Zakat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pauline I.

Delgado

Ika- 17 ng Pebrero 2014

PH103- Y

Jovino G. Miroy, Ph.D.

Ikalawang Papel
Pagtupad ng Zakt bilang Pagsasaibayo
Maramin ang tumuturing sa Pilipinas bilang isang Katolikong bansa dahil sa malaking
bahagi ng populasyon na nagsasabing bahagi sila ng Simbahang Katoliko. Gayunpaman,
hindi maisasantabi ang mga naiambag at impluwensya ng pananampalatayang Islam sa ating
kultura at pamumuhay, sa kabila ng maliit na bilang ng mga Muslim sa Pilipinas. Hindi rin
maikakaila ang taglay na kariktan ng relihiyong ito kung saan ang mensahe ng kapayapaan ay
parating nasa gitna ng mga kaugalian at paniniwala.
Nauunawaan ang kapayapaan sa konteksto ng Islam bilang maayos at matiwasay na
pakikipag-ugnayan ng tao sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos. Naniniwala ang mga Muslim na sa
pamamagitan ng kaniyang propetang si Muhammad, ipinarating ang kanilang Diyos na si
Allah ang kaniyang mensahe ng kapayapaan na maaaring makamit sa pamamagitan ng
Tawhidang itinuturing na pinakamataas at ulirang mithiin ng bawat mananampalataya.
Naiintindihan ang Tawhid bilang doktrina ng pakikipag-isa kay Allah. Kaya naman para sa
mga Muslim, makakamit nila ang kalagayang ito sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa mga
kagustuhan at kalooban ni Allah. Dahil dito, karaniwang sinasambit ng mga Muslim ang
inshaAllah, nangangahulugang sa kalooban ni Allah o para sa mga pangkaraniwang
Filipino, katumbas marahil ng sa awa ng Diyos, upang ipahayag na may ninanais silang
mangyari at ipinapanalangin nilang ito ay kaparis ng kalooban ni Allah upang mangyari nga
ito.
Upang gabayan ang mga Muslim kung paano nila makakamit ang Tawhid at kung
paano sila makatitiyak na ang kanilang mga kilos, isinasaisip, at mga hangarin ay alinsunod
sa kalooban ni Allah, mayroong itinuturing na Five Pillars o Limang Haligi ang Islam. Ang
mga haliging ito ang nagsasabi kung ano ang mga nararapat gawin ng mga mananampalataya.
Una sa lima ay ang shahda o ang pagpapahayag na walang ibang diyos kung hindi si Allah,
at si Muhammad ang kaniyang mensahero. Ikalawa naman ang salt, o ang pagdadasal ng
limang beses sa isang maghapon. Ikatlo, sawm o pag-aayuno mula pagsikat ng araw
hanggang takipsilim pagsapit ng Ramadan. Ika-apat, ang zakt o pagbibigay ng abuloy o

limos sa mga nangangailangan. At huli, ang hajj, o ang paglalakbay sa banal na lugar ng
Mecca na nararapat gawin ng bawat Muslim kahit isang beses sa kanilang buong buhay.1
Madaling makita kung paano napalalago ng mga haliging ito ang buhay
pananampalataya ng mga Muslim na sumusunod dito. Ngunit, kakaiba ang ika-apat na haligi
tungkol sa pagbibigay ng limos dahil masasabing nakahihigit ang epekto nito sa
pakikipagkapwa kaysa sa epekto nito sa pagpapatibay ng ugnayan sa sarili at sa Diyos 2. Sa
unang tingin, tila kapwa tao lamang ang natutulungan ng zakt habang wala itong naiaambag
upang mapalago ng indibiduwal ang kaniyang sarili, tulungan siyang mapalapit kay Allah, at
sa pilosopikong usapan, higitan ang kaniyang sarili at maging bermensch. Kung gayon,
maaaring

pagnilayan

kung

paanong

nakatutulong

ang

zakt

na

matamo

ng

mananampalatayang Muslim ang pagsasaibayo.


