Professional Documents
Culture Documents
Indonesia
Indonesia
Republika ng Indonesia
Republik Indonesia
Watawat
Kabisera
(at pinakamalaking
Jakarta
610.5S 10649.7E
lungsod)
Opisyal na wika
Indones
40.6% Habanes
15.0% Sundanes
3.3% Madures
2.7% Minangkabau
2.4% Betawi
2.4% Bugis
2.0% Bantenese
1.7% Banjar
29.9% iba / hindi inilahad
Pangalang-
Indones
turing
Pamahalaan
Demokratikong republika
Pangulo
Joko Widodo
Pangalawang Pangulo
Jusuf Kalla
Lehislatura
-
Mataas na
kapulungan
Panrehiyon
Mababang
kapulungan
Pambayan
Kalayaan
mula sa Olanda
Ipinahayag
17 Agosto 1945
Kinilala
27 Disyembre 1949
Lawak
Lupa
Tubig (%)
4.85
Populasyon
Senso ng 2011
237,424,363[1] (ika-4)
Kakapalan
123.76/km2 (ika-84)
323.05/sq mi
KGK (KLP)
Pagtataya ng 2012
Kabuuan
Per capita
$4,943[1] (ika-122)
KGK (nominal)
Pagtataya ng 2012
Kabuuan
Per capita
$3,797[1] (ika-107)
Gini (2011)
36.8
TKT (2011)
0.617 (ika-124)
Salipi
Pook ng oras
Nagmamaneho sa
Internet TLD
.id
Kodigong pantawag
+62
pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga pangkat etniko,
pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami ang mga Muslim, at isang kasaysayan
ng kolonyalismo at rebelyon laban dito. Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang "Bhinneka
tunggal ika"("Pagkakakaisa sa Pagkakaiba", na literal na "marami, subalit isa"), na nagsasabi na ang
pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon sektarya at separatismo ay nagdulot ng
marahas na paghaharap na gumimbal sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng
populasyon at dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa bilang
pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat kay lawak ng mga parang
nito. Biniyayaan ang bansa ng likas na yama, subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa
kasalukuyan.
Mga nilalaman
[itago]
1Etimolohiya
2Kasaysayan
3Pamahalaan at Politika
4Pagkakahating pampangasiwaan
o
5Heograpiya
6Demograpiya
7Ekolohiya
8Tingnan din
9Mga sanggunian
Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des Malayischen Archipels,
18841894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit ng termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki
Hajar Dewantara), nang siya ay magtayo ng isang press bureau sa Olanda na may
pangalang Indonesisch Pers-bureau noong 1913.[4]
Ang halamang moskada(nutmeg) ay katutubo sa Pulo ng Banda ng Indonesia. Minsang naging isa sa
pinakamahalang pangangailangan ng daigdig, na naging dahilan ng unang kapangyarihang kolonyalismong
Europeo sa Indonesia.
Mula noong ika-7 dantaon CE, ang makapangyarhing Kahariang pandagat ng Srivijaya ay
umusbong sapagkat sa kalakalang nabuo at sa mga impluwensiya ng Hinduismo at Budhismo na
nakuha ng Kaharian mula roon.[14] Sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang
dinastiyang agrikultural na Budhistang Sailendra at ang dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad
at bumagsak sa Haba, kung saan naiwan nila ang mga grandiyosong mga monumentong relihiyoso
gaya ng Borobudur ng Sailendra at angPrambanan ng Mataram. Ang kahariang Hindu
na Madyapahit ay nabuo sa silangang Java sa huling bahagi ng ika-13 dantaon, sa ilalim ni Gajah
