Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MISA NG SAMBAYANAN

Holy Spirit School of Tagbilaran


Paglulunsad ng Buwan ng Wika
Agosto 7, 2015
INTRODUKSYON:
Mga kapatid sa ngalan ng Panginoong si Hesus sama-sama nating ipagdiriwang
ang Banal na Eukaristiya kasabay ang paglulunsad sa Buwan ng Wika sa temangFilipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.
Pinapa-alalahanan tayo ng Diyos ngayon na kung ibig natin na sumunod sa Kanya
ay itakwil ang ating sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa Kanya. Ito ay isang
magandang hamon at pagkakataon upang maging makabuluhan ang ating buhay. Sa ating
kababaang-loob, katapatan at kabutihan sa kapwa ay naipakikita natin ang ating
pagsunod at pag-ibig sa Diyos na magdadala sa atin ng tunay na kaligayahan, kaunlaran
at kapayapaan.
Sa Banal na Eukaristiyang ito sana pag-alabin ang ating paniniwala kay Jesus
kalakip sa ating panalangin ang mithiin ng sambayanan na sa puso, diwa at sa gawa
makamit ang pagbabagong mapaunlad ang buhay na kaloob ng Diyos.
Magsitayo tayong lahat para sa panimulang awit.
Pambungad na Awit: Purihin ang Panginoon

P: Sa ngalan ng Ama
B: Amen.
P: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos, Ama at ang
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo naway sumainyong lahat.
B: At sumaiyo rin.

Pagsisisi ng Kasalanan
P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayoy maging marapat na
gumanap sa Banal na Pagdiriwang.
B: Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid na lubha akong
nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo
ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo,
mga kapatid, na akoy ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

P: Kaawaan tayo ng Makapangyarihang Diyos


B: Amen.

KYRIE
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
B: Panginoon, kaawaan mo kami.
P: Kristo, kaawaan mo kami.
B: Kristo, kaawaan mo kami.
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
B: Panginoon, kaawaan mo kami.

P: Manalangin tayo
B: AMEN
Commentator

: Magsiupo tayong lahat.

UNANG PAGBASA: Deuteronomio 4, 32- 40


Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio
Sinabi ni Moises sa mga tao, Isipin ninyo kung may naganap nang tulad
nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang
daigdig. Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haligi ng apoy, at
nanatiling buhay? Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa
upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng
kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ng
Panginoon sa Ehipto? Ang mga pangyayaring itoy ipinamalas niya sa inyo upang
maniwala kayo na walang ibang Diyos maliban sa kanya. Mula sa langit, nagsalita siya sa
inyo upang kayoy turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy. At dahil sa pag-ibig
niya sa inyong mga ninuno, hinirang niya kayo, at sa pamamagitan ng kanyang
kapangyarihan ay inilabas kayo sa Ehipto. Pinuksa niya ang mga bansang mas malakas
sa inyo upang maluwag kayong makapanirahan sa lupaing ibinigay niya sa inyo
ngayon. Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupay walang ibang diyos
liban sa Panginoon. Kaya nga, dapat ninyong sundin ang kanyang mga utos at
tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayun, mapapanuto kayo at ang lahing susunod
sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.
Ang Salita ng Diyos.

B: Salamat sa Diyos.

SALMO: Ps 77: 12-13, 14-15, 16 at 21


Ang ating itutugon:
Sa lahat ng ginawa Mo, magbubulay-bulay ako.
Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
ang maraming ginawa Mong tunay na kahanga-hanga.
Sa lahat ng ginawa Mo,
akoy magbubulay-bulay,
magbubulay-bulay ako,
sa diwa ko at isipan. (TUGON)
Ang daan Mo, Panginoon,
ay tunay na daang banal,
at wala nang ibang diyos na sa Iyoy ipapantay.
Ikaw ang Diyos na ang gaway tunay na kahanga-hanga.
Iyang kadakilaan Moy nahayag na sa nilikha; (TUGON)
Dahilan sa Iyong lakas,
mga hirang Moy tinubos,
ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob.
Ikaw, O Diyos,
ang nanguna sa bayan Mong parang kawan,
si Moises at Aaron yaong Iyong naging kamay! (TUGON)

Commentator

: Magsitayo tayong lahat.