Sa pamamagitan ng pagmumuning gagawin, nilalayon ng pananaliksik na ito na hindi
lamang maintindihan kung ano ang nag-uudyok sa mga Muslim na mamuhay ayon sa mga
haligi ng kanilang relihiyon, kundi maipakita rin kung paanong ang pagyaman sa
pananampalataya nagbibigay ng pagkakataon sa mga naisantabi na makibahagi sa pag-unlad
ng lipunan. Mahalaga ito sa mga bansang tulad ng Pilipinas kung saan tinuturing na minorya
ang mga Muslim dahil kinakailangan din nilang maramdaman na kabahagi, may kakayahan,
at may pananagutan sila sa mga usapin ng kaunlaran ng buong lipunan. Sa ganitong paraan,
maaari ring makita ang halaga ng pagkakaroon ng pantayong abot-tanaw na matatamo lang
kung yumayaman ang maraming paraan ng pag-iisip at paniniwala.
Mga Banal na Kasulatan bilang Saligan ng Zakt
Itinuturing na paraan ang zakt upang makamit ng isang Muslim ang pakikipag-isangkalooban kay Allah. Maraming beses nabanggit ang zakt sa Quran, ang banal na aklat at
saligan ng pananalig ng Islam. Isa sa mga pinakamaliwanag na sura o berso ng Quran na
nagpapakitang utos ni Allah ang paggawa ng zakt ay ang sura 7 ayat 156. Sinasabi rito na
ang mga nananampalataya kay Allah at natatakot sa Kanyang kaparusahan, ay dapat isagawa
ang mga kautusan (o ang limang haligi) at iniiwasan ang mga kasalanan. Kapansin-pansin sa
pahayag na ito na bagaman may tono ng pagiging makapangyarihan, ipinapakita rin dito ang
katangian ni Allah bilang al-Adi at al-Rahim, isang patas at maawaing Diyos para sa mga
nananalig sa Kaniya.
1 Wael B. Hallaq, The Formative Period, in Sahra: Theory, Practice, and Transformations (New York, NY:
Cambridge University Press, 2009), 27-71.
2 Amy Singer, introduction to Charity in Islamic Societies, by Amy Singer (New York, NY: Cambridge
University Press, 2008), 24.

Sumasang-ayon din ang sura 2 ayat 261 at ipinapakita si Allah bilang al-Karim, isang
makatarungan at mapagbigay na Diyos. Binibigyan ng bersong ito ang mga Muslim ng
katiyakang ang kanilang Diyos ay gagantimpalaan ang kanilang paggastos sa Kaniyang
Daan o paglalaan ng pera para sa gawain ng Umma, o lipunan ng mga Muslim.3
At ang kabilang sa pinakamalaking kapakinabangan ng mga sumasampalataya sa
Allh ay ang paggasta sa Kanyang Daan. At ang katulad ng mga
mananampalataya na ginagasta ang kanilang yaman sa Daan ng Allh ay
katulad ng isang butil na itinanim sa matabang kalupaan, pagkatapos sumibol ng
tangkay ay nagkaroon ng pitong sanga at ang bawat sanga ay nagbunga ng
isang daang butil.
Ang Allh, pinararami Niya ang Kanyang gantimpala sa sinumang Kanyang nais
ayon sa paniniwala ng gumagasta at sa kalinisan ng kanyang kalooban. At sapat
na ang Allh bilang Tagapagkaloob sa mga pangangailangan ng Kanyang mga
nilikha at Siya ay Wsee` Sapat at Ganap na Tagapagtustos sa lahat ng
pangangailangan ng Kanyang mga nilikha na Ganap at Napakalawak ang
Kanyang awa at kagandahang-loob na ipinagkakaloob Niya sa sinumang may
karapatan nito, na `Aleem Ganap na Nakaaalam sa mga layunin ng Kanyang
mga alipin.
Dagdag pa rito, pinapakita ng Sura 2 ayat 43 na magkasinghalaga lang ang
pananalangin limang beses sa isang araw at ang pagbibigay-limos dahil pareho lamang
nitong hinahayaang maka-ugnay ng tao ang kalooban ni Allah sa pamamagitan ng
paggawa ng Kaniyang kilos, ang pagtulong sa mga nangangailangan. Kung gayon,
inaasahan ang mga Muslim na nakaluluwag sa buhay na magbigay sa mga higit
nangangailangan. Mahalagang banggitin na tanging ang mga kakayahan lamang
tumulong ang inaasahan gumawa ng zakt. Dahil dito, ang mga mahihirap at walang
hanapbuhay gaya ng mga bata, matatanda, may kapansanan, at mga alipin ay hindi
pinipilit magbigay.4
Maaaring pamilyar ang mga Kristyano sa konsepto ng zakt dahil katumbas nito
sa ating relihiyon ang pagbibigay ng ikapu. Ngunit hindi gaya ng ikapung katumbas ng
sampung porsyento ng kinikita ng mga Kristyano, walang sinasabi sa Quran kung
3 Amy Singer, Pray and Pay Alms, in Charity in Islamic Societies, by Amy Singer (New York, NY:
Cambridge University Press, 2008), 36.
4 Mohammed Ariff, introduction to The Islamic Voluntary Sector in Southeast Asia, ed. Mohammed Ariff (Pasir
Panjang, Singapore: Institute of Southeast Asian Studies, 1991) 3.