Mada, na nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Indonesia; ang panahong ito ay kadalasang tinatawag
na "Gintong Panahon" sa kasaysayan ng Indonesia.[15]
Kahit na ang mga mangangalakal na Muslim ay unang naglakbay sa Timog-silangang Asya noong
unang bahagi ng panahong Islamiko, ang pinakaunang katibayan ng pagsasa-Islamiko ng
populasyon ay noong ika-13 dantaon sa hilagang Sumatra.[16] Naglaon ang ibang mga lugar sa
Indonesia ay niyakap ang paniniwalang Islam, at naging dominanteng relihiyon sa Java at Sumatra
sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Sa halos karamihang bahagi, ang Islam ay nagbago at
humalo sa mga nabuong mga kultura at mga impluwensiyang relihiyoso, kung saan hinubog nito
ang pangunahing anyo ng Islam sa Indonesia, lalo na sa Java.[17] Ang unang Europeo na dumating
sa Indonesia noong 1512, ay nang ang mga mangangalakal na Portuges, na pinamunuan
ni Francisco Serro, ay ninais na monopolahin ang mga mapagkukunan
ng moskada (nutmeg), clove, at mgapaminta sa Maluku.[18] Sumunod sa kanila ang mga Olandes at
mga Ingles. Itinayo ng mga Olandes noong 1602 angKompanyang Olandes ng Silangang
India (VOC) at naging makapangyarhing Europeo sa lugar. Pagkatapos nitong mabangkarote, ang
VOC ay pormal na nagsara noong 1800, at ang pamahalaan ng Olanda ay bumuo ng Silangang
Indiya ng Olanda bilang isang pambansang kolonya.[18]
Sa halos buong panahong ng kolonyalismo sa Indonesia, ang pamamahala ng mga Olandes sa mga
teritoryo nito ay mahina; noon lamang unang bahagi ng ika-20 dantaon naging dominante ang mga
Olandes sa kung ano ang mga hangganan ng Indonesia ngayon.[19] Ang pananakop ng mga
Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga sumunod na mga pananakop ang
nagpawakas sa pamamahala ng mga Olandes,[20] at muling pinasigla ang mga pinigil na kilusang
pangkalayaan ng mga Indones. Dalawang araw pagkatapos sumuko ang Hapon noong Agosto
1945, si Sukarno, isang maimpluwensiyang pinunong nasyonalista, ay inihayag ang kalayaan at
itinalagang pangulo.[21] sinubukan ng Olanda na muling itayo ang kanilang pamamahala, at dahil sa
panggigipit ng ibang mga bansa, kinilala na ang kalayaan ng Indonesia ng mga Olandes at ang
kaguluhan sandatahan at diplomatiko ay nagwakas noong Disyembre 1949. [22](maliban lang sa
teritoryong Olandes ng Kanlurang Bagong Ginea, kung saan ay isinama sa Kasunduan sa New
York noong 1962, at sa pinamamahalan ng mga Nagkakaisang Bansa na Act of Free Choice).
Noong 1997 at 1998, ang Indonesia ang pinakalabis na tinamaan ng Krisis Pananalapi sa Asya.
[29]
Ito ang nakadagdag sa malawakang pagkadismaya sa Bagong Kaayusan. [30] at nagdulot
ng malawakang protesta. Nagbitiw si Suharto noong 21 Mayo 1998.[31] Noong 1999, ang Silangang
Timor ay bumotong humiwalay sa Indonesia, pagkatapos ng dalawampu't limang taong pananakop
militar na kinondena ng iba't ibang bansa dahil sa kalupitan sa mga taga-Silangang Timor.[32] Ang
panahon ngRepormasyon, pagkatapos ng pagbibitiw ni Suharto, ay nagbunga ng mas matibay na
mga prosesong demokratiko, kasama ang mga programang autonomiyang rehiyunal, at ang sa
unang pagkakataon ay nagkaroon ng halalang pang-panguluhan noong 2004. Ang mga instabilidad
sa politika at ekonomiya, kaguluhan, korupsiyon, at terorismo ay nagpabagal sa pag-unlad.
