Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano ang makikita sa lugar ng iyong mga pangarap?

Para sa gurong si Annie Lee


Masongsong, dito ay may bundok, mabato, at maraming rumaragasang ilog.
Habang ang iba kasiy nangangarap ng modernong pamumuhay, iniiwan ni Titser
Annie ang kanyang tahanan at pamilya para magturo sa mga katutubong Mangyan.

Dahil ang serbisyo ng gobyernoy kadalasan nasa bayan at siyudad, ang mga
katutubong Pilipino gaya ng Mangyan ay malayo sa mga programang edukasyon,
kalusugan, at iba pa. Kadalasan ang tingin sa kanilay walang pinag-aralan, o di
kaya, hindi sibilisado --- na para bang silay ibang uri ng tao mula sa ibang
panahon. Ngayoy unti-unting binabago ang pagtingin na ito ng mga kabataan at
nakatatandang Mangyan ng Sitio Labo sa Bansud, Oriental Mindoro. Si Dina
Mantaring, sa edad na 20 ay pinagsasabay ang pagpasok sa kinder at paghahakot
at pagbebenta ng saging. Mahirap man ang buhay sa bundok, wala ni isang magaaral sa sitio ang tumitigil sa pag-aaral, dahil na rin sa pagpupursige ng kanilang
guro. Hanggang saan sila dadalhin ng pangarap ni Titser Annie?

Mapapanood ang dokumentaryo ni Kara David, ang Titser Annie, ngayong Sabado
(November 7, 2015), pagkatapos ng Celebrity Bluff. Abangan ang sorpresang hatid
ng I-Witness! Para sa detalye, bisitahin ang official I-Witness Facebook Account:
IWitnessGMA. Para naman sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at IWitness, @IWitnessGMA.

- See more at:


http://www.gmanetwork.com/news/story/543469/publicaffairs/iwitness/titser-anniedokumentaryo-ni-kara-david-ngayong-sabado-sa-i-witness#sthash.S4QlSGYh.dpuf

You might also like