Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ALAMAT NG PINYA

Si Aling Rosa ay may nag-iisang anak na si


Pinang, na pinalaki niya sa layaw, kayat lumaking
walang nalalamang gawaing-bahay. Inaaksaya lamang
ni Pinang ang oras sa paglalaro.
Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa kayat
hindi ito makagawa ng mga gawaing-bahay kayat
inutusan niya si Pinang na magluto. Dahil nga hindi
gumagawa sa bahay si Pinang hinanap sa ina ang mga
gamit sa pagluluto at palaging tinatanong sa ina ang
gagawin.
Habang hinihintay na maluto ang isinalang na
nilugaw ay naglaro na si Pinang. Sa pagkalibang niya
sa paglalaro ay nasunog ang nilugaw, kayat walang
nakain ang mag-ina.
Tumagal ang pagkakasakit ni Aling Rosa,
kayat napilitang magtrabaho ni Pinang sa bahay.
Katulad ng dati, sa katamaran ay palaging tinatanong nito ang ina kung nasaan ang sandok,
palayok, pinggan, baso, walis, basahan, at lahat-lahat ng mga kasangkapang gagamitin.
Sa inis ni Aling Rosa ay nasabi nitong, Naku, Pinang, sanay magkaroon ka ng
maraming mata para makita mo ang lahat ng mga kagamitang sa bahay.
Nang gumaling si Aling Rosa ay nawala naman si Pinang. Walang sinumang tanungin
niya ang nakakita kay Pinang.
Pagkalipas ng mga araw ay may napansin si Aling Rosa ng isang halamang tumubo sa
bakuran. Inalagaan niya ito at nang magbunga ito ay namangha si Aling Rosa dahil hugis-ulo at
may napakaraming mata ng bunga nito. Laki ng sisi ni Aling Rosa nang maalala ang nasabi niya
ng magkaroon sanang maraming mata si Pinang. Inalagaan ni Aling Rosa ang halamang tinawag
niya ng Pinang, na sa kalaunan ay naging Pinya- bungang maraming mata.

BAKIT MABAGAL LUMAKAD ANG KALABAW


Si Mang Catalino ay matagumpay na magbubukid. Katunayan, umunlad ang kanyang
kabuhayan dahil sa pagbubungkal ng lupa at paghahalaman. Kung siyay may matatawag na
kahinaan sa buhay, itoy ang masyadong kasipagan. Siyay trabaho nang trabaho. Ngunit ang
araw ng Linggo ay kanyang ipinangingilin. Siyay hindi nakalilimot magsimba.
Maagang-maaga noon. Kinalagan ni Mang Catalino si Kalakian sapagkat itoy nakatali
sa lilim ng kamatsili. Gusto niyang pumunta sa gutaran upang mag-araro.
Si Kalakian ay nagsalita, Mang Catalino,
yayamang ang araw na ito ay aming kaarawan,
Araw ng mga Hayop, manong kamiy inyong
pahintulutang magsaya.
Anong gusto mong sabihin?
Ang araw na itoy ituring ninyong
pangolin. Huwag ninyo kaming papag trabahuhin.
Sinong kami? tanong ni Mang Catalino.
Kami po ni Baka.
Anong gusto niyong gawin? pag-uulit sa
unang tanong.
Kami po ni Baka ay gusting magliwaliw
sa ilog. Gusto naming lumangoy at maglaro.
Oo. Pahihintulutan ko kayo ngunit pagdating ng ikasampu, kayoy uuwi. May
pupuntahan tayo. Hindi ko na kayo dapat pang sunduin.
Masayang-masaya ang dalawa. Si Baka ay umunga nang nang malakas at mahab. Silay
nagpunta sa ilog. Itoy hindi naman kalayuan.
Nang naliligo na ang dalawa si Baka ay nagtanong. Kaibigan, ikaw bay kontento na sa
iyong buhay?
Oo, at ikaw? sagot tanong ng kalabaw. Akoy maligaya. Mabait an gating amo. Kahit
maghapong nag-aararo, sagana naman tayo sa pagkain. Nawawala agad ang pagod ko kung
akoy nakapaglublob sa putik. Bakit naitanong mo iyan?
Di ngat palagay ko ay ganito na lamang tayo habang buhay, walang pag-asenso.
Bakit naman?
Si Baka ay hindi sumagot.
Sa kalalangoy at kalalaro ng dalawa, hindi nila nahalata na tanghali na pala. Magiikalabindalawa na. katanghalian pipitik.
Narito na si Mang Catalino at silay kinakaon. Malayo pa ay nakita na nilang may dalang
pamalo. Hindi naman sila binubulyawan. Silay dali-daling umahon. Silay dumako sa may
balunggutan at doon nagbihis. Naroon ang kanilang damit.
Sa pagmamadali at takott sa panginoon, ang dinampot na damit ni Kalakian ay ang kay
Baka at ang nakuha naman ni Baka ay ang kay Kalakian. Silay nagkapalit. Dali-dali nilang
isinuot ang saplot upang huwag silang abutan.
Takbuhan ang dalawa pauwi. Hirap na hirap si Kalakian sa pagtakbo sapagkat ang suot
na damit ay sikip na sikip. Ang suot naman ni Baka ay napakaluwang at nakasalampay lamang.
Mula noon ang kalabaw ay iimpang-impang kung lumakad at si Baka namay mabilis
humagpay at kumilos.
ANG ALAMAT NG ILANG-ILANG