Datapwat ang relasyon sa iba't ibang mga relihiyon at mga pangkat etniko ay mapayapa sa
kabuuan, may mangilan ilan na sekta ang hindi kuntento at ang pagkakaroon ng kaguluhan sa ilang
mga lugar ay patuloy pa ring suliranin ng bansa. [33] Isang pagsasaayos pampolitika sa mga
separatistang sandatahan sa Aceh natamasa noong 2005.[34]
Karamihan sa mga sigalot sibil ay inihaharap sa Hukuman ng Estado; ang apela ay dinidinig sa
harap ng Mataas na Hukuman; Ang Kataastaasang Hukuman ay ang pinakamataas na Hukuman sa
bansa, at dinidinig ang huling pagbasa, at nagsasagawa ng pagsusuri sa mga kaso. Ang ibang
hukuman ay kinabibilangan ng Hukumang Pangkalakalan(commercial), na humahawak sa mga
kasong pagkabangkarote at pagkalugi; isang Hukumang Administratibo ng Estado upang dinggin
ang mga kasong administratibo laban sa pamahalaan; isang Hukumang Pangsaligang batas upang
dinggin ang mga sigalot na may kinalaman sa legalidad ng abtas, pangkahalatang halalan, at
pagsasawalang bisa ng mga partidong pampolitika, at ang saklaw ng otoridad ng institusyon ng
estado; at ang Hukumang Panrelihiyon na umaayos sa mga kasong may kinalaman sa mga kasong
panrelihiyon.[42]
Binubuo ang Indonesia ng 33 lalawigan, kung saan lima rito ay may natatanging katayuan. Ang
bawat lalawigan ay may sariling tagapagbatas at gobernador. Ang lalawigan ay hinahati naman sa
mga bayan (kabupaten) at mga lungsod (kota), na hinahati pa sa mga maliliit na distrito
(kecamatan), at pati na rin sa mga barangay (desa o kelurahan). Pagkatapos ipatupad noong 2001
ang rehiyonal na pagsasarili (autonomiya), ang mga bayan at lungsod ay ang naging
pinakamahalagang sangay pampangasiwaan, na responsable sa pagbibigay ng paglilingkod-bayan.
Ang pamahalaang barangay naman ang pinakamakaimpluwensiya sa pang-araw-araw na buhay ng
mga nasasakupan nito, na humahawak sa mga usaping pambarangay na pinamumunuan ng halal
na punong barangay na tinatawag na lurah okepala desa.
Ang mga lalawigan ng Aceh, Jakarta, Yogyakarta, Papua, at Kanlurang Papua ay may mas
maraming pribilehiyo at mas mataas na antas ng pagsasarili mula sa pambansang pamahalaan
kaysa sa ibang mga lalawigan. Halimbawa, may karapatang bumuo ang pamahalaan ng Aceh ng
isang malayang sistemang pambatas; noong 2003, ipinatupad nito ang paggamit ng Sharia (batas
Islam) bilang bahagi ng hurisprudensiya nito.[43] Ang Yogyakarta naman ay binigyan ng katayuang
"Natatanging Rehiyon" bilang pagkilala sa ginampanan nito sa pag-suporta sa mga
rebolusyonaryong Indones noong panahon ng himagsikan nito sa wakas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigsig.[44] Ang Papua, na dating tinatawag na Irian Jaya, ay binigyan ng katayuan ng
natatanging pagsasarili noong 2001,[45] at ang Jakarta naman ay isang natatanging punong rehiyon
bilang kabisera ng bansa.
Sumatra
Kalimantan (Borneo)
Riau - Pekanbaru
Jambi - Jambi
Bengkulu - Bengkulu
Gorontalo - Gorontalo
Haba
Jakarta - Jakarta
Banten - Serang
Kapuluang Maluku
Yogyakarta - Yogyakarta
Bali - Denpasar
Maluku - Ambon
Kanlurang Papua
Papua - Jayapura
Mapa ng Indonesia
Ang Indonesia ay binubuo ng 17,508 pulo, na tinatayang nasa 6,000 ang tinitirhan. [46] Ang mga ito ay
nakakalat sa parehong bahagi ng ekwador. Ang limang pinakamalaking pulo ay
ang Haba (Java), Sumatra, Kalimantan (ang bahaging Indones ng Borneo), Bagong Ginea (na
kahati ang Papua Bagong Ginea), atSelebes. Ang Indonesia ay nakikihati ng hangganan
sa Malaysia sa pulo ng Borneoat Sebatik, sa Papua Bagong Ginea sa pulo ng Bagong Ginea, at
sa Silangang Timor sa pulo ng Timor. Nakikihati rin ito ng hangganan sa Singapore,
Malaysia,Pilipinas sa hilaga, at sa Australya sa mga katimugang bahagi ng mga dagat nito. Ang
kabisera nito, ang Jakarta, ay matatagpuan sa Haba at ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na
sinundan ng Surabaya, Bandung, Medan, and Semarang.[47]
Ang Bulkang Semeru at Bulkang Bromo sa Silangang Haba. Ang mga aktibidad bulkaniko sa Indonesia ay isa
sa pinakamataas sa buong daigdig.
