralan at komunidad sapanahon ngayon. Ang bullying sa wikang tagalog ay pang-aasar o
panloloko. Madalas itong ginagamit sa mga estudyante. May mga lokong estudyante nagustong
gusto nilang nanloloko o nang-aasar sa kanilang kapwa estudyante. Minsan humahantong pa ito
ng sakitan marami sa mga kabataan na ito na nasasangkot sa mga ganitong klase ng kaguluhan,
ay maaring naimpluwensyahan ng kapwa nila kamag-aral o di kaya ay dala ng inggit o galit para
sa taong ginagawan nila nito. Sa kabilang banda, ang mga taong nagagawan ng mga panlolokong
ito o mas alam sa tawag na mga biktima o mga nabubully ay may mga ibat ibang istilo sa
pag- iwas sa mga gulong nito. Sila ang mga nabibiktima ng mga bully na ito na humahantong
pa nga minsan sa depresyon na maaring maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya
ay pagkamatay. Sa panahon na ang lahat ng tao ay kinikilala na ang kanilang karapatan upang sa
lahat ng pagkakataon ay mapangalagaan ang kanilang sarili para sa kanilang ikabubuti. May
mangilan- ngilan pa din sa atin ang hindi maiiwasan malagay sa isang tagpo ng buhay natin na
hindi tayo matutukso o maaabuso ng iba. Tinatawag itong bullying sa ingles. Ang pag-aaral na
ito na ay pinamagatang Epekto ng Bullying sa mga mag aaral ng College of the Most Holy
Trinity Catholic Foundation Inc,. ,ay isang pag-aaral ukol sa mga karanasan ng bawat isang
indibidwal lalo na sa paaralan kapag sila ay naloloko o naaabuso ng ibang tao. Bawat detalye ay

inilahad ng may akda sa pag-aaral na ito upang mas lalong maunawaan ng bawat isa kung bakit
hindi dapat tayo pumapayag sa bullying. Sa iba pang aspeto, ang pagtalakay ng may akda sa
usapin na ito ay magbibigay kaliwanagan at mga marapat gawin ng isang tao kapag siya ay
nahaharap sa ganitong uri ng problema. Ang bullying ay maari naman maiwasan ng bawat isa
kung magkakaroon ng pagkaka-unawaan sa bawat isa at pag-intindi. Sana ay may matutuhan
kayo sa aking pananaliksik na ito at naway nabigyang kaalaman din kayo sa maaring idulot ng
bullying sa ating mga anak kapatid at bawat isa sa atin,

You might also like