Professional Documents
Culture Documents
Ang Kurikulum Na Filipino
Ang Kurikulum Na Filipino
Ang Kurikulum Na Filipino
64 R.J. MENDOZA TOMO XX BLG. 2 ABRIL 2008 Ang kurikulum ay isang panlahat
na patnubay. Lagi itong bukas sa ano mang pagbabago.Bilang implementor ng
kurikulum, tungkulin ng guro na gawin itong napapanahon at makabuluhan.
Magagawa ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa kalagayan ng
kurikulum.Taong 2005, pagkatapos ng ikatlong taon ng implementasyon (pilot) ng
BEC, nagsagawa ang DepED ng ebalwasyon upang alamin angviability atefficacy
nito.Sa resulta ng ebalwasyon (tingnan ang Talahanayan 2 at 3), tumaas ang MPS sa
interpretasyong numerikal; subalit hindi nabanggit kung ito ay tumutukoy sa
kasapatan ng kaalaman at kasanayan.Walang pag-aaral ang isinagawa sa kung
saang kasanayan mahina o malakas ang estudyante. Noong 2006-2007, nagkaroon
ng pagtatasa sa umiiral na kurikulum upang alamin ang kalagayan nito.Nasa
Talahanayan 2 ang katayuan ng Filipino sa pampublikong paaralan.Natural na
inaasahang may pagbabago o pag-unlad sa katayuan ng Filipino dahil sa tumaas
ang MPS sa interpretasyong numerikal. T TT TTalahanayan 2. Katayuan ng Filipino sa
alahanayan 2. Katayuan ng Filipino sa alahanayan 2. Katayuan ng Filipino sa
alahanayan 2. Katayuan ng Filipino sa alahanayan 2. Katayuan ng Filipino sa
pampublikong paaralan pampublikong paaralan pampublikong paaralan
pampublikong paaralan pampublikong paaralan M PS Filipino M PS Filipino M PS
Filipino M PS Filipino M PS Filipino School year School year School year School
year School year MPS MPS MPS MPS MPS 2005-2006 60.68 2006-2007 66.02 T TT
TTalahanayan 3. Katayuan ng Filipino sa alahanayan 3. Katayuan ng Filipino sa
alahanayan 3. Katayuan ng Filipino sa alahanayan 3. Katayuan ng Filipino sa
alahanayan 3. Katayuan ng Filipino sa resulta ng test resulta ng test resulta ng test
resulta ng test resulta ng test School year School year School year School year
School year MPS MPS MPS MPS MPS 2005-2006 48.43 2006-2007 60.90 Mapapansin
sa Talahanayan 3 na may pagtaas sa MPS sa resulta ng asesment.Batay sa
kinalabasan ng pag-aaral at mga rekomendasyon, kailangang isagawa ang isang
pagbisita at pagpakinis ng kurikulum upang mabigyan-pansin ang mgagap
(puwang),overlap, at/o duplikasyon ng nilalaman, lawak at pagkakasunod-sunod ng
mga konsepto (Lacuna: 2007). Bilang isang larangan ng pagkatuto sa antas
sekondarya, ang pangunahing mithiin ng Filipino ay ang makadevelop ng isang
gradweyt na mabisang komunikador sa Filipino.Upang masabing mabisang
komunikador sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga kasanayang makro
ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita at pakikinig.Dahil sanay sa pakikipagtalastasan,
nararapat na may kabatiran siya at kasanayan sa apat na komponent ng
kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal, gramatikal, sosyo-lingwistik at
istratejik.Sa proseso ng pagkatuto, nagiging hanguan ng kaalaman at kasanayang
pangwika ang mga nilalaman, partikular na sa Araling Panlipunan. Nakasandig din
iuugnay ito (ang akda) sa mga dating kaalaman at mga tiyak na karanasan.
Susundan naman ito ng pagsusuring panlinggwistika kung saan ang pagsusuri ay
ibabatay sa mga tiyak na elementong ponemiko tulad ng sukat/tugma, pag-uulit ng
mga salita, pantig, letra, onomatopea. Sa bahagi ring ito, masusuri ang akda batay
sa mga ibig sabihin ng salita (pamimili ng salita, pahiwatig, kapangyarihan ng salita,
pag-aagawan ng kahulugan ng salita, etimoloji ng salita).Maaari ring suriin ang akda
batay sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba, ikli, pag-uulit, pagbabago- bago).
Sa pagtalakay sa aspektong pangnilalaman, susuriin ang akda sa mga nais sabihin
nito sa mga tiyak na tradisyonal na elemento, at tutukuyin ang bisa nito sa
kamalayang panlipunan.Sa paglikha, ang mga mag-aaral ay aakaying makalikha ng
mga tiyak na genre ng panitikan habang sa pagpapahalaga ay aakayin silang
magsuri ng kanilang sariling gawa batay sa mga natutunang pamantayan.Sa
kabilang banda, ang pagkatuto ng komposisyon ay gagawing isang proseso. Ano
mang naisulat ng mga mag-aaral ay ituturing na personal.Ang isinulat ay daraan sa
pagwawastong pansarili at pagwawasto ng iba, at proseso ng revisyon.Susundin
ang proseso ng pagsulat, pagbabahaginan, pag-eedit, revisyon at faynalisasyon.
Tinatawag itongprocessed writingisang kasanayang dapat malinang ng
estudyante upang maipamalas ang kagalingan sa paggamit ng wikang Filipino.
Taong 2005, nagsimula ang pagmomonitor ng BEC Filipino sa sekondarya.Nang
sumunod na taon (Enero 5-6, 2006), tumawag ang Bureau of Secondary Education
(BSE) ng isang konsultatibong pulong, at iniulat ang kinalabasan ng isang
sarbey.Pangunahing rekomendasyon ng sarbey ang pagrerebyu ng BEC Filipino na
nakatuon sa (a) balangkas, (b) nilalaman at (c) kasanayan sa pagkatuto. Ang Filipino
sa antas tersyarya Ang paglikha ng Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon
(CHED) ay napaloob sa RA 772 na tinawag na Higher Education Act of 1994.Ang
unang ginawa ng Komisyon ay ang pagrebisa sa kurikulum ng lahat ng tersyaryong
programa sa lebel nabaccalaureate. Noong 1996-1997, ipinatupad ang bagong
kurikulum na may layuning maakit ang mga estudyante upang maging integral na
nilalang ng
71 MALAY ANG KURIKULUM NA FILIPINO Official Newsletter of De La Salle UniversityManila. Vol. 39, no. 10, October 8, 2007. Lacuna, J. Ang Basic Education Curriculum:
Pang-elementarya. Pambansang Seminar- Workshop ng SANGFIL: Pagharap sa
Hamon ng Kasalukuyang Kurikulum ng DepEd at CHED: Implementasyon at
Aplikasyon. NISMED Auditorium, University of the Philippines. Diliman, Quezon City,
October 25- 26, 2007. Mendoza, Rizalyn. Ang Bago at Makabago sa Pagbabago:
Ang Nagpatuloy na Inobasyon at Hamon sa mga Isyu ng Pagtuturo at Pagkatuto
ng/sa Filipino.Ang Curriculum Development na Filipino. University of San Carlos,
Cebu City, Philippines, October 11-13 2007. .Makabayan Curriculum for Secondary
Schools in the Philippines: The Development of Citizenship.Educational Research
for Policy and Practice. Tullao, Tereso. Wikang FilipinoWika sa Globalisasyon.
Seminar sa Filipinolohiya. Pamantasang De La Salle, 28 AbriL 2004. Zafra,
Galileo.Ilang tala sa estado at direksyon ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino8:1-2, 2006.