Karamihan sa mga Indones ay mula sa mga Austronesyo mga tao na mula sa Taiwan. Ang iba pang
pangunahing pangkat ay ang mga Melanesiano, na naninirahan sa silangang Indonesia.
[57]
Mayroong 300 na natatanging mga katutubong lahi sa Indonesia, at 742 na iba't ibang wika at
diyalekto.[58] Ang pinakamalaki ay ang mga Habanes, na bumubuo sa 42% ng populasyon, at
pampolitika at kultural na dominante sa bansa.[59] Ang mgaSundanes, mga etnikong Malay, at
mga Madures naman ay ang ibang malalaking pangkat na sunod sa mga Habanes. [60] A sense of
Indonesian nationhood exists alongside strongly maintained regional identities. [61] Pangkalahatang
maayos ang lipunan, subalit ang mga tensiyong panlipunan, panrelihiyon at etniko ay
nagpapasimula ng matinding kaguluhan.[62]Ang mga Tsinong Indones ay isang etnik maynoriting
may-impluwensiya sa Indonesia. Mas konti sa 5% sila ng populasyon. Ang mga Tsinong Indones ay
nag-aari ng maraming pribadong kayamanan at kanegosyohan,[63] kaya may hinanakit sa kanila;
nangyaring nagkaroon ng karahasan laban sa mga Tsinong Indones.[64]
Ang Moskeng Istiqlal at Katedral ng Jakarta sa Gitnang Jakarta. Ang Indonesia ang may pinakamalaking
populasyon ng mga Muslim sa buong mundo
Ang opisyal na pambansang wika, ang wikang Indones, ay tinuturo sa lahat ng mga paaralan, at
sinasalita ng halos lahat ng mga Indones. Ito ang wika ng kalakalan, politika, pambansang medya,
edukasyon, at akademya. Ito ay binuo mula sa lingua franca na malawak na ginagamit sa rehiyon, at
may malaking ugnayan sa wikang Malay na opisyal na wika ng Malaysia, Brunei at Singapore. Ang
wikang Indones ay unang itinaguyod ng mga makabansa noong dekada '20, at inihayag bilang
opisyal na wika noong pagpapahayag ng kalayaan noong 1945. Karamihan sa mga Indones ay
nakakapagsalita ng isa o higit pa sa mahigit isang daan lokal na mga wika (bahasa daerah), na
madalas ay ang kanilang unang wika. Sa mga ito, ang wikang Habanes ang pinamalawak na
sinasalitang wika ng pinakamalaking pangkat etniko. [65] Sa kabilang banda, ang Papua ay may
mahigit 270 katutubong wika at wikang Austronesyo, [66] sa rehiyon na may 2.7 milyong katao. May
mangilan-ngilan ding dami ng tao na nag-aral bago ang kalayaan ang maalam manalita ng wikang
Olandes.[67]
Ang critically endangeredna Sumatran Orangutan, isang great ape' endemiko sa Indonesia
Ang sukat, klimang tropikal, at heograpiyang kapuluan ng Indonesia, ang naging dahilan para
maging ikalawang pinaka biodiverse na bansa ito sa buong mundo, pangalawa sa Brazil, [68] at flora
at fauna nito ay maghalong mga specie na Asyano at Australyano.[69]Minsan naging bahagi ng
kalupaang Asyano, ang mga pulo ng Sunda Shelf (Sumatra, Java, Borneo, at Bali) ay may mga
yaman ng fauna ng Asya. Ang mga malalaking species gaya ng Tigreng
Sumatra, rhinoceros, orangutan, Elepanteng Asyano, at leopard, ay minsang naging laganap
hanggang sa dulong silangan sa Bali, subalit ang bilang nito ay mabilis ding bumaba. Ang sakop ng
mga kagubatan ay umaabot sa tinatayang 60% ng bansa.[70] Sa Sumatra at Kalimantan, ay
katatagpuan halos ng mga species na Asyano. Subalit, ang mga kagubatan ng mga maliliit, at mas
mataong pulo ng Java, ay malawakang inalis para sa paninirahan ng mga tao at pansakahan. Ang
Sulawesi, Nusa Tenggara, at Malukuna matagal nang nakahiwalay sa kontinenteng Asyaay
nakabuo ng sariling bukod tanging flora at fauna. [71]