Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Katuturan ng Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang


maigsing
salaysay
hinggil
sa
isang
mahalagang
pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad
ang isang momento lamang o iyong isang
madulang pangyayaring naganap sa buhay
ng pangunahing tauhan.
Si Edgar Allan Poe ang itinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento."
Deogracias A. Rosario itinuturing
na Ama ng Maikling Kuwentong Pilipino

kundi ihayag ang buong pangungusap


nang ganito:

Pahapyaw na Kasaysayan ng Maikling


Kuwento
Nag ugat ang kuwentong Pilipino
sa sinaunang kultura ng ating bansa. Ang
mga katunayan rito ay mababakas sa mga
sinaunang kuwento ng ibat ibang grupong
etniko sa ibat ibang rehiyon sa bansa gaya
halimbawa ng mga epiko, alamat, kuwentong
bayan, at iba pang kauring salaysay tungkol
sa mga tao, pook o lugar, punongkahoy,
pinagmulan ng mga bagay-bagay, may
buhay man o wala, ng lipi at lahi.

7.
Pahiwatig

tinatalakay
ang
pangyayaring nagaganap sa isang akda.
Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang
mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging
malikhain ang mga mambabasa sapagkat
naiiwan
ang
kanyang
guniguni
o
imahinasyon
sa
mga
pangyayaring
nagaganap o maaaring maganap sa maikling
katha.

Bahagi ng Maikling Kuwento


Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan,
tagpuan, at suliranin.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at
katapusan.
Gayunpaman,
may
mga
kuwento na hindi laging winawakasan sa
pamamagitan ng dalawang huling nabanggit
na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan
ng may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa
ang humatol o magpasya kung ano, sa
palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
Mga Sangkap ng Maikling Kwento:
1.
Banghay tumutukoy sa maayos,
kawing-kawing at magkakasunod na mga
pangyayari.
2.
Tauhan tumutukoy sa mga tauhang
gumagalaw
sa
kwento
na
maaaring
pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.
3. Tagpuan tumutukoy sa lugar at oras ng
pinangyarihan ng kwento.
4. Paningin pananaw na pinagdaraanan ng
mga pangyayari sa isang kwento.
5. Paksang-diwa o tema tumutukoy sa
kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral
na ideya ng kwento na naghahayag ng
pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat
ihayag sa isang salita o parirala lamang
kundi
sabihin
ito
sa
isang
buong
pangungusap.
Halimbawa:
ang pagsama ng isang
tao

kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay


dala ng
mapapait niyang karanasan sa
buhay

6.
Katimpian masining na paglalarawan
sa
damdamin.
Ang
maingay
at
nagpapalahaw na pag-iyak ay di tanda ng
kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng
tahimik, pigil at di mailuhang pighati.

8.
Simbolo ito ang mga salita na kapag
binabanggit sa isang akdang pampanitikan
ay
nag-iiwan
ng
ibat
ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa.
Halimbawa:
Ang puti ay kumakatawan sa
kalinisan o kawagasan samantalang ang pula
ay
kumakatawan
sa
katapangan
o
kaguluhan.
9.
Suliranin

mga
problemang
kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito
ang nagbibigay daan upang magkaroon ng
kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa
kwento.
10.
Tunggalian ito ang nagbibigay-daan
sa madudulang tagpo upang lalong maging
kawili-wili at kapana-panabik ang mga
pangyayari kayat sinasabing ito ang
sandigan ng akda.
a.
tao laban sa tao
b.
tao laban sa sarili
c.
tao laban sa kalikasan
11.
Kasukdulan dito nagwawakas ang
tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang
madarama ng mga mambabasa sa bahaging
ito sapagkat dito pagpapasyahan ang
kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani
sa kwento.
12.
Himig itoy tumutukoy sa kulay ng
damdamin.
Maaaring
mapanudyo,
mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng
kulay ng kalikasan ng damdamin.
13.
Salitaan ang usapan ng mga tauhan.
Kailangang magawang natural at hindi
artipisyal ang dayalogo.
14. Kapananabikan nalilikha ito sa
paglalaban ng mga tauhan o ng bidang
tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito
ang pagkabahalang nararamdaman ng mga
mambabasa bunga ng hindi matiyak ang

magiging kalagayan ng pangunahing tauhan


sa kanyang pakikipagtunggali.
15. Kakalasan ito ang kinalabasan ng
paglalaban ng mga tauhan sa akda.
16.
Galaw

tumutukoy
ito
sa
pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula
sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa
malutas ang suliraning ito sa wakas ng
katha.
17.
Wakas bagamat ang kwentoy
maaari nang magwakas sa kasukdulan, may
mga pagkakataong kailangan pa rin ng
katuusan
upang
ipahayag
ang
mga
pangyayari pagkatapos ng kasukdulan.
Maaari itong ipaloob ang paliwanag o
pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing
tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa
mga mambabasa.

3. Paglalarawang-tauhan maaaring
tuwiran na kung saan binabanggit ang
katangian ng tauhan at madulang
paglalarawan na
mahihinuha
ang
katangian ng tauhan sa pmamagitan
ng pagkilos at pagsalita niya.
4. Tagpuan tinutukoy nito ang lugar at
oras na pinangyarihan ng kuwento.
5. Paningin ipinapakilala nito ang
pananaw na pinagdaanan ng mga
pangyayari sa kuwento.
6. Paksang-diwa ito ang pinakasentral
na ideya ng kuwento na naghahayag
ng pagka-unawa sa buhay. Itoy
tumutukoy sa
kaisipang iniikutan
ng kuwento.

NOT INCLUDED
Salik ng Maikling Kuwento
KABANGHAYAN - tumutukoy sa banghay o
pangkakabalangkas ng mga pangyayaring
dapat na maging maayos ang pagkakaugnay
upang maging marikit, matatag at kapanipaniwala.
KAKINTALAN - ang tuon ng maikling katha
ay lagi nang may isang panig ng buhay na
nais ihatid o ikintal sa isipan ng mambabasa.
Ang hangarin ito ay maaaring
maganap nang maayos sa pag-alinsunod ng
paglalahad sa paningin lamang ng isa sa
mga tauhan ng katha, kadalasay ng
pangunahing tauhan.
KAPANAUHAN - itoy tumutukoy sa dituwirang paglalarawan ng tauhan na dapat
isagawa ng kalikasan ng mga tauhan sa
pamamagitan ng kani-kanilang kilos at
pananalita.
KAGANYAKAN - ito ang pang-unang
suliranin na kailangang maipahiwatig kaagad
sa simula pa lamang ng kwento. At upang
ang mga
mambabasa
ay
maganyak
naman na magmalasakit sa suliranin ng
pangunahing
tauhan,
kailangang
ang
naturang suliranin ay
hindi
lamang
maging mahalaga sa pangunahing tauhan
kundi sa mga mambabasa na rin.
KASININGAN - hinggil ito sa sariling bikas
ng manunulat o sa kaniyang kakayahan sa
paraan ng pagsulat.
PAKSANG DIWA - Tumutukoy ito sa paksadiwa ng katha na bilang kaluluwa ng
kuwento ay kailangang makapagdulot ng
kasiyahan sa mambabasa.
KAHIMIGAN -ito ay ang kamalayan ng
isipan o ang nangingibabaw na damdamin.
itoy maaaring malungkot o masaya,
dibdiban o mapanuyo,
mahinhin
o
magaso.
Sangkap ng Maikling Kuwento
1. Banghay tumutukoy sa maayos na
kawing-kawing at magkakasunod na
pangyayari sa kuwento.
2. Tauhan tumutukoy sa tauhang
gumagalaw sa kuwento. Mahalagang
papel ang ginagampanan nila sa
pagsulong ng
pangyayari
sa
kuwento.

Uri ng Maikling Kuwento


Sakwento ng tauhan inilalarawan
ang mga pangyayaring pangkaugalian
ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa.
Sakwento ng katutubong kulay
binibigyang-diin ang kapaligiran at
mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng
mga tao sa nasabing pook.
Sa'kwentong bayan nilalahad ang
mga kwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
Sakwento ng kababalaghan pinaguusapan ang mga salaysaying hindi
kapani-paniwala.
Naglalaman
ang
kwento
ng
katatakutan ng mga pangyayaring
kasindak-sindak.
Sakwento
ng
madulang
pangyayari binibigyang diin ang
kapana-panabik
at
mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
Sakwento
ng
sikolohiko
ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang
uri ng maikling kwentong bihirang
isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
Sakwento ng pakikipagsapalaran,
nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kwento.
Nagbibigay-aliw
at
nagpapasaya
naman sa mambabasa ang kwento
ng katatawanan.
ARALIN 7
Teoryang
Pampanitikan
Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad


ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan.
Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na
may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na
siyang
pinakasentro
ng
kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit
ng mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin
at iba pang nais na ibahagi ng mayadka na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa
halip
na
paglalarawan
at
tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong
ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa
loob ng panitikan.
Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang
tao ang sentro ng mundo; ay binibigyangtuon ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga karanasan at nasaksisan ng may-akda
sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalangalang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala
ng mga kalakasan at kakayahang pambabae
at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminismo sapagkat
babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang
kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob
sa akda ay magkaugnay sa isat isa. Ang
lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa
mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang
kanyang
tuwirang
panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at
hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusurit pang-unawa.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa


pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior
(pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao)
sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita
sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil
may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas
ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag
sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na
ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon
mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing
modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang
kinabibilangan
ng
may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan
ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na
suliranin.
Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat
ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao ang pamantayan ng tama at
mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa
madaling
sabi,
ang
moralidad
ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan
nito.
Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng mayakda.
Ipinahihiwatig
sa
mga
akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng
mga pinaka na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at
pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang mga babae ay may
feminismo ang mga homosexual naman ay
queer.
Teoryang Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng
tao at ng mundo.
Teoryang Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang
kultura ng may-akda sa mga hindi

nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang


mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang ibat
ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning
kanyang
kinakaharap.
Isang
halimbawa nito ay ang pagkilala sa
prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na itoy
kasamaan at suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstraksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang ibat
ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at

manunulat na walang iisang pananaw ang


nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi
ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at
mundo.
Ang mga teoryang ito ay maaaring maging
sandigan upang masuri ang mga kuwento
nang mahusay at maikhain. Mabisa itong
gabay upang lalong maunawaan ang mga
kuwento at masuri nang may matalino at
masining na paglikha ng mga kaisipang
iginunuhit ng mga may-akda ng kuwento.

You might also like