Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Edukasyong Pagpapakatao
Banghay Aralin Sa Edukasyong Pagpapakatao
I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang
1. matutukoy ang mga paraan sa pagsunod sa mga kasapi sa
pamilya/nakatatanda
2. maibabahagi ang mga karanasan na nagpapakita ng pagsunod sa
mga kasapi ng pamilya/nakatatanda
3. aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangklase
II. Paksang Aralin
Tema: Mahal ko ang Aking Pamilya
Paksa: Pagsunod sa mga kasapi ng pamilya/nakakatanda
Sanggunian:
Teaching Guide (ESP)
Aralin 3
Activity Sheets
Gintong Landas 1
Kagamitan
Manila Paper
Mga Larawan
Lapis
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pamamaraan
C. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan ng isang bata na nag-aalaga sa kapatid niya
habang ang kanyang nanay ay nagluluto.
D. Pagtatalakay
1. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa pinakitang larawan.
*Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
*Ano ang ginagawa ng nanay sa larawan?
*Ano ang ginagawa ng ate sa larawan?
2. Ipapaliwanang sa mga mag-aaral kung bakit kaya inaalagaan ng ate ang
kanyang bunsong kapatid.
3. Sabihin sa mga mag-aaral na malamang ay iniutos ng nanay sa ate ang pag
aalaga sa bunsong kapatid habang siya ay nagluluto.
4. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang pagsunod sa utos ng mga magulang o
nakakatanda ay nagpapakita ng respeto o paggalang.
E. Pagsasagawa
Indibidwal na Gawain
1. Bigyan ng bond paper ang bawat mag-aaral.
2. Bigyan sila ng oras na gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagsunod sa
mga kasapi ng pamilya/nakakatanda.
H. Takdang Aralin
a. Pagawain ng isang repleksyon tungkol sa pag sunod sa nakakatanda.
Prepared by:
JUDETH PEARL P. SALADAGA