ALELUYA : Wikain Mo

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.
B: Papuri sa Iyo, Panginoon.

EBANGHELYO : Mt. 16:24-28


At sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil
ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sapagkat ang
naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito ngunit ang
naghahangad na mawalan ng sarili alang-alang sa akin ang makakatagpo nito. Ano ang
pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili na man niya ang
mawala? Ano ang maibibigay niya para mabawi ito? Darating nga ang Anak ng Tao taglay
ang kaluwalhatian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at
doon niya gagantimpalaan ang bawat isa ayon sa kanyang mgagawa. Totoong sinasabi ko
sa inyo na makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari, bago sila
mamatay.

P: Ang mabuting Balita ng Panginoon.


B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Commentator

: Magsiupo tayong lahat.

HOMILIYA
Commentator: PANALANGIN NG SAMBAYANAN. Manatiling nakaupo ang lahat.
(Intercessions integrated with symbolic offering)

P: Buksan natin ang ating mga puso upang purihin ang ating butihing Diyos, sapagkat
mahal niya tayo at tutugunan niya ang ating mga panalangin . Bilang isang
sambayanang nakikiisa sa ngalan ni Kristong Hesus, sabay-sabay tayong manalangin.
Sa bawat panalangin ang ating itutugon:
Tugon: Panginoong Mapagmahal, Dinggin Mo Ang Iyong Bayan.
WATAWAT NG PILIPINAS
Na ang pinag-isang mga kulay ng aming watawat: kulay pula, para sa katapangan
ng mga Pilipino; kulay puti, para sa malinis na kalooban; at kulay bughaw, para sa
kapayapaan; ay magsilbi sanang gabay upang ang tatlong mga bituin- Luzon,
Visayas at Mindanao, taglay po ang iyong basbas, Panginoon, ay magkakaisa sa
ngalan ng Katotohanan sa Pagmamahal, tungo sa kaunlaran ng aming bayan.
Manalangin tayo
Tugon: Panginoong Mapagmahal, Dinggin Mo Ang Iyong Bayan.
WIKANG FILIPINO
Na sa patuloy naming pagdadakila sa aming sariling wika, makamit sana namin
ang pagbubuklod-buklod, pagkakaunawaan at pagkakaisa sa isip at damdamin
naming mga Pilipino, sa kabila ng pagkakaiba ng rehiyon, kaisipan at
pananampalataya. Manalangin tayo
Tugon: Panginoong Mapagmahal, Dinggin Mo Ang Iyong Bayan
SAMPAGUITA AT MANGGA
Na sa pamamagitan ng maputing kulay ng aming pambansang bulaklak, ang sampaguita,
patuloy sana ang pagtingkad ng malinis na budhi ng mga Pilipino; at sa pagsasagisag ng
mangga sa aming pagkamaunawain at matamis na pakikisama sa kapwa, mabuo sana
namin ang mabuting pakikipag-ugnayan sa iba, sa loob man o labas ng aming bansa.
Manalangin tayo
Tugon: Panginoong Mapagmahal, Dinggin Mo Ang Iyong Bayan
ANAHAW
Na magsilbi sanang inspirasyon ang kakaibang disenyo ng pambansang dahong ito para
sa aming mga Pilipino, upang maipakita ng bawat isa ang kanyang pagkamalikhain sa alin
mang aspekto ng pamumuhay, tungo sa kaunlaran ng aming bayan. Manalangin tayo

Tugon: Panginoong Mapagmahal, Dinggin Mo Ang Iyong Bayan.

