Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

B.

Rima o Tugma
Maraming magagaling na makata ang gumagamit ng tugma. Sa paggamit ng rima
sa pagbibigay-diin sa sa isang kahulugan, sa pagbibigay igting at sa pagkukubli ng
kabuluhan at sa pagpukaw ng damdamin ay bagay na hindi basta
mapatugampayan ng sinumang manunugma. Mapapatunayan ito sa mga sinaunang
tugman pareado o may daawang taludturan:
Kaya ipinakataas-taas
Nang dumagundong sa paglagapak
Ang nakatabi sa batis
Makikinabang ang lamig.
Bagaman walang gaanong damdamingnaisiwalat sa mga tugmang ito, madarama
ang talsik ng talinong lumikha sa kanila. Sinasabing ang mga ganitong uri ng
tugmang likas na kayaman sa panitikang Pilipino bago pa man dumating ang mga
kastila ay tigib ng malilirip na kaisipan.
Sa paraan ng makabuluhang panunugma, isa sa pinakamagaling sa Tagalog
si Francisxo Baltazar:
Kung akoy mayroong kahapisang munti,
Tatanungin mo na kung ano ang sanhi;
Hanggang di maligning ay idinarampi
Sa mga mukha ko ang rubi mong labi.

Ang layunin ni Baltazar sa saknong ito ay mailahad nang buong liwanag ang mga
gunita ng pag-alalal ng isang babae sa isang minamahal ng lalaki. Batid niyang an
mabisang paggamit ng tugma ay nakakatulong sa mabubuting layunin ng pagtula,
lalo pat aalagating ang mambabasay higit na maaantig at higit na makatatanda
ng mga taludtud. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang Florante at Laura ay tunay
na kinalulugdang sipiin sa alinmang okasyon. Masining ang pamamamaraan ng
paggamit sa rima at hindi nasasakripisyo ang kahulugan.
Iparis natin ang paraan ng pagtutugma ni Balagtas kay Jose Dela Cruz
(Huseng Sisiw):
Matay ko man yatang pigilit pigilin,
Pigilin ang sintang sa pusoy tumiim,

Tumiim na sintay kung aking pawiin,


Pawiin koy Tantung kamatayan ko rin.

You might also like