May isang mag-asawang mayamang nainirahan sa isang bayan. Dapat sanay maligaya
sila dahil lahat ng gusto nilang maaaring bilhin ay nakakamtam nila. Subalit may isang bagay na
ipinagkait sa kanila isang anak. Araw-araw ay nagdarasal sila kay Bathala na bigyan sila ng anak
upang malubos ang kanilang kaligayahan.
Isang gabing nagdarasal ang
babae sa halamanan ay may biglang
lumitaw na Anghel na naghatid ng
magandang balita, Ako ay sinugo ni
Bathala upang sabihing dininig niya ang
inyong panalangin, kayat ang hiling
ninyong
anak
ay
matutupad.
Magkakaroon
kayo
ng
isang
magandang ank na babae at tatawagin
ninyo siyang Ilang. Ngunit may isang
pasubali ang Bathala. Hindi dapat
mahipo ng lalaki ang inyong anak.
kapag nangyari ito ay mawawala siya.
Tuwang-tuwa pumayag ang babae sa kasunduan. Pagkaraan ng isang taon ay isinilang is
Ilang. Napakaganda nito at may katutubong bangong tulad ng isang bulaklak.
Nang magdalaga si Ilang ay maraming binata ang nabighani sa dalaga. Sa takot na
mawala sa kanila si Ilang ay kinulong ito ng mag-asawa sa silid.
Walang ginawa si ilang kundi mag-iiyak sa kanyang pagkakakulong. Narinig ng Bathala
ang panaghoy ng dalaga at sa awa nito ay binuksan ang bintana ng silid ni Ilang. Tuwang-tuwang
lumabas si Ilang upang lumanghap ng sariwang hangin.
Isang binatang nagpapasyal ng kanyang aso ang nakakita kay Ilang.
Kay tagal na kitang hinahanap, wika ng binata, sabay hawak sa kamay ni Ilang. Nakita
ito ng ina ni Ilang ngunit wala siyang magawa nang sa harap nila ay unti-unting lumubog sa lupa
ang dalaga hanggang sa ito;y maglaho sa kanilang paningin.
Ilang! Ilang! panaghoy ng Ina.
Nagitla siya nang may isang halamang unti-unting sumulpot sa kinahulugan ni Ilang.
Tumaas ito at may mga luntiang bulaklak na nagsabog ng halimuyak na parang si Ilang. Dahil
dito, ang puno ay pinangalang Ilang-Ilang, bilang alaala sa dalaga.