BAROT SAYA AT BARONG TAGALOG


Na sa pamamagitan ng aming pambansang kasuotan, matulungan nyo po kami, na
dakilain ang aming pagka-Pilipino; na sa kabila ng ibat-ibang impluwensya ng mga
banyagang bansa, ay mananatiling matayog at buo ang aming pagmamahal sa bayan.
Manalangin tayo
Tugon: Panginoong Mapagmahal, Dinggin Mo Ang Iyong Bayan.
PANALANGIN : ( Priest )
P: Panginoong Diyos, bigyan Nyo sana ng katuparan ang hinaing ng iyong bayan nang sa ganoon
ay makamit namin ang tunay na lakas ng pagka Pilipino at matatamasa ang kasiyahang tunay.
Ito ay aming hinihiling sa ngalan ni Kristong Hesus, aming Diyos. Amen.

OFFERTORY: Paghahandog sa Sarili at Unang Alay


P: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob,
narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa, ang tinapay
na ito parang maging pagkaing nagbibigay-buhay.
B: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!
P: Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob,
narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa,
ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
B: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Commentator

: Magsitayo tayong lahat.

P: Manalangin kayo mga kapatid


B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay kapurihan
niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang
banal.

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siyay pasalamatan.
P: Santo
B: Santo, Santo ( kantahin)
Note:

(Manatiling nakatayo Lower BEd / Magsiluhod tayong lahat.


Higher BEd
ACCLAMATION: Si Kristo ay Gunitain
AMA NAMIN kung hindi kantahin
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masasama. Amen.

P: Hinihiling naming kamiy iadya sa lahat ng masasama, pagkalooban ng kapayapaan


araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang
aming pananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas
naming si Hesukristo.
B: Sapagkat sa Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman.

P: I leave you peace


B: AMEN.
P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumasainyo.
B: At sumaiyo rin.
KORDERO
Note: (Manatiling nakatayo Lower BEd / Magsiluhod tayong lahat. Higher BEd

P: Ito ang kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang maaanyayahan sa kanyang piging.

B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo


lamang ay gagaling na ako.

Commentator

: Magsiupo tayong lahat.

KOMUNYON: Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan / Diyos ay Pag-ibig


PANUNUMPA NG KATUNGKULAN

Commentator

: Ina-anyayahan ang lahat ng mga Club Officers na tumayo para sa


Panunumpa ng Katungkulan.
PANUNUMPA NG KATUNGKULAN

Ako,_________________ay nahalal bilang______________ ng __________________


(Pangalan)
( Posisyon )
(Pangalan ng Klab)
ng Holy Spirit School ng Tagbilaran , ay taimtim na nanunumpa na tutuparin at patitibayin
ang kahalagahan ng isang mabuting mamumuno sa pamamagitan ng pagtataguyod sa
mga tuntunin ng paaralan na patatagin at susundin upang ako ay magiging isang
mabisang huwaran sa lahat. Gagawin ko at iingatan nang buong katapatan ang aking mga
tungkulin sa abot ng aking makakaya.
Panginoon, tulungan at aalayan Niyo ako at ipagkakaloob Niyo sa akin ang lakas upang
matutupad ang mga tungkulin nang buong katapatan.

Commentator: PASASALAMAT : Ang buong komunidad ng Holy Spirit School ng


Tagbilaran ay taos-pusong nagpapasalamat kay Reverend Fr. ___________ sa kanyang
pagpapasimuno sa Banal na Misa ngayon. Kay Sr. ___________ sa paghahanda, sa
Lower BEd Glee Club at kay Russel ___________ upang mabigyang musika ang ating
pagdiriwang sa Banal na Misa at sa ating lahat na naririto upang magpasalamat sa
Panginoon at maipagdiwang ang ating pagka-Pilipino. Palakpakan natin ang ating mga
sarili.

Commentator: Magsitayo tayong lahat.


PAGHAHAYAG SA PAGWAWAKAS

P: Manalangin tayo
B: AMEN.
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumainyo rin.
P: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at Anak at Espiritu Santo.
B: AMEN.
P: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at
paglingkuran.
B: Salamat sa Diyos.

FINALE: Humayot Ihayag

You might also like