Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila.

Layunin ng Espanyang
sakupin ang mga katutubo.

Maganda siguro
kung payapa ang
ating magiging
paraan.

Kailangan nating
masakop ang Pilipinas,
ano kaya ang
magandang paraan?

Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang
pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring
Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito, pinagaralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat matagal na
ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo. Binigyang diin niya ang
pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga
makasalanang tao sa daigdig.
Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod sa itinuturo ng paring
Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu
Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo
ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.
Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si HesuKristo. Ito rin ang parusang
ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.
Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang maalikabok at baku-bakong
lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng
Caraballo itinindig ang krus. Habang nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni
Kristo, isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang
umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.
Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng misyunero na si Hesus daw ay
muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.
Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong gabi. Ginimbal sila ng
katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng
kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa
kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang
nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila
mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng
dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa
malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.
Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa pakuan na ngayon ay
naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng pakwan.

You might also like