ANG ALAMAT NG POINSETIA


Noong unang panahon, sa isang maliit na baryo sa Mehiko ay may naninirahang isang
mag-anak na magaling maghabi. Isang araw ay nahiligan ng Kura Paroko ang Nanay at ang anak
niyang babeng si Lucida na humabi ng kumot para sa Sanggol na si Hesus sa na isasaplot sa
sanggol sa prusisyon sa bisperas ng Pasko. Tuwang-tuwa ang pamilya sa karangalang ibinigay sa
kanila at naisip nilang ito ang magiging handog na kanilang pamilya sa Banal na Sanggol.
Masayang-masayang bumili ang mag-ina ng istambre. Itinubog ang istambre sa
pangkulay at sinimulang habihin ang kumot.
Sa kasamaang-palad, bago natapos ang saplot
ay nagkasakit nang malubha ang ina ni Lucida.
Sinubok ng batang ituloy ang paghahabi ngunit
nagkabuhul-buhol lamang ang istambre, kayat hindi
natapos ang saplot.
Nalungkot ang buong pamilya ni Lucida
sapagkat wala silang maihahandaog sa Banal na
Sanggol sa Pasko.
Nang bisperas ng Pasko, nagtago si Lucida at
pinanood na lamang ang prusisyon mula sa malayo.
Di kaginsa-ginsay may matandang babeng biglang
lumitaw sa harap niya at ngawika, Lucida, huwag kang malungkot. Gagaling ang Nanay mo.
Hindi rin kailangang magkaroon ka ng katangi-tanging regalo para sa Banal na Sanggol. Ang
anumang regalo ay maganda at katangi-tangi sapagkat iyon ay handog.
Tumingin sa paligid si Lucida ngunit wala siyang makitang magandang bulaklak na
maiaalay sa Banal na Sanggol. Kayat dali-daling siyang namulot ng mga damong ligaw at
nagtungo sa simbahan. Nagbulung-bulungan ang mga tao nang makita si Lucidang may taglay na
mga damo. Lalo silang nagbulungan nang ialay ni Lucida ang mga damo sa sabsaban. Ngunit
laking gulat ng lahat nang biglang magliwanag ang sabsaban at ang mga damo ay naging
matingkad na kulay pulang mga bulaklak na hugis bituin. Lalong namangha ang mga tao nang
silay lumabas sa simbahan sapagkat lahat ng mga damo sa paligid ay naging mga pulang
bulaklak.
Ang mga bulaklak ay tinawag na Flor de Nochebuena o Bulaklak ng Pisberas ng Pasko
sapagkat itoy namumukadkad lamang tuwing Kapaskuhan.
Nang maging Embahador ng Amerika sa Mehiko si Joel Robert Poinsett ay nakita nito
ang Bulaklak ng Notse Buena at nagandahan siya rito. Nag-uwi siya ng mga pulang bulaklak sa
Amerika. Naging tanyag ang bulaklak at marami ang nagalaga nito at ginawang palamuti tuwing
Pasko. Sa kalaunan ang tanim ay pinangalanang Poinsetia, bilang parangal kay Embahador
Poinsett.

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON


Noong unang panahon ang Kabikulan ay pinamumunuan ni Raha Makusog na may
magandang anak si Daragang Magayon (Dalagang Maganda). Ang ganda ng dalaga ay
nakaakit
sa
maraming
manliligaw mula sa ibat ibang
lugar. Isa rito sa Pagtuga,
mayamang binatang ubod ng
sama.
Mula sa malayong
Katagalugan ay nabalitaan ni
Alapaap, makisig at mabait na
anak ng Lakan, ang ganda ni
Daragang Magayon. Nagtungo
siya sa Bikol at inabangan ang
dalaga sa ilog na nabalitaan
niyang pinaliliguan ng dalaga.
Anupat nabihag si Alapaap nang makita ang ganda ng dalaga. Sa kasamaang palad, nadulas ang
dalga at nahulog sa malalim na bahagi ng ilog. Dali-daling tumalon sa ilog si Alapaap at nailigtas
ang dalaga.
Doon nagsimula ang pagkikilala ng dalawa na nauwi sa pag-iibigan at sa balk na
pagpapakasal. Kayat umuwi si Alapaap upang sunduin ang kanyang mga magulang.
Sa galit ni Pagtuga, dinukot niya si Raha Makusog, at upang mailigtas ang ama, pumayag
na pakasal si Daragang Magayon sa kanya. Nang mabalitaan ito ni Alapaap ay agad siyang
bumalik sa Bikol dala kasama ang kanyang mga mandirigma at napatay niya si Pagtuga bago
natuloy ang kasal. Sa tindi ng labanan, kapwa rin namatay sina Alapaap at Daragang Magayon.
Ang tatlo ay inilibing sa bukid, kasama ng mga kayamanan ni Daragang Magayon.
Pagkalipas ng tatlong gabi, nayanig ang lupa ng lindol at gumuhit sa langit ang kidlat na
sinabayan ng malalakas na kulog. Ang kinalibingan ng tatlo ay tumaas nang tumaas hanggang
maging isang bundok na may magandang hugis at bunganga. Ito ay tinawag na bulkan at
pinaniwalang si Daragang Magayon. Ang maitim na usok na kung minsan ay lumalabas sa
Bulkan ay sinasabing si Pagtuga na may maitim na budhi.
Ang pagputok ng bulkan ay sanhi sag alit ni Daragang Magayon kay Pagtuga at ang
pagpayapa nito at paglabas ng maputing usok ay pagpapahiwatig na kapiling ng dalaga si
Alapaap.
Sa pagdaraan ng panahon ay tinawag na Mayon ang Bulkan at ang baying sakop nito ay
pinangalanang Daraga, bilang alaala kay Daragang Mayon.