anong bahagi ng kita ang dapat ilaan sa zakt. Gayunpaman, ginagamit ang sura 2 ayat
219 bilang gabay sa naaayong paglalaan ng gastusin at donasyon ng mga Muslim.
Sinasabi rito,
At tinatanong ka nila, kung gaano kalaki ang halagang maaari nilang gugulin sa
kanilang mga kayamanan bilang kusang pagsasagawa ng kawanggawa. Sabihin
mo sa kanila: Gugulin ninyo ang halagang lumabis sa inyong pangangailangan. Sa pamamagitan ng Kanyang mga talata, ginawang malinaw ng
Allh sa inyo ang Kanyang mga batas,
Nasasaad dito na kung may sapat na pera ang mga mananampalataya upang igugol sa
mga luho at makasalanang bagay gaya ng paglalasing at pagsusugal, walang dudang
higit nararapat na ibigay na lang ang perang iyon sa lipunan sa pamamagitan ng pagaabuloy. Muli, makikita rito ang pagkamahabagin at pagkamaawain ni Allah na mas
nanaisin ang Kaniyang mga tagasunod na tulungan ang kapwa kaysa magpakasasa sa
makasalanang bisyo.
Pagmumuni ukol sa Zakt at Pagsaibayo
Bagaman nauunawaan ang humanismo ng relihiyon bilang pagluluklok sa tao sa isang
mataas sa pedestal bilang kaniyang sariling diyos, hindi ito nangangahulugan na hindi na
kailanman magkakatugma ang mga paniniwala ng humanismo at ng isang theistikong
relihiyon gaya ng Islam. Sa katunayan, mahalagang bigyang-pansin na ang pinakamataas na
layunin ng mga Muslim ay makaisa ang kalooban ni Allah sa pamamagitan ng pagsunod sa
limang haligi ng Islam. Dalawang bagay ang kailangan tignan dito. Una, totoo na mayroong
Diyos ang mga Muslim at nakikita nila si Allah bilang isang napakataas personang
nagtataglay ng perpeksyon o kaganapan ng lahat ng magagandang katangian. Sa mga surang
nabanggit para ipaliwanag ang zakt, namumutawi rin ang pagtawag kay Allah bilang
mahabagin, mapagbigay, makatarungan, at iba pa. kung gayon, maaaring sabihin na sa
pamamagitan ng pagkakaintindi ng mga Muslim kay Allah bilang kaganapan ng
magagandang katangian, may nagaganap na projection ng mga katangiang gustong
makamtan ng tao.
Ngunit ikalawa, mahalaga ring pansining naniniwala ang mga Muslim na may
kakayahan silang makaisa ng kalooban si Allah. Hindi lamang ito nangangahulugan na
magkakaroon sila ng karunungan kung ano ba ang mga dapat nilang ikilos. Higit na
mahalaga, nangangahulugan ito na posible sa kanilang relihiyon na maging katulad ni Allah
at ang mga tao ay maaari rin magtaglay ng magagandang katangian ni Allah sa pamamagitan

ng pagsunod sa limang haligi ng Islam. Nilalabag ng Islam ang humanismo ni Nietzsche sa


dahil naniniwala ang mga Muslim na kaya pa nilang higitan ang kanilang sarili habang hindi
pagiging tao ang kanilang telos. Salungat sa pinaniniwalaan ni Nietzsche na nagiging diyos
ng tao ang sarili kapag lang napatay nito ang Diyos, ipinapakita ng Islam na maaari namang
sumaibayo ang isang tao, maaari niyang higitan ang sarili at magtaglay ng mas maiiging
katangian kahit patuloy siyang nananampalataya sa isang Diyos, kahit na hindi niya patayin
ang Diyos na pinaniniwalaan niya. Kung gayon, sa pamamagitan ng zakt, nagagawa ng
isang Muslim na magpasaibayo at higitan ang sarili hindi dahil nagiging bermensch siya
hindi dahil higit na nagiging tao ang taokung hindi dahil nagagawa niyang maging kasing
mahabagin, mapagmahal, mapagbigay, at makatarungan ni Allah. Hindi nagiging Diyos ang
tao, sa literal man o makatang pagkakaunawa. Nakahihigit siya sa isang tao ngunit hindi siya
nagiging higit lalong tao.

You might also like