Professional Documents
Culture Documents
Gamit NG Wika Sa Lipunan
Gamit NG Wika Sa Lipunan
Instrumental
-ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari/maganap ang
mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ng
tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
-Mga bigkas na ginaganap pagpapangalan/pagbabansag,
pagpapahayag, pagtataya
Regulatoryo
-gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. Ito
ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga
pangyayaring nagaganap.
Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/gawa, pagtatakda
ng mga alituntunin at alituntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono,
pagtatalumpati.
Interaksyunal
-gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao.
Nangangailangan ang matagumpay na interaksiyon ng wastong paguugali.
Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, panunudyo, pag-aanyaya,
paghihiwalay, pagtanggap, atbp.
Personal
-gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng
bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. Malaya siyang
magbuka ng bibig o magsawalang-kibo kung nais niya.
Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura o maingat na
pagpili ng salita, pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin.
Hueristiko
gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at
pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay
sa daigdig.
Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatuwiran,
pagbibigaykongklusyon, paggawa ng hypothesis, pagpuna, pageeksperimento, pagsangayon, di-pagsang-ayon, pagtaya.
Representatibo
Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, paguulat ng mga pangyayari, paglalahad, paghahatid ng mensahe
atbp.Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng
mensahe, pagbibigay ng tama/maling impormasyon, pagsisinungaling,
pagpapahayag.