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig

Upang bigyan ng katugunan ang mga tanong kung paano nagsimula at nahubog ang
daigdig, ibat ibang teorya ang ipinanukala ng mga siyentista. Alin kaya sa mga sumusunod na
teorya ang higit na kapani-paniwala? Tunghayan natin ang ibat ibang teorya ukol sa pinagmulan
ng daigdig at ang ibat ibang pananaw na binibigyang-diin sa mga ito. Ang mga panukala ng mga
bumuo ng mga teoryang tatalakayin ay bunga ng pananaliksik at malalim na pag-aaral at
ginamitan ng maraming ebidensya.

Teoryang Planetisimal
Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest
Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang
malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog
na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat
isa.
Ayon sa teoryang ito, nagsama-sama at nagdikit-dikit ang mga kumpol-kumpol at maliliit
na mga planetoid at naging mga planeta kasama na ang daigdig. Nagmula ang mga planetoid sa
mga natatanggal na mga tipak ng mga bagay-bagay sa sansinukob tulad ng mga bituin at kometa.
Dahil sa mabilis na paggalaw ng mga bagay-bagay na ito, natutuklap ang mga ibabaw na bahagi
ng mga nabanggit na mga bituin at kometa. Mabilis ding nagpaikut-ikot ang mga natutuklap na
bahagi sa kalawakan sanhi ng puwersang centrifugal at naging mga planeta pagkatapos ng
maraming panahon.
Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest
Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang
malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog
na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat
isa.

Teoryang Big Bang

Sinasabi ng teoryang ito na nanatiling tahimik sa loob ng bilyun-bilyong panahon ang


sansinukob. Subalit noong 10 hanggang 15 bilyong taon na ang nakaraan may malakas na
pagsabog na yumanig sa kabuuan nito galing sa maliit na molekyul. Ang mga tipak mula sa
pagsabog ay patuloy na binubuong muli nang paulit-ulit sa pamamagitan ng elementong
Hydrogen na siyang kailangan sa pagsasaayos ng mga nasirang bagay. Ayon sa isinusulong na
steady state theory, walang katapusan ang paulitulit na pagbubuo hanggang sa nabuo ang planeta
sa kalawakan.

May dalawang aspeto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang
malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isat isa kayat
patuloy ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa,
ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng sandaigdigan ay maaaring
tumigil sa paglayo sa isat isa at sa halip ay puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan.
Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa
isang malakas na pagsabog.

Teoryang Kondensasyon

Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa
pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda,
sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong
namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang
katapusan.

Teoryang Nebula/Nebular

Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa


pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay nagtataglay ng
gas. Sa simula, ito ay malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay naguumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak sa mga ito upang umikot.
Habang umiigting ang masa, itoy uminit ng uminit, hanggang sa itoy naging bolang araw na
naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil sa lakas ng centrifugal hanggang ang mga

ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na Nebular Hypothesis.


Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang siyentipiko na
Pranses noong 1796.